Chapter Epilogue
"Everyone, Lee Hanuel Oppa!" sigaw ng babaeng host ng meet and greet ni Hanuel. Malakas na sigawan ang ibinalik ng mga fans niyang labis na natutuwa nang makita siya.
Isa't kalahating taong ang makalipas noong muling napagdesisyonan ni Hanuel na muling bumalik sa mundo ng showbiz. Na isipan ng management niyang magmeet and greet sila dahil marami ang mga fans na hinihiling iyon sa kanya. Katatapos lang kasi nila mag shooting ng bago niyang drama.
"Anyeong!" masaya niyang bati at umupo sa tapat ng host. Lalo naman nagsigawan ang mga fans niyang may mga dalang banners na nakasulat ang pangalan niya. Nasa isang stage si Hanuel at merong dalawang malalaking speaker sa may gilid ng stage. Ang mga fans naman na dumalo ay nasa tapat nila. Nasa isang tagong studio sila na tanging mga nakakuha lamang ng ticket online ang nakapunta kaya hindi rin ganon karami ang nakadalo. Ngunit halos mapuno na ang studio sa daming tao.
Nagumpisa na sila sa unang bahagi ng programa nila. Yun ay ang interview-hin si Hanuel. Maraming natanong sa kanya ang host na galing sa mga fans tungkol sa kanya at sa parating niyang drama. Hanggang sa mapadako sila sa usaping pag-ibig.
"So, Oppa. Everyone is very curious about this now. Is Lee Hanuel is in a relationship now?" kinikilig na tanong ng host. Biglang natahimik si Hanuel at bahagyang nalungkot. Tumahimik din bigla ang mga fans dahil napansin nila iyon. "Ahm... it looks like I ask a wrong question?"
"No." Umiling si Hanuel. "It's okay." Bumuntong hininga muna siya at mapait na ngumiti sa mga fans niya. "Actually, I'm not. But... I don't know if this is okay to tell you everyone but, sasabihin ko pa rin." Napamaang ang lahat ng tao nang bigla siyang magtagalog.
"OMG! You how to speak tagalog?!" gulat na tanong ng host.
"Yes. I can understand you all. But that is not the main point here." Nagugulantang man ay tumahimik ulit ang mga fans niya. "I have this girl na nakilala ko three years ago. She's a Filipina by the way. At first, I didn't mind about her. Pero habang tumatagal na nakakausap ko siya ay nalaman ko na lang na unti-unting nahuhulog na pala ang loob ko sa kanya. That time wala akong ibang naisip kundi yung nararamdaman ko sa kanya pero hindi ko namalayan na sumuko na lang siya." Bahagyang napatawa si Hanuel. "But I'm wrong. Hindi siya sumuko. Lumayo siya dahil sa sobrang pagmamahal niya sa akin. Ang hirap maging artista dahil maging mga taong mahal mo ay nagsasakripisyo sa 'yo." Hindi namalayang ni Hanuel na tumulo na ang luha niya. "Kaya kung makikita ko siya ulit at muling mapagbigyan kaming dalawa? Hinding hindi ko na siya bibitawan. Malaking pagkakamali na hindi ko siya hinanap ulit at hinayaan na lamang na lumayo siya. Kaya kung nakikinig ka man ngayon. I promised, no matter what the world says. I will love you and take care of you always. Kahit anong sabihin ng mundo na hindi nila gusto ang relasyon natin. This time I will choose the girl I love, not something I love."
Natahimik ang mga fans ni Hanuel. Lahat sila ay nagulat sa sinabi ng binata. Tanging mga pagsinghot lamang ang narinig sa buong studio. Mayamaya ay may bigla na lang naglakad sa may tapat ng stage tumungo.
"Sorry, Oppa!" Suminghot ito. "Sorry kasi dahil sa amin nangyari sa inyo ni Ate 'yan! Sorry po talaga!" Tumayo ng maayos ang dalagang umiiyak. Si Jaime. Ngumiti siya kay Hanuel na nagulat noong makita siya. "Sorry kung pati buhay niyo ay pinakikialaman naming mga fans mo. Pinapangako po namin na susuportahan ka namin sa kahit na anong gawin mo sa buhay! Diba?" tanong ni Jaime sa ibang fans ni Hanuel. Ilang sandali pa muna bago sunod-sunod sumang-ayon ang mga ito sa kanya. Sabay-sabay na yumukod ang mga fans ni Hanuel at huminge ng tawad sa kanya. "We will support you all the way Oppa!"
"T-Thank you," nagagalak na lamang na nasabi ni Hanuel. Lalo siyang nabuhayan dahil sa sinabi nito. Ngunit kahit na hindi nila iyon sinabi ay buo na ang desisyon niyang hanaping muli ang dalaga.
"We love you Oppa!"
"Whoo!" malakas na sigaw ni Ynette habang gumigiling. Napapangiwi na lamang si Crystal habang pinapanood ang kaibigan. Hindi siya sumunod sa dance floor kahit na hinihila siya nito. Wala siyang ganang sumayaw at magclubbing, pinagbigyan lang niya ang kaibigan niya dahil kinokonsensya siya nito. Hindi manlang daw kasi siya nagpasabi na uuwe na pala siya galing sa Italy.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Matapos niya kasing mag-resign sa trabaho niya ay nag-apply siya agad sa isang kompanya na nagpapadala sa ibang bansa ng mga pinoy para doon magtrabaho. Isang kalahating taon pa lang siya roon ngunit naisipan niyang huminge ng leave ngayon dahil magpapasko na at gusto niyang makita ng nanay niya.
"Ano ba, Crystal? Iinom ka na lang ba diyan? Kaya ka hindi nagkakajowa eh!" biro sa kanya ng kaibigan niya. Bumalik na kasi ito sa table nila. Hinihingal ito ngunit hindi nito alintana iyon. Umupo ito sa tabi niya at saka tumungga ng alak. Inirapan niya ito.
"Ewan sa 'yo! Pwede naman kasing kumain na lang tayo sa labas! Kapag 'to malaman ni Kano ewan ko na lang sa 'yo," ganti niya rito. Tumawa lang si Ynette.
"Ayos lang 'yon ano ka ba?" Nagkaroon kasi ito ng asawang foreigner. Taga-Canada iyon at isang taon na silang kasal. Isa ito sa dahilan kung bakit wala siyang nagawa sa gusto nito ngayon dahil hindi siya nakadalo sa kasal nito. "Halika na kasi! Tunggain mo na 'yan!"
Natatawang sinunod niya ito. Nakaramdam siya agad ng pagkahilo. Ikalawang bote pa lang naman niya iyon ngunit mahina talaga siya sa alak kaya nahihilo siya agad. "Magsi-cr muna ako," paalam niya rito at tumayo sa kinauupuan. Tumango lang sa kanya si Ynette at muling uminom ng alak.
Agad siyang pumunta sa banyo ng mga babae. Pagkatapos ay lumabas din siya agad doon. Ngunit hindi pa man siya nakakalapit sa table nila ay natigilan siya. Meron kasing lalaking naglalakad mula sa ikalawang palapag ng club na naka titig sa kanya. Andoon ang mga VIP sa itaas na gustong meron silang sariling kwarto. Pababa ito sa hagdan at noong marating nito ang huling baitang ay tumigil ito at nakipagtitigan sa kanya.
Parang biglang nag slow motion ang paligid ni Crystal. Pakiramdam niya ay tumigil ang oras noong matitigan niya ang binatang nakatingin sa kanya. Nakangiti ito at maluha-luha ang mga mata. Talong metro ang layo niya rito ngunit malinaw niyang nakikita ang maamo at gwapong mukha nito.
Natutop si Crystal ang kanyang bibig. Hindi niya namalayan na unti-unti na palang lumuha ang kanyang mga mata.
Hinding hindi niya ito makakalimutan. Kahit malayo siya ay tahimik niyang sinusubaybayan ang buhay nito. Halos lahat ata ng mga palabas nito ay napanood na ni Crystal para lang maibsan niya ang lungkot na nararamdaman niya. Sobrang na miss niya ito.
Habang malayo siya rito ay wala siyang ibang hiniling kundi ang kaligtasan nito at mabuting kalusugan. Walang araw na hindi niya ipinagdadasal na sana ay nasa mabuti itong kalagayan. Kasabay n'on ang panalangin niya na muling makita ang binata. Makita at muling mapagbigyan ang kanilang na udlot na pagmamahalan dahil sa pagpigil ng mundo sa kanila.
'Ipinapangako ko kapag mabigyan tayong muli ng ikalawang pagkakataon ay hinding-hindi na ako susuko sa 'yo. Hinding hindi kita iiwan at tatatagan ko ang loob ko para sa 'yo. I will trust and love you with all my life. Hinding hindi ako magpapadala sa sinasabi ng mundo. Susundin ko ang sigaw ng puso't isipan ko. Mahal na mahal kita, Lee Hanuel.'
The End.