Chapter CHAPTER 1 Desperate Measure
NAMUMUO na ang pawis sa makinis at mamula-mulang mukha ni Harry Sy. Bagama't may ipinatong siyang tela sa inuupuan niyang semento ay randam pa rin niya ang init nito lalo na at alas tres pa lang ng hapon ngayon. Hindi pa kumukulimlim ang panahon.
Bagama't suot niya ang makulay niyang sunglasses, hindi pa rin nito naitago ang nakaarko niyang mga kilay at nakakunot na noo. Sumisimangot siya sa tuwing may tumititig sa kaniya, lalo na kapag babaing hindi niya type ang nagpaplanong lumapit sa kaniya.
'You are here for the Merlion, not to be my friend.'
Bagama't hindi niya ibinubuka ang bibig niya para itaboy ang bawat nagtatangkang lumapit sa kaniya ay hindi sila tumutuloy sa tuwing nakikita ng mga ito ang pagkunot ng kaniyang noo.
Hindi siya natutuwa sa kinasuungan niyang sitwasyon. Pangatlong araw na nila ito ng paghahanap ng mapapangasawa niya. Lahat ng target nila ng assistant niyang si Cohen ay pawang hindi pumasa nang ipinakita nila ang portfolio ng mga ito sa ama niya. Ngayon ay nasa Merlion Park sila. Naupo siya sa sementadong upuan at nagsuot ng simpleng itim na tee shirt at itim na jeans, na tinernuhan ng puting rubber shoes. Kumunot ang noo niya nang mapadako ang pansin niya sa sapatos. Hindi niya ito type, pero dahil sa pagmamadali ay ito ang naisuot niya. Sa mall lang kasi siya nagpalit ng outfit.
Kanina lang ay naka business attire siya, pero biglang tumawag ang president ng kanilang kumpanya,-- ang kaniyang ama na si Samuel Sy.
Napabuntong-hininga siya nang maalala ang sinabi ng kaniyang ama.
"You only have one week to marry!"
Humingi naman siya ng extension sa ama niya. Wala na kasi siyang maisip na babaing puwede niyang pakasalan. Mapili ang kaniyang ama. Hindi rin niya makukuha ang presidency ng kanilang kumpanya kung hindi pasado sa kaniyang ama ang magiging asawa niya. Magkakaroon lang siya ng asawang walang silbi sa kaniya. Sa malas ay hindi niya napapayag ang ama sa hiningi niyang extension, kaya heto siya at sumunod sa suhestiyon ni Cohen na dumisplay sa Merlion Park. Ayaw naman niyang pumayag na tanggapin na lang ang kung sino ang ibibigay sa kaniya ng kaniyang ama. Gusto niyang siya ang unang makausap ng babae. Papipirmahin niya kasi ito ng kontrata na ililingid nila sa kaniyang ama. Lumapit si Cohen sa amo para ipaalala dito ang dahilan kung bakit tinitiis nito ang init ng araw ngayon. "Sir, there are beautiful ladies around. Would you like me to talk to them for you?" Sinimangutan lang siya nito.
Gustong punahin ni Cohen ang boss niya sa pagkakaroon nito ng supladong mukha. Sino nga ba naman ang magkakagusto pang lumapit dito. Nauunawaan naman niya ang pagsusuplado nito. Naiipit ito sa sitwasyong ni siya ay ayaw niyang
maranasan.
Naaawa siya sa boss niya. Ang pagtiim ng bagang nito ay proof na ayaw niya ng ginagawa nito. Sinusunod nito ang kaniyang ama kahit na puwedeng masagkaan ang sarili niyang love life. Paano kung dumating ang araw na makakita si Harry ng babaing magpapatibok ng puso nito? Paano kung hindi umayon sa kagustuhan ng binata ang mga pangyayari?
Nasa kaniya ang envelope kung saan nakapaloob ang kasulatang papipirmahan nila sa mapipili nilang babae.
"We're wasting our time here."
Saglit siyang napamaang ngunit wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa boss niya patungo sa parking lot. Kahit paano ay inasahan na niyang ganito ang mangyayari. Paano nga ba sila makakakuha ng mapapangasawa nito sa isang parke? Desperate measure na kasi nila ito dahil kinakapos na sila sa panahon.
"I can't believe that my father would actually think that I can get a bride that would pass to his liking, now or even years from now! That woman would be from the moon!"
Halos padabog na isinara ni Harry ang side door ng kotse nang makaupo siya sa back seat nito. Nilingon naman siya ni Cohen bago nito tinapakan ang silinyador. "Where to, sir?" Tanong niya habang tinitingnan ang nakabusangot na binatang amo sa rear view mirror.
"Drop me at Ivana's."
"But, sir, your father actually told you to--"
Harry just gave him a quick frown at ibinaling na nito ang tingin sa labas. Pinili ni Cohen na tumahimik na lang. Kahit mas matanda siya dito ng thirteen years ay iginagalang pa rin niya ito, lalo na ang emosyon nito ngayon. Nakahinga siya ng maluwag nang makita niya itong patamad na sumandal at pumikit. Alam niya, gusto ng binatang kalimutan sandali ang problema nito.
Nang tanggapin niya ang alok ni Samuel Sy na maging assistant ng anak nitong si Harry ay inihanda na niya ang sarili sa mga pagkakataong ganito. Alam niyang mas magiging challenging ang role niya dito kesa noong personal driver pa siya ng ina nitong si Benita.
Nanlaki ang mga mata ni Harry at pinukulan niya ng matiim na tingin ang kaniyang assistant nang mapagtanto niya kung saan siya nito dinala. Nasa malawak silang garahe ng kaniyang condominium. "Haven't you heard what I said? This is not Ivana's!"
"If I have to carry you up to your unit, I would." Pormal ang mukhang hinarap ni Cohen ang binatang amo. "You know the rules, sir."
Naaawa man sa tila paglaglag ng balikat ng binata, minabuti ni Cohen na panindigan ang naging desisyon. Hinintay niyang umibis ng kotse si Harry bago siya nag parallel parking.
Sinundan niya ang amo na wala sa mood na pumasok ng elevator.
"I can't believe that up to this day, I still don't have your loyalty," Harry said in a low tone, almost murmuring.
Nang makarating sila sa 31st floor ay sabay silang lumabas ng elevator.
"Harry," he wanted to apologize pero hindi siya agad nakakibo when Harry looked at him in the eye.
"I would like you to leave me, Cohen," he said while looking at where he's going.
Bagaman mababa ang tono at mahina ang pagkakabigkas nito ay bumalot sa pagkatao ni Cohen ang mabigat nitong mensahe. Agad siyang pinamulahan ng mukha at pinanlamigan. Pinagpawisan siya sa halos lahat ng parte ng kaniyang katawan.
Cohen slightly cleared his throat. "I can leave you, Harry. I will. Just give this to me. I'd like to complete my mission first before I leave."
There was an awkward silence. Tahimik na tinungo ni Harry ang kaniyang unit. Nag-aalangan man ay sumunod na rin sa kaniya si Cohen.
Halos silang dalawa lang ang naglalakad sa pasilyo. On better days ay maririnig ang habulan ng mga paa ng dalawang mamang umaaktong bata dito. Lumalabas kasi ang pagka- childlike ni Harry kapag sila lang dalawa ang magkasama. Mag- iisang buwan nang walang habulan sa pasilyong ito.
Iniinom ni Harry ang bawat alak na itinatagay ni Cohen sa kopita niya. Bagama't masama ang loob niya sa ginawa nitong pagsuway sa kagustuhan niya ay aminado siyang tama ang ginawa nito. Deep inside ay nagpapasalamat siya sa ginawa nitong desisyon. Pero gusto pa niyang makita ang feeling guilty na itsura nito.
"I hate you, Cohen."
"I'm sorry!" paghingi niya ng paumanhin sa amo habang sinasalinan ng alak ang kopita nito.
"All you do is follow the old man's orders. I appreciate that, but how about me?"
"Am I not able to give everything you need, sir?"
"My needs?... yes, you did. You're perfect! But I have my wants, too! You don't give me pussy!"
Bahagya siyang napangiti sa nakitang ekspresyon ng amo. Alam niyang nagbibiro na ito. "You can see them all after this, sir." He cleared his throat again, loudly this time, "If you want, I can call Dr. Cheung."
"Who? Dr. Cheung? I don't like his caged breeds, man!" Tinapik nito ang assistant sa braso bago tumayo at umaktong pusang nangangalmot.
"I've heard that pets are great stress relievers, sir."
Planning your weekend reading? Ensure you're on 00005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"Nothing compared to a woman." Binuksan nito ang isang aparador at inilabas ang dalawang paper bags. "Silly women, I can't even remember who these belong to."
Sinilip ni Cohen ang laman ng paper bags na iniabot sa kaniya.
"Give them to those who want them or burn them, I don't care. I have to practice celibacy from now on."
"Why did you keep these?"
"Don't blame me, I didn't ask for souvenirs." Pagkuwa'y naalala niyang may dapat siyang bigyan ng agarang desisyon. Napaupo siya sa lazy dog niya at nag-isip.
"We can ask Chester for help, sir."
Hindi makapaniwala si Harry sa tinuran ng assistant. Maayos makitungo sa kanila si Chester Singh, ang pinsan niya na Vice President ding tulad niya, pero hindi niya maaaring ipagkatiwala dito ang bagay na ito. Si Chester pa naman ang mahigpit niyang karibal sa Presidency ng kanilang kumpanya. Ito ang in-charge sa production samantalang si Harry ay sa administration.
"You know what, I got only one person whom I can trust about this," bahagyang kinilabutan si Cohen sa tinuran ng amo, "... you! You can do it, Cohen. Find me a bride and ensure father's nod on her. But make her sign the agreement first, okay?"
"B-but--"
"I trust you, Cohen!"
.......
ISANG buntunghininga pa ang pinakawalan ni Harry bago siya tuluyang umibis sa kaniyang red car. Si Cohen kasi ang gumamit sa isa niyang kotse. Sinundo nito ang babaing mapapangasawa niya ngayon. Sinadya niyang mauna ng dating ang bride niya sa simbahan. Ayaw niyang maghintay sa wala sakaling magbago ang isip ng babaing nakasundo nilang magpakasal sa kaniya.
Si Cohen lang at isang babae ang tumayong saksi sa kanilang kasal.
Nang matapos ang seremonya ay agad na pinirmahan ni Harry ang papel. Hindi na niya hinalikan ang kaniyang bride. Minadali niya si Cohen na kuhanan sila ng larawan.
"Make sure to give this to my father." Nang tumango si Cohen ay iniabot niya dito ang marriage contract kapagkuwa'y nag dial sa kaniyang mobile phone at naglakad. Si Cohen naman ay mabilis na tinungo ang kotse upang puntahan si Samuel Sy.
Napamaang na sinundan sila ng tingin ng pari. "Maybe I have to find another profession," ang sabi nito sa bride na nanatiling nakatayo sa kinaroroonan niya. Bagama't nakatakip pa ang belo nito sa kaniyang mukha ay halata ang pag-iyak nito.
"Go now, my child. You deserve a beautiful life."
Tila iyon ang nagbigay ng lakas sa bride para maihakbang ang kaniyang mga paa. Nagtataka namang naiwan ang babaing witness. "W-where's the reception?"
Iniwan ng bride ang babaing witness sa kasal nila. Nagtatatakbo siya palayo sa simbahan. Nang makalayo ay pinagpupunit-punit niya ang kaniyang wedding gown.
"I hate you, Harry! I hate you! Pagsisisihan mo itong ginawa mo sa akin, damontres ka! Pagsisisihan mo ito ng malaki!" Tuluyan nang naghabulan sa pagbuhos ang masaganang mga luha ng babaing pinakasalan ni Harry Sy. Nasa ganitong kalagayan siya nang may taxi na pumara sa tabi niya.
"Taxi, miss?"
Planning your weekend reading? Ensure you're on 00005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Hindi na nag-abala ang babae na ayusin ang kaniyang sarili. Agad siyang sumakay sa taxi.
"To the airport." Nang makaandar na ang taxi ay nagbago ang isip niya. "No. Go back!"
Tinunton nila ang daan papunta sa simbahan kung saan sila ikinasal. Nang makita niya ang babaing witness na nakasimangot at papasakay na ng isang taxi ay ibinalik niya ang belo sa pagkakatakip sa kaniyang mukha. "Wait!" Samantala, malayo-layo na ang inabot ni Harry nang huminto siya sa pagda-drive. Lumingon siya sa backseat, kapagkuwa'y tinawagan niya si Cohen.
"Is my wife with you?"
"Sir, you've been married for less than an hour, you think I got your wife?... Why would I have your wife?"
Napaigtad si Harry sa pagkakaupo. Nag-panic na siya. Mabilis niyang hinanap ang U turn at tinungo ang simbahan kung saan sila nagpakasal. Hinanap niya ang kaniyang bride sa bawat sulok ng simbahan ngunit wala ng tao sa loob. Huminto siya sa paghahanap. Napuno ng katahimikan ang paligid.
"Graaaaaa!"
Gusto man niyang maglupasay dahil sa pagkawala ng kaniyang bride ay hindi niya magawa. Twenty-seven years old, at isang professional, nawalan ng asawa sa mismong araw ng kasal. Mapapahiya siya sa lipunan. Kailangang mabilis siyang makapag-isip ng maidadahilan sa ama niya kung ayaw niyang mabalewala ang effort nila ni Cohen. Nakasilip siya ng pag-asa. Tinawagan niya si Cohen.
"Hello!... Harry?"
"Where are you?" Umaasa siyang may good news siyang makukuha mula kay Cohen.
"I'm with your father now."
Napasabunot sa sarili si Harry sa narinig mula sa kabilang linya. Pinanlambutan siya ng tuhod.
"Tell him to bring his wife here."
Pinagpawisan siya ng malamig sa narinig na tinuran ng kaniyang ama habang kaharap nito si Cohen.
SAMANTALA, ang nawawala niyang asawa ay kasalukuyang pinagtitinginan ng mga tao. Nasa loob kasi sila ng isang shooting club habang nakasuot pa ito ng kaniyang damit pangkasal. Kitang-kita ang bagsik na nararamdaman ng bride sa bawat pagputok ng kaniyang baril.
"You okay there, miss?"
Ang tinutukoy ng bride ay ang babaing witness sa kasal nila. Nakaupo ito sa 'di kalayuan sa kaniya habang sarap na sarap na nilalantakan ang mga pagkaing laman ng mga supot na nakapalibot sa kaniya. "More than okay, this is too much for one person. Thanks, Miss."
SA KABILANG BANDA ay nakailang ulit nang pagpaparoo't parito si Harry sa loob ng kaniyang condominium unit. Nag-alibi siya sa kaniyang ama kanina na hindi sila makakaharap na mag-asawa dahil sumakit ang tiyan ng babae. Ngunit tila excited si Samuel Sy na makita ng personal ang kaniyang bagong manugang kung kaya't ito na ang dadalaw sa kanila after work.
Lumakas ang pagtambol ng kaniyang dibdib nang makita niyang pumihit ang seradura ng kaniyang pinto. Iniluwa nito si Cohen. May dala itong isang brandy, ang paboritong inumin ng kaniyang ama. Bagama't inaasahan na niyang makita ang sariling ama ay umasa siyang hindi ito darating.
"So, where's my daughter?" Nakabuka ang mga braso nito at maluwang ang pagkakangiti habang hinihintay ang paglapit ng kaniyang bagong manugang.
Lagot. Paano niya ihaharap sa kaniyang ama ang nawawala niyang bride?