The Mysterious Slave

Chapter CHAPTER 33: Sorry



CHLOE

"dahil gusto kong magising ka at tumayo ka ng hindi nakaasa saakin---"

"chloe! Hindi mo ba narinig ung sinabi ko? Ikaw ang mundo ko, ibig sabihin sayo lang umiikot ang buhay ko at ng pag talikod mo ibig lang sabihin non wasak na ako, wasak na at wala ng natira ssaakin. Sana doon sinuportahan mo ako kung totoo talaga yang nararamdaman mo!"

"sana hindi mo ako hinayaan na maging ganun chloe!!!" tumulo ang luha ko, napa kagat ako ng labi.

" sorry---"

"wag kang mag sorry dahil wala kang ginawAng masama, ako aang dapat mag sorry dahil nasaktan kita at naulit pa nga. Sorry, sorry chloe" tumalikod na siya at iniwan na ako, tumulo na lang ng tumulo ang luha ko "bumalik ako zayn, nong araw ng flight ko doon ko din iniligtas si belle. Doon ako natauhan kaya ng maka lapag kami ay nag pa book uli ako ng flight pEro dahil nga may kasama na ako ay natagalan pa dahil kailangan kong asikasuhin ang papel niya"

66

nang maasikaso ko ang papel ni belle ay hindi ako nag dalawang isip na bumalik sa pinas pero habang pabalik kami ay may nangyari, nag crash ang plain na sinasakyan namin at ilang taon din akong nawalan ng alaala"

zayn nagsisisi ako bakit kita iniwan ng ganun na lang, pero bumalik ako. Bumalik ako at hindi nag bago ang nararadaman ko kaya kahit nong nawalan man ako ng alaala ay nakaramdam ako ng kakaiba ng makita" napa upo ako at humagulhol, para akong tangang mag isang nag sasalita dito. Ung kausap ko tuluyan ng nakaalis kanina pa.

"sana pinakinggan mo ako zayn" iyak kong sabi.

Nanatili ako doon sa room na iyon, naka damit na din ako at ginalaw na din ung inumin nila. May kumatok at bumukas, si freed.

"

pasensya na kung wala akong mmagawa" umiling ako, umupo siya at kumuha ng baso niya saka nag salin ng alak.

"madami ka ng nagawa saakin, pasensya na kung nadadamay ka pa nga" sagot ko

"ano ka ba, simula pa lang damay na ako. Simula pa lang ng nagkakilala tayo" napa ngiti ako, tama nga naman siya.

"ano na balak mo?" tanong niya.

"tuloy ang buhay, kalimutan na ang dapat kalimutan" tinignan niya ako ng malungkot

"wala na eeh, bumalik ako pero huli na. siguro ito na talaga, mukhang hanggang dito na lang kami freed" biglang may kung anong bumara sa lalamunan ko at nangilid pa ang luha ko.

"chloe" ngumiti ako ng mapait.

"okay lang, okay ako. Matatanggap ko din ito, hindi ako dapat maging ganito dahil ito naman ang gusto ko nga naman noon pa" itinuggan ko ung alak saka nilagyan uli.

"cherrs para sa future" naki pag cheers siya.

Dalawang buwan na simula nong nagkausap kami ni zayn, simula din non ay hindi na kami nagkita at ung kay belle naman ay kinuha siya ng tunay na magulang niya, hindi ko alam na kinidnap pala ung bata nong baby pa lang siya at kung hindi ko pa isinali si belle sa pagent ay hindi pa siya makikita ng tunay na magulang niya.

Nag pa DNA sila at ako na mismo ang nag asikaso para malinis at totoo nga, mahirap man saakin pero kailangan kong pakawalan si belle. Kinuha na siya sa ibang bansa nong nakaraang linggo lang, mabuti na lang at mabait at naiintindihan ni belle ang lahat.

Kita ko naman sa magulang niya na mababait sila at mahal na mahal si belle, tumayo na ako ng bigla akong nahilo. Hindi ako masyadong nakakatulog nitong nakaraan kaya umatake nanaman ang anemic ko.

66 ano yan mama?" lumapit ako parang ayaw ko ung niluluto niya, sinigang lang naman ung niluluto ni mama

"bakit?" tanong ni mama

"wala po, nabahuan lang ako sa sinigang" tumalikod ako at umupo.

Kumuha ako ng saging para kainin pero tinitigan ko muna ung saging kasi ang puti at gustong gusto ko ung kaputian ng saging.

" para kang baliw diyan na naka ngiti sa saging" sita ni mama.

"mama ang puti kasi ng saging, ayoko siyang kainin. Gutso ko lala titigan dahil sa kaputian niya" sabi.

"chloe"

"mmm?" sagot ko habang naka titig sa saging,

"hindi naman sa ano ha pero kailan ka pa dinatnan" napa isip ako,, teka kailan nga ba ako dinatdan?? Napa tingin ako kay mama.

"saabihin mo matino bang lalaki ang huling umano sayo? Chloe ano??" tarantang tanong ni mama, napa isip uli ako ng biglang nanlaki ang mata ko.

"si-si-si zayn" sagot ko, tumayo ako agad ng bigla akong nahilo mabuti na lang ay nahawakan ako ni mama.

umupo ka muna na, relax lang muna. hinga ng malalim, kumain ka muna at samahan kita sa OB" tumango ako at pinaupo ako, kinunahanan ako ng tubig at napapaisip parin ako.

Si zayn lang naman ang nakaano saakin, npapikit ako. Kung kailan tahimik na ay magugulo uli, kung buntis nga ako? Sasabihin ko ba?? Tatanggapin niya kaya? Paano ang magiging sitwasyon namin? "chloe, andito kami" tinignan ko si mama.

" andito lang kami kahit anong mangyari, sabi nga nila may nawala man ay may darating. Kaya natin to❞ ngumiti si mama, ngumiti ako ng tipid.

Sinamahan na nga ako ni mama at tama ang hinala ko na mag dadalawang buwan na akong buntis, ngayon iniisip ko kung paano ko sasabihin ito kay zayn. Pinauna ko muna si mama daahil makiki pag kita pa ako kay eella "bakit ganyan ang mukha mo? Buntis ka?" bungad niya saakin, hindi ako agad naka sagot.

"luh biro lang pero sa itsura mo parang totoo??" napa buga ako ng hangin.

"oo buntis ako" pinakita ko ung ultrasound ko, nanlaki ang mata niya.

"kay zayn??" tanong niya, tumango ako.

"oh shit!! Tumayo ka diyan bilis" inalalayan ako at siya na agad ang nag bayad, mabilis kaming lumabas ang nag para ng taxi.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.