Chapter 13
Ikalawang araw na nila Crystal sa isla ngayon. Umaga pa lang ay marami na silang ginawa. Sinubukan nila lahat ng activities na meron doon. Sinubukan din niyang magpaandar ng jet ski at mag-paddle boarding. Pero pinaka kinatuwaan ni Crystal ay ang Parasailing. Noong una ay natatakot siya dahil siya lang mag-isa at hindi niya kasama si Hanuel. Idagdag pang itataas ka nito sa ibabaw na para bang lumilipad ka. Nawala lahat ng pangamba niya noong nasa itaas na siya. Sobrang saya niya at sarap sa pakiramdam. Tanaw na tanaw niya ang kabuuan ng dagat at kalahati ng isla.
Wala namang naging problema ang araw nila kahit na marami ang lumalapit kay Hanuel. Mga fans niyang nakikilala siya. Pero kakaunti lang dahil halos lahat ng nasa isla ay mga nasa alta-syodad. Hinahayaan lang naman ni Hanuel at nakikipag-picture kapag merong may gusto. Pero madalas ay nginingitian lang din niya kapag binabati siya.
Kinagabihan ay kumain muna sila sa floating restaurant saka bumalik ng villa. Nagbili rin si Hanuel ng karne na may marinade na para ihawin. Napagkasunduan kasi nilang uminom ng ilang shot bago matulog. Pagkadating nila ay pinauna na ni Hanuel si Crystal na maglinis ng katawan dahil aayusin pa niya ang pag-iihawan nila. Gusto sana ni Crystal na siya ang gumawa niyon dahil siya naman ang tauhan nito ngunit mariin na tumanggi si Hanuel. Pagkatapos ni Crystal ay lumabas na rin siya. Nakasuot siya ng kulay gray na one-piece bathing suit at cotton short na kulay black. Nakasuot din siya ng long sleeve beach cover up. Hinayaan niya lang ang buhok niya na nakalugay. Hindi pa man siya nakakalabas ay kita na niya ang uso na nagmumula sa iniihaw ni Hanuel.
Nakatalikod ito sa kanya dahil nasa may gilid lang ito ng pool katabi ng kainan nila. Nakahubad-baro na ito at tanging shorts lang niya ang suot. Napalunok si Crystal nang makita ang kabuuan ng likod nito. Naghihimutok ang mga laman niyon at lalong naumbok sa tuwing gagalaw ang lalaki. Malapar ang likod nito at sa bandang bewang naman ay lumiit ng konti. Maputi at makinis iyon kagaya ng mga nakikita niya sa mga magazines.
Nag-iwas siya ng tingin nang lumingon ito sa kanya. Ngumiti ito kaagad at itinuro ang beach chair sa may tabi niya para maupo siya doon. Hindi doon dumeretso si Crystal bagkus ay lumapit siya sa binata. "Ako na d'yan," ani niya at akmang hahawakan ang pamaypay na hawak ni Hanuel.
"Okay." Ibinigay nito ang pamaypay sa kanya. "I already turned it over. Maluluto na rin 'yan. I'll be back," paalam nito. Napasinghap pa si Crystal nang maramdaman niya ang pagdapo ng palad ni Hanuel sa may bewang niya. Bahagyang ngumiti lamang si Crystal at tumango.
Lumakad na si Hanuel papasok ng bahay kaya tinuon na ni Crystal ang atensyon sa pagluluto.
Ilang sandali pa ay natapos na rin si Crystal. Hinango na niya ang limang karne na nakasalang at isinalang ang natitira pang karne. Hindi niya muna iyon ginalaw dahil baka may gagawin pa si Hanuel doon.
Maya-maya pa ay lumabas na si Hanuel. Nakasuot ito ng puting sando at beach shorts. Labas na labas ang naglalakihang biceps nito. Maging ang mga abs nito dahil see through ang suot nitong sando. Hindi naman maiwasang tignan ni Crystal ang kulay pink nitong nipple.
Napalunok siya at agad nag-iwas ng tingin bago pa mapansin ni Hanuel na nakatingin siya roon.
"Ako na. Just sit down there and wait for me." Nginuso nito ang beach chair na tinuturo sa kanya kanina. Sumunod na lamang siya dito at umupo doon. "Do you want to drink?" Tanong sa kanya ni Hanuel na hindi lumilingon. Tinatadtad nito ang karne na luto na.
"Hintayin na lang kita." Sabi niya lang at sumandig sa upuan. Kinuha niya ang cellphone niya at kinamusta ang pamilya niya. Nakipag-chat din siya kay Ynette. Nagtatanong kasi ito kung nasaan ba siya. Natawa na lang siya ng panay sana all na lang chat nito.
Mayamaya pa ay natapos na si Hanuel. Inilapag nito ang platong punong-puno ng inihaw na karne at kulay pulang sauce na nasa mangkok sa katabi niyang mesa. Muling pumasok si Hanuel at paglabas nito ay may dala nang maliit na cooler. Inilapag niya iyon sa tabi ng mesa. Muli itong pumasok sa loob ng bahay at kumuha ng baso.
Inilaylay ni Crystal ang kanyang mga paa sa upuan at kumuha ng inihaw.
"Do you want to use glass or just directly drink at the bottle?" Tanong nito at inilabas ang dalawang bote ng soju.
"Magbabaso ako," sagot niya dito. Inilabas nito ang ice bucket at nagsalin ng yelo mula sa cooler saka inilagay sa mesa. Umupo ito sa katapat niyang beach chair at nagsalin ng alam.
Dalawang flavor pala ang andoon. Yung isa ay blueberry at ang isa naman ay plain lang. Ang ibinigay ni Hanuel sa kanya ay may flavor. Matagal na itong nakikita ni Crystal kaya alam niya ang alam na iyon pero ngayon lang siya makakatikim niyon. Nagustuhan naman niya ang lasa kaya hindi na siya nagsalita pa.
Tahimik lang sila umiinom hanggang sa unti-unti nang lumalim ang gabi. Ramdam ni Crystal na tinatamaan na siya dahil nakakailang bote na siya. Samantalang si Hanuel ay tahimik lang nakatanaw sa langit at mukhang malalim ang iniisip. Bahagya na itong namumula pero hindi mo makikitaan na nalalasing na.
"Thank you," basag niya sa katahimikang bumabalot sa kanila. Nilingon siya ni Hanuel.
"Why?"
"For bringing me here. Hindi ko mae-experience ito kung hindi dahil sa 'yo." Tinungga ni Crystal ang alak na nasa baso niya saka tumingin kay Hanuel. Ngumisi lang si Hanuel at muling tumingin sa langit. Tumungga rin ito sa bote.
"No, thank you for coming here with me." Mahinang usal nito at bumuntong hininga. Napansin ni Crystal na lumamlam ang tingin nito sa langit. "May problema ba? You can tell me," ani Crystal at kinuha na rin ang bote ng soju at saka doon na rin uminom.
Nilingon siya ni Hanuel. Kumibot-kibot ang mga labi nito saka bahagyang umaawang. Parang may gusto itong sabihin ngunit hindi nito magawa kaya bumuntong hininga na lamang ito at umiling.
"Nothing." Muling ibinalin ang tingin sa langit.
Hindi inalis ni Crystal ang kanyang paningin kay Hanuel. Ramdam niyang may problema ito ngunit hindi lang ito nagsasalita. Wala naman siyang karapatang pilitin ito na magsabi sa kanya kaya hindi na siya nagpumilit pang magtanong dito. Muli siyang tumungga at lumapit kay Hanuel. Medyo nahihilo na si Crystal pero nakakalakad pa siya ng maayos. Umupo siya sa tabi ni Hanuel.
Medyo nagulat si Hanuel sa pagtabi ni Crystal sa kanya ngunit hinayaan lang niya ito. Pinanood niya lang ang ginagawa ng dalaga. Napapansin niyang lasing na ito kaya hinahayaan niya lang ito.
Namumungay ang mga mata ni Crystal na tinitigan si Hanuel. Parang biglang nawala ang hiya niya dahil sa ininom na alak. Ngayon lang kasi siya uminom ng marami, madalas ay kapag nahilo na siya ay tumitigil na siya. "Why?" Nagtatakang tanong ni Hanuel. Kumulubot ang noo nito at tinitigan sa mata si Crystal.
Ngumiti lang ito ng pagkatamis-tamis, itinukod ang siko sa may hita at nangalumbaba. "Nararamdaman ko, may problema ka ngayon." Bumuntong hininga si Crystal. Hindi sumagot si Hanuel at pinagmasdan alang ang dalaga. "Alam mo ba may ginagawa ang Nanay ko sa tuwing nalulungkot ako at sobrang na i-stress na ako dahil sa mga bayarin namin."
"What is it?"
Ngumiti ulit si Crystal. Medyo itinulak niya si Hanuel para tumagilid ito at magkaroon ng espasyo para sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Hanuel nang tumabi sa kanya si Crystal. Kinuha niya ang isang braso nito at inunan saka niyakap siya ng mahigpit.
Bumilis bigla ang tibok ng kanyang puso at parang nanigas si Hanuel sa ginawa nito. Ilang beses na may nangyari sa kanila pero palaging naayon lang ang dalaga sa mga ginagawa niya. Napapakapit ito sa kanya palagi ngunit hindi pa siya nito niyakap ng ganoon kahigpit.
"Sabi ni nanay nakakatulong daw ang pagyakap para maibsan ang lungkot ng isang tao. Nakakatanggal ng stress at nakakapagpasaya." Humikab si Crystal at lalong sumiksik kay Hanuel. Napalunok na lamang si Hanuel at dahan-dahan iniyakap dito ang kamay niyang inuunan nito.
"Sa tingin ko totoo naman kasi..." tumigil ulit ito at humikab. "Kasi niyayakap ko lang siya palagi everytime na stress out na ako." Sumamyo ito. Hindi niya alam kung siya ba ang inamoy nito o ang hangin sa paligid. "Ang bango mo.." napapangiting sabi ni Crystal. "Masyadong stressful ang mundo mo, kaya sana makatulong itong yakap ko." Lalong humigpit ang yakap ni Crystal kay Hanuel.
Mayamaya pa ay narinig na ni Hanuel ang mahinang paghilik nito. Napangiti na lamang siya at tumagilid ng maayos para makaharap ito. Bahagya niyang iniwas ang mga buhok nitong tumatabing sa kanyang mukha. Hinaplos niya ang pisngi nito at dinampian ito ng halik.
"Thank you for coming here with me... and yes, I guess your hug helped me," usal niya at gumanti ng yakap kay Crystal. Pumikit siya at hinalikan si Crystal sa noo. Napangiti siya ulit nang nagsumiksik ang dalaga sa kanya. 'You really are something and you just don't know how you've been helpful since day 1.'