Chapter 16
Tahimik lamang si Hanuel na nakatanaw kay Crystal. Kanina pa siya kinakausap ng mga taong nakapaligid sa kanya ngunit si Joseph ang sumasagot dito. Kahit noong kinuha ang order nila ay si Joseph din ang nagsabi. Maige na lang ay mabilis ang aksyon ng building at madaling napaalis ang mga tao kanina. Nagkalat na rin ang mga guard sa entrada ng hotel at ng restaurant.
Kumain siya habang nakatingin lang kay Crystal na may kasamang lalaki. Panaka-naka rin itong tumitingin sa kanila pero agad nitong binabawi kapag napapatingin sa mga mata niya. Marahil ay labis itong nagulat nang makita siya roon. "Hindi ba artista 'yan?" Tanong ni Bryan kay Crystal. Tumingin kasi ito sa likuran niya at nakita nito si Hanuel. Kalmado na ito ngayon.
Nanliit ang mata ni Crystal na para bang may iniisip at bahagyang umiling. "Parang. Nagkakagulo sila eh. Tingnan mo panay picture sila." Tinuro ni Crystal ang mga waitress at custumer na nagpipicture kay Hanuel. Nagpanggap siyang hindi niya ito kilala. Hindi pwedeng malamang ng mga ito kung ano ang ugnayan na meron siya sa binata.
"Oo! Napapanood ko 'yan siya. Mahilig kasi sa kdrama yung kapatid kong babae kaya pati ako napapanood na rin." Kinuha nito ang cellphone niya at inabot iyon kay Crystal. "Pwede picturan mo rin? Sobrang matutuwa kapatid ko kapag makita niya 'yan."
Nagulat si Crystal sa sinabi ni Bryan at napalingon kay Hanuel at muling tumingin kay Bryan. "Ako? Ikaw na lang!" Tanggi ni Crystal.
"Sige na! Maganda yung pwesto mo diyan eh."
Muling nilingon ni Crystal si Hanuel. Napalunok siya nang tinasaan siya ng kilay ni Hanuel. Pakiramdam niya tuloy biglang lumakas ang aircon ng lugar dahil sa lamig ng mga titig nito. 'Problema nito?'
"Akina." Inirapan niya pa kunyari si Bryan at kinuha ang cellphone nito. Binuksan niya ang camera at itinutok niya iyon kay Hanuel. Napangiwi pa siya nang makita niyang humalukipkip ang binata at direktang tumingin sa cellphone na hawak niya. Mabilis niya itong pinicturan at inabot kay Bryan.
"Yun! Thank you!" Nakangiti nitong sabi.
"Idol mo rin ba 'yan?"
"Ha? Hindi naman. Magaganda kasi mga palabas niyan. Teka, hindi ka ba nanonood ng kdrama?"
Umiling si Crystal at saka tumingin kay Hanuel. 'Hindi ko nga alam na sikat pala yung nakauna sa akin eh.' Sagot niya sa kanyang isipan. Totoo naman iyon. Dahil sa masyado siyang naging busy para sa kanyang pamilya ay hindi niya nakahiligan ang panood ng mga sinasabi nito. Mas nawiwili siyang magbasa ng mga pocketbooks. Marami pa naman siyang nabibilhan sa kanila. Hindi pa rin nawawala ang tindahan ni Ate Mia na nagpaparenta ng mga pocketbooks. "Let's go home!" Napatingin sila kay Hanuel nang magsalita ito. May diin at nakatitig kay Crystal. Lumingon siya sa manager ng restaurant. "Thank you for your food. I love it. But.." lumingon ulit ito kay Crystal. "I have to go home now." Mariing sabi pa nito.
Napatungo naman si Crystal dahil pakiramdam niya siya ang sinasabihan ng binata. Maige na lang ay parang nahihipnotismo ang mga babae kay Hanuel at hindi siya napapansin ng mga ito.
"Thank you, sir! I hope you come back!" Masiglang sabi ng babaeng manager. "Can we take you a picture, please?" Ani pa nito.
Ngayon pa lang ngumiti si Hanuel at hinayaan ang mga ito na kuhaan siya ng larawan. Paalis na ito ngunit bago pa man ito makalabas ay muli itong lumingon kay Crystal.
Natahimik na lamang ang dalaga at inayos ang gamit. "Ahm.. Bryan, kailangan ko na umuwe." Paalam niya rito.
Lumingon ito sa kanya. Nakatanaw kasi ito kay Hanuel. "Ha? Hindi mo pa ubos ang pagkain mo."
"Hindi na. Pasensya kana. Kailangan ko na umalis eh." Tatayo na sana siya nang pigilan siya ni Bryan.
"Teka. Hintayin mo na ako. Bayaran ko lang 'to."
Tumango na lamang si Crystal. Kinampayan ni Bryan ang isang waitress at hiningi ang bill nila. Nang makapagbayad ay sabay na silang umalis doon.
"Hatid na kita?" Tanong ni Bryan sa kanya. Sunod-sunod na umiling si Crystal.
"H'wag na. Kaya ko na." Ngumiti siya dito. "Salamat pala ha? Sa sunod ako naman."
"Sige.." Bumuntong hininga ito. "Sayang.." bulong ni Bryan.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Ha?"
"Wala! Ano saan ka ba sasakay? Ayaw mo talaga magpahatid?"
"Ahh! Bye Oppa!" Hiyaw ng isang babae. Nasa gilid na nila ang mga babaeng nagkakagulo kanina. Lahat sila nakatingin sa paparating na sasakyan. Halos harangin na nila ang sasakyan kung hindi lang dahil sa mga guard na pumipigil sa kanila. "Huy! Nakakasagi kayo!" Saway ni Bryan sa mga ito. Gumilid sila dahil masasagi sila ng mga tao. Nakaharang na paharap sa kanya si Bryan para hindi siya masagi ng mga babae at baklang panay sigaw sa pangalan ni Hanuel. Halos makayakap na si Bryan sa kanya kaya niyakap ni Crystal ang bag niya at iniharang iyon sa pagitan nila ni Bryan. Ilang sandali pa silang nagtagal sa ganoong posisyon dahil hindi agad nag-alisan ang mga ito. Sinusundan kasi nila ang pag-andar ng kotse. Mayamaya pa ay nagpulasan na ang mga ito kaya nakalakad na sila Crystal. Itinawag muna siya ni Bryan ng Taxi at pinasakay siya roon. Pinipilit siyang ihatid nito ngunit mariin siyang tumanggi.
Ilang sandali rin ang tinagal ng kanyang byahe dahil medyo traffic sa dinadaanan nila. Panay ang kuyakoy niya dahil masyado siyang nababagalan sa pag-usad ng taxi. Panay sabi rin siya sa driver na pakibilisan. Wala naman itong magawa dahil panay tigil nga gawa ng traffic.
'Bakit ba parang nagmamadali ako?' tanong ni Crystal sa kanyang sarili. Ipinatong siya ang kaliwa niyang kamay sa dibdib niya at itinukod naman doon ang siko niya saka kinagat-kagat ang kanang hinlalaki niya. Panay din ang buntong hininga niya at paulit-ulit na bumabalik sa alaala ang mga tingin ni Hanuel kanina.
"Haist! Wala naman kasi siyang sinabi na uuwe siya eh. Para saan pa yung cellphone?" Iritableng sabi ni Crystal at humalukipkip. Napangiwi pa siya nang matingnan niya sa rear-view mirror na napalingon sa kanya ang driver. "Sorry po," nahihiya niyang sabi dito.
Para kasing nagagalit ito kanina sa hindi malamang dahilan. Napaawang ang bibig ni Crystal nang maalala ang kontrata nila. 'Hala baka iniisip n'on may relasyon kami ni Bryan?' Tahimik na lamang siyang napapalatak. Makalipas ang ilang sandali ay nakarating na rin siya sa building na kanyang tinitirahan. Halos takbuhin na niya ang elevator sa pagmamadaling makarating sa unit nila. 'Bakit ba ako nagmamadali?' Tanong ni Crystal sa sarili. Napailing na lamang siya nang muling maalala ang mga tingin ni Hanuel.
"Sana wala s'ya rito." Napapikit si Crystal. Nasa tapat na siya ng unit at nagdadalawang isip kung papasok ba o hindi na. Pakiramdam niya kasi ay nakagawa siya ng matinding kasalanan.
"Wala naman akong ginagawang masama ah? Bakit ba ako nagkakaganito?" Umiling na lang si Crystal at huminga muna ng malalim. Saka binuksan ang pinto.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Awtomatikong umilaw ang paligid ng door entrance pagkapasok niya. Ngunit tanaw na niya ang madalim na sofa. Isinara niya ang pinto at dahan-dahang pumasok sa loob. Madilim ang loob ng sala at tanging liwanag lang ng buwan na nagmumula sa labas ang tanging ilaw doon.
"Wala siya rito?" mahinang sabi ni Crystal. Nakahinga siya ng maluwag at saka binuksan ang ilaw ng sala. Pabagsak siyang umupo sa sofa at dismayadong pumikit. Akala niya kasi ay na andoon na ang binata ngunit wala pala.
Lumalalim na sana ang tulog niya nang biglang parang dumilim ang paligid niya. Para bang merong nakaharang sa ilaw sa kanyang harapan. Nakaamoy din siya ng mabango at parang galing banyo. Napabalikwas na lamang siya nang maalala na sabon ni Hanuel ang kanyang naamoy.
Bumungad sa kanya ang bagong ligo na si Hanuel. Seryoso at deretsong nakatingin kay Crystal.
"K-Kanina ka pa?" Nakangiwing tanong ni Crystal. Napangiwi pa siya dahil sa tanong niya.
"Who is he?" Seryosong tanong nito.
"W-Who?"
"That guy. Who is he?!"Nakagat ni Crystal ang kanyang mga labi dahil sa tono boses nito. Tama ang kanyang hinuha kanina. "Workmate ko?"
"Really?" Tumaas pa ang kilay nito at nagdududang tinitigan lalo si Crystal.
Napasandig lalo si Crystal sa sofa nang pinagitnaan siya ng dalawang kamay ng binata.
"Y-Yes. Why?" Bigla siyang kinabahan dito. Kung titigan siya nito ay para ba siyang nakagawa ng masama.
"Then why did I see you hugging?"