The Billionaire's Prize Wife

Chapter CHAPTER 12 Saying Sorry



Alas tres na ng madaling-araw. Gising pa rin sina Harry at Jemima. Magkatabi silang nakahiga.

"Sorry."

Hindi sumagot si Harry sa paghingi ng paumanhin ng asawa. Hindi niya nagustuhan ang ginawi nito kanina.

"I said sorry," mahinahon niyang pagdidiin. Alam niyang na-offend niya ang asawa. Ewan ba niya, pumayag naman siyang makipagniig dito pero nang dahil sa kaniya ay naudlot ang katuparan ng wish ni Samuel Sy. "I've had sex with virgins, but they were cool," at bumuga siya ng malakas na buntunghininga.

Napasimangot si Jemima sa narinig. Ikinumpara pa siya nito ngayon sa mga nakaniig nito. 'Di ko naman sinasadyang matawa sa itsura mo. Katawa-tawa naman talaga.'

Nagka-boyfriend na rin naman siya. Pero hanggang sa kamay at sa pisngi lang niya sila pinahahalik. Si Harry lang ang nakahalik sa kaniya sa labi at sa iba't ibang parte ng kabuuan niya. Si Harry ang kauna-unahang lalaking nagpakita sa kaniya ng ganoong pagnanasa. Katititig niya sa itsura ng asawa ay parang kiniliti siya sa tiyan kaya siya natawa kanina.

"Do I look like a clown to you?" He feels frustrated. Nasaktan talaga ang ego niya. Hindi niya tiyak kung ano ang naging itsura niya kanina, ang alam lang niya ay pinipigil niya kanina na ipahalata ang pagnanasa na nararamdaman niya para sa asawa. At nahirapan siya sa pagpipigil niyang iyon.

Bumuka ng bibig si Jemima para mag-apologize uli. Hindi naman niya ginustong saktan ang pride ni Harry. Hindi lang siya sanay sa naging reaksyon nito kanina habang pinagmamasdan at hinihimas nito ang kaniyang kahubdan. Bakas sa mga mata ng lalaki ang pagnanasa sa kaniya habang pinipigil ang malakas na paghinga. Nakita pa niya ang pagmarka ng ugat nito sa may sintido. Batid niyang pinanggigilan siya ng sobra ng asawa, pero narinig nito ang paghulagpos ng hindi niya napigilang pagtawa.

"I think it won't work. We're not good together."

Napamaang si Jemima. Isa-suggest pa naman sana niya na subukan nila uli. Mangangako pa sana siya na magbi-behave na siya pero nakapagdesisyon na si Harry. Sumang-ayon na lang siya sa asawa. Matapos nilang magkasundo na gagawa sila ng solidong plano para makapaghiwalay ay saka pa sila nakatulog.

"Huh!" Nagulat si Harry nang pagmulat niya ng mga mata ay magkaharap pala silang dalawa ni Jemima. Magkayakap. Kaya siguro ang sarap ng naging tulog niya, may kayakap siyang mukhang anghel. Mainit at malambot ang katawan. Kaakit-akit. Napaupo siya. Napalunok siya ng laway habang nakatitig sa tulog na tulog pang katabi. Ito ba ang asawang hihiwalayan niya? Baka hanap-hanapin niya ang bango ng babaing ito. Nag-init ang kaniyang pakiramdam nang maalala ang mainit nilang tagpo kagabi. Malinaw pa sa kaniyang alaala ang lasa ng halik ng kaniyang asawa. Malambot ang labi. Matamis halikan. Isa-isang binalikan ng kaniyang mga titig ang mga bahaging nilakbay ng mga kamay niya kagabi. Natuon ang kaniyang paningin sa dalawang malalambot na bundok na iyon ni Jemima.

"Uh!"

Nagulat si Harry nang nagtama ang kanilang paningin. "You snore like a giant," pagsisinungaling niya sa asawa.

"R-really?" Napapahiyang bumalikwas siya ng upo.

"You were drooling," nagkunot pa siya ng ilong na parang nandidiri sa kunwaring paglalaway ng asawa.

Nagpahid naman si Jemima ng mukha gamit ang laylayan ng kaniyang night gown. Tumambad tuloy kay Harry ang mapipintog niyang legs.

Napalunok si Harry ng laway. Inabot niya ang kamay ng asawa para ibaba nito ang damit. Ayaw na niyang matukso pa dito.

"M-meron pa ba?"

Tumango si Harry. Ipinampahid ang kaniyang mga daliri sa gilid ng labi ni Jemima na kunwari'y may bahid ng laway nito. Nagkatitigan silang dalawa. Gusto niyang humalik. Pero nagpasya na sila kagabi. Kapuwa mabigat ang katawan na lumayo sila sa isa't isa. Kumilos silang parang mga robot habang naghahanda sa pagpasok sa opisina.

Tumunog ang telepono. Hindi agad nila ito nasagot dahil kapuwa mabigat ang kanilang katawan. Nasa sala din naman kasi ang landline phone habang nakaupo sila pareho sa dining table. "This is Harry Sy, kindly leave a message." Pagkatapos ng 'toot' ay boses ng isang babae ang narinig nila.

"Hey! Harry, baby, I'm in town. Wanna see me tonight? I miss you!"

Nagkatinginan ang mag-asawa sa narinig. Tumungo ng noo si Jemima kasabay ng pagbagsak ng kaniyang mga balikat pero agad niyang itinuwid ang katawan at ngumiti kay Harry. "Si Ivana ba iyon?"

"Y-You know her?"

Magtataka pa ba siya kung marami nang alam ang asawa tungkol sa kaniyang mga naging ka-fling? Lalo na ang tungkol kay Ivana. Sa lahat ng mga naka-fling niya, si Ivana kasi ang nagtagal kahit na wala silang commitment sa isa't isa. "Yes, it's her." Tila may dumamping malamig na hangin sa kaniyang noo. "L-Look," naramdaman niya ang malakas na pagkabog ng kaniyang dibdib, "she doesn't know about you. We were--"

Tumayo siya habang nagsasalita, "if you'll see her, I won't tell dad." Napahaplos siya sa kaniyang leeg dahil sa paggaralgal ng kaniyang boses sa bandang dulo. Agad niyang tinalikuran ang asawa. 'Hindi mo na siguro kailangang magpaliwanag pa. Maghihiwalay na rin naman tayo.' Napahigop siya ng hangin.

Habang nasa loob ng kotse ay walang imikan ang mag-asawa. Nakatuon ang paningin ni Harry sa kalsada habang nagda-drive pero abala ang kaniyang isipan. Katabi naman niya si Jemima. Nakatingin ang babae sa labas ng bintana pero malalim ang iniisip.

Nagulat na lang sila nang may humarang na sasakyan sa kanilang harapan. Aatras sana si Harry pero may humarang din na sasakyan sa kanilang likuran. Mabilis ang naging pagkilos ng mga lalaking nakamaskara. Tinutukan silang mag-asawa ng mga baril.

"Who are you?"

Agad sila nitong pasalyang pinaupo sa backseat at pinalitan si Harry sa driver's seat.

"Look, maybe you got the wrong people!"

Sinakluban sila ng maitim na tela sa ulo at iginapos ang kanilang mga kamay. Walang nagawa ang pagpupumiglas nilang mag-asawa.

"Ouch!" Natapakan kasi ng katabing kidnapper ang paa niya dahil sa pagpipigil nito sa kaniyang magpumiglas.

"Don't hurt my wife!"

"You behave or we will hurt you both."

Minabuti ng mag-asawa ang manahimik na lang. Ayaw nilang may masaktan pa sa kanila. Hindi nila nakikita ang direksiyon ng tinutungo nilang lugar.

Magkatalikod silang iginapos sa isang lugar. Pareho silang nakaupo at may piring sa mga mata. May busal din sila sa bunganga.

"I got one rule only," sabi ng kidnapper sa mag-asawa, "if you and your parents will behave, you will be free. But if not, you will be dead. I don't play games. I mean business! So you better convince them to pay, else..."

Pinanindigan ng balahibo si Jemima sa narinig. Ngayon niya naunawaan kung gaano kadelikado ang makidnap. Mabuti na lang at nalaman niya agad noon na pekeng kidnapping iyong nangyari kay Harry. Pero ngayon, iba ito. Hindi na ito 'kidnap me'. Ramdam niya na walang kinalaman si Harry sa pangyayari. Tama nga kaya siya?

Nag-iisip si Harry kung paano sila makakaligtas sa mga kidnapper. Mahilig siya sa action movie pero matagal na siyang hindi nakapag-exercise. Malalaki pa naman ang mga katawan ng kidnappers nila. May mga armas pa. Narinig niya ang pagsinghot ng asawa. Tila may kumurot sa kaniyang dibdib. Hinanap niya ang mga kamay nito.

Napangiti ang puso ni Jemima. Ramdam niya ang pagmamalasakit ng asawa niya sa simpleng paghawak ng mga daliri nito sa kaniyang mga daliri. May kakampi pa rin siya ngayon. Kahit paano ay nababawasan ang nararamdaman niyang takot.

Tumunog ang cellular phone ni Jemima. Ini-on ng kidnapper ang loudspeaker.

"Hello, Jemima! I was going to bring you the flowers but I've heard that you're not in your office. I understand that you had to leave me there, don't worry." Walang sumagot kay Chester. "Are you okay?"

Ini-off ng kidnapper ang phone. "Maybe we can collect money from your lovers, too. Will they pay?"

Nagtagis ang bagang ni Harry sa narinig. Napadiin ang pagkahawak niya sa mga daliri ng asawa.

Napaisip siya tungkol kay Chester. Ni hindi niya ito pinagdudahan nang sumama ito sa asawa niya. Pero bakit may pa-flowers pa ito sa asawa niya ngayon? Iisang kuwarto lang kaya ang tinulugan nila doon sa resort? Nanlaki ang mga mata ni Jemima nang bumitiw sa kaniya si Harry. 'Hindi! Huwag!'

"If your parents will pay in full, both of you can go. But if not, one of you will stay. Well, I choose the lady to stay."

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Hindi matanggap ni Jemima ang narinig mula sa kidnapper. Napaiyak siya sa isipang maiiwan siya sa kamay ng mga lalaking halang ang kaluluwa. Wala siyang kalaban-laban. Mahina man ang pag-iyak ng asawa ay naririnig niya ito. Hinawakan niyang muli ang mga daliri ni Jemima.

Gusto niyang murahin ang asawa sa paghawak-bitiw nito sa kaniya. Pero minabuti niyang humawak din dito. Humihikbi siya habang humuhugot ng lakas ngayon kay Harry. Narinig nilang may tinatawagan ang kidnapper. Sinagot naman ito sa kabilang linya.

"Mr. Samuel Sy, I will give you three days to send me five billion dollars and they can go."

"Let me see my son! Let me see them!"

"Okay." tinanggal nito ang busal ni Harry. "Tell him to pay at once."

"Harry!"

Naaawa siya sa ama nang marinig niya ito. "Dad!"

"How are you?"

"Dad, five billion is too big! We can't afford that much!"

Sinampal si Harry ng kidnapper gamit ang kaniyang busal. "You're no good!" Ibinalik niya ang busal nito.

Narinig nila na lumabas ang kidnappers. Naiwan silang dalawa na nakikiramdam.

Umigik ang pinto. Galit ang boses ng kidnappers habang nag-uusap sila.

"That old man is too cheap!"

"He's a billionaire! Why won't he pay, boss?"

"Maybe he'll inform the police. We have to sell them now. Turn on the video."

Lumakas ang pagkabog ng dibdib ng mag-asawa. Ayaw nilang isipin kung saan sila ibebenta ng kidnappers nila.

"Give me the list of multi billionaires who are in need of vital organs."

Napalunok si Harry sa narinig. Agad niyang naisip na baka i chop-chop sila. Nagpumiglas siya gayundin ang kaniyang asawa. Na- out balance sila at sumalpak sa sahig. "You can't go anywhere. We're gonna sell you to the highest bidder."

Nagtawanan ang kidnappers. Lalong nag-alala ang mag-asawa sa kahihinatnan nila.

"Don't worry, your wife is very pretty, they will buy her for sure." Nagtawanan uli sila.

May piring man sa mata, hinanap ni Harry ang asawa. Ipinangharang niya ang sarili sa katawan nito. Lalong naghalakhakan ang kidnappers nila.

"Foolish! Wait here, we'll deal with your buyers."

Nabibigatan man si Jemima habang nasa kandungan niya si Harry, somehow ay natutuwa siya sa pagharang nito sa harap niya. Malinaw na gusto siyang iligtas ng asawa.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! Muling bumukas ang pinto. Kinuha ng mga lalaki si Jemima. Nagpupumiglas ang mag-asawa pero wala silang nagawa.

Ilang sandali pa'y narinig ni Harry ang paglagabog sa kabilang pinto.

"No!... Help!... No!... Harry!"

Natataranta si Harry sa narinig na paghingi ng saklolo ng asawa. Binalya-balya niya ang kinaroroonang lugar. Sinikap din niyang matanggal ang kaniyang busal. "Jemima!"

Nakalas ang tali sa mga paa niya. Sinipa niya ang pinto. Kailangan niyang makita ang asawa. Kakalabas pa lang niya ng pinto ay pasalyang ibinalik sa kaniya si Jemima. Luhaan ito.

"Jemima!" Nilapitan niya ang asawa. Awang-awa siya dito. "What did they do to you?"

Nagpatuloy lang sa pag-iyak ang asawa. Lalo niya itong niyakap.

"I will pay you. Please let us go. Don't bother the old man anymore. He's sick, just spare him." "How much can you pay?"

"I will give you ten million dollars, just let us go."

Saglit na nag-isip ang lider ng kidnappers. Nagtinginan sila.

"Please let us go."

"No. We can have one million per month if we sell your wife. It's easy money,... infinity!"

"Infinity!" sagot naman ng mga kasama nito.

Napadiin si Jemima sa pagkakasandal sa katawan ng asawa. Kailangan niya ng tulong nito.

Ramdam ni Harry ang nararamdamang takot ni Jemima. Hinalikan niya ito sa buhok. Hindi niya alam kung paano ito aaluin.

Sinenyasan ng lider ang mga kasama. Sinakluban uli ang mag-asawa ng itim na tela.

Sa may backseat ng sasakyan ay isinalya ng kidnappers si Harry. Isinunod nila si Jemima. Agad na umandar ang sasakyan.

Nagpapasalamat ang kalooban ni Jemima dahil katawan ni Harry ang kinasadlakan niya. Masakit man sa katawan ang kanilang situwasyon ay nabubuhayan siya ng loob dahil nalalanghap niya ang hininga ng asawa. Sinikap naman ni Harry na tuluyang makalas ang tali sa kaniyang mga kamay. Niyakap niya si Jemima. Alam niyang kinakabahan ito. Hindi nila alam kung saan na naman sila dadalhin ng kidnappers nila. Magkadikit ang kanilang mukha. Nasa ibabaw niya ang malambot na katawan ng asawa. Yakap-yakap niya ito. Ayaw niya itong pakawalan. Ayaw niya itong mawala.

"Boss, I think they're honeymooners," ang natatawang sabi ng kidnapper habang nagda-drive.

"Well, the buyers will continue the exciting part."

Naririndi ang mag-asawa sa pagtatawanan ng kidnappers. All they can hope is to get a chance to escape. 'Maghiwalay man tayo, hindi kita makakalimutan.' May kumurot sa puso ni Jemima sa isipang iyon.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.