The Billionaire's Baby Maker (TAGALOG)

Chapter CHAPTER Thirty Eight



"Yaya Lyana, where are you going po sa day off mo po?"

Tumigil ako sa pag-kain nang marinig ang tanong sa akin ni Chantal. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at tipid siyang nginitian. Magd-date kami ng Daddy mo.

"Sa tabi-tabi lang," tanging sagot ko dahil hindi ko namang puwedeng isagot na may date kami ng Daddy niya.

Halos magtatatlong buwan na kaming magkarelasyon ni Preston at isinisingit ko na tuwing day off ko ay pumupunta kami sa labas nang kaming dalawa lang. Kahit na minsan, palagi lang kaming nasa kotse nya at nagroroadtrip at foodtrip dahil sa takot na baka may makakita sa aming dalawa.

Sabi sa akin ni Preston noon, paborito niya ang araw ng Linggo dahil nasosolo niya ako sa araw na iyon nang walang kasamang mga bata kaya naman parehas naming nilolook forward ang araw ng Linggo. Kahit papaano rin kasi ay nakakapagpahinga ako kapag kasama siya dahil siya naman ang nagd-drive at umoorder-tagapanood at kain lang ako.

Pagod nga lang pag-uwi dahil,.. sa basta. Basta 'yon. Dahil doon.

"Mama, saan po ang tabi-tabi?"

Lumingon ako kay Jarvis dahil sa tanong niya. Hindi ako kaagad nakasagot dahil hindi ko rin naman alam kung nasaan ang tabi-tabi. Nasaan na nga? Peke akong ngumiti at kinamot ang aking ulo. "Diyan-diyan lang, 'nak," sagot ko. "Saan naman 'yong diyan-diyan lang, Yaya Lyana?"

Umawang ang bibig ko nang si Chantal naman ang magtanong. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanila upang tingnan kung nakikipagbiruan ba sila sa akin, taka lamang silang tumingin at animo'y gusto talagang malaman kung saan ang tabi-tabi at diyan-diyan lang.

Napalunok ako at napipilitang ngumiti dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong nila. Hindi naman kasi ako kasing-galing ni Preston sa pag-iisip ng mga palusot kaya't nanatili akong tahimik at hindi kaagad nakasagot. Mukha namang nagtaka sila dahil kunot-noo nila akong tiningnang dalawa.

"We're going somewhere on her day-off. Sasamahan niya ako."

Agad na nanlaki ang aking mga mata at gulat na tiningnan si Preston matapos marinig ang sinabi niya. Kalmado siyang nagpatuloy sa pag-kain na para bang wala lamang ang sinabi niya. Dahil ayaw niyang tumingin sa akin ay malakas kong sinipa ang paa niya sa ilalim ng lamesa.

"Ahh! Fu-" Hindi niya naituloy ang pagmumura nang magtagpo ang aming mga mata. Tinaasan ko soya ng kilay at sinamaan ng tingin.

"Daddy, saan kayo pupunta ni Yaya Lyana?"

Sabay kaming tumingin kay Chantal nang magtanong siya. Tumango naman si Jarvis na animo'y sumasang-ayon sa tanong ni Chantal at gusto ring itanong ang bagay na iyon. Napalunok ako bago ibinaling ang aking tingin kay Preston. Tipid niyang nginitian ang anak at kaswal na nagkibit-balikat. "We're going to eat some_"

"Sisimba!" Malakas na pagputol ko sa dapat ay sasabihin ni Preston. Pinanlakihan ko muna siya ng mga mata bago ako lumingon kina Chantal at Jarvis. Pilit ko silang nginitian. "Sisimba kami ni Sir."

"Po? Sa church kayo po pupunta?" tanong ni Chantal.

Mabilis akong tumango at sinipa muli ang paa ni Preston sa ilalim ng upuan. Agad naman siyang napadaing ngunit pinanlakihan ko lamang siya ng mga mata. "Di ba, Sir Preston? Sisimba tayo? Dasal-dasal, ganoon? 'Di ba?" "Yes. Sisimba kami." Malakas na bumuntong hininga si Preston bilang tanda ng pagsuko at pagsang-ayon sa sinabi ko.

Lihim naman akong napangiti nang tumango si Chantal at nagkibit-balikat na lamang sa sinabi namin. Mabuti na lamang at mabilis siyang maniwala sa mga bagay-bagay lalo pa't galing sa aming dalawa ng tatay niya.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Akmang magpapatuloy na ako sa pag-kain ngunit naiwan sa ere ang kutsara ko nang magsalita ang kanina pang tahimik na si Jarvis.

"Mama, sama po ako, please?"

Umawang ang labi ko at gulat siyang tiningnan ngunit ngumiti lamang siya sa akin. "Sabi mo po noon, tagal na po nating 'di nakakasimba, 'di ba? Magppray po ako, Mama. Magwiwish po saka magtthank you kay Lord kaya sama niyo na po ako, ah?" dagdag niya pa.

Ilang beses akong napakurap at hindi kaagad nakasagot dahil sa sinabi niya. Totoo nga ang sinabi niya na medyo matagal na mula nang huli kaming nagsimba. Dati kasi ay linggo-linggo kaming nagsisimba tuwing day off ko o kaya naman ay pagkagaling ko sa trabaho.

"Sama ka, Jarvis? Sama rin po me, please! I haven't gone to a church for so long. Tuwing may mass lang sa school namin. Can I please come with you?" Mas lalo pang umawang ang bibig ko nang marinig ang sinabi ni Chantal. Awtomatikong bumaling ang tingin ko kay Preston at tulad ng inaasahan ko, pasimple siyang umiling at pinanlakihan ako ng mga mata.

"Yaya Lyana, please? Sama mo na po kami ni Jarvis, please?" pamimilit pa ni Chantal.

Hindi ako kaagad nakasagot at sa halip ay binasa ang aking tuyong ibabang labi. Siyempre ay gusto kong magsolo kami ni Preston dahil Linggo na lamang ang araw na tanging hindi namin kailangang magtago. Kung pasasamahin namin sina Chantal at Jarvis, para namang magiging unfair ako kay Preston. Pumayag na nga siyang itago ang relasyon naming dalawa tapos...

Ibinaling ko ang aking mga mata kay Chantal at nginitian niya lamang ako na para bang excited na excited siya. Sabi niya ay hindi pa talaga siya nakakapunta sa simbahan kasama ang Daddy niya dahil tuwing may misa lang school siya nakakapunta. Kung isasama ko siya, magiging magandang oportunidad ito para mas mapaglapit ko silang mag-ama sa isa't-isa.

Tipid akong ngumiti kay Chantal at marahang tumango. "Sige na nga, sumama na kayo sa amin bukas. Pero huwag makulit, ha?"

"Bab-" Marahas akong tumingin sa gawi ni Preston at pinanlakihan siya ng mga mata. Mukhang napagtanto niya namang muntik na siyang madulas at tawagin akong 'babe' dahil napatakip siya sa kaniyang bibig.

"I-I mean, b-bakit... Yes, bakit? Bakit pa natin sila kailangang isama?" tanong niya sa akin.

Kaswal akong nagkibit-balikat at ngumiti sa kaniya. "Sabi kasi ni Chantal, hindi pa siya nakakasimba kasama ka kaya bakit hindi nalang natin siya isama? Saka kami kasi ni Jarvis, palagi kaming nagsisimba noon kaya tama nga naman siya, dapat magsimba kami ngayon lalo pa't marami akong dapat na ikapagpasalamat.... at hilingin."

Sa huli, wala siyang nagawa kung hindi ang mapailing at magpakawala ng malakas na buntong hininga. Tipid naman akong ngumiti bago lumingon kina Jarvis at Chantal na nag-apir at animo'y tuwang-tuwa dahil makakasama sila sa simbahan.

Abala ako sa pag-oobserba sa dalawa nang maramdaman ko ang bahagyang pagsipa ni Preston sa paa ko at sinusubukang kuhanin ang aking atensiyon. Lumingon ako sa kaniya at taka siyang tiningnan. "Let's talk," he mouthed like a child.

Lihim pa akong natawa nang makitang nakanguso siya at halatang-halata na nakasimangot at nagtatampo. Bahagya akong lumapit sa kaniya at pasimpleng hinawakan ang kaniyang kamay sa ilalim ng lamesa. "Mamaya," mahinang bulong ko sa kaniya at umayos na ng upo.

Mas lalo lang naman siyang napalabi bago marahang tumango at nag-iwas ng tingin sa akin. Napailing na lamang ako at lumayo na dahil baka may makakita pa sa aming dalawa.

Sigurado akong katakot-takot na pagrarant na naman ang gagawin niya sa akin mamaya dahil tulad nga ng sinabi niya sa akin noon, 'naagaw' na naman ako ng mga karibal niya kung papalitan, ibig sabihin, hindi na naman niya ako masosolo dahil kasama namin sina Chantal at Jarvis.

Nakalimutan niya yata na package na kaming tatlo. Buy one, take two.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.