Chapter 4
SA LOOB ng ilang sandali ay hinayaan ni Clarice si Alano na gawin ang gusto nito. Naramdaman niya ang paghapit ng isang braso nito sa kanyang baywang palapit sa matipunong katawan nito. Walang kahirap-hirap ding nakapasok ang binata sa loob ng kanyang inookupang kwarto habang patuloy pa rin ito sa pananaliksik sa kanyang bibig. Itinulak ng paa nito ang pinto pasara pagkatapos ay mabilis na naisandal siya sa pinto.
"You taste divine, Clarice," pabulong na sinabi ni Alano bago sinimulang kalasin ng isang kamay nito ang tali ng kanyang bath robe. Natigilan ang binata nang tumambad sa mga mata nito ang kahubdan niya. Alano's eyes made her proud and beautiful. Because there was wonder in those blue eyes, there was admiration and lust. "You are by far, the most beautiful woman I've ever seen in my whole life, Clarice." Naipikit ni Clarice ang mga mata nang hindi niya na matagalan ang mga titig ni Alano. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na naging ganoon siya kapangahas. Sa isip ay para bang nakita niya ang determinadong mga mata nina Maggy at Yalena. Naikuyom niya ang mga kamay. Ilang ulit niya pang ipinaalala sa sarili na para iyon sa misyon na kailangan niyang gawin para mas makuha ang loob ni Alano. She had to show him all her assets... And lay her cards on the table. Ang rumaragasang poot sa dibdib niya nang ang mukha ni Benedict ang sumunod na maalala ay nagbigay sa kanya ng tapang at lakas ng loob para dumilat.
Ipinalibot ni Clarice ang mga braso sa batok ni Alano bago hinalikan sa mga labi sa pagkasorpresa nito. It was also the first time she ever kissed a man. She felt him smile against her lips. Ilang sandali pa ay ginabayan siya ng binata sa tamang paraan ng paghalik. Dahil sadyang mabilis turuan, mayamaya lang ay nagawa niya nang gantihan ang bawat halik nito sa kaparehong intensidad.
Bumaba ang mga labi ni Alano sa kanyang leeg. "You smell so good," pabulong pang sinabi nito bago nagsimulang bumaba ang mga kamay.
Napahugot siya ng ilang malalalim na hininga. She allowed those warm hands to wander until her belly and stopped them when they were about to explore deeper... And further. Alano groaned in frustration. "Clarice?"
"I stick by my own rule, McClennan." Tinapik-tapik ni Clarice ang mga kamay nito bago iyon inilayo sa kanyang katawan. "No marriage... No going under."
Ilang segundong gulat na napatitig lang sa kanya si Alano habang unti-unti naman siyang napapangiti.
"Tease."
Natawa na lang si Clarice at pilit pinagtakpan ang sariling damdamin. Pero hirap na hirap siya. Dahil ramdam na ramdam niya pa rin ang apoy na dulot ng mga kamay ni Alano sa kanyang katawan. Noong una ang akala niya ay plantsado na ang plano. Alam niyang ang ganitong klaseng pagkakataon sa pagitan nila ng binata ay hindi maiiwasan. Noong iniisip niya iyon bago pa siya bumalik sa Pilipinas ay para bang isang laro lang ang lahat. Madali lang kung iisipin pero ibang usapan na pala kapag aktuwal na. Mahirap pala. Daig niya pa ang kahoy na sinisilaban nang mga sandaling iyon.
Pagnanasa, ilang beses niya na bang nakita iyon sa mga modelo noon na sumubok pang ligawan siya? Pero kakaiba ang epekto sa kanya ni Alano. It would have been easier if only her target was another man. Na hindi tulad nito kung humaplos at humalik. Hindi lang simpleng pagnanasa ang mababakas sa mga mata ng binata. There was more. Sa kabila ng lahat ay mayroon ding kalakip na paghanga sa mga matang iyon kung tumitig sa kanya. Mayroon ding respeto at iba pang emosyon na hindi niya magawang pangalanan. Naipilig ni Clarice ang ulo. Damn it.
"I'm glad, you know. Because you proved once again today that you're different from others. Kakaiba ka. You're preserving yourself and I... love it and hate it at the same time because I know what happened just now will give me another sleepless night." Ilang sunod-sunod na paghinga ang pinakawalan ni Alano bago muling lumapit kay Clarice at ibinuhol ang tali ng bath robe niya pagkatapos ay hinila siya. Pumaloob siya sa mga braso ng binata.
Damang-dama niya ang mabilis na paghinga nito na para bang sinusubukan lang pigilan ang sarili bago siya marahang kinagat sa kanyang leeg. "Maaga pa," namamaos na bulong nito. "Get dressed. We'll go to church. May nadaanan ako kaninang papunta ako rito. Siguradong aabot pa tayo sa second mass."
Nasorpresa si Clarice. "What?"
"Come on, it's Wednesday." Inilayo na ni Alano ang katawan sa kanya. Ngumisi ito. "Maghuhugas ako ng kasalanan sa tumatakbo ngayon sa isip kong gawin sa 'yo. Get in your room now, Clarice. Seeing you like this, I couldn't help but wonder how it'd feel should I touch and kiss what's under your robe." Tumaas-baba ang Adam's apple ng binata bago ito nag-iwas ng mga mata sa kanya. Naupo ito sa couch. "This is making me ache inside. So, damn it, quit standing there and run to your room now before I grab you back into my arms again."
Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Clarice. Kontrolado na uli ang paghingang naglakad siya papunta sa kanyang kwarto. Kahit pa namumula ang mga pisngi sa sariling kapangahasan ay lumawak pa rin ang ngiti niya nang maalala ang matinding pagpipigil ni Alano sa sarili.
Ngayon niya napatunayan na may kontrol na siya sa binata. Unti-unti ay makakaya niya na itong mapasunod. Napailing siya nang maalala ang panunuksong ginawa kay Alano noong tawagan niya kahit pa alam niyang nasa opisina ito. Kauuwi lang niya noon mula sa sementeryo. Nang i-text siya ni Radha at sinabihang nakita na nito ang pag-park ng binata ng kotse sa resort ay saka lang siya nagmamadaling tumayo, nagpunta sa banyo, at naligo.
And now after what just happened, they are going to church. What a very unexpected place to be for a McClennan.
"MADALAS ka bang magsimba?" Pagbasag ni Clarice sa katahimikan sa pagitan nila ni Alano habang nagmamaneho ito pabalik sa resort. Pagkatapos nilang magsimba ay kumain na muna sila sa restaurant na nadaanan bago ito nagpasyang ihatid na siya.
"Oo, kahit hindi halata." Napangiti si Alano. "Si Mama ang dahilan. She made me and my brothers believe in the unseen. Austin's a nerd, Kuya Ansel's a dictator and probably the most stubborn among us three while I was considered a player but we do have one thing in common: our faith."
Sandaling nilingon ni Alano si Clarice. Nakita niya ang sincerity sa mga mata ng binata at paghanga para sa ina nito. "Our mom can be a little frustrating at times but we adore her." Mayamaya, may kung ano itong dinukot mula sa bulsa ng slacks. Nasorpresa siya nang makakita ng puting rosary. "Meron kaming tatlo nito nina Austin." Muli itong ngumisi. "Pinabasbasan ni Mama. Proteksiyon daw mula sa mga kaaway."
"Effective ba naman? Napoproteksiyunan ka ba naman?"
"So far." Natawa si Alano bago ibinulsa na ang rosary. "Wala namang kaaway na lumalapit."
"Diyan ka naman hindi
nakakasiguro," Clarice answered acidly. Palasimba rin ang kanyang ama noon. Saksi siya sa malaking pananampalataya ng huli sa Diyos. Meron pa itong bibliya sa
compartment ng kotse at kagaya ni Alano, meron ding rosary sa bulsa ng pantalon pero hindi niyon nailigtas ang ama laban sa mga kaaway nito. "Madalas, hindi natin masabi kung nasaan o sino ang mga kaaway natin. Dahil nakasuot sila ng maskara, Alano. Kapag umatake na sila, saka lang natin malalamang kaaway pala sila. Matimbang ang galit ng isang tao. Hate... Is a superpower. Pinapalakas nito kahit ang pinakamahihinang tao."
"Sandali nga. Hindi ka naman siguro isa sa mga kaaway ko, 'no?" nagbibirong tanong ni Alano bago ipinarada ang kotse. Saka niya lang namalayang nasa garahe na pala sila ng resort. "So, ano'ng pinaghuhugutan mo?"
Ang traidor at ganid na ama mo. Nagkibit-balikat si Clarice. "Sinasabi ko lang na 'wag kang pakasisiguro sa mga tao sa paligid mo." Huwag kang pakasisiguro sa ama mo. "I'm just worried about you." Inalis niya na ang kanyang seat belt at bababa na sana ng kotse nang matigilan siya sa pahabol ni Alano.
"Tama ka, Clarice. Hindi nga dapat ako magpakasiguro sa mga taong nasa paligid ko." Napalingon siya rito. "So tell me honestly, baby..." Inilapit ni Alano ang mukha sa kanya hanggang sa halos isang dangka na lang ang pagitan nila sa isa't isa. "Out of all the people around me, to which one do you belong? To a friend... Or to an enemy?"
"Just kiss him when caught off guard." Naalala ni Clarice na bilin ni Yalena. "I've read somewhere that it's the best way to silent people other than killing them, of course." Sa naisip ay hinalikan niya si Alano na kaagad ding tinugon nito. Nang maramdaman ang muling paglilikot ng mga kamay ng binata sa kanyang katawan ay saka lang siya humiwalay. "I hope I answered your question."
"Yes, you did." Matamis na ngumiti si Alano. "But I still have another one."
"What?"
Sumeryoso na ito at inabot ang mga kamay niya. "I really want us to try and to work this out, Clarice. Tell me what you look for in a man. Ano ba ang gusto mong gawin natin? Para naman hindi ako naliligaw sa kung ano ang dapat gawin."
Napatitig dito si Clarice. Those were supposed to be her lines. But it seems like she didn't have to try harder. Seeing the honesty in his eyes, she knew he was finally her captive. "I told you I want your world, your attention. Gusto ko, ako lang ang babae sa buhay mo."
"Don't ask what you already have. Dahil nasa sa 'yo na ang atensiyon ko noong unang beses pa lang kitang makita sa Denver." Masuyong ngumiti si Alano. "More than two months ago, isa ako sa mga nanood sa fashion show n'yo roon. That was the first time I saw you. Hind nga lang ako nakalapit sa daming taong nakapaligid sa 'yo. You had my attention since then. And I never looked at anyone else after I met you. And that was something, considering my record."
Nasorpresa si Clarice. Kung ganoon ay noon pa pala siya kilala ni Alano. Kung sana ay nakita niya na ang lalaki dati, siguro ay mas napabilis ang kanyang plano. She smiled inwardly afterwards. Lalong pinadali ng pag-amin nito ang lahat.
"Gusto ko palagi kang nasa malapit lang," sinabi ni Clarice nang makabawi na. "What can I say? I'm a little possessive as well."
"Bukas na bukas din, lilipat ako sa katabing room mo," nagbibirong sagot ni Alano kahit pa nananatiling seryoso ang mga mata.
"Gusto rin kitang kilalanin nang
husto. What are your dreams, your
fears, and your desires? Gusto ko
mapagkakatiwalaan talaga kita.
ring mapatunayan kung
Mangyayari ang 'yon kapag
ipinakilala mo na ako sa pamilya mo,
me
Alano. +want you to introduce your world and to show me your true self Bumitiw si Clarice sa pagkakahawak nito. "What do I look for in a man? Hmm..." Nang-aakit na pinaglandas niya ang hintuturo mula sa leeg ng binata pababa sa dibdib. nito. "I've been around the world for the past years. At nakakasawang makakita ng mga lalaking moderno at umaasa sa katulong para mabuhay. I want a domestic type of guy, someone who will cook for me, do the dishes..."
"In short, gusto mo ng alila?"
"Alila na agad? Besides cooking and doing the dishes aren't so hard, are they?" Hinaluan ni Clarice ng paghahamon ang boses. "Gusto ko ring magpunta sa beach. I want a man who will stay there with me maybe for a couple of days without the presence of a maid. Iyon ang gusto ko. Sasamahan niya akong manood ng pagsikat at paglubog ng araw. He will sing for me, dance for me and just... Be there for me. Can you be that man?"
Matagal bago nakuhang sumagot ni Alano. "You want the romantic things."
"Yes," deretsong sagot ni Clarice. "That and more. I want your heart, body and soul, Alano. I want you completely and only then can you have me completely. Kaya mo ba?"
Sa loob ng ilang sandali ay naalarma siya dahil muli itong natahimik. Nawala lang ang kaba niya nang idikit ng binata ang noo sa noo niya. "Hindi ko kayang magluto. But surely, cookbooks can help." Kuminang ang mga mata ni Clarice. "Alano?"
"I told you that I want this to work. Pupunta tayo sa beach soon." Bumuntong-hininga ang binata. "I can't sing nor can I dance. But I will try my damnest to do so. Dadahan-dahanin natin ang lahat. What do I ge
in return?"
"A kiss. And if you get lucky, who knows maybe you could have more than that?"
"Can we leave tomorrow?"‒‒‒‒‒‒‒‒‒‒‒‒‒‒