Chapter 5 Road Trip
The roar of a wide-open throttle woke him up. Kunot ang noong kinapa ni Harry ang kaniyang relo. Lalong kumunot ang kaniyang noo nang makitang pasado alas dos pa lang ng madaling-araw. "Really?"
Babalik pa sana sa pagtulog ang binata nang marinig ang pagkatok at pagtawag ng kaniyang ama sa may pinto. "Get up, boy! Your fiancee is already warming up her bike. Don't be a lazy ass there!" 'Who said I'll be up at this hour?'
Antok na antok pa siya. Wala siyang nagawa kundi ang magbihis at ayusin ang sarili. Feeling niya ay kailangan niyang itayo ang bandera ng kanilang angkan kaya titiisin niya ang antok at pagkainis. Sino ba naman ang matutuwa kung sunod- sunod na ingay ng malaking motorbike ang gigising sa mahimbing na pagkakatulog?
He practiced a ready smile in front of the mirror before walking out of the room. Sinalubong naman siya ng kaniyang ama at ng mag-asawang Te.
"Good morning!"
"O, ready na pala si Harry." Tumango-tangong nakangiti si Allan Te habang hinahagod ng tingin ang mamanugangin.
"Good morning, too," aligagang lumingon-lingon si Zorayda. "Magkape ka muna at baka nasa may likod-bahay pa ang anak ko."
"He can't do that, mare. Nakita ko si Jemima sa may gate kanina, ready to go na siya." Halos ipagtabuyan ni Samuel ang anak patungong labas ng bahay.
Nang makalabas ng bahay ay napakunot ng noo si Harry sa bumulagang sasakyan sa kaniya. Isang kulay pink na scooter ito at tila kasya lang ang isang tao. Nilapitan pa niya ito at sinipat-sipat.
Naisip niyang aandar na naman ang kalokohan ni Jemima at ihuhulog na naman siya nito dahil sa kaliitan ng upuan. "No way I'm riding on this one!"
"Of course, you're not,' natatawang sagot sa kaniya ng kaniyang ama mula sa kaniyang likuran. Kasunod nito si Melinda at ang mag-asawang Te. "Good morning, sir." Nakangiting bumati kay Harry si Melinda at sumakay sa naturang scooter. "Aalis na po ako. Salamat po dito sa mga gamot, Auntie!" "Sige, ilapat mo agad iyan sa nanay mo."
Saka lang napansin ni Harry ang dalang herbs ni Melinda. Naalala ni Harry na herbalist nga pala si Mrs. Te.
Gusto sanang humingi ni Harry ng paumanhin kay Melinda sa tinuran niya kanina ngunit umalis na ito at siya namang pagdating ni Jemima mula sa likod ng bahay.
Nanlaki ang mga mata ng binata sa paghanga sa kagandahang taglay ni Jemima. Lutang pa rin kasi ang ganda nito kahit nakasuot ito ng loose long-sleeved tee shirt na nakapaloob sa baggy jumper at working boots. Nakatali ang buhok nito na tinabunan ng suot na sombrero. Ngunit agad na sinaway ni Harry ang sarili sa paghangang iyon, lalo na nang makita niya ang makahulugang ngiti ni Jemima.
Gusto namang matawa ni Jemima sa outfit ni Harry. Nakaputi ito ng blouse at puting slacks. Nagsuot lang ang binata ng tsinelas. 'Ayos, yari ka mamaya. Akala mo yata magbi-beach ka. A walk in the park, ha!'
"Harry, hurry up or we'll be late!" nagsuot muna ng vest si Jemima bago sumakay sa isang big bike na ipinarada niya sa may 'di kalayuan sa kanila. Bahagyang napanganga si Harry pagkakita sa motorsiklo. Kaya pala malakas ang nilikhang ingay nito kanina ay dahil maangas ang dating ng naturang sasakyan ni Jemima.
"Humawak ka."
"Where?" Lalo siyang madidikit sa katawan ng dalaga sa pagkakaangkas niya dito kung sa manibela siya hahawak. Akmang hahawak si Harry sa bewang ng dalaga nang tinabig nito ang kaniyang mga kamay.
"Not even in your imagination, mister!" Itinuro niya ang hawakan sa kaniyang vest, sumunod naman si Harry. "Hold tight, or you'll fall."
Nadidismayang sinipat ni Harry ng tingin ang outfit ni Jemima. 'Very out of style.'
"If not for you, I wouldn't wear this, mister. So don't fall or you will be dead."
Ngingiti-ngiti naman si Samuel habang tinitingnan ang dalawang papaalis. "Enjoy your day!"
Isa pang malakas na pagtunog ng tambutso at umarangkada na ang sasakyan.
Nang makaalis ang dalawa ay kinikilig sa naiisip si Zorayda. Napansin niya kasi ang konting pagbabago sa anak. Bagama't para pa ring pang cowboy ang outfit nito ay hindi nalingid sa kaniya ang paglagay nito ng lip sheener at eyebrow na hindi nito dating ginagawa. Sa tuwing tumutungo kasi si Jemima sa plantation nila ay tila nakakalimutan nitong babae siya. Minsan nga'y hindi na ito nagpupulbo.
Mabilis magpatakbo si Jemima. Tila nakikipag- racing ito, nakalimutan yatang may nakaangkas sa kaniya. Gusto nang magreklamo ni Harry dahil sa takot na mahulog ngunit hindi niya malamon ang kaniyang pride. Pakiramdam niya'y humihiwalay sa kaniya ang kaniyang kaluluwa tuwing nagli-leap ang sasakyan sa humps. Hindi na nila kasi tinatalunton ang highway. Dahil madilim pa at halos tanging liwanag lang ng motorsiklo ang ilaw nila, pilit na inaaninag ni Harry ang paligid. At dahil halos wala siyang makita, pakiramdam niya'y nasa gilid sila ng bangin.
'Is she trying to salvage me here?'
Inihinto ni Jemima ang sasakyan. "Hold tight! Kapag nahulog ka dito, pagpipiyestahan ka ng wild animals. Patay ka na bago ka namin ma-rescue."
"What?!"
"We'll fly. Get ready!"
Nag full throttle ang motorsiklo bago umarangkada ng mabilis. Umikot ito at umakyat sa isang burol.
"Here we go! Up, up, and away!"
Nanlaki ang mga mata ni Harry nang nakita niyang tila lumilipad nga sila. Tinawid nila ang isang bangin. Dahil sa takot ay napapikit siya at napayapos sa dalaga. Naramdaman na lang niyang lumapag ang motorsiklo at gumegewang-gewang. "Shit!" Kitang-kita niya ang galit sa mukha ng babae nang magkaharap sila nito. Nakatayo kasi ito sa harapan ng motorsiklo kaya nakasentro sa babae ang liwanag ng ilaw ng sasakyan. "What the heck!?" "I-- what did I do?"
"I told you to hold tight, hindi ang manyakin mo ako!"
Naguguluhan ang binata sa nakikitang galit sa mukha ni Jemima. "I was just holding you!"
"Holding you... mukha mo! Kailangan ba talagang dito ka kumapit?" Itinuro ng dalaga ang boobs niya. "Mamamatay ka na lang, magmamanyak ka pa!"
"W-what? I did what?... Are you sure? I didn't feel anything!"
Lalong uminit ang dugo ng babae sa tila pang-iinsulto ng lalaki, ngunit nang matitigan niya ang mukha nito ay nahalata niyang hindi ito nang-iinsulto ngayon. Sa katunayan ay namumutla pa ito dahil sa nerbiyos. Napalitan tuloy ng pagkaawa ang naramdaman niyang galit dito. Hinubad niya ang vest at isinalikop sa katawan ng lalaki. "You're cold."
Tumalikod na lang siya dahil natatawa siya sa nangyari. 'Ang mokong, ako ang nagplano, ako pa'ng nabiktima.'
"You can get even, you know. You--"
Biglang balik-tingin niya sa lalaki at inasikan ito, "what? Ano'ng lalamasin ko sa 'yo?"
Hindi nakapagsalita si Harry.
"Magsalita ka pa, ihuhulog kita doon sa bangin! Sige, ano ngayon,... ano?!"
Nalilito na siya sa gustong mangyari ng babae kaya minabuti ni Harry na umalis.
"Where are you going?"
"I don't know."
"Don't walk out on me!" Sa totoo lang ay nag-aalala siyang baka kung saan mapadpad si Harry.
"Why?"
"There are wild animals here!"
"So what? I have the scent of their boss."
Tila napipi si Jemima sa tinuran ng binata. Naisip niyang baka sumosobra na siya, baka mapagalitan siya ng parents niya sa inaasta niya. Umpisa pa lang ay pinaranas na niya ng torture ang binata.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Ibinalik naman ni Harry sa kaniya ang vest. Sumakay na uli sila sa motorsiklo.
Hindi pa man sila nakalalayo ay natanaw ni Harry ang isang hanging bridge. Tinamaan kasi ito ng ilaw ng motorsiklo bago sila lumiko. 'This little bitch!'
Naging tahimik ang dalawa. Kapuwa may malalim na iniisip.
SA PLANTATION SITE ay sumalubong sa kanila ang nanunuot na amoy ng nakatambak na produkto ng rubber plantation. Agad na naduwal si Harry. Naluluha siya dahil gustong bumaliktad ng sikmura niya. Hindi kasi siya sanay sa amoy ng raw rubber. Pinagtatawanan naman siya ni Jemima at ng ilang kalalakihang naghihintay kung kailan siya mahihimasmasan.
Sumubo muna sila ng inihandang mga kakanin ng mga empleyado. Iniabot ni Jemima ang tinimplang kapeng barako kay Harry. "You okay?"
Hindi maka-oo si Harry. Hindi pa talaga ayos ang nararamdaman niya. Tila dumikit sa ilong niya ang nalanghap niya kaninang matapang na amoy ng raw rubber.
"You should be okay by now or we'll leave you here."
Napalingon sa paligid ang binata dahil sa tinuran ni Jemima. Madilim pa ang paligid. Alas tres pa lang kasi ng madaling-araw. Ayaw niyang magpaiwan sa ganitong lugar. Ininom niya ang kape para mainitan ang kaniyang sikmura kapagkuwa'y tumayo. "Let's go."
Sa loob ng gomahan ay mabilis ang naging pagkilos ng mga lalaki sa pag tap ng rubber trees. May isang binatilyong lumapit kay Harry.
"Since you don't know how to tap, you assist him."
Sumunod naman si Harry sa sinabi ng dalaga. Siya ang naging tagadala ng gamit ng naturang binatilyo.
Nang nagtungo ang dalaga sa kabilang area ay ito ang naging topic ng kalalakihan. Hindi alam ng mga lalaki na nakakaintindi ng tagalog si Harry.
"Bro, mukhang ayaw ni madam kay tisoy, may pag-asa ka pa sa kaniya."
"Bakit ako, e bagong salta lang ako dito. Pinulot lang nila ako sa Manila. Ayokong magalit ang pamilya nila sa akin, bro."
"Sayang naman si madam kung walang magmamahal. Ang ganda pa naman pero sobrang tapang."
"Kulang lang sa love iyan. Aamo din iyan kapag ma- inlove."
Ang sumunod na usapan ng mga lalaki ay hindi na naintindihan ni Harry dahil ginamit nila ang kanilang dialect. Itinuon na lang niya ang pansin sa pagtulong sa kasama, ngunit may nabuo siyang plano. Nang bumalik si Jemima ay tinawag niya ito para lumapit sa isang puno.
"Why?"
"Come here." Nginitian niya ito ng matamis saka itinuro ang ginuhit niyang puso sa isang puno. Dumadaloy pa ang dagta ng goma dito. "Surprise!"
Hindi inaasahan ni Harry ang panlalaki ng mga mata ni Jemima pagkakita sa nakaguhit na puso sa rubber tree, lalo na nang pinaningkitan siya nito ng mata.
"You!..." Kinagat ni Jemima ang labi sa pagpipigil na makabitiw ng pangit na salita. "Why did you--"
"Why are you mad? I did it for you."
"For me?!" Hindi alam ni Jemima kung matatawa o magmumura. Magkahalong inis at kilig ang nararamdaman niya. Nagtawanan naman ang mga kasama nila nang makita ang iginuhit ni Harry. "Romantic pala si tisoy, ma'am. Pero malulugi kayo kung aaraw-arawin niya iyan." Dumagundong ang tawanan na ikinapagtaka ni Harry. Ngunit naunawaan din niya ang naging pagkakamali niya. "I- I'm sorry, I wasn't thinking about the tree's--"
"What were you thinking then?"
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Hindi agad nakasagot si Harry. Maging siya ay hindi niya rin alam kung bakit natuon ang kaniyang pansin kung paano sorpresahin ang babae. Siguro ay labis ang naging kagustuhan niyang mapaamo ito para hindi na siya nito pagsungitan. Tama. Para mapasunod niya sa kaniyang kagustuhan ang babae.
"Don't ever think of giving me any crap, Harry! We know what we are. We're not even friends."
Totoo naman ang sinabi ni Jemima. Kahit noong mga bata pa sila ay hindi sila magkasundo. Lagi silang nag-aaway.
Habang nagbibilad siya sa araw kasama ng ilang kalalakihang nag-aayos ng mga panindang produkto ng plantation ay abala naman si Jemima sa pagsusuri sa dokumento sa loob ng opisina. Pinasama siya ni Jemima sa pagki-kilo ng mga goma para raw matutunan niya ang halaga ng bawat gawain ng plantation. Hindi naman siya umayaw sa ipinagawa sa kaniya ni Jemima. Likas sa kaniya ang pagkakaroon ng kagustuhang matutunan ang mga bagong bagay. Bagong karanasan para sa kaniya ito.
Nang lumapit si Jemima kay Harry upang utusan na naman ito ay natigilan siya. Namumula na ang mukha ng binata sa pagod at pagkakabilad sa araw. Pawisan na ito. Maruming-marumi na ang suot nitong puting outfit.
"What, are you happy now? I can do whatever it takes to manage this business."
Tinaasan lang siya ng kilay ng babae at tinalikuran siya nito pabalik ng opisina.
"I can do it better than you!"
Nilingon siya ng babae, and she rolled her eyes. "Wake up, and hurry up! We have to go."
Umalis na sila ng plantation para sunduin sa ospital ang kapatid ni Jemima na si Ismael.
"This time, we'll take the bridge, would we?"
Hindi nakahuma si Jemima sa tinuran ng lalaki. Batid niyang natanaw na nito ang hanging bridge kanina. Pinagbigyan niya ito na doon sila dumaan. Iyon naman talaga ang daanan nila. Tinakot niya lang kanina ang binata kaya naisipan niyang paliparin ang big bike niya sa bangin. Sandali lang ay nakarating na sila sa ospital.
"We're here already? Where are the humps?"
"I'm not in the mood, Harry." Nauna na siyang pumasok ng ospital.
Naiinis na siya talaga sa dalaga. Malinaw na sa kaniya na pinagtripan lang siya nito kanina.
Nakahanda na si Ismael para lumabas ng ospital nang dumating sila sa lobby.
"Good morning!"
Ngumiti naman kay Jemima ang mga binati niyang doctor at nurse na katabi ni Ismael. Agad na napansin ni Ismael ang pagpasok ni Harry.
"Harry, is that you?"
"Ismael!"
Nagyakapan ang dalawang lalaki at nagkumustahan.
"You're really here! I thought you're--" napalingon siya sa kapatid at hindi niya naituloy ang sasabihin. Napaawang ang bibig niya nang mapansin ang maruming damit ni Harry.
"Huwag kang OA diyan! At least humihinga pa iyan. Makakabalik pa iyan sa pinanggalingan niya."
Hindi na kinontra ng dalawang lalaki ang winika ni Jemima. Masaya silang nagkuwentuhan habang may kinakausap si Jemima sa kaniyang phone. Napansin ni Harry na seryosong nakikipag-usap si Jemima.
"Kakasya ba tayong tatlo sa sasakyan niya? I almost fell." Iyon ang automatic na nasabi niya nang mapansin niyang nakatingin sa kaniya si Ismael habang nakatingin siya sa kapatid nito. "I must be dead by now if I wasn't able to hold--"" hindi niya magawang ituloy ang sasabihin sa kapatid ni Jemima. Baka maging malaking issue pa ang nangyari kanina. Tinawag pa naman siya ng babae na maniac.
"Ah, don't worry, she always has a plan."
"Well, I think she planned to kill me there."
"Really? I'm not surprised," at tumawa siya sa sarili niyang joke. Sinagot din siya ng mahinang pagtawa ni Harry kahit hindi nito lubos na nauunawaan ang ibig niyang sabihin.