Chapter CHAPTER 1
Skyler's Pov
Di ko talaga maitatanggi na napakalawak ng nasasakupan ng kaharian ng Monte Verde, mula rito sa tuktok ng palasyo ay makikita mo ang buong kaharian at ang iba't ibang klase ng tao.
Nariyan ang mga mahihirap na pamilya kung saan makikita mo na talagang nagsusumikap at naghihirap sila sa kanilang mga trabaho upang may pangkain sila sa araw-araw Mayroon ding mga taong nasa gitna lamang ang level ng antas ng kanilang pamumuhay, hindi sila mayayaman ngunit hindi rin sila mahihirap at masasabi ko na mas maswerte sila kesa doon sa mga mahihirap na naninirahan dito sa kaharian. At ang mga taong pinakamayaman at may kapangyarihan dito sa kaharian ay ang Hari, Reyna at ang Prinsipe.
Ang ganda talaga ng tanawin dito sa tuktok ng palasyo kaya naman ay madalas akong nagpupunta rito lalo na kapag ako ay malungkot o nangungulila sa mga namatay kong magulang na isa ring reyna at hari.
Oo, ako ay anak ni Haring Claudio Dela Rio at Reyna Aurora Dela Rio na nagmamay-ari ng kaharian ng Dela Rio na isa rin sa pinakamayayaman na kaharian noon ngunit simula nung namatay ang aking ina at ama ay nagbago na ang takbo ng lahat.
Nalugmok ang aming kaharian kaya ako ay napilitang umalis doon at ako ay kinupkop dito sa kaharian kung nasaan ako ngayon, ang kaharian ng Monte Verde.
"Narito ka lang pala❞ boses mula sa aking likuran na nagpabalik sa aking ulirat.
"Prince Alex ikaw pala" magalang kong sambit habang nakayuko sa harapan niya.
"Ano ka ba sky sabi ko naman sayo na Alex na lang ang itawag mo sa akin kapag walang tao sa paligid" sagot nito sa akin sabay angat ng ulo ko na siyang dahilan upang makita ko ang mukha nito na siyang nagpapabilis nang tibok ng puso ko.
"Pe-pero mahal na prinsi-" hindi ko natuloy ang aking sasabihin ng ilapat nito ang kaniyang hintuturo sa aking labi
"I said don't call me prince kapag walang tao sa paligid or else i will kiss you! Naiintindihan mo ba sky?" may diin at seryoso nitong sabi na nagpatayo ng mga balahibo ko sa katawan.
"O-o prinsi- este Alex, naiintindihan ko❞ utal kong sagot dito.
Naglakad siya papunta sa tabi ko sabay tingin sa magandang tanawin na makikita mula rito sa tuktok ng palasyo
"Good, ano palang ginagawa mo rito?" tanong nito habang nakatitig pa rin sa magandang tanawin at ako naman ay sinasamantala ang oras para matitigang mabuti ang napakagwapo niyang mukha.
"ah-eh gusto ko lang naman magpahangin saglit prinsi- este alex" hindi ko alam kung bakit ako ganito kapag kaharap ko siya siguro dahil ito sa nararamdaman ko para sa kaniya.
"Is that the only reason o baka naman may kinikita ka ditong ibang lalaki nang hindi ko alam?" tanong nito habang nakatingin sa akin ng seryoso at tila ba hinihintay ang magiging sagot ko.
Hindi ko maintindihan sa lalaking to kung bakit ayaw niya akong palapitin sa kahit sinong tao rito sa palasyo lalo na kung lalaki ito kaya ayun mag-isa lang ako lagi pero hindi naman niya ipinaramdam sa akin na nag-iisa ako dahil lagi ko siyang kasama sa lahat ng oras.
"Are you listening to me Sky?" tanong ni alex na nagpatigil sa aking pag-iisip.
"So-sorry Alex ano bang sinasabi mo?" paghingi ko ng paumanhin dito.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Ang sabi ko baka may kinikita ka ditong ibang lalaki kaya napapadalas ang pag punta mo rito?" di ko alam pero biglang nag-init ang ulo ko dahil sa sinabi niya.
"Wala akong kinikita ditong ibang lalaki Alex at isa pa ano naman sayo kung meron nga?" bigla naman nagbago ang itsura nito at binigyan ako ng matatalim na tingin mukhang mali ata ako ng nasabi ha. "F*ck!" nagulat ako ng bigla itong nagmura at mahigpit na hinawakan ang braso ko
"Sa oras na malaman ko na may kinikita kang ibang lalaki dito ay hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kaniya baka mapatay ko siya Sky!" matigas na sabi nito habang madiing nakahawak sa aking braso. "A-alex nasasaktan ako" pag-inda ko at bigla naman umamo ang kaniyang mukha ng makita niyang nasasaktan talaga ako
"Pa-patawad sky hindi ko sinasadya!" paghingi nito ng tawad sabay yakap sa akin.
Parang nakaramdam naman ako ng libo libong boltahe ng kuryente sa ginawa niyang pagyakap sa akin. Hindi ko ba alam sa sarili ko na kahit napaka strikto nitong lalaking to sa akin ay mas lalo ko pa siyang minamahal. "Ok na ako Alex" sabi ko at kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin.
"Gusto ko lang Sky na lagi kang nasa tabi ko❞ mahinahong sambit nito sa akin.
"Pe-pero bakit Alex ano ba tayo?" hindi ko mapigilang tanong sa kaniya dahil sa mga pinapakita nito sa akin.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Ano bang klaseng tanong yan Sky? Siyempre matalik tayong magkaibigan kaya gusto kong nasa tabi lang kita para maprotektahan kita kapag may nang-away sayo" parang sinaksak naman ang puso ko dahil sa mga narinig ko Pero bakit iba ang nakikita ko sa mga mata niya? Parang nalulungkot siya na nalilito dahil ba ito sa mga sinabi niya? Hays siguro may problema lang to at isa pa bakit naman siya malulungkot sa sinabi niya eh totoo naman magkaibigan lang kami ako lang talaga tong si tanga na nahulog sa kaniya.
Kaibigan nga lang naman ako para sa kaniya at isa pa straight siya malabong magkagusto siya sa isang tulad ko.
"Si-sige Alex mabuti pa ay bumaba na tayo para makapaghanda na tayo diba sabi mo sasamahan pa kita sa mall?" pag-iiba ko ng usapan at pilit na ngumiti para itago sa kaniya ang lungkot na nararamdaman ko.
"Okay let's go then" sambit nito at nauna nang maglakad pababa.
Magpapakilala muna pala ako guys ako nga pala si Skyler Dela Rio ang slave ni prince Alexander Monte Verde.
19 yrs. Old na pala ako at mas matanda sa akin si prince Alex ng isang taon dahil 20 yrs. Old na siya
Simpleng tao lang ako na nagkakagusto sa kaibigan/prinsipe ng kaharian ng Monte Verde, maputi ang aking balat, matangos ang aking ilong, mayroon din akong kulay berdeng mga mata na namana ko sa aking ina ngunit di kalakihan ang aking katawan pero di mo rin ito matatawag na payat para bang sakto lang ito at bumagay naman sa akin.
Bakla ako at alam ito ng lahat sa palasyo maging ang hari at reyna pati na rin si prince Alex at masaya ako dahil tinanggap nila ako kahit ano pa ako.
Mas matangkad pala sa akin si prince Alex pero kaunti lamang ang lamang nito, lamang lang ako sa kaniya sa kaputian dahil kayumanggi ang kaniyang kulay pero bagay na bagay naman iyon sa kaniya.
"Tutunganga ka na lang ba jan?" tanong ni prince Alex sa akin na nagpabalik sa ulirat ko
"Sabi ko nga tara na" wika ko at sabay naming tinahak ang daan pababa.