Chapter CHAPTER Twelve
After six years...
"Jarvis, anong sabi ko sa 'yo? 'Di ba sabi ko, huwag kang makipag-away sa school? Bakit pinapatawag na naman ako ng teacher mo? Ang bata-bata mo pa pero lagi ka nang napapaaway," suway ko sa anak ko habang pinupunasan siya ng pawis sa likod.
"Mama, kapag pinatawag ka sa school, masama na ako kaagad? Paano kapag very good ako, e 'di pahiya ka na niyan?"
Hindi ko mapigilang mapairap nang marinig ang sinabi niya. "Sino na naman bang nagturo sa 'yo niyang mga salitang 'yan, ha, Jarvis? 'Di ba sabi ko sa 'yo-" "Gumamit po ako ng po at opo," pagputol niya sa sasabihin ko bago mahinang tumawa. "Hindi ba pwedeng nakalimutan ko lang... po."
Malakas akong bumuntong hininga bago marahang napailing. "Sinasabi ko talaga sa 'yo, Jarvis. Grade one ka palang pero palagi ka ng napapa-away at palagi akong naipapatawag ng teacher mo sa school. Hala ka. Gusto mo bang sabihin ng mga iyon na masama akong nanay dahil hindi kita tinnuturuan nang mabuting asal, ha?" sermon ko pa.
"Eh kasi naman po Mama, inaaway nila ako. Magpapatalo ba ako? Siyempre hindi po. Ako pa? Magpapatalo ako? Hindi."
Sabay kaming napailing dalawa dahil sa mga katagang sinabi niya. Alam ko naman na ganoon ang ugali niya dahil ganoon din naman ang ipinapakita niya rito sa bahay. Ayaw nga niyang magpatalo sa akin, sa ibang tao pa kaya? Siyempre hindi, ano.
Saka bata pa lamang siya ay tinuruan ko na siyang lumaban dahil paano kapag nawala ako sa tabi niya? Sino na ang magtatanggol sa kaniya? Wala pa naman siyang tatay na magtatanggol sa kaniya at ako lang ang tanging mayroon siya. "Basta Jarvis, ha. Huwag ka ng mananakit ng kaklase mo. Isumbong mo nalang sa teacher niyo kapag inaaway ka, huwag ka nang pumatol. Mamaya masaktan ka pa, wala tayong pambayad sa hospital na pampagamot sa 'yo, okay?" pangaral
ko.
Agad namang humaba ang nguso ni Jarvis dahil sa sinabi ko. "Eh Mama, pinagtatanggol ko lang naman 'yong mga babae kasi inaaway nila. Masama sila, e. Hindi yata nila love ang mga Mama nila kaya sinasaktan nila ang ibang babae," umiiling na tugon niya at umismid pa.
Dahil sa sinabi niya ay hindi mapigilang gumuhit ang ngiti sa aking mga labi. Iniupo ko siya sa kandungan ko bago ko marahang dinampian ng halik ang kaniyang pisngi. "Kung 'yan ang rason, ayos lang kay Mama kasi pinagtatanggol moa ng iba. Pero Jarvis, huwag namang sobra. Isumbong mo nalang sa teacher niyo, okay? Para hindi na mag-aalala sa 'yo si Mama."
"Oo na po, Mama," pagsuko niya at mas lalong sumimangot.
Mahina akong tumawa bago muling hinalikan ang kaniyang pisngi. "Pero Jarvis, proud sa 'yo si Mama kasi pinagtatanggol mo 'yong mga babae na classmates mo, okay? Hindi galit si Mama sa 'yo. Proud ako sa 'yo kasi mabait ka. Nag-aalala lang talaga ako sa 'yo kasi baka masaktan ka rin dahil lang pinagtatanggol mo ang iba. Alam mo naman na love na love ka ni Mama kaya ayaw kitang masaktan, 'di ba, 'nak?"
"Opo," mahinang tugon niya bago humarap sa akin at yumakap. Isiniksik niya ang ulo sa aking leeg kaya't mahina akong tumawa bago tinugunan ang kaniyang pagyakap. "Sorry na, Mama."
"Huwag ka ng mag-sorry, 'Nak. Basta ingat ka palagi, okay? Kahit iyon lang-saka pala maging mabait at healthy ka palagi. Iyon lang, happy na si Mama, ha? Hindi ako galit sa 'yo, pangako 'yan. Kailan ba naman ako nagalit sa 'yo?" "Di na po ako makikipag-away, Mama, promise," sambit niya at mas lalo pang yumakap sa akin. "Basta bati tayo saka 'di ka galit."
Muli akong tumawa at marahang tumango bilang tugon. "Hindi galit si Mama, Jarvis. Hindi ako magagalit kasi love kita, ayos ba 'yon?" "Talaga, Mama?"
Tumango ako. "Oo naman. Promise ko 'yon-"
"Kung 'di ka galit, Mama, bibili mo po ba ako ng ice cream? May sahod na po ba ikaw?" Mabilis na pagputol niya sa kung ano man ang sasabihin ko.
Agad akong natigilan dahil sa tanong niya at hindi kaagad nakasagot dahil sa pag-aalangan kung sasagutin ko ba ang tanong niya o hindi. Nanatili akong tahimik at sa halip ay malakas na bumuntong hininga. "Wala ka po ba ulit trabaho, Mama?"
Wala sa sarili akong napalunok nang muli siyang nagtanong. Kinagat ko ang aking ibabang labi at kapagkuwan ay nagpakawala ng malakas na buntong hininga. "Makakahanap naman kaagad ng trabaho si Mama, Jarvis―" "Next time nalang ang ice cream ko, Mama," muling pagputol niya sa sasabihin ko bago muling ibinalik ang pagkakayakap niya sa akin. "Bili ka po muna ng gamot ni Toto Thirdy."
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot matapos marinig ang sinabi niya. Kung hindi kasi ako natanggal sa trabaho, e 'di sana, may pambili ako ng ice cream niya. Iyon na nga lang ang hinihingi niya tapos hindi ko pa maibigay. Malakas akong bumuntong hininga bago hinalikan ang tuktok ng ulo niya. "Hindi ka naman galit kay Mama, Jarvis, 'di ba?" Mahinang tanong ko sa kaniya.
"Bakit magagalit po ako, Mama?"
"Kasi hindi ko ikaw mabibilhan ng ice cream..."
Agad siyang umiling at mas isiniksik pa ang ulo sa aking leeg. "'Di nga po ikaw nagalit sa akin kahit na nakipag-away ulit po ako, e. Ayos lang na wala muna pong ice cream, Mama. Hindi po ako galit. Basta may ulam po saka gamot ni Toto Thirdy."
Mapait akong ngumiti bago muling yumakap. "Babawi si Mama, ha? Sorry. Malas kasi talaga ako sa trabaho kaya ganito. Maghahanap ulit si Mama, okay? Nagtanong na naman ako ng trabaho kay Ninang Jasrylle mo, sure akong may mahahanap iyon para sa akin kaya huwag ka nang sad, ha?" mahinahong sambit ko sa anak ko.
Marahan namang tumango si Thirdy kaya't hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa labis na galak. Mabuti na lamang talaga at may anak akong mabait at hindi makulit-palagi nga lang napapaaway. Pero ayos na rin, alam ko namang kahit papaano, kahit mahirap, alam kong napalaki ko siya nang tama.
Ang tanging pinagsisisihan ko lamang ay nang hindi ko tinanggap ang perang ibinigay sa akin ni Doctora Vallero noon bilang kabayaran sa anak kong iniwan ko sa kanila. Kinagat ko ang aking ibabang labi nang muling maisip iyon. Kumusta na kaya siya ngayon?
"Mama ko, may nakatok po."
Bumalik ako sa realidad nang marinig ang boses ni Jarvis. Dahil sa pag-iisip ay hindi ko na napansin na kanina pa pala may nakatok sa pinto namin.
"Nak, punta ka muna sa kuwarto tapos laro kayo ni Toto Thirdy mo, ha? May kakausapin lang si Mama."
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Humiwalay sa akin ng pagkakayakap si Jarvis at marahang tumango. Umalis siya sa pagkakakandong sa akin at tahimik na nagtungo sa silid ng Tito Thirdy niya. Dali-dali naman akong tumayo at agad na pinagbuksan ng pinto ang kung sino mang kumakatok doon.
Nakumpirma ko nga ang hinala ko nang bumungad sa akin si Jasrylle na pulang-pula ang labi at mukhang kagagaling lamang sa duty niya sa bagong bar na pinagtatrabahuhan.
"Sismars! Balita ko, minalas ka na naman, ah?" Bungad na tanong niya sa akin bago pumasok sa loob ng bahay.
Agad akong umirap bago isinara ang pinto. "Nabasa mo na ba ang text ko? May nahanap ka ng trabaho para sa akin? 'Yong hindi sa bar, ha."
"Aba, siyempre, ako pa?" sambit niya at agad na umupo sa sofa. "Nakausap ko na ang Tiyahin ko, may bakante raw sa kanilang trabaho. Tagapag-alaga ng bata na anak ng mayaman... makulit na makulit daw kaya walang nagtatagal. Nako ka, baka malasin ka na naman."
"Stay in ba?"
Agad siyang tumango. "Puwede mong isama ang junakis mo pero si Thirdy, ewan ko lang. Iwan mo nalang muna sa Tiyang mo, 'di ba gusto niya ngang doon muna si Thirdy kaso sabi mo, huwag dahil walang kalaro si Jarvis?" suhestiyon niya. Malakas naman akong bumuntong hininga bago marahang tumango bilang pagsang-ayon. "Kakausapin ko na lamang si Tiyang bukas. Kailan ba ako pupunta roon sa bahay ng amo ng Tiyahin mo?" tanong ko.
"Kung puwede, puwede raw bukas," sagot niya at nagkibit-balikat sa akin. "Ewan ko bahala ka. Pero bilisan mo, 'teh, baka may makauna pa, sayang naman. Ang mahal pa naman ng sahod saka mayaman 'yong pamilya." Bahagyang kumunot ang noo ko at takang tumingin sa kaniya. "Kanino ba ako magtatrabaho? Baka naman kilala ko na."
"Basta mayaman. Tejada raw, e. Sure win na 'yon na mayaman kapag ganoon ang apelyido. May kilala ka bang ganoon ang apelyido?" Tejada?
Agad akong umiling. "Wala akong kilala."