The Fall of Thorns 3: Ansel McClennan

Chapter 18



"DALAWANG taon... Dalawang taon na wala siyang ibang ginawa. Hindi siya pumasok. Muntik nang malugi ang construction company na ipinagkatiwala namin sa kanya ni Kuya Alano. He tried monitoring everything from your house. Naroon lang siya parati sa bahay mo. Every day for two years, he would prepare. Parating parang may fiesta sa hapag dahil umaga hanggang gabi, nakahain ang mga paborito mong pagkain.

"Nangingintab din ang buong bahay mo. At tuwing anim na buwan kung papalitan niya ang pintura doon para daw masigurong mukhang bago sa pagdating mo." Natawa si Austin sa kabilang linya. "Every day, he would wear his best attire. He made sure that things are all clean, all set, all perfect for your return. Maghihintay siya sa garden o kaya ay sa gate. Kung uuwi ka, magugulat ka. Namumulaklak na ang mga itinanim niya. Nagbunga ang mga paghihirap niyang magtanim. Ilang beses ding namatay ang mga itinanim niya noon. So, imagine his joy when the flowers grew and bloom one day." Mayamaya ay natahimik si Austin. Ilang sandali ang lumipas bago ito nagpatuloy. "And every day, he would listen to that necklace recorder. Dahil 'yon lang daw ang paraan para marinig niya ang boses mo. He would smile, laugh and then he would cry. Yeah, Ansel sucked the past years."

Nagulat si Yalena. "Austin-"

"And then on the third year, nagulat kaming lahat nang bumalik siya sa McClennan Corporation na Alvero and de Lara Corporation na ngayon," parang walang narinig na patuloy ni Austin. "Ibinalik namin ang totoong pangalan ng mga orihinal na nagmamay-ari ng kompanya. Ansel worked his ass off. Ang sabi niya, kailangan daw matatag ang kompanya sa pagbabalik mo. Parati siyang nag-o-overtime. And then one day, came the good news. Natagpuan ka na. He became conscious about his self. Nag-ayos siya uli ng sarili. He was that nervous and excited to see you again. Hanggang sa nalaman niyang ikakasal ka na."

Bumuntong-hininga si Austin. "I'm sorry. Alam kong hindi ko `to dapat sinasabi sa `yo dahil ikakasal ka na sa iba at hindi ko alam kung may pakialam ka pa sa kanya. But I... I wished you'd break it to him gently. Because Yalena, more than three years ago, when you lost your baby, you didn't die alone. Ansel died with you."

Napahugot nang malalim na hininga si Yalena sa naalalang pag-uusap nila ni Austin dalawang araw na ang nakararaan. Nakuha raw nito ang contact number niya sa private investigator na inupahan nito at ni Ansel para sa paghahanap sa kanya. Bumalik sa isip niya ang mga salita noon ni Ansel, ang paghihirap sa mga mata at ang pait sa boses nito.

"I'm sorry about your nightmares. I'm sorry about our baby. But, Yana, the idea that you've lost our baby because of me was more than a nightmare for me for the past years."

Kumabog ang dibdib ni Yalena. Napatitig siya sa sariling reflection habang nakasuot ng kanyang wedding gown. Madaling-araw pa lang ay ginising na siya ni Bradley, suot na nito ang itim na tuxedo nito. Pinagbihis na siya kaagad ng binata. Gusto daw nitong maaga silang makarating sa simbahan. Gusto daw nitong sila ang mauna roon kaysa sa mga bisita.

Mayamaya ay naipilig niya ang ulo. "You can do this, Yalena. Today, you will walk down the aisle and marry Ansel." Ansel. Oh, God.

Mariing nakagat ni Yalena ang ibabang labi sa magkakahalong damdaming sumapuso sa kanya. Mahal niya pa rin ang panganay ni Benedict. Mula noon hanggang ngayon, ito pa rin. Unang araw pa lang na nakita niya itong muli na naghihintay sa kanya sa gate ng bahay ni Bradley ay na-realize niya na iyon. Pero natakot siyang aminin dahil hindi na pwede lalo na't ikakasal na siya kay Bradley.

At si Bradley...makakaya niya bang biguin ito para lang bumalik sa isang walang kasiguruhang relasyon na naman kay Ansel? Hinding-hindi siya sasaktan ni Bradley. Nakasisiguro siya sa bagay na iyon. But Bradley will never make her heart beat either. Napahawak siya sa kanyang noo. Ano ba'ng gagawin ko?

Ilang sandali pa ay napaigtad si Yalena nang makarinig ng sunod-sunod na pagkatok sa pinto ng kanyang kwarto. Hindi nagtagal ay bumukas iyon at iniluwa ang nakangiting anyo ni Bradley. "Shall we go?"

Sinikap niyang ngumiti. Tumayo siya at inabot ang nakalahad na palad ni Bradley sa kabila ng pagtutol ng kanyang puso.

We've had our chance three years ago, Ansel. And maybe... that chance was our first and last. We both blew it away.

MASUYONG inabot ni Bradley ang palad ni Yalena habang papasok sila sa simbahan. Nang makarating sila sa pinto niyon ay huminto ang binata sa paglalakad.

"Let's pretend. Kunwari, totoong kasal natin `to." Itinuro ni Bradley ang altar. "Walk down the aisle very slowly. Hihintayin kita ro'n. I...I just want to see you walk down the aisle and imagine that you're really mine."

Nabigla si Yalena. "Bradley, ano ba'ng sinasabi mo—"

"Sssh." Idinikit ni Bradley ang hintuturo nito sa mga labi ni Yalena. "Just walk, please."

Umalis na ang binata sa tabi ni Yalena at pumuwesto sa altar. Naguguluhan man ay naglakad na rin siya nang makita niyang sumenyas ito. Pero hindi pa man siya nakararating sa gitna ay tinakbo na siya nito at mahigpit siyang niyakap.

"Hindi ko pala kaya. Hindi ko pala kayang panoorin ka pa. Ang hirap palang magpanggap."

"Bradley-"

"Dapat matuwa ako. Ansel came to our house last night. Nag-usap kami sa labas. Alam mo bang nakipagkita siya sa akin mahigit isang linggo na ang nakararaan? Nagpakilala siya. Siya daw ang karibal ko sa `yo. Lalabanan niya daw ako. But he gave up the fight last night. Pero, Lena, hindi ako masaya. Isip ako nang isip. Paano kung nagkataon na ako ang nasa sitwasyon niya noon? Ano ba'ng gagawin ko? "For the past years, I hated the man who hurt you but I couldn't bring myself to hate him when he approached me. Dahil alam kong mahal ka rin niya, Lena." Humigpit ang pagkakayakap ni Bradley kay Yalena. "Aalis na siya mamayang gabi pabalik ng Pilipinas. Pero may isa siyang request. Hayaan ko daw sana na makita ka niya bago tayo ikasal. He said he will bring you a wedding gift."

Marahang natawa si Bradley. Naramdaman niya pa ang paghalik nito sa tuktok ng ulo niya bago siya pinakawalan. "Ngayong araw ng kasal natin, ako ang magreregalo sa yo." Hinaplos nito ang kanyang mga pisngi. "Ilang araw ko nang tinatanong sa sarili ko kung magagawa ba kitang pasayahin sa piling ko. When I proposed to you, I had hope that I could. But then, I had doubts when Ansel came. Saka ko na- realize na kaya lang pala kitang protektahan, mahalin, at ingatan. Kaya lang pala kitang itago sa mga bagay na maaring makasakit sa yo pero hindi kita kayang pasayahin." Napailing si Yalena. Parang kinurot ang puso niya nang makita ang sakit sa mga mata ni Bradley, sakit na pilit nitong itinatago sa pamamagitan ng pagngiti. "Hindi totoo `yan-"

"Do you know that last night, you were having a real dream? Alam ko dahil nakipagpalit ako ng pwesto kay Martina. Ako ang katabi mo kagabi nang ilang oras sa pagtulog. Hindi ka sumisigaw sa panaginip mo `di gaya nang dati. Instead you seemed happy. You were smiling so beautifully. And I heard you say something. You said you love Ansel. And I knew that very minute... that it's time to let you go." Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ni Yalena. "I'm sorry, Bradley. I just—"

"Wala ka nang kailangang sabihin pa. Naiintindihan ko. Nasasaktan ako pero hindi ako nagagalit. 'Wag mo akong piliin dahil lang sa utang-na-loob, Lena. Tinawagan ko na kagabi ang mga bisita. I told them that the wedding is off. Si Ansel na lang ang hindi pa nakakaalam. Pero pinakabit ko pa rin ang mga decorations dito sa simbahan." Ngumiti si Bradley. "I told you, I wanted to daydream. Ipinaliwanag ko na rin ito kay Martina. Don't worry, the kid's pretty smart. Nasasaktan man siya ngayon pero alam kong maiintindihan niya rin isang araw." Magaan na hinalikan siya nito sa mga labi. "Aalis na muna ako. Ansel will be here any minute. I wish you the best, sweetheart."

Nang tatalikuran na sana ni Bradley si Yalena ay mabilis na pinigilan niya ang binata sa braso. Niyakap niya ito kasabay nang muli niyang pagluha. "Hindi ko gustong saktan ka, Bradley."

"Alam ko." Marahang binaklas ni Bradley ang mga braso ni Yalena na nakayakap dito. "Once, you wished to be invisible. Ibinigay ko iyon sa 'yo. Now, it's my turn to wish the same thing. Pretend that you're not seeing me hurt so you wouldn't be hurt as well. Ayokong nasasaktan ka dahil sa akin. Do that for my pride, too."

Nang tuluyang tumalikod si Bradley ay napaharap si Yalena sa altar at pinakatitigan ang imahe roon. Noong mga panahong nahihirapan akong maniwala na totoo Kayo, na totoong may Diyos at mga anghel, ipinadala n'yo ang dalawang anghel N'yo sa pamamagitan nina Bradley at Martina. I must not worry, right? Because angels will be forever blessed.

Hindi nagtagal ay may narinig siyang mga papalapit na yabag. Walang pagmamadali sa kilos na humarap si Yalena sa pinto ng simbahan. At gaya nang inaasahan ay nakita niya si Ansel. Ngayon niya na lang ito nakita matapos nang naging pag-uusap nila ilang araw na ang nakararaan sa restaurant ni Simone. Ibinalik na nito sa orihinal na kulay ang buhok nito. Wala na rin itong suot na contact lenses. Gumuhit ang sinserong ngiti sa kanyang mga labi. Sino ang mag-aakala na pagkalipas ng lahat ay sila pa ring dalawa ang magkakatuluyan? Ang sitwasyon nila ni Ansel ay isang malaking patunay na totoong may himala. "As Neal Maxwell once say, faith in God includes faith in His timing, Yana." Bigla ay umalingawngaw sa kanyang isipan ang minsang sinabing iyon sa kanya ng ama noong nabubuhay pa ito. Dad, are you here with me? Have you been guiding me all these time?

Muli ay napaharap si Yalena sa altar. Thank You. Thank You for allowing me to hear dad's voice again. Muling tumulo ang kanyang mga luha. I've missed that voice so much. I've missed dad so much. NAHIGIT ni Ansel ang hininga nang masilayan ang matamis na pagngiti ni Yalena nang humarap ito sa kanya. Nanuyo ang lalamunan niya. Napakaganda nitong ikakasal. Naalala niya noong panahong nag- propose siya rito. He imagined Yalena wearing the same wedding dress that she was wearing right now. He imagined her smiling at him as she walks down the aisle. Pero mananatili na lang sa imahinasyon niya ang bagay na iyon.

Nag-iwas siya ng mga mata kay Yalena para hindi nito makita ang pagdaan ng kirot sa kanyang mukha. Iginala niya na lang ang tingin sa buong simbahan. Kulay-langit ang motif doon, ang siyang paboritong kulay ni Yalena. Iyon din ang motif nila para sa kasal sana nila noon. Nanikip ang dibdib ni Ansel. Humigpit ang pagkakahawak niya sa maliit na kahon. Nakalagay roon ang necklace recorder at duplicate key niya ng town house ni Yalena sa Pilipinas, tanda na pinapalaya niya na ito. Pero bigla ay naduduwag siyang gawin iyon. Paano niya ba ito pakakawalan nang hindi namamatay ang puso niya?

"Come here."

Muling napaharap si Ansel kay Yalena nang marinig ang malamyos na boses nito. Nakalahad ang isang palad nito sa kanya.

"Ang sabi ni Bradley, may sasabihin ka raw sa 'kin. Maupo na muna tayo."

Sa halip na abutin ang kamay ni Yalena ay ibinigay na lang niya rito ang hawak na regalo at ipinasok niya ang mga kamay sa bulsa ng kanyang jacket. "That's my... wedding gift. I've been rehearsing for the past few days on how to say congratulations and best wishes. Pero ang hirap palang sabihin ng mga bagay na iyon sa personal. Kaya kung sakaling magkita pa tayo pagkatapos nito, saka na lang siguro kita babatiin. Because I can't... congratulate you sincerely right now. And I can't... really hold your hand." Napahugot siya nang malalim na hininga. "Because I'm afraid I might never let go of your hand anymore."

"Kung sakali bang tayo ang ikakasal, ano ang ipapangako mo sa akin sa harap ng altar?" sa halip ay tanong ni Yalena.

Idinaan ni Ansel sa tawa ang sakit na nadarama. "You're cruel. Do you know that?"

"Come on," muling ngumiti si Yalena. "I need to hear you say it. I need to know I made the right choice."

Kumabog ang dibdib ni Ansel. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Just say it, Ansel. Let me hear your vows."

"When I was younger, parati akong pinagsasabihan ni Mama. Hindi ko raw kasi sineseryoso ang pagdarasal. But when you were gone, I started to pray seriously. Every single day, I would ask you from God. Nangako ako sa Kanyaña kung sakaling matagpuan kita at magawa mo pa rin akong mahalin

mang mga nagawa ko sa yo,

gagawin ko ang lahat ng gusto mo." Dahan-dahang humakbang si Ansel palapit kay Yalena. Nang hindi na mapigilan ang sarili ay inabot niya rin ang mga kamay nito. Kung iyon na ang huling pagkakataong magagawa niya iyon, dapat pala ay samantalahin niya na habang wala pang nakasuot na singsing ng ibang lalaki sa daliri nito. Buong pagmamahal na hinalikan niya ang mga kamay nito.

Namasa ang kanyang mga mata. "I told God that I will serve Him every day. I will be the man He wants me to be. Lahat, gagawin ko para maging karapat-dapat para sa yo. I will be your slave, Yana. I will be your follower. You can lead my whole life and it's okay as long as I wouldn't have to search for you anymore, as long as you will always be right next to me. If this is our real wedding, I will tell you that every

minute of our lives, I will show you what true love is." Naghihirap na napailing siya. "But God... this isn't our wedding."

"So the shark really loves the dragon? Can the dragon trust the shark this time?"

"Yes. Ngayong alam na ng pating kung paano ang buhay nang wala ang dragon, makakaasa ang dragon na hindi na siya muling sasaktan ng pating. More than three years of agony taught the shark a great lesson: and that's to never hurt the one he loves. Yalena, mahal kita. Mahatha mahal kita." Niyakap niya ang dalaga. "Paano... paano ba kita pakakawalan nito? Natatakot ako. Paano ba ako makakabalik sa Pilipinas? How can I ever face Maggy, Clarice, Austin and Alano without remembering you? Mahigit

tatlong taon na ang anak nina Maggy. Magdadalawang taon

naman ang anak nina Clarice at

Alano. How can I bear to look at

those kids without thinking that we

could have had ours?"

Nasorpresa si Ansel nang maramdaman ang pagganti ng yakap ni Yalena. His tears fell. Kay tagal niyang nangulila sa pamilyar na init na hatid ng yakap nito.

"Bradley told me that for the first time, I had a beautiful dream last night. Hindi na raw ako binangungot. And I think that was a good sign. Ang sabi ni Bradley, tinatawag daw kita sa panaginip ko. And I was saying I love you."

Natulala si Ansel.

"Mabuting tao si Bradley at mahal niya ako. Pero may iba't ibang antas ng pag-ibig. May pag-ibig na tumatagal nang habang-buhay sa puso mo kahit na ayaw mo. That's the kind of love I have for you, Ansel." Umahon ang pag-asa sa puso ni Ansel. Mabilis na kumawala siya sa dalaga at pinakatitigan ang maamong mukha nito. "You mean "

Naluluhang tumango si Yalena. "The wedding is off. Bradley lets me go."

"Oh, God! And here I thought my prayers weren't heard." Idinikit niya ang noo sa noo ng dalaga. Ipinaikot niya ang mga braso sa baywang nito. "Thank you, Yana. I love you so much!"

"They say love endures," marahang bulong ng dalaga. "Thank you for loving me all these years, Ansel, and for enduring the pain. Maraming salamat kasi dumating ka... at sinundo ako. I love you." Gumaralgal ang boses nito. "Sa susunod na araw, umuwi na tayo, ha?"

Umuwi na tayo. God... those three words were the most beautiful words he had heard after a long time.

Sunod-sunod na tumango si Ansel. "Uuwi na tayo," aniya bago ginawaran ng halik ang mga labi ng dalaga. Pagkalipas ng ilang taon, muling nabuhay ang puso niya. Naalala niya ang habilin ng ina bago siya nagpunta sa Portland. Ito at ang mga kapatid lang niya ang nakakaalam ng pagpunta niya roon. Sa kalaunan ay muli niya ring nakasundo ang kanyang ina at mga kapatid.

Romans chapter fifteen verse four; for everything that was written in the past was written to teach us, so that through the endurance taught in the Scriptures and the encouragement they provide, we might have

hope, Ansel.

Thank you, Mom. And thank You, Lord. Thank You for hearing my prayers even though I don't deserve it. You're the best.

Wakas☐☐☐☐☐☐

Next chapter will be updated first on this website. Come back and continue reading tomorrow, everyone!

Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.