The Billionaire's Prize Wife

Chapter 48



ITO na yata ang pinakamalungkot na pagsakay niya ng eroplano pabalik ng Singapore. Wala siyang ginawa kundi ang matulala at paminsan-minsan ay bumubuntunghininga. Wala siyang pakialam kung naririnig man ng mga katabi niya sa business class ng eroplano ang malalim na paghugot niya ng hininga.

Nang makita niya ang flight attendants na nagsimulang mag-alok ng mga pagkain at inumin sa mga pasahero ay sumandal siya sa kaniyang reclining chair at pumikit. Wala siya sa mood para makipagtalamitam sa mga kakilala niyang flight attendants. Infact, mabigat ang pakiramdam niya ngayon.

Paglapag niya ng Singapore ay agad niyang tinawagan ang first priority niya sa kaniyang pag-uwi. "Be sure to make it special."

UNA niyang pinuntahan ay ang kaniyang ina. Nalak nitang bumawi sa hindi magandang ipinakita niya sa ina noong huli silang nagkausap. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung dadagdagan pa niya ang mga araw ng kalungkutan nito. Nabigla si Benita nang makita ang pagpasok ni Harry sa kanilang salas. Sinalubong niya ang panganay niyang anak. "Harry!"

Saglit na napatda si Harry nang nakita ang mukha ng kaniyang ina. Wala man lang siyang makitang bakas ng galit o pagkainis sa mukha nito. May kung anong gumuhit sa puso niya habang nakatitig sa kaniyang ina. Niyakap ni Harry ang ina. "Mom!" Mahigpit ang yakap niyang iyon.

Nagtataka man sa ginawi ng anak ay yumakap din nang mahigpit si Benita. "My son..."

Halos sabay na pinamulahan ng mga mata ang magkayakap na mag-ina. At tumulo ang luha nila na may magkahalong emosyon. Napapangiti si Benita habang lumuluha at kayakap ang anak. Kung puwede lang sana ay araw-araw niyang mayakap ito.

Tiningnan ni Harry ang mukha ng kaniyang ina. "I'm sorry, Mom."

Hinaplos naman ni Benita ang mukha ng lumuluha niyang anak.

"Please forgive me for hurting you, mom!" Gumaralgal na ang boses nito.

"No, Harry," malumanay namang sagot ng ginang kahit na siya mismo ay lumuluha rin. "It was not your intention to hurt me."

Tumango-tango habang lumuluha si Harry sa tinuran ng kaniyang ina. Totoo naman ang sinabi nito. Hindi niya kailanman ginustong saktan ang dandamin ng kaniyang ina. Kaya nga minabuti niya noon na umalis na lang sila ng kaniyang asawa, kaysa matapunan pa niya ito ng masakit na salita. Pero alam niyang nasaktan pa rin ito sa iginawi niya nang araw na iyon.

Napatingin sa mata ng ina si Harry. Bakit nga ba niya sinaktan ang kaniyang ina? Bakit hindi na lamang niya ito kinausap nang masinsinan?

"I love you, mom."

"I know. And I love you, too."

Sa ganitong tagpo sila nilapitan ni Cholo. "Hey, why are you, two crying?" Nakangiting niyakap niya ang dalawa. Nagyakapan silang tatlo na naiiyak at nakangiti. Alam niya ang ipinunta ng kuya niya. Babawi sila sa kanilang ina. Sa ganitong tagpo naman sila nadatnan ni Daniel. He coughed to get their attention.

Naghiwalay naman sa pagkakayakap ang mag-iina.

"Daniel!"

"Did I miss something?" nakangiti niyang tanong sa tatlo.

"We were talking that it's time you should treat us outside, bro," ang alibi ni Harry.

"Yeah, it's high time. You've been working so hard with your girlfriends-" tila napaso si Cholo sa titig sa kaniya ng mga kuya niya, "since they're your clients, you know."

"Why are you here? Are you sick?" Agad na idinantay ni Benita ang palad sa noo ni Daniel.

"Mother really is like a doctor," panunukso ni Cholo sa ina.

"You're fine. Maybe you're just tired." Pinaupo niya ang anak na kagagaling lang sa trabaho.

"And she is now a psychiatrist," pagpapatuloy naman ni Cholo.

Nangingiti si Benita sa side comments ng bunso pero hindi niya ito pinansin. Hinarap niya ang pangalawa. "Are you broken hearted?"

"Look, she is a good investigator!"

Natawa na lang sila sa pagpapatuloy ni Cholo ng pagpapapansin sa ina.

"I'm starving. Let's grab some food."

Inayunan naman ng dalawa ang panganay nila.

"I know a place," ani Daniel.

HALOS hindi makapaniwala si Benita na ilalabas siya ngayon ng mga anak niya. Excited pa ang mga ito na nagsasalita sa tuwing may itinuturong bagong establishment si Cholo on their way to a restaurant. Sa isang Filipino restaurant nila naisipang dalhin ang ina.

"I just thought that you might miss your best friend, so let's eat filipino dish," paliwanag ni Daniel habang inaalalayan ang ina na umupo sa spot para sa kaniya.

Nang makaupo sila ay napapangiti si Benita habang tinitingnan ang kabuuan ng restaurant. "This is a nice place."

"Yeah," mahinang sagot ni Harry, habang nakatingin sa isang gawi ng restaurant.

"Wow, chicken adobo! Zorayda used to cook chicken adobo when we were in college. I really liked her cooking."

"Then let's order it." Tinawag ni Daniel ang waiter.

Habang umoorder ang mga kasama ay nagsisimula nang mag-senti ni Harry. Tila nakikita niya si Jemima sa dating kinauupuan nito habang kumakain sila rito noon.

Nakikini-kinita pa niya ang pagpungay ng mga mata ng asawa habang ine-enjoy noon ang pagkain. May gumuhit na lungkot sa puso ni Harry sa naaalala. Hindi niya akalaing bibigat ang kalooban niya ngayong nandito sila sa lugar na pinupuntahan nila noon ng asawa.

"What do you want to eat, Harry?"

Nginitian ni Harry ang ina at pinapungay ang nga mata sa pag-aakalang nakita nito ang sandali niyang pagkatulala. Mabuti na lang at nakatuon pala ang pansin nito sa menu. "I want to eat what you'd eat today, mom." "So we'll have two serves of chicken adobo."

"Make it four, mom. We'd also like to enjoy what you want to indulge now," paglalambing naman ni Cholo sa ina.

Sinaway naman ni Harry ang sarili. Hindi muna niya iisipin ang kalungkutan ng pagkawalay nila ng kaniyang asawa. Araw ito para sa kanilang ina. Babawi silang magkapatid sa mga panahon na tila nakalimutan nila ang pagbabalik ng kanilang ina sa kanilang piling.

Habang kumakain sila ay panay ang pag-usisa ni Cholo sa ina.

"Are you enjoying, mom? Is this what it should taste like?"

"Yes. This is perfect. It tastes like the adobo I used to eat with my friends."

Nasiyahan namang tumango-tango sa ina ang magkapatid.

"Umm... I like its taste, too. I think I should marry a filipina," ani Cholo. Bigla siyang natahimik nang nakita niyang natahimik ang mga kasama. Dumako ang kaniyang paningin kay Harry. "I... I...” Narinig nila ang pagtunog ng isang gitara malapit sa kanila.

Tila saved by the bell, nakahinga siya nang maluwag nang nagsimula nang kumanta ang ni-request nilang singer. Lumapit pa ito sa kanila bago inumpisahan ang pagkanta ng 'Dahil Sa Iyo'.

Nakita ng magkapatid ang pagsilay ng matamis na ngiti ng kanilang ina habang nakikinig sa kanta ng lalaking singer. Nang matapos ang kanta ay pumalakpak at nakipagkamay si Benita sa naturang singer. "Thank you! It was wonderful."

"It's my pleasure, ma'am."

Pagkaalis ng singer ay muling inusisa ni Cholo ang ina. "Mom, did you understand the song?"

"Yes, of course! It was explained to me by Allan."

Planning your weekend reading? Ensure you're on 5s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Sa narinig ay napalunok ng laway si Harry. Pero hindi na siya dapat na masaktan pa sa naging closeness ng dalawa noon. Past is past, ang sabi niya sa sarili.

Inubos nila ang buong araw sa pamamasyal kasama ang ina, hanggang sa inabot sila ng gabi. Sinadya nilang gabihin sa labas para muling makita ni Benita ang itsura ng Singapore sa gabi. Dinala nila ang ina sa Marina Bay Sands. "What do you think about this place, mom?"

"This is amazingly beautiful!" Halos padipa pa ang kamay ng ina habang sinasagot ang tanong ng bunso.

Sa ginawi ng ina ay naalala na naman ni Harry si Jemima. Naalala niya kung paanong hinangaan ng asawa ang naaabot ng tanaw nito sa Marina Bay Sands.

Larawan ng kasiyahan ang kanilang ina pag-uwi nila ng bahay. Ngiting-ngiti ito habang nakatingin sa kaniyang mga anak na umiibis ng kotse.

Dinatnan nila sa salas ang naghihintay na si Samuel. Umiinom ito ng black coffee. Mahilig si Samuel sa kapeng walang halong asukal.

"Samuel!" agad na humalik si Benita sa mukha ng asawa. Ipinulupot din niya ang mga kamay sa leeg nito. "They surprised me!"

Napangiti naman si Samuel sa nakitang bakas ng kasiyahan sa mukha ng asawa. Bagamat naamoy niya ang pawisang katawan nito pagyakap sa kaniya ay nangibabaw pa rin ang kabanguhan ng babae.

"Good evening, dad!" pagbati naman ng mga anak sa kanilang ama.

"Harry, sit here," itinuro ni Benita ang katapat na upuan ng asawa. "I'll go prepare your coffee," ani Benita kay Harry, at palihim niyang sinenyasan sina Daniel at Cholo na sumama sa kaniya.

Sumunod naman si Harry sa tinuran ng ina.

"He can make his own coffee, mom," dinig pa niyang sabi ni Cholo sa ina habang patungo ang tatlo sa kusina. Nangingiti na lang si Harry. Wala naman talaga siyang balak na magkape. Infact, magpapaalam na sana siya na uuwi kung hindi lang dahil sa sinabi ni Benita.

Pinagmasdan niya ang ama na nakatingin sa binuklat nitong libro. Napansin niyang hindi nito suot ang eyeglasses.

"I can't believe that you're reading now without your eyeglasses."

Tumingin si Samuel sa mukha ng anak. "Neither I."

Inapuhap ni Harry ang sasabihin sa ama.

"Will you tell me about it?"

Tumikhim si Harry. Huminga muna siya ng malalim bago seryosong kinausap ang ama. Eye to eye. "Dad, I need you to be honest with me. The company, which you've built with sweat and blood is at stake. We can win if you will help me."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.