The Job

Chapter 21



Nagising si Crystal sa malakas ng tunog ng kanyang telepono. Hindi niya sana papansinin ito dahil inaantok pa siya ngunit ayaw tumigil ang pagtunog nito kaya kinuha na niya iyon. Nilingon niya si Hanuel na nakadapang nahihimbing pa sa tabi niya. Umungol ito noong muling mag-ring ang cellphone niya kaya kahit inaantok pa ay tumayo siya at lumabas ng kwarto.

"Ano?" antok na tanong niya na hindi manlang tinignan kung sino ang tumatawag.

"Bakla! Ang tagal mong sumagot!" Napangiwi si Crystal at bahagyang na ilayo ang cellphone niya nang marinig ang malakas na boses ni Ynette sa kabilang linya. "Open mo facebook mo, dali!"

Sumalampak muna siya sofa. "Eh diba nga naka-deactivate ako," walang ganang tugon ni Crystal. Dinig na dinig niya ang pagpalatak nito.

"Edi i-activate mo ulit! Dalian mo na!"

"Ano bang nangyari? Sabihin mo na lang kasi?"

"Basta buksan mo na lang Crystal Jimenez! Sasabunutan kita diyan eh! Pasalamat ka hindi kita katabi!" Napaikot na lamang ng mata si Crystal. Nakikita niya ang itsura ng kanyang kaibigan na nanlalaki ang mga mata nito at halos umuusok na ang ilong habang sinasabi iyon.

"Eto na!" Kunyaring naiinis na sabi niya. Kinuha niya ang laptop niya at binuksan iyon.

"Okay na?"

"Nag-o-open pa lang po ako ng laptop, madam," biro niya. Hindi sumagot ang kausap niya ngunit dinig na dinig niya ang pagtapik nito sa kahoy. Agad niyang binuksan ang browser ng laptop niya noong magbukas na ito at saka pumunta sa facebook. Muli niyang in-activate ang account niya. Hindi na siya nagulat pa noong makita ang hindi na mabilang na notification at mga chat sa kanya. Naka-private na iyon matagal na pero meron pa ring nakakalusot mag-chat sa kanya. "Okay na."

Tumikhim muna ito. "Punta ka sa profile ni Bryan. Friends kayo diba?"

"Who's on the phone?" Napalingon si Crystal nang magsalita si Hanuel na papalapit sa kanya.

"Waah! Andyan siya?!" gulat na tanong ni Ynette.

"My friend." Naiiwas niyang muli ang cellphone niya sa kanyang tenga noong muling marinig ang malakas na tili ni Ynette. "Ano ba Ynette?!" saway niya sa kaibigan. Naramdaman niya ang paglubog ng sofa noong tumabi ito sa kanya. "Sorry naman! Ngayon ko lang narinig ang boses niya eh! Pakausap naman!"

"Heh! Ginising gising mo ako tapos hindi pala ako ang gusto mong kausap?" "Tsk! Oo na! Open mo na profile ni Bryan!" inis na sabi nito.

Sinunod naman ito ni Crystal at binuksan ang timeline ni Bryan. "Okay na."

"Scroll mo."

Marahan niyang ini-scroll ang timeline nito. Una niyang nakita ang mahaba nitong post na may kalakip na larawan. Napamaang na lamang niya nang mapagtanto niya kung sino ang nandoon. Ang larawan niya at ni Hanuel na nagti-trending ngayon. May isa pang larawan doon na si Bryan naman at suot ang kagayang damit ni Hanuel na nasa mga larawan. At meron pang kuha noong party habang magkatabi silang dalawa ng binata.

"What the hell?" Narinig niya ang baritonong boses ni Hanuel. Nakakunot ang noo nitong nakatitig sa laptop niya.

Agad nitong kinuha ang laptop at binasa ang post ni Bryan. Hindi na siya nagpaalam pa sa kaibigan at binaba na iyon dahil natuon na rin ang atensyon niya sa post ni Bryan. Dumikit siya kay Hanuel at nakibasa.

Hi world! Ako si Bryan Reyes. Hindi madali para sa akin na sabihin ito ngayon pero hindi ko naman pwedeng hayaan na lamang ito. Lalo na kung masyado nang na-aapektuhan ang mga buhay namin, especially ang babaeng mahal ko. Oo guys, tama kayo diyan. Nagkakamali po kayo sa pag-aakalang ang lalaking lumabas sa bahay ni Crystal Jimenez ay isang sikat na artista. Hayy.. 'di ko naman kayo masisisi dahil mukha naman talaga akong Koreano. Hahaha! Pero kidding aside. Please stop bashing Crystal Jimenez! Lahat po kayo nagkakamali dahil ang taong nakikita niyo sa picture na yan ay walang iba kundi ako. Galing po kami sa company party niyan. Nauna lang po siyang pumasok sa unit niya kaya kung makikita niyo ay mag-isa lang siyang papasok sa building. Pero kasunod niya lang po ako at medyo nahuli dahil nagbayad pa ako sa taxi na sinakyan namin. At ayan po, ito ang mga damit ko na suot sa picture na yan. Kaya imposibleng maging si Lee Hanuel ang taong 'yan. Kaya please po! Ako na po ang nagmamakaawa sa inyo! Tama na po ang pang-ba-bash niyo sa girlfriend ko. Ako lang po iyon at hindi si Lee Hanuel!

Ilang araw na po kaming hindi nagkikita ng girlfriend ko dahil dito. Miss na miss ko na po siya! Huhu! Babe! I'm sorry at napagkamalan ang boyfriend mo! Sorry talaga! Please lang po tama na po!

At isa pa, kilala na po namin kung sino ang nagpakalat ng larawan. See you on court!

I love you babe! I love you Crystal Jimenez!

Napanganga na lang si Crystal dahil sa nabasa. Ngayon lang din niya napansin na naka-tag din pala siya sa post nito. 'Anong pakulo 'to, Bryan?!'

Napa-ismid si Hanuel. "What's with this guy?" tanong nito. Biglang dumilim ang mukha nito at seryosong nakatitig sa picture ni Crystal habang naka-akbay si Bryan.

"I-I don't know," nalilitong sagot ni Crystal. Napahilamos siya ng mukha. Hinilo-hilot ang sintido. 'Anong trip mong lalaki ka?'

"Siya yung nasa restaurant, diba?" puna nito ngunit hindi sumagot si Crystal. Masyadong natuon ang kanyang atensyon sa post ng binata. Nag-aalala siya at baka ito naman ang sunod na ma-bash. "Why he is holding you?" Napalingon si Crystal kay Hanuel. Agad na nagsalubong ang kanilang mga mata. Mababakas ang pagkainis sa mukha nito. "Ha?"

Iniharap ni Hanuel ang laptop kay Crystal. Naka-display roon ang picture ni Crystal at Bryan na magka-akbay. "Why?"

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Anong why?" nagtatakang tanong ni Crystal dito.

lalong nagbuhol ang mga kilay ni Hanuel at padabog na inilapag ang laptop sa lamesita. Napaawang naman ang bibig ni Crystal dahil sa inasal nito at maang na tinignan si Hanuel.

"Tell me. Do you two have a relationship?" tanong nito at seryosong tinignan si Crystal sa mga mata. Nararamdaman niya ang unti-unting pag-init ng kanyang ulo kaya pilit niyang kinakalma ang sarili niya.

Bahagyang napatawa si Crystal at nalilitong tinignan si Hanuel. Agad din naman siyang sumeryosong noong napansin niya na ang galit sa mukha ng binata.

"Answer me!" Tumaas na ang boses nito.

Napaigtad si Crystal at nakaramdam ng kirot sa kanyang puso. Gulat at nagtataka sa biglang inasal ng binata. "Bakit ka sumisigaw?" Pinigilan niya ang kanyang boses na pumiyok dahil naluluha na siya. Pakiramdam niya ay nakagawa siya ng masama sa lalaki at bigla na lamang itong umakto ng ganoon.

"May relasyon ba kayong dalawa? Tag-alog na 'yan ha! Baka gusto mo pa akong mag-hangul!" pang-aasar nito sa dalaga na lalong kinainis nito.

"Ano bang problema mo? Mas iniisip mo pa 'yan?!" Nangingilid man ang luha ay tumaas na rin ang boses ni Crystal. Hindi niya gusto ang tono ng pananalita nito. Hindi siya madaling umiyak kaya hindi niya alam kung bakit naluluha siya ngayon habang kausap si Hanuel.

"Oo! Kaya sumago-"

"Wala!" sigaw niya at napatayo na sa kinauupunan niya. Humihingal siyang sinapo ang noo niya at tumalikod sa binata dahil hindi na niya napigilan ang pagtulo ng mga luha niya.

"Then why? Bakit siya magpo-post ng ganon? Why do you look sweet on that picture?" giit nito. Naramdaman niyang nakatayo na ito sa likod niya. Pinunas ni Crystal ang kanyang mga luha at galit na nilingon si Hanuel.

"My God, Hanuel! Ano bang problema mo ha? Ang daming stress na ang nangyari sa akin noong mga nakaraang araw tapos ganito ka ngayon? Acting like a child again because of Bryan?!" Bahagyang huminga si Crystal. "So, what kung magkarelasyon man kami? Ano naman sa 'yo?!"

"You have a contract with me!"

"I know! But why? Do you really have to act like this?!"

"Yes!" "Why?!"

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"I just have to! What's wrong with that?!"

"No! You can say it to me without accusing me of anything else! You're rich right? You have many ways if I am cheating with you!"

"Cheating?! You're not my girlfriend!"

Natameme si Crystal sa sinabi nito pero agad niyang ibinalik ang galit niyang mukha. "Yes! I'm not but why are we fighting like a couple? Why are you acting like I cheated on you?" mahina ngunit may diin pa rin niyang tanong. "Because that's what I feel right now!" sagot ni Hanuel na inis pa rin.

Napangisi si Crystal sa sinabi nito at umiling-iling. "You're... unbelievable!" Pagdabog na siyang nag martsa papuntang kwarto.

"Crystal. Stop!" pigil nito sa kanya pero hindi ito pinansin ni Crystal at dumeretso sa kwarto. Padabog niyang isinara ang pinto at ni-lock iyon.

kinuha niya ang maleta niya at ipinasok doon ang mga damit niya. Mabilis niyang inayos ang mga importante niyang gamit. Hindi na niya kayang matagalan pang makasama ang binata. Hindi niya alam kung bakit ito ganon. Labis niyang pinagsisisihan ngayon na naibigay niya ang kanyang sarili sa kagaya nito. Pagkatapos niyang magbihis at lumabas na siya ng kwarto.

Napanganga si Hanuel nang makitang lumabas si Crystal sa kwarto na may dalang maleta. Seryoso ang mukha nitong nakakunot pa ang kilay.

"Where are you going?" tanong ni Hanuel pero hindi ito pinansin ni Crystal. Kinuha niya ang cellphone niyang nasa sofa. Papalakad na sana siya papuntang pinto ngunit bigla siyang hinawakan sa braso. "Crystal, wait!" "Ayoko na! Aalis na ako! Hindi ko kayang matagalan ang isang kagaya mong napaka manghusga ng tao!" bulalas ni Crystal at iwinaksi ang kamay ni Hanuel ngunit hindi ito bumitiw sa kanya.

"You're not going anywhere," mahinahong sabi ni Hanuel.

"Huh? Why? Kasama rin ba sa kontrata na hindi ako pwedeng umalis?" mataray na tanong ni Crystal.

Inis na bumuntong hininga si Hanuel. "Maraming tao sa baba kaya hindi ka pwedeng lumabas."

"I don't care!" hiyaw ni Crystal. "Aalis ako sa ayaw mo at sa gusto mo. Sorry pero I resign!"

"What?" Nanlaki ang mga mata ni Hanuel sa sinabi ni Crystal.

"Gusto mo bang tagalog-in ko pa ang sinabi ko o mag-hangul din ako?" pambubuska niya. "I said I resign! Let's end this f*ck*ng contract of yours!"


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.