Chapter 13 Warfreak
"You are doing great, Ms. Trinidad. " sabi nang choreo sa akin pag katapos kung umikot. Huling araw na nang praktis ngaun at sa susunod na araw na ang contest kaya makahinga ako nang maluwag. Maluwag nga ba? Sa huling dalawang linggo naman kase ay nakasanayan ko na ang pagsusuot nang heels kaya ok na ko.
"Ikaw naman, Mr. Silverio okay ka naman eh. PERO ARAW ARAW KO NALANG NAPAPANSIN ANG PANINITIG MO KAY MS. TRINIDAD! FOCUS! JUSMIO, ANG GWAPO MO PERO SI MS. TRINIDAD ANG INAATUPAG MO!" Napasinghap kaming lahat dahil sa sigaw nang choreo. Agad akong napayuko. Hindi ko alam kung napihaya ako or ano pero damang dama ko ang kaba sa dibdib ko. Pag baling ko kay Glen nahuli ko na nakatitig siya sa akin. Agad nag igting ang kanyang panga. Marahas siyang tumayo kaya lahat kami ay natahimik.
Lumapit siya sa choreo at agarang sinuntok ito sa mukha. Dion na ako napatayo, nagkagulo na dahil panay ang talak nang choreo at ako naman ay marahas na hinawi si Glen at hinila palabas nang auditorium. Pero ang tigas niya, ni hindi ko siya magawang mahila.
"Sa susunod pipiliin mo ang sasabihin mo. Wag mo lang babastusin si Julia. And one thing, kaya lang ako nandito dahil sa kanya. Kaya umayos ka or else, mawawalan ka nang trabaho."
Hindi na nakapagsalita ang choreo namen bakla. Hawak hawak niya ang panga ako naman ay walang makapang salita kaya agaran kong hinila si Glen. Mabuti naman at sumunod siya. "Ikaw talaga may kasalanan nito Julia!" pahabol ni Kristele pero hindi ko na pinasin. Babalik pa sana si Glen pero pinigilan ko na.
"Ano bang problema mo?" mahinahon ngunit may diing sabi ko. Tinignan niya ang kamay ko na nakahawak pa din pala sa palapulsuhan niya. Agad akong napabitiw at ramdam ko na pinamulahan ako nang mukha.
"Wala akong problema, Julia. Sila ang may problema." Sagot niya at nagdiretso nang lakad. Kita ko pa ang pamumula nang kamay niya at ang galit sa mukha niya. Pasalamat na din at lalake pa din ang choreo na yun. Dahil kung hindi ay wasak na ang mukha niya. Patola pa naman itong badboy-warfreak na lalake na ito. Medyo nagiguilty ako hindi ko alam kung baket pero ganun ang nararamdaman ko.
Mabilis ang lakad niya habang ako naman ay nakasunod sa kanya. Binilisan ko din ang lakad ko. Medyo napahinto pa nga ako dahil may nakabungo si Glen na grupo nang mga kalalakihan. I saw how their faces turns into pale. Kaya agaran akong lumapit kay Glen. Ewan ko ba bakit kinakabahan ako. Napaka warfreak naman kasi nito pag mainit ang ulo. Hinila ko siya paupo sa mga bench sa field.
Walang salita ang nangyari sa amin. Seryoso pa din ang mukha niya. Kumuha ako nang panyo at alcohol sa bag ko. Inaangat ko ang kamay niya na namumula at marahan dinampian. Ramdam ko ang pagkagulat at paninigas niya. Tumingin ako sa kanya at nakita ko kung paano pumungay ang mata niya habang nakaktitig sa akin.
Nagkatitigan kami. Yung mata niya. I saw pain in his eyes na hindi ko mapaliwanag. Naestatwa ako lalo nang bahagya siyang gumalaw palapit sa akin. Teka? hahalikan niya ba ako? Hindi pa din ako makagalaw dahil hawak ko pa din ang kamay niya. Palapit nang palapit. Hanggang. Nagring yung cp ko. Syempre ginamet ko na yung bigay ni Glen. Bukod sa sayang eh pinagbantaan niya akong itatapon niya yun lahat. Tsaka chuvaness na sinasabi para matahimik siya tinaggap ko nalang. "Damn that call." Sabi ni Glen at mabilis kaming umayos nang upo.
"Hello?"
"Julia!!" Masayang sabi ni Athena. Naging kaibigan ko si Athena. Parang siya ang pumalit sa pwesto ni Trixie. But Trixie is different she will always be my number one. "Oh Athena baket ka napatawag?" Sagot ko.
"Julia is Aviel with you?" Agad napakunot ang noo ko. Pero walang kaba dahil kalmado lang siya. Napatingin ako kay Glen na nahuli kong nakatingin sa akin kaya nag-iwas ako agad. Damn that eyes. Errr! "Yes why?" Sagot ko.
"Good punta kayo sa shop now Lighthaus daw tayo nila Dom bye.." hindi na ako nakapagsalita dahil binaba na niya ang call. My goodness!
Sinabi ko kay Glen ang sabi ni Athena.
"Its fine lets go."walang sabi siyang tumayo at hinila ako. Hindi niya dinala ang sasakyan niya. Naglakad kami dahil gabi na din naman at malapit lang ang shop.
Pumasok kami sa shop. Walang tao dahil sarado na din naman ito. Agad lumapit si Glen kay Dom. Ako naman ay hinila ni Athena.
"Athena hindi ako pwede."
Kumurap kurap si Athena sabay irap.
"Baket naman?" Sagot niya habang naglalagay nang make up. Nandito kase kami sa kwarto ni sir Dom.
"Look at me nakakahiya pakiramdam ko hindi ako bagay sa mundo niyo." Nagulat ako nang marahas na tumayo si Athena at pinitik ako sa noo. Napahimas lang ako. "You are being dramatic Julia. Hindi ka ganyan. Tara nga."
Bigla niya akong hinila at kinuha ang isa sa paper bag na nandito. Hindi kona kase ito inuwi samen at alam kong uuriratin lang ako ni Kimmy.
"Suot mo" excited na sabi niya. Ako naman ay nag dadalawang isip. Kaya ko bang isuot ito?
Agaran akong pumasok sa cr sa kwarto ni sir Dom. Inilabas ko ang isang black na dress simple, above the knee ang haba nito, Sleveless siya at butas ang likod. Seriously? makakaya ko ba isuot ito? pero ang totoo ang ganda nito. Naghubad ako nang pants at shirt na suot ko. Napatingin ako sa salamin. Mabuti nalang at kahit poorita ako ay namana ko ang kutis nang tatay ko. Dahan dahan kong isinuot ang damit. Buong buhay ko ngaun lang ako makakapagsuot nang ganitong kagandang damit. Nang nakasuot na ito sa akin ay agad akong napakurap sa harap nang salamin. Ako ba ito? tamang tama ang sukat nang damit at bumagay sa hubog nang katawan ko.
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ne5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
"Ok lang ba?"hindi ko maiwasan mapayuko paglabas ko nang cr. Nakita ko kung paano napangiti si Athena.
"What the eff! your curves Julia! ang sexy mo pala." Manghang sabi ni Athena sa akin. Alam kong nagiinit ang aking pisngi sa pamumuri niya.
"Halika dito." Pinaupo niya ako sa swivel chair ni sir Dom. Kinuha niya ang mga make up sa paper bag na bigay sa akin ni Glen.
"Teka lang Athena kailangan ba niyan?" Kabadong tanong ko. Hindi naman kase ako naglalagay nang make up.
Umiling lang siya at itinuloy pa din ang pag memake up sa akin. Bahagya niyang inahitan ang makapal kong kilay. Nilagyan niya ako nang pink na eyeshadow. Manipis na blush on at kulay rosas na lipstick. Nilagyan niya ako nang hikaw at pinasuot ang isa sa mga heels na bigay ni Glen.
"OMG Julia! Para kang dyosa!"pumapalakpak na sabi ni Athena.
Hindi ako kumportable seryoso! pero tama si Athena! ako mismo hindi ko nakilala ang sarili ko. Paglabas namen sa silid ni sir Dom. Nakita namen sila sa gili nang shop at nagtatawanan. Napatitig ako sa perpektong panga ni Glen na gumagalaw habang tumatawa.
"Dom!"duon ako natauhan nang tinawag ni Athena si Dom. Napatingin siya sa akin. Kitang kita ko ang gulat sa mukha niya.
"Wow! Julia! you made me speechless."sabi ni Dom at duon na bumaling sa akin si Glen. Tinignan ko siya upang makita ang reaksyon niya. Nung unang ay halata ang gulat sa mata niya.
"Lets go"sabi ni Glen nakita ko kung paano tumaas ang sulok nang kanyang labi. Nakakainis! sab ko sa isip ko. Wala manlang ba siyang sasabihin? at baket ba nag expect ako?
Sabay sabay kaming sumakay sa sasakyan ni Dom. Magkatabi sila ni Athena at kami naman ni Glen sa likod. Kinakabahan talga ako. Gusto ko sana tanungin kung ayus ang itsura ko dahil hindi ako kumpotable pero para saan pa? Mabilis kaming nakarating sa Lighthaus. Mag aalas onse na nang gabi kaya madami nang tao. Panay pa din ang hila ko sa laylayan nang suot ko.
"Anu kaba Julia! hila ka nang hila baka matuluyan na yan damit mo bumaba."natatawang sabi ni Athena.
Papasok kami sa luob nang Lighthaus nang maramdaman ko ang kamay ni Glen na humawak sa kamay ko. Agad akong napatingin sa kanya pero siya ay nakangiti nakikipagbatian sa nakaksalubog namen. Yung iba nga nakatingin sa akin mapababae o lalake. Kitang kita ko kung paano umigting ang panga ni Glen sa mga nakakasalubong namen. Hawak pa din niya ang kamay ko hanggang makarating kami sa couch na nakuha nila Athena.
Party hard ang nangyari. Unti-unti umiinom na ako. Nakakasabay na ako sa kanila. Si Glen na katabi ko ay panay ang titig sa akin kaya naiilang ako.
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
"Lets dance Julia!"sigaw ni Athena. Tatayo na sana ako pero naramdaman ko na tuluyan bumaba ang kamay ni Glen sa balikat ko. Ano ba? naestatwa yata ako. Gusto ko ngang sumama kay Athena kahit di ako sumasayaw para makalayo sa kanya.
"Oh cmon' Aviel don't be so protective. Sige ka baka masakal si Julia."natatawang sabi ni Athena.
Tuluyan na akong tumayo! malakas na ang musika sa bar at madami na ang taong nagsasayaw. Eto ba ang epekto nang alak? parang kumapal ang mukha ko. Nakisabay lang ako sa indak nang musika! ang sarap pala nang pakiramdam. Maya-maya may lumapit sa akin na lalake. Napasinghap ako nang hawakan niya bigla ang beywang ko. Oh no! nawala si Athena sa paningin ko. Marahas kong kinakabig ang lalake pero hindi pa din niya inaalis ang kamay niya. "Ano ba?!!"Medyo napalakas yata ang sigaw ko kaya natigil ang mga katabi kong nagsasayaw. Bumitiw ang lalake.
"Ang arte mo n--" bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay agad siyang bumagsak sa sahig.
"No one ever tries to touch my girl gago ka!!"sigaw nang sigaw si Glen habang pinagsusuntok yung lalake. Hindi ako makahinga sa nangyayari. Gulat na gulat ako. Tumigil lang si Glen nang awatin na din siya ni Dom. Hinila naman ako ni Athena palabas.
Nasa gilid kame habang si Dim ay kausap si Glen sa gilid nakatingin lang ako sa kanya. May naiean pang dugo sa kamao niya. Hindi ko mapigilan mapailing.
"Julia ikaw muna kay Glen. Kakausapin ko lang ang may ari."sabi Dom.
Lumapit ako kay Glen pero hindi siya makatingin sa akin. Tumabi ako sa kanya at naglabas nang isang buntong hininga.
"Thank you ah.."mahinang sabi ko.
"Tss" sagot niya kaya parang nainis ako.
"Ang warfreak mo talaga noh?"sarkastikong sabi ko kaya napabaling siya sa akin.
"Yes! when it comes to you Julia! nagiging warfreak ako! And by the way."tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "I'd love you better with your jeans! baka makulong ako pag ganyan ka manamit." Nagsimula siyang maglakad. Ako naman ay naiwan nakatulala.