Chapter Chapter8 The Haggard Wife
Part of him ay gustong pitikin ang sariling dila nang biglang tumayo si Jemima. Pakiramdam niya'y tila nagkaroon bigla ng malaking kakulangan sa kaniyang pagkatao nang magkalayo ang kanilang katawan. Gusto niya itong hapitin pabalik sa kaniya, amuyin ang kabanguhan ng kaniyang mapapangasawa.
"Get out." Feeling awkward na sabi ni Jemima sa kaniyang mapapangasawa na hindi pa kumikilos sa sahig. Pakiramdam niya'y namumula ang kaniyang pisngi dahil sa awkward feeling na nararamdaman niya ngayon. Kung puwede lang sana ay bumalik siya sa pagkakadikit sa katawang iyon. Lean but comforting, bagay na hindi niya inakalang taglay ni Harry. Maku-comfort pala siya ng kaniyang kaaway?
Saglit na pinagmasdan ni Harry ang mukha ni Jemima. Deep inside of him ay gusto niyang makipagbati sa babae. Pero paano kung ayaw nitong makipagbati sa kaniya?
Maingat na inayos ng babae ang kaniyang boda. Isusuot niya ito sa kanilang kasal kahit medyo nagusot na. Akala pa naman niya ay lumayas na ang kaniyang groom, magdidiwang na sana siya. At least, hindi galing sa kaniya ang cancellation ng kasal nila. Pero nagpunta lang pala ang lalaki dito para magpalit ng damit.
Tumayo naman si Harry para lumabas. "As you wish," mahinang sagot niya sa babae. Hindi niya ipipilit ang sarili na makipagbai dito, kahit pa ikakasal na sila sa isa't isa.
Nagtungo lang naman siya dito sa hotel suite para magbihis. Alam niya kasing dinala na dito ang luggage nila dahil ilang araw din silang maglalagi dito for the first part of their honeymoon. Hindi niya kayang isuot ang tuxedong iyon na pinamahayan ng ipis. Kabagu-bago ng damit, bakit may mga ipis doon?
Mula pagkabata ay ayaw na ayaw niya ng ipis. In fact, isa ito sa mga ipinambu-bully sa kaniya noon ni Jemima.
Mabigat ang katawang tinungo niya ang pinto. Nanalo ba siya sa asaran nilang dalawa? Bakit mabigat ang pakiramdam niya habang papalabas siya ng pinto?
Siya ang natalo. Part of him is cursing him. Part of him would like to see her face. But, nah! Maraming babae ang nahuhumaling sa kaniya para lang magpakumbaba siya sa isang Jemima Te.
Hindi pa man niya nabubuksan ang pinto ay may kumatok dito. Binuksan niya ito. Nagulat silang dalawa nang iniluwa ng pinto ang mga magulang nila. Nagulat din ang mga magulang nila nang makita sila. "Dad!"
"Papa,... Mama!"
"Jemima!" Hindi sigurado ang mga magulang ni Jemima kung paano magri-react sa nakitang itsura ng anak. Hindi pa kasi nito naayos ang pagkakasuot ng gown at medyo magulo na ang buhok nito. Nanlalaki ang mga matang napatulala sila sa anak nilang babae.
Mula naman sa pagtatanong ay napalitan ng maluwang na ngiti sa mga labi ang naging reaction ni Samuel Sy habang nagpalipat-lipat siya ng tingin kina Harry at Jemima. "Am I going to be a grandfather already?"
"No!" sabay na sumagot ang dalawang nakatakdang ikasal. Pinanlakihan ni Jemima ng mga mata si Harry na agad naman nitong binawi. Bagay na ikinangiti ni Samuel Sy.
"So, let's go. I want to be a grandfather soon."
Tumawa naman ang mag-asawang Te sa tinuran ni Samuel Sy.
Tinulungan ni Samuel si Harry sa pagsuot nito ng black suite. "Don't you get out of my sight anymore," wika niya sa anak habang inakbayan ito palabas.
Hinawakan naman ng mga magulang ni Jemima ang magkabilang kamay ng kanilang anak palabas ng hotel suite.
Their parents dragged them to get married. Hindi na sila nag-abalang ayusan pang muli si Jemima. Hinayaan na nilang hindi na fresh and dainty ang dating ni Jemima dala ng pagmamadaling makarating sila sa simbahan. "Heto na pala sila, tuloy ang kasal!" Masayang sinalubong ni Ismael ang mga bagong dating.
Tumunog na ang musika. Agad na pumuwesto ang mga abay at principal sponsors ng kasal.
Ni hindi ngumingiti ang mga ikinakasal. Alam nilang hindi na sila makakaeskapo sa kasalang ito,-- sa Ten Billion Dollar Deal ng kanilang mga magulang.
Sa pagtatapos ng seremonya ng kasal ay pinagharap ng pari ang dalawa. "You may kiss the bride."
Nablangko ang tingin ng dalawa. Alam nilang kasama ito sa seremonya pero hindi nila ito napaghandaan.
Alanganin man ay inilapit ni Harry ang sarili sa asawa. Biglang sumikdo ng malakas ang kaniyang dibdib. Hindi niya maintindihan kung bakit siya kinakabahan. "Close your eyes."
Nagtataka man ay hindi na nagreklamo si Harry sa gusto ng asawa. Gusto niyang matapos na ang seremonya ng kanilang kasal kaya sinunod niya ito. Pikitmatang inilapit niya ang labi sa labi nito. "Ooopps!" Boses iyon ni Ismael. Umugong ang tawanan.
Hindi siya natuwa nang malamang kamay ni Jemima ang nahalikan niya. Hindi niya inakalang kahit sa kahuli-hulihang bahagi ng wedding ceremony nila ay may maiisip pang kalokohan ang babaing ito. Nag- blush siya sa naramdamang kahihiyan. 'You, monster! Remember this moment. If stares could kill,...'
Napatingin siya sa labi ng asawa. Nakangiti ito dahil naisahan siya. Gayunpaman ay tila nama-magnet siya sa mga labi nito na kanina lang ay ipinagkaila sa kaniya, 'I'll kiss you! K- kill you!' Nagtagis ang bagang niya. Paanong naging monster ang ganito kagandang babae?
"Picture taking na tayo," ang maagap na pagwika ni Zorayda. Batid nilang sila ang pupuno ng pagkukulang ng kanilang anak sa asawa nito kung kinakailangan. Sila naman ang may kagustuhang makasal ang dalawa sa isa't isa.
UNANG gabi nila bilang mag-asawa sa kanilang hotel suite. Nakahiga sa kama si Harry, hinihintay ang kaniyang asawa na naliligo sa banyo. Ninanamnam niya ang magandang musikang pinili ni Ismael para sa kanila. Romantic instrumental ito. Para daw makabuo na agad sila ng magiging pamangkin ni Ismael, pagbibiro ng binata sa kanila.
Nakatapis lang ng tuwalya si Jemima nang lumabas ng banyo. His lips parted nang makita ang bagong paligong asawa.
"Close your eyes." Hindi siya sanay at wala siyang balak na sanayin ang sarili na pinagpipiyestahan ng mga mata ni Harry ang kaniyang katawan. Kahit pa kasal na sila ngayon. She has no plan to please him. Nang hindi tuminag ang lalaki ay naiinis niya itong hinarap. "I'm changing. Either you close your eyes, or eyes on the floor."
"Woman, you can't make me." Close your eyes daw, eh, asawa na niya ito. Ano siya, bale?
Planning your weekend reading? Ensure you're on 00005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"At bakit? Mamanyakin mo na ako ngayon?"
"Hey, that word is inappropriate for married couple! And don't tell me that you don't know that having sex with me is part of your role as my wife." Nanunudyo ang ipinukol niyang tingin sa asawa niya.
Naisip niyang magba-blush ito kapag hindi siya nagpatumpik-tumpik ng pagsasalita tungkol sa pakikipagtalik. And he guessed it right. Kinilig siya nang makita niya ang rosy cheeks ng kaniyang asawa at pag-iwas nito ng tingin sa kaniya. Tinalikuran na lang siya nito at kinuha ang night gown.
"You're ridiculous!" Babalik sana si Jemima sa banyo para doon magbihis pero maagap siyang pinigilan ni Harry.
"My wife, what's yours is mine now. I'd like to claim my part on that Ten Billion Dollar Deal! So you stay here,..." inilapit pa niya sa babae ang nanunukso niyang mukha, "you change your clothes in front of me, and don't order me to close my eyes."
Humigit siya ng hininga. Inipon ang sapat na lakas ng loob. Mukhang 'di siya tatantanan ng guwapo niyang asawa. "Alright." Dahan-dahang hinubad ni Jemima ang tuwalya. 'Hinahamon mo ako, ha!'
Halos lumuwa ang mga mata ni Harry sa tumambad sa kaniyang alindog ng asawa. Agad siyang pinamulahan ng mukha. Biglang nag-init ang kaniyang pakiramdam. Naantig ang kaniyang pagkalalaki. Hahawakan niya sana ang asawa ngunit tinabig siya nito.
"You're free to see but not to touch, or I will cry rape."
Nabaghan si Harry sa sinabi ng nagbibihis na asawa. Napaatras siya. Napalunok siya ng laway. Ang mala-diyosa palang babae sa harapan niya ay lalong bumagsik. Parang rosas na posible siyang matinik.
Tinalikuran niya ito at tumungo sa kama. Hindi niya matanggap ang pagkabigo. Gaganti siya sa kaniyang asawa. Asawa na niya ito kaya hindi puwedeng manatili itong top bully sa buhay niya.
Idededma niya ito sa buong honeymoon stay nila dito sa hotel. 'One day, you will beg me to please you. And I will say no.'
"Do you want to see them again before you sleep?" Nang-aakit pa ang tono ng babae. Alam niya kasing nahihirapan ang kaniyang asawa sa sitwasyon nila ngayon, bagay na nagpapakilig sa kaniya. Pinipigilan lang niya ang matawa habang pinagmamasdan ang asawa na tila namimilipit sa sakit habang nakatagilid ng paghiga.
Hindi na sinagot ni Harry si Jemima. Nagkunwari siyang tulog. Ngunit kahit napagod ang kaniyang katawan ay hindi siya makatulog. Pakiramdam niya ay tino-torture siya ng kaniyang asawa.
Nanaig ang katahimikan sa loob ng honeymoon suite nila. Tiningnan niya ang asawa. Tulog na tulog ito. Tila walang pakialam na kasama siya nito sa iisang kuwarto.
Ngayon niya lang natitigan ng buo at malapitan ang asawa niya. Napagod siguro talaga ito at nakanganga pa sa pagtulog habang naka- spread ang mga kamay at paa. Halos inangkin na ng magandang nilalang na ito ang buong kama. Ipinilig ni Harry ang ulo mula sa pagkakatitig sa kagandahang nasa kaniyang harapan. Inihilamos niya ang kamay at halos sabunutan ang sarili. Katabi niya ang babae sa pagtulog, pero ni hindi man lang niya mahawakan. Naiinis siya sa babaing katabi. Naaamoy niya ang kabanguhan nito. Nanunukso. Gusto niya itong amuy-amuyin. Hagkan. Lalaki siya at may active sex life. Pero tila ngayon siya masi-zero kung kailan may asawa na siya. Bumalik siya sa paghiga. "I will never get tired to give you punishment, you inconsiderate woman," were his last words before he closed his eyes.
Ngunit tila kay Jemima umaayon ang pagkakataon. Because Harry could not resist looking at her wife's curvaceous body, Jemima enjoyed teasing him by flaunting her assets.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! Nasa honeymoon stage sila sa hotel ngunit hindi siya nagpapahawak sa asawa. Pinalalaway naman niya ito sa pagsusuot ng panty shorts at body fit na tube blouse.
Walang magawa si Harry kundi ang manood ng telebisyon at palihim na sumulyap-sulyap sa asawa na hindi niya inasahang saksakan pala ng kaseksihan. NATAPOS ang kanilang honeymoon. Magkasama na silang naninirahan sa condominium unit ni Harry, pero halos hindi sila nag-iimikan.
"I'll be late tonight. Don't wait for me."
Hindi na niya hinintay na sumagot ang asawa. Lumabas na siya ng unit para magtrabaho. Bagama't naa-appreciate niya ang pag-aasikaso sa kaniya ni Jemima, naiinis pa rin siya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito madapuan ng haplos. Aminado siyang physically attracted na siya sa kaniyang asawa. He thinks he'll go nuts kung lagi niyang katabi ang mabango at sexy niyang asawa.
Araw-araw niyang isinusubsob ang sarili sa trabaho. Gusto niyang makalimutan ang itsura ng asawang naghihintay sa kaniya pag-uwi. 'What will she wear tonight? It might be her favorite sexy black lingerie.'
"I'm here if you need help," wika ni Cohen sa boss na namumula ang mukha habang nag-iisip ng malalim.
Ang presence ni Cohen ang nagpaalala sa kaniya na tapos na ang office hours.
"I need you to drive me at Ivana's." Nakita niyang nagtagis ang bagang ng kausap dahil sa binanggit niyang pangalan. "She's out of town, don't worry. Dad will not kick you out and I'm not planning to breach our contract." Kabawal-bawalan sa kaniya ang makipagniig sa ibang babae. Pero katwiran niya'y wala sa pinirmahan niyang kontrata sa kaniyang ama na bawal ang tumingin-tingin at makipag-party sa mga babae. Ang katapatan sa ama na lang ang pumipigil sa kaniyang pumatol sa ibang babae. 'My marriage is not working, anyway.'
Harry held a pool party with his rich friends. Doon sila nag-bonding sa ibaba ng condominium building kung saan nakatira si Ivana,- ang kaniyang on call partner. Paborito kasi nila itong hang-out ng mga kaibigan niya. Sa naturang building din nakatira ang pinsan niyang si Chester Singh.
"So, you're back! How's your married life?" Nagngitian at nag shake hands ang magpinsan. "I invited myself, you seem to have forgotten to ring me a bell," bulong niya kay Harry.
Malawak na ngiti ang isinukli ni Harry sa kaharap. "I'm good."
"Good?... good!" Tinapik ni Chester ang balikat ng pinsan.
"Actually, I'm great! Never been better!" With emphasis pa ang pagkakasabi niya. Gusto niyang magyabang sa pinsan, na ang ganda ng napangasawa niya. But will it do good to him? Naiisip pa lang niya ang kaakit-akit nitong itsura pero bawal niyang hawakan, feeling niya'y he's the biggest loser in the world. Pagtatawanan siya ng mga kaibigan niya kapag malaman nila ang kasalukuyan nilang sitwasyon na mag-asawa.
"So where's your wife?" Itsurang OA sa paghahanap si Chester.
"She's not coming. My wife is very tired, I make her very tired every night!" Sinadya niyang lakasan ang kaniyang boses kaya tinukso siya ng mga kasama. Ngiting-tagumpay si Harry, but deep inside, he feels awkward. In fact, it made him feel miserable