Chapter CHAPTER Twenty Seven
"Why are you wearing such thing?"
Tumigil ako sa paglalakad nang marinig ang tanong ni Sir Preston. Nauna na sina Jarvis at Ma'am Chantal sa paglabas ng silid dahil tinawag sila ni Manang Lerma. Kakain daw muna kasi ang dalawa dahil baka maging abala kami ni Sir Preston ngayong gabi sa rami ng bisita.
Lumingon ako sa gawi ni Sir Preston at taka siyang tiningnan. "May mali ba sa suot ko, Sir? Hindi ba bagay?" Kunot-noo kong tanong at tumingin sa suot kong damit. "That's not what I mean."
Muli akong nag-angat ng tingin at takang tumingin sa gawi ni Sir Preston. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin sa akin kaya't hindi ko na napigilan ang aking sarili na magtaas ng kilay. "Kung walang mali sa suot ko... eh bakit mukha ho kayong galit? May problema ba?" tanong ko pa.
Humugot siya ng malalim na buntong hininga at sa wakas ay nag-angat na muli ng tingin sa akin. Agad naman akong napalunok nang pasadahan niya ng tingin ang katawan ko bago muling napailing. "Where did you even got that dress? Is that even a dress?"
"Ha? Eh, Sir, kayo ang bumili nito, 'di ba? Kaya nga sinuot ko kahit na masyadong revealing," reklamo ko at inayos ang suot kong dress.
Nang mag-angat akong muli ng tingin sa kaniya ay sakto namang nakatingin pa rin pala siya sa akin. Kapagkuwan ay muli siyang napailing at mahinang nagmura ngunit sapat pa rin para marinig ko.
"Damn. Sabi ko dress na pang-party ang bilhin tapos..." Tumigil siya sa pagsasalita at niluwagan ang suot na necktie na para bang may narealize. Kunot-noo ko naman siyang tiningnan dahil sa inasal niya ngunit nagkibit balikat na lamang ako. "Tangina, pang-party nga."
Napangiwi ako nang marinig siyang magmura. Akala ko ay murang pang-mayaman lang ang ginagamit ng mga mayayamang tulad niya, hindi ko naman alam na nagsasalita rin pala siya nang ganoon. Tumingin ako sa kaniya at mangha siyang tiningnan.
Sabagay. Bagay pala sa kaniya ang magmura?
"Why are you staring at me?"
Agad akong napaaayos ng tayo nang marinig ang tanong ni Sir Preston. Gulat ko siyang tiningnan dahil hindi ko na napansin na nakatitig pala ako sa kaniya habang... Malakas akong bumuntong hininga at nahihiyang nag-iwas ng tingin sa kaniya dahil inisip kong ang hot niya palang magmura.
Bakit ko naman naisip 'yon? Muli akong umiling. Dahil lang siguro 'to sa kaba. Oo, dahil doon nga. Ano namang nakaka-hot sa lalaking nagmumura? Sus.
Muli akong tumingin kay Sir Preston at tipid siyang nginitian. "Wala ho, Sir. Huwag niyo na akong pansinin. Kinakabahan lang ho siguro," palusot ko sa kaniya.
"Tara na ho? B-Baka hinihintay na kayo ng bisita niyo. Sabi niyo kanina, marami ng bisita sa baba-"
"Wait." Pinutol niya ang kung ano mang sasabihin ko kaya't muli akong tumingin sa kaniya. "Bakit, Sir?"
Hinilot niya ang kaniyang sintido na para bang inis na inis na kaya't hindi ko mapigilang kabahan. Wala naman akong ginagawa sa kaniya, bakit inis na inis siya? Wala naman akong sinusuway na utos niya saka hindi naman ako nangangatwiran sa kaniya. Ano bang ikinakagalit niya?
"You can't call me Sir outside, Miss Dela Merced. You're my girlfriend right now, right?"
Agad akong naestatwa sa aking kinatatayuan nang marinig ang sinabi niya. Umawang pa nga ang mga labi ko nang mapagtanto kung ano ang ibig niyang sabihin.
Mahina akong tumawa at napakamot sa ulo ko bago marahang tumango. "U-Uh, oo nga, Sir. Sorry naman. Nawala lang talaga sa utak ko na bawal pal_"
"You're still calling me Sir," pagputol niyang muli sa sasabihin ko.
"Eh anong gusto mong gawin ko? Hindi ako sanay na Preston lang. Sana kasi sinabi mo kaagad sa akin noon pa para naman napractice ko. Sanay na ako na Sir ang tawag sa 'yo tapos gusto mo, iba kaagad. Kailangan ko munang masanay." Niluwagan niyang muli ang suot na necktie. "You already said my name. Ano namang mahirap sa pagbanggit ng pangalan ko?" Sarkastikong sambit niya kaya't napalabi ako.
"Hindi ako sanay," pamimilit ko pa. "Sabihin nalang natin na ako... callsign. Endearment, ganoon. 'Di ba mayroon namang ganoon?"
"Sir is not a freaking endearment, Miss Dela Merced."
Umismid ako at napailing. "Ikaw rin naman, Miss Dela Merced pa rin ang tawag mo sa aki—"
"Lyana."
Humarap ako sa kaniyang muli at tinaasan siya ng kilay. "Bakit?"
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Agad na nagtagpo ang aking mga kilay nang may gumuhit na mapaglarong ngisi mula sa kaniyang mga labi habang nakatingin sa akin. Taka ko siyang tiningnan. "Bakit mo ako tinawag?"
"I just called your name. That's simple, you know?"
Ilang beses akong napakurap dahil hindi ko kaagad naintindihan ang sinabi niya ngunit makalipas ang ilang segundo ay muli na namang umawag ang aking mga labi dahil sa gulat.
"Tinawag mo akong Lyana..." Wala sa sarili kong sambit at napatakip sa aking bibig. "Ito ang unang beses na tinawag mo ako sa pangalan ko, 'di ba? Astig!"
Napailing siya dahil sa sinabi ko kaya't nagkibit balikat na lamang ako at umayos ng pagkakatayo. Malakas akong bumuntong hininga at nahihiyang nagbaba ng tingin. "P-Pre.. P-Pre..." Hindi ko maituloy ang dapat kong sabihin kaya't muli akong nag-angat ng tingin sa kaniya.
Tinaasan niya ako ng kilay bago niya ipinagkrus ang kaniyang dalawang braso. "Say it, Lyana. Come on."
"Pre..." Bumuntong hininga ako at napailing. "Puwede bang Pre nalang? Parang ano... hoy pre! Kumusta? Parang ganoon, ayaw mo?"
Dumilim ang ekspresyon niya sa mukha na animo'y hindi nagustuhan ang sinabi ko kaya't muli akong nagpakawala ng buntong hininga at napailing. Sabi ko nga, ayaw niya nang ganoon.
"Preston." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at proud na ngumiti. "Ano? Ayos na? Masaya ka na?"
Muli niyang niluwagan ang suot na neck tie at nag-iwas ng tingin sa akin matapos kong sabihin ang pangalan niya kaya't nagkibit balikat na lamang ako. Hindi niya man lamang ba ako pupurihin? Pilit siya nang pilit na sabihin ko ang pangalan. niya tapos noong sinabi ko na, nag-iwas lang siya ng tingin. Sus.
"Tara na sa labas, mukhang hinihintay na tayo ng mga tao roon. Baka mamaya, maunahan pa tayo nina Javris at Ma'am Chan-Ah, Chantal pala," aya ko sa kaniya.
Lumingon ako sa gawi niya ngunit agad ding tumaas ang kilay ko nang makitang hindi niya maayos ang suot na necktie. Nagtaas siya ng tingin sa akin at nang magtagpo ang aming mga mata, sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya. "Bakit?" tanong ko nang makalapit ako.
"Fix this," utos niya at tuluyan nang hinubad ang suot na necktie bago iyon ibinigay sa akin.
Umismid naman ako at hindi mapigilang mapailing bago tinanggap ang necktie niya. "Kanina ka pa kasi paluwag nang paluwag dito sa necktie mo, hindi mo naman pala kayang ayusin," umiiling na sermon ko.
Bahagya akong lumiyad upang maabot ang may bandang leeg niya. Masiyado kasi siyang mataas sa akin kaya't kinakailangan ko pang lumiyad. Hindi naman ako kaliitan, masyado lang talaga siyang matangkad kumpara sa akin. Walang imik kong isinuot sa kaniya ang necktie niya at itinali iyon. Abot ko naman ang may bandang collar niya kaya't hindi ko na kinailangan pang lumiyad.
"Marami na sigurong tao sa labas, ano? Noong lumabas kami kanina ni Jarvis para pumunta rito sa kuwarto ni Chantal, ang dami nang bumati sa amin, e. Mas marami na siguro sila ngayon," komento ko habang itinatali ang neck tie niya. "Fuck it."
Hindi pa man ako natatapos ay agad din akong nag-angat ng tingin ng tingin kay Sir- I mean, Preston pala. "Bakit? Nasakal ka ba? Masyado bang mahigpit ang pagkakatali ko sa necktie mo?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya. Dahil mas matangkad siya sa akin ay tumingin siya pababa upang magtagpo ang aming mga mata ngunit hindi pa man nagtatagal ay agad na siyang nag-iwas ng tingin at bumaling sa kaniyang tabi. "Damn," muling mura niya. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa inasal niya. "H-Hoy, nagtoothbrush ako, ah. K-Kung makaiwas ka naman ng mukha mo sa akin, para namang may bad breath ako "
"Did you really went out wearing something like that?"
"Ha?" Tumingin ako sa damit ko bago ko siya muling tiningnan. "Ano bang dapat kong isuot? Ito ang ibinigay mo sa akin kaya siyempre, ito ang isinuot ko. Saka sabi naman ni Jarvis at ni Chantal, maganda naman daw. Bakit? Hindi ba maganda? Hindi bagay?"
Hindi siya kaagad nakasagot at sa halip ay hinilot lamang ang kaniyang sintido. Napailing na lamang ako dahil sa ka-weird-uhan niya. Siya ang nagbigay sa akin ng damit na 'to tapos ngayon, nagrereklamo siya na bakit daw ganito ang suot
ko. Lasing ba siya?
Muling nag-igting ang panga niya nang magbaba ng tingin sa akin. "Huwag na huwag kang hihiwalay sa akin ngayong gabi, maliwanag?" seryosong taong niya. "Ha? Pero..."
Humugot siya ng malalim na buntong hininga at hinagod ang kaniyang buhok. Saglit siyang sumulyap sa akin ngunit agad din siyang nag-iwas ng tingin. "Just don't go anywhere without me or else I'll fucking lose my mind. Do you understand?'