Chapter CHAPTER 23: Truth
FREED
Kasama ko sila kaye, ella and chloe dito sa opisina ko. Alam na din nila ang nangyari at ang plano namin ni chloe, ngayon nag uusap kami kung paano na. "kung ganun ikaw ang babae ni zayn, bakit hindi ko naisip nong nag tapat ka saakin" sabi ni eella
Tinignan ko si chloe na tahimik at mukhang nag iisip kung ang susunod na gagawin, maski ako sa nangyari mapapa isip din ko. Iba mag isip si zayn lalo pat ngayon na nalaman niya na si chloe ung babae tapos may ganung pangyayari pa. "ano sa tingin mo chloe?" tanong ko.
"wala, wala akong maisip. Siguro hayaan na muna natin siya at hintayin kung ano dahil hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ngayon, kung nakita niyo lang siya kanina, para siyang pinag taksilan na hindi maintindihan" sagot niya. "maski ako ganun mararamdaman ko, sino bang may gusto na makitang nasaktan mo ang isang taong mahalaga sayo? Sino bang may gusto na ung taong pinapahirapan mo ay ung taong mahalaga sayo? Sino bang may gusto na malaman ang totoo? Mas okay pang hindi na lang niya nalaman para hindi ganun katindi ang sakit" singit ni kaye.
"sa plano niyong iyan hindi ko kayo masisisi dahil concern lang kayo pero hindi niyo naisip ung mararamdaman niya" dugtong niya pa.
"wag na tayong magsisihan, ang naapektuhan dito ay silang dalawa" singit ni ella, tinignan niya si chloe.
"hindi tayo makakapag isip ngayon, bukas mag kita uli tayo. Mag pahinga muna tayo at bukas baka maka isip na tayo" tumayo na siya.
"Tama ka, freed mauuna na kami" sabi ni kaye, tumango ako at hinatid sila palabas ng opisina.
Napa buga ako nv hangin at tumingin sa labas ng glass door, sa tingin ko si chloe lang ang sagot sa lahat. Siya lang talaga ang sagot at kung paano? Hindi ko alam.
KAYE
Matapos kong ihatid ung dalawang babae, nag bakasali ako na puntahan sa bahay nila si zayn. Matagal ko na iyon na kaibigan at walang ibang pupuntahan iyon kundi sa bahay nila maliban na lang kung pumunta siya sa may kompanya niya. zayn" tawag ko, bumungad saakin ang napa gulong bahay. Lahat basag at parang marerenovate na bahay ang dating.
".
"anong dapat kong gawin?" tanong niya.
"anong tinutukoy mo? Ung tungkol sainyo ni chloe o ung tungkol sa nakaraan mo??" tanong ko pabalik.
" akala ko si chloe ung babaeng tinutukoy mo dahil nakita ko siyang pumasok sa room mo, akala ko siya dahil narin sa mga galawan mo pero shit! Dahil sa galit ko nasaktan ko siya, kaye ayokong maging tulad ng mama ko na napaka demonyo"
"ayoko..... ayoko...." Paulit ulit niyang sinasabi, ngayon ko lang nalaman. Gusto niya si chloe at nag seselos siya pero ang mahirap kapag naiinis o nagagalit siya ay hindi niya na mapigilan ang sarili na tumira dahil na rin sa ginawa ng mama niya noon kaya nakasanayan niya na.
"kung ayaw mo bakit hindi ka lumapit sa isang psychologist, brad oras na para kalimutan ang masakit na nakaraan. Hayaan mo namang sumaya ang buhay mo" payo ko, tinignan niya ako.
"sa nangyari ngayon sa tingin mo sasaya ako? Kaye nasaktan ko siya, pinahirapan ko siya at ung sigaw. Ung sigaw niya" tinakpan niya ang tenga niya, nalungkot ako sa nakita ko. Mukhang lumala siya dahil sa nangyari sakanila ni chloe. "iwan mo ako, gusto ko ma pag isa" sabi niya, magsasalita pa sana ako pero hindi na dahil mukhang lalala lang kung mag sasalita pa ako. Nag lakad na ako palayo ng makarinig akong mga binabasag na gamit, kinuha ko ung phone ko at tinawagan si ella na baka pwedeng ibigay ung number ni chloe saakin.
Tinawagan ko na si chloe, susubok ako na baka sakaling kausapin niya si zayn ay maging okay ang pag iisip niya.
"chloe, nasa bahay niya si zayn. Pwede ba tayong mag usap?" sabi ko sa kabilang linya.
"sige, sa may café sa may malapit sa school" sabi niya, binaba ko na ung phone ko at pumunta na sa lugar.
Una akong nakarating at mayat maya ay dumating na siya, umupo na siya at kinawayan ko muna ung waiter. Nag order na muna ako bago kami mag usap.
"his not good at kailangan niya na ng gamot, gamot galing sayo at gamot galing sa psychology" sabi ko.
"masyado siyang naapektuhan sa nangyari sainyo, kung nakita mo lang siya ng pinuntahan ko sa bahay niya para siyang nababaliw" bakas sa mukha ni chloe ang pag aaalala.
anong gusto mong gawin ko?" tanong niya.
"puntahan mo siya at kausapin, baka sakaling tumino ang utak niya" sabi ko.
" paano pag lumala siya pag pinuntahan ko?" tanong niya, umiling ako.
"mahal ka niya, akala niya ikaw ung babaeng pinag proposan ko. Akala niya ikaw ung tinutukoy kung mahal ko dahil nakita daw niyang pumasok ka sa room ko. Chloe gusto ka niya at nagseselos na pala siya nong nasa bakasyon tayo kaya pala umalis siya agad at dahil kinain ng galit, sa babae niya pinasa ung galit niya which is ikaw pala iyon" paliwanag ko.
"nasaktan ka niya at iyon ang tumatak sakanya, chloe subukan mong kausapin" pakiusap ko, walang ibang makausap si zayn dahil nga ulila na siya. Kaya nga ang buhay niya lang ay mag payaman at ang empire, nag bago lang ng dumating si chloe at napansin ko iyon.
"susubukan ko pero bigyan mo muna ako ng ilang araw" sabi niya, tumango ako
Natapos na kaming nag usap kaya hinatid ko na siya sakanila, sana lang talaga ay mapag bigyan ni chloe ang suggestion ko.
CHLOE
Anong oras na at hindi ako maka tulog dahil nag iisip ako kung ano ang gagawin ko, kakausapin ko siya. Anong sasabihin ko? Mag sosorry ako? Pero nasaktan din ako so ano ang sasabihin ko? Yayakapin na lang at sasabihin na okay lang ako??