Chapter 25
Pinagmasdan ni Crystal ang nahihimbing na si Hanuel. Nakatagilid ito paharap sa kanya habang nakapulupot ang kamay sa kanyang bewang. Halos nakasubsob na rin ang mukha nito sa dibdib ni Crystal. Bahagya niyang hinahaplos ang mukha nito at sinusuklay ang buhok nito. Hindi maiwasang makaramdam ng pagkirot sa kanyang puso habang tinitigan ang binata. Mahimbing ang tulog nito ngunit mababakas sa kanyang mukha na pagod ito. Bumuntong hininga siya at yumakap kay Hanuel. Parang na alimpungatan si Hanuel sa paggalaw niya dahil umungol ito.
"Good morning," inaantok pang bati ni Hanuel kay Crystal. Nakapikit pa rin ang mga mata nito at mas hinigpitan ang yakap sa dalaga.
"Good morning din," bati ni Crystal. Muling bumuntong hininga si Crystal. Na alala niya kasi ang sinabi ng agency ni Hanuel. Bagamat hindi pa niya na itatanong sa binata ang tungkol sa trabaho nito ay iwawaksi na lang sana niya iyon. Ngunit noong sinabi ni Hanuel na baka magtagal siya sa Pilipinas ay napaisip si Crystal. Dalawang araw na niyang kasama si Hanuel at palihim niyang tinitignan ang mga balita tungkol sa kanya galing sa Korea.
Habang tumatagal ay lalo siyang nakokonsensya. Pakiramdam niya ay maling naging mas malalim pa ang relasyon nila Hanuel. Para kay Crystal ay mas maganda siguro kung hindi nagbago ang naging relasyon nila. "Hey?" nakakunot ang noong tawag ni Hanuel kay Crystal. Sa lalim ng iniisip niya ay hindi niya namalayan na kanina pa pala siya kinakausap ng binata.
"H-Ha?"
"What's wrong? Are you okay? Mula nung dumating ako palagi kang natutulala," nag aalalang tanong nito sa kanya at umupo.
Umiling si Crystal. "Wala. Ano lang, may iniisip lang." Pinilit niyang ngumiti kay Hanuel. Nagdududa siyang tinitigan ni Hanuel. "Really? You didn't even hear that we're going to Baguio today, right?"
Nanlaki ang mga mata ni Crystal at biglang napaupo paharap kay Hanuel. "Baguio? Anong gagawin natin doon?"
"Nothing. I just want to spend more time with you while I'm still here." Kumindat ito sa kanya. Kumislot ang kanyang puso dahil sa sinabi nito ngunit agad ding napalitan ng lungkot iyon. Hindi kasi mawala sa kanyang isipan ang sinabi ng nakausap niya..
"But... Isn't it risky? Maraming makakakita sa atin doon," ani niya. Umiling si Hanuel.
"I don't care. I love you, Crystal," malambing na sabi nito at dinampian siya ng halik sa labi. "I'll cook for our breakfast." Tumayo na ito at lumabas ng kwarto.
Naiwang nakanganga si Crystal at pinoproseso ang sinabi ng binata. Oo nga't meron na silang relasyon ngunit ngayon lang sinabi ng binata na mahal siya nito. Napasapo siya sa dibdib. Ramdam na ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.
"His shows got canceled because of this. We don't know when he can recover. Hanuel loves acting, this is his passion. So please, if you care for him. Let him go."
Unti-unting tumulo ang mga luha niya at napahikbi. 'Paano? Paano ko siya iiwan kung mahal naman ang isa't isa? Masama bang magkagusto ang isang kagaya niya sa katulad ko? Ano bang mali roon?' Tinakpan ni Crystal ang kanyang bibig dahil napapalakas na ang paghikbi niya. Minabuti niyang tumayo at pumunta sa banyo. Doon niya binuhos ang hinanakit niya sa buong mundo. 'Tao lang naman din sila na gustong magmahal pero bakit hinahadlangan nila?' "No!" Napataas na ang boses ni Hanuel dahil sa kausap nito sa kabilang linya. Dahan dahan na lumabas si Crystal sa kwarto at tahimik na naglakad palapit kay Hanuel na merong kausap sa telepono. Nasa terrace ito at panay ang pagparoot parito. Madilim ang mukha at mababakas ang galit sa mukha nito. "You should fix that it's your work!" Bahagya itong tumigil. Nasapo na nito ang sentido at bahagyang hinilot-hilot.
"No! I told you I will not take my words. I'm ready to tell everyone about her. I love her and I don't care if I lose my fame just because of that. No one will dictate my feelings!" mariing sabi nito at pinatay ang telepono. Inilapag ni Hanuel ang hawak niyang cellphone sa lamesita na nasa labas. Marahas itong bumuntong hininga at tumingin sa langit.
Napakagat ng labi ni Crystal at napatungo. Babalik na sana siya sa loob ng kwarto pero natigilan siya dahil tinawag siya ni Hanuel.
"Crystal. Kanina ka pa diyan?" Narinig niya ang yabag nitong papalapit sa kanya. Agad niyang pinunasan ang mga luhang patulo na sana.
"H-Hindi. Kalalabas ko lang, may nakalimutan lang ako sa kwarto," tanggi niya. Niyakap ni Hanuel si Crystal mula sa kanyang likuran. Para siyang kinuryente noong maramdaman niya ang mainit na hininga nito sa kanyang batok. Kinagat ni Crystal ang likod ng kanyang labi upang pigilan pagkawala ng impit niya. "S-Sino yung kausap mo?" tanong niya.
"Wala. Galing sa trabaho. But it's okay," ani nito na parang kanina ay hindi nagagalit sa kausap. Kumalas sa kanya si Hanuel at hinarap siya. Marahang hinawakan ni Hanuel ang baba niya at saka iniangat ang mukha niya. Kumunot ang noo nito nang magtama ang mga mata nila. "Did you cry?"
Nagiwas ng tingin si Crystal. Lumunok siya ng laway at muling tumungo. "Sa tingin mo ba tamang naging tayo?" malungkot niyang tanong.
"Of course! What's wrong- What you see online is not true, Crystal. Don't mind them." Hinawakan ni Hanuel ang magkabilang braso niya.
"Pero.. baka mawalan ka ng trabaho dahil sa akin. Diba gustong gusto mo ang pag-aartista?"
"You heard us.." Bumuntong hininga si Hanuel. "You don't have to worry about it okay?" paniniguro nito sa kanya.
"Pero Hanuel-"
"Sshh.. just trust me okay?" Ngumiti ito sa kanya. Hindi na nakapagsalita pa si Crystal at tahimik na tumango. Hinagkan pa muna siya nito sa noo saka nagpaalam para ihanda ang almusal nila.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Matapos nilang mag-almusal ay pinaghanda na siya ni Hanuel ng mga dadalhin nila papunta s Baguio. Balak nitong magtravel sila sa buong Pinas at pagkatapos naman daw ay sa ibang bansa. Ayaw sana pumayag ni Crystal dahil nga sa baka meron na naman sa kanilang makakita at muli ay ma-bash ang binata. Ayaw na sana niya dagdagan pa ang problema nito ngunit mapilit ang binata kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang sumunod dito.
Pero hindi pa sila nakakalabas ng bahay ay merong tumawag kay Hanuel. Kitang kita ni Crystal ang pag-aalala sa mukha ni Hanuel. "Is he okay now?" nag-aalalang tanog ni Hanuel. "Okay. I'll go home now," ani nito at ibinababa na ang telepono. Balisang bumaling ng tingin si Hanuel kay Crystal. "I'm sorry but I have to go back to Korea now. Something came up."
"What happened?" tanong niya.
"I'll explain to you everything when I came back. Just wait for me, okay?"
"O-Okay," tumango si Crystal kahit na nalilito pa rin. Ngumiti sa kanya si Hanuel at dinampian siya ng halik sa noo.
"Always remember that I love you Crystal," ani nito. Kinuha muna nito ang mga papel niya saka umalis na ng bahay.
Naiwan si Crystal na sobrang nalilito. Hindi mawala ang kaba sa kanyang dibdib dahil kitang kita niya ang pag-aalala sa mukha ng binata. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nag-browse sa internet kung ano ang nangyari. Nagbabakasakali siya na makasagap siya ng balita.
At hindi nga siya nagkamali.
Natutop niya ang kanyang bibig nang mabasa niya ang isang article. Muntik nang maaksidente ang tatay ni Hanuel dahil sa mga reporter na gustong makausap ang binata. Marami rin sa mga negosyo nila ang sinusugod ng mga galit na fans. Sumusugod sila roon para manira at manggulo. Binabantaan nila si Hanuel na hindi titigil hanggat hindi nito tinitigil ang pakikipag-relasyon sa iba.
Hindi na kinaya ni Crystal ang pagbabasa dahil sa sakit na kanyang nararamdaman. Paulit-ulit niyang tinatanong ang sarili niya kung bakit sila ganoon. Bakit nila nagagawang manggulo na at manakit nang dahil lang sa kagustuhan nilang masolo ang binata. Napahagulhol na lamang si Crystal. Gusto niyang magtiwala at panghawakan ang sinabi ni Hanuel.
'Pero paano ako kakapit kung mundo na mismo ang pumipigil sa amin?'