Chapter 10
"Wow! Bongga naman dito Crystal!" Tumitili-tili pang sabi ni Ynette. Alas-syete na ng gabi at kalalabas lamang nito galing sa trabaho. Doon na ito dumeretso sa kanya dahil wala na rin naman si Hanuel.
Pagkatapos nilang magbakbakan ay umalis na rin ito dahil may hinahabol daw siyang flight.
"Ano ka ba baka may makarinig sa 'yo." Saway niya dito. Tumawa lang si Ynette at inilapag sa mahabang lamesa ang dalang supot ng bote ng beer at sitsirya. Nagpasya kasi itong dito sa kanya matulog ngayon dahil na rin sa kahilingan niya. Medyo naninibago kasi siya sa bahay. Maige na lamang ay kasalukuyang andoon ang mga anak niya sa magulang niya.
"Uy! For sure naman makakapal ang mga dingding dito." Nagpalinga-linga ito sa paligid. "Ang ganda dito friend! Mukhang bigatin yung ah!"
"Alam mo hindi ko pa nga natanong eh. Nahihiya ako."
"So nagkita na pala kayo? Yiee! Kumusta? Daks ba?" Nabatukan niya ang kaibigan niya. Kumikinang kinang pa kasi ang mga mata nito habang nagtatanong sa kanya.
"Ikaw talaga puro na lang kapilyahan ang nasa utak mo!" Saway niya dito at inirapan. Tinawanan lang siya nito. "Kumain ka na ba?" Tanong niya dito. Tumango lamang si Ynette at nagpunta sa sala upang doon maupo.
"Ahh! Ang sarap naman umupo dito! Grabe. Ang bigatin talaga niyang costumer mo." Namamanghang sabi ni Ynette. Bahagyang natawa si Crystal noong sabihin ni Ynette na customer niya ang lalaki. Kung tutuusin parang walang pinagkaiba ang trabahong 'to sa ginagawa ni Ynette.
Umupo siya sa tabi ni Ynette. "Oo nga eh. Nahihiwagaan din ako sa lalaking 'yon."
"Ayy teka. Ano nga ulit name n'on?"
"Lee Hanuel."
"Lee Hanuel.. Parang narinig ko na 'yon ahh." Ulit nito at kinuha ang cellphone niya. "Ayy May wifi ka ba?"
Tumango lamang si Crystal at kinuha ang cellphone ng kaibigan saka ikinonek sa wifi nila.
"Kuhain lang ako ng pagkain." Hindi na siya pinansin pa ni Ynette at nagkalikot na lamang sa cellphone niya.
Samantalang si Crystal naman ay kumuha ng sitsirya sa kusina at yung beer na dala ni Ynette. Kung tutuusin ay na andoon na naman lahat kaso wala kasi yung beer na palagi ni lang iniinom ng kaibigan niya kaya nagdala na lamang ito.
"Waah!" Napatigil si Crystal sa sigaw ni Ynette. "Bruha ka! Halika dito!"
"Ano?" Nagtatakang tanong ni Crystal. Nilapag muna niya sa mesa ang dala niya at saka tumabi sa kaibigan niya.
"Waaah!" Pinaghahampas siya nito sa braso at kilig na kilig na tiningnan siya.
"Ano ba?" Nakakunot noo niyang tanong. Hindi nagsalita si Ynette at inabot lang sa kanya ang cellphone na hawak. Napataas pa ang isang kilay niya nang makita ang larawan ni Hanuel. "Lee Hanuel. Occupation, Actor/Businessman, 34 years old- Actor?" Parang nagloading sa isipan ni Crystal ang nabasa niya.
Bahagya pa siyang nag scroll sa website. Nanlalaki ang mga mata niya dahil sa kanyang nabasa. Isa pa lang sikat na aktor si Hanuel. Marami na siyang pinagbidahang pelikula at mga palabas sa kanilang bansa. Sikat ito hindi lang sa Korea maging dito sa Pilipinas. Na alala niya bigla ang pamangkin niyang mahilig manood ng mga koreana novela. 'Isa siya sa mga pinapanood ni Mikaela?!'
"Pak girl! Haba ng hair mo! Yieeee!" may pa tili-tili pa nitong sabi. "Sana all talaga! Biruin mo? Isang superstar yung ka jugjugan mo. Ibang level kana sis! Nakatikim ka na ng mga inaasam ng bawat babae dito sa atin!"
"Kaya pala..." Hindi na niya narinig pa ang mga sinabi ni Ynette. Masyadong natuon ang pansin niya sa natuklasan niya.
'Kaya pala nagtataka siya kung bakit di ko siya kilala... OMG!' Hindi makapaniwala si Crystal na isang sikat na tao pala ang nakauna sa kanya. Hindi niya alam kung dapat bang mabless siya or matakot. Naiisip niya agad ang mga pwedeng mangyari sa kanya kapag malaman ng ibang tao ang tungkol sa ginagawa nila ni Hanuel.
Na baka magaya siya sa mga sumisikat o baka naman ay ma-bash siya. Tumanda na lang siyang hindi aktibo sa kung ano mang sosyal midya tapos ngayon ay magkakaroon siya ng ugnayan sa isang sikat na tao na may milyong taga-hanga. 'OMG! Anong gagawin ko?'
Lumipas ang ilang araw ay muling bumalik na si Crystal sa kanyang trabaho. Kung tutuusin ay hindi na niya dapat pang gawin ito ngunit minabuti niyang magpatuloy. Naisip niya kasing baka magtaka ang kanyang pamilya. Tsaka hindi naman palagi nasa pinas si Haneul kaya naisip niyang mas maganda kung mayroon siyang pagkakaabalahang iba.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nalaman niya. Maige na lang ay mapagkakatiwalaan niya si Ynette. Hindi kasi pwedeng malaman ng iba ang tungkol sa ugnayan nila ni Hanuel.
Mas gusto na lang din niya ang ganoon dahil ayaw niyang magulo pa ang tahimik niyang buhay.
Huminga ng malalim si Crystal. Nasa harap kasi siya ng isang atm machine. Pinag-iisipan niya kung magwi-withdraw ba siya o hindi. Nahihiya pa rin siya kaso kailangan na ng gamot ng nanay niya. Mayroon na kasi itong maintenance tapos malayo pa kasi ang sweldo niya at wala rin naman maiabot pa ang kanyang mga kapatid.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Sige na nga. Sweldo ko naman 'to eh." Saad niya at ipinasok na ang card sa atm machine. Agad niyang tiningnan kung ilan ba ang laman n'on na ikinagulat niya. One hundred Thousand. Kinusot-kusot pa niya ang mga mata niya. Hindi siya makapaniwala sa nabasa.
"Grabe." Naiiling na lang si Crystal. Nagwithdraw na lamang siya ng labing limang libo at umalis na doon. Kinakabahan pa siya dahil ngayon lang siya nagkaroon ng ganon kalaking pera. Pagkatapos ay naghanap naman siya ng padalahan ng pera saka doon nagpadala. Hindi na siya nagtagal pa at umuwe na rin.
Minabuti na lamang niyang sumakay ng taxi tuwing umuuwe dahil nahihiya siya sa mga tao sa building. Pinagtitinginan kasi siya ng mga receptionist doon at iba pang mga empleyado ng condo. Para kasing hotel ang style ng building na iyon kaya maraming mga staffs at iba pa.
Pasalampak siyang humiga sa sofa at kinuha ang cellphone niya. Dinayal niya agad number ng hipag niya.
"Ate Jess! Kumusta kayo?"
"Okay lang Crystal. Ikaw diyan? Si Nanay andito gusto kang kausapin." Ani ng ate niya na nasa kabilang linya.
"Okay lang po. Pakibigay na lang po sa kanya ang cellphone." Nakangiting saad niya.
"Crystal! Kumusta ka na?" Boses ng Nanay niya. Agad nangilid ang mga luha ni Crystal. Magdadalawang Linggo na kasi na hindi niya nakikita ito. Mababakas din ang pagkasabik sa boses ng kanyang ina.
"Ma... miss ko na po kayo," maluha-luhang sabi niya. Narinig naman niyang suminghot ito.
"Ako rin anak. Kung bakit ba kasi kailangan mo pang tumira diyan eh?" Garalgal na sabi nito. Napangiti na lang si Crystal at bumuntong hininga.
"Kailangan ko po kasi 'Nay," sabi niya. "Tama na nga! Kumusta ang pakiramdam mo?"
"Okay lang ako anak. Mas magiging okay kung makikita ko ang bunso ko."
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Opo uuwe ako sa Day off ko 'Nay. Nga pala, nagpadala po ako pambili mo ng gamot at paggastos niyo diyan. Pasama ka na lang po kina ate para kuhain mo yung pera bukas."
"Naku Anak. Nag-abala ka pa. Baka mamaya wala ka na panggastos diyan?"
"Nay. H'wag niyo na isipin 'yon. Importante ang gamot mo." Narinig niya ang pagbuntong hininga nito.
"Pasensya ka na anak. Sobrang laki ng pasasalamat ko dahil andyan ka. Nagpapasalamat ako sa Diyos at biniyayaan niya ang ng mga anak na makakatulong sa akin. Ako na ang nahihiya sa inyo eh. Lalo na sa 'yo Crystal," madamdamin saad nito at narinig na naman niyang suminghot ito.
Agad namang nag-init ang gilid ng kanyang mga mata.
"Ano ka ba 'Nay? Syempre Nanay ka namin. Mahal na mahal ka namin lalo na ako. Gagawin ko ang lahat para sa 'yo, para sa inyo. Kaya h'wag mong sasabihin 'yan 'Nay. Kung hindi dahil sa inyo ni Tatay wala kami ngayon." "Hay... siguro kung andito ang Tatay mo sobrang matutuwa iyon."
Natahimik si Crystal. Hindi na niya napigilan ang mga luha niya. Sobrang na mi-miss na rin kasi niya ang Tatay niya. Siguro hindi na niya kailangan pang gawin ang mga bagay na ito kung andito siya ngayon. Likas na maabilidad kasi ang kanyang ama kaya kahit na di sila mayaman ay hindi naman sila nagugutom. Napupunan nito ang mga pangangailangan nilang magkakapatid.
"Ano ba 'yan naiiyak na rin ako eh!" Tumatawang sabi ni Crystal.
Napalingon siya sa may pinto niya nang may marinig siyang nagbukas niyon. Wala naman nag abiso sa kanya na may pupunta sa kanya ngayon at wala siyang bisita kaya medyo kinabahan siya.
"Wait lang 'Nay tatawag ako ulit." Magsasalita pa sana si Rosa ngunit pinatay niya na ito agad at dali-daling lumapit sa may pinto.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang dumating.
"Hey," bati nito sa kanya at agad siyang sinunggaban ng halik.