Chapter #CHAPTER Seven
"Ang aga mo yata rito? Dito ka na ba natulog?"
Napatigil ako sa pagtitiklop ng mga damit nang marinig ko ang boses ni Tiyang. Ni hindi ko na nga namalayan ang pagbukas ng pintuan at pagpasok niya dahil masiyado akong abala sa ginagawa ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at tumigil sa pagtitiklop ng damit. "Dito na ho ako natulog, Tiyang. Walang magbabantay kay Thirdy," katwiran ko.
Wala na akong balak pang sabihin sa kaniya na napalayas ako sa tinitirahan ko dahil siguradong mas lalo lang sasama ang loob niya. Dahil mabait siya, nakasisiguro rin akong mag-ooffer siyang tumira muna kami ni Thirdy sa bahay niya. Oo at maganda ang offer niyang iyon dahil wala na akong babayarang renta pero alam ko rin naman na pagmumulan lang iyon ng away ng pamilya niya.
"Nakatulog ka na ba? Baka naman magdamag kang nagbantay, ha."
Sa halip na sagutin siya at tipid lamang akong ngumiti at itinabi ang mga damit na tinitiklop ko. "May pupuntahan po ako mamaya, Tiyang. Anong oras po ba kayo aalis dito?" tanong ko. "Baka mamayang mga alas-dos."
Marahan akong napatango bago muling sinulyapan si Thirdy na hanggang ngayon ay tulog pa rin. Laking pasasalamat ko kagabi dahil nang magising siya ay hindi siya nagwala. Tahimik lamang siyang umiyak at inalo ko lamang nang kaunti kaya't hindi na ako masiyadong nahirapan na magbantay sa kaniya. Mukhang napansin niya na may pinoproblema rin ako kaya't hindi na siya nagwala pa at sa halip ay magdamag na hindi binitiwan ang aking mga kamay. "Saan ka nga pala pupunta? Tungkol ba 'yan sa sinasabi mong bago mong trabaho?"
Nag-angat ako ng tingin sa gawi ni Tiyang nang marinig ang tanong niya. Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago marahang tumango bilang sagot. Tila nakahinga naman siya nang maluwag dahil sa isinagot ko sa kaniya. "Mabuti naman kung ganoon. Salamat talaga sa Diyos at may nahanap kang bagong trabaho kung kailan kailangang-kailangan mo. Sumimba ka naman para makapagpasalamat," sambit niya.
Tipid akong ngumiti at muli na lamang siyang tinanguan. Matagal-tagal na nga rin naman akong hindi nakakasimba dahil abala ako sa trabaho. Kaya siguro sunod-sunod ang malas ko dahil nakakalimutan ko nang magpasalamat sa mga bagay na natatanggap ko mula sa Maykapal. Wala akong ibang ginawa kung hindi humingi nang humingi sa Kaniya pero hindi ko magawang magpasalamat sa mga ibinibigay niya. Napailing ako at kinagat ang aking labi. Makadaan nga mamaya sa simbahan. Kailangan kong magpasalamat dahil hindi Niya pinabayaan si Thirdy.
"Ano nga pala ang nahanap mong trabaho, Lyana? Natanggap ka kaagad? Hindi ba't ang sabi mo sa akin kahapon ay hindi ka natanggap doon sa pinag-applyan mo ng trabaho? Nakahanap ka ba uli?" Muling tanong ni Tiyang.
Hindi kaagad ako nakasagot at sa halip ay tila na-pipi dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya. Hindi ko naman puwedeng sabihin na inalok akong maging surrogate ano! Baka nga hindi niya alam kung ano iyon tulad ko
noon, e.
"Kasambahay lang po, Tiyang."
"Mayaman?"
Tumango ako. Ayaw ko mang magsinungaling, sigurado naman ako na hindi niya ako papayagan sa trabahong gagawin ko. Hindi madali ang magbuntis, alam kong alam niya iyon. Saka alam din ni Tiyang kung gaano ako nalungkot noong nawala sa akin ang anak ko kaya naman alam kong hindi niya ako papayagan.
Pero may iba pa ba akong choice bukod dito? Wala na naman. Kailangan ko ng pera... pera na sigurado akong tatagal sa akin.
Maikli lang naman ang siyam na buwan. Tingin ko rin naman ay kakayanin kong muling magbuntis-kahit na baka iyon na ang huli dahil wala naman akong planong makipagrelasyon sa iba.
"Paano 'yon, magtatrabaho ka muna roon? Ibig sabihin, matagal pa bago makalabas si Thirdy rito?" tanong niya.
"Hindi ho. Gagawa ako ng paraan. Babali na rin siguro ako dahil kaibigan ko ho ang pinsan ng magiging amo ko," mahinahong sagot ko.
Napag-isipan ko na ang lahat ng gagawin ko kagabi. Alam kong kailangan ako ng mag-asawa na iyon dahil mahihirapan sila sa paghahanap. At kung talagang desperado sila, papayag sila na mag-advance payment para mapapayag ako. Base sa tono ng pananalita ni Doctora Vallero kahapon, sigurado akong papayag sila na bigyan muna ako ng pera bilang 'downpayment'.
"Sigurado ka bang papayag sila?"
Marahan akong tumango at tipid na nginitian si Tiyang. "Siguradong-sigurado ho. Kailangan ho nila ako."
"Kailangan nila ng katulong?"
Hindi na ako sumagot pa at sa halip ay ngumiti na lamang bilang sagot sa tanong niya. Mabuti na lamang at hindi na siya nagtanong pa at nanatili na lamang na tahimik. Tumayo na ako mula sa aking kinauupuan bago muling sumulyap sa kay Thirdy.
"Babalik din po ako kaagad, Tiyang. Baka rin ho may dala na akong pera mamaya para mailabas dito si Thirdy," sambit ko.
Tumango si Tiyang. "Sana nga ay makalabas na rito ang kapatid mo. Kaawaan ka sana ng Diyos, 'nak."
Malakas akong bumuntong hininga at muling tumango. Nagpaalam akong muli sa kaniya at nang masigurong ayos na ang lahat ay saka ako tuluyang umalis ng silid ni Thirdy. Nai-text ko na si Doctora Vallero kanina kung anong oras kami magkikita at kung saan. Tulad ng inaasahan ko, agad siyang sumang-ayon at nag-offer pa na sunduin ako sa hospital. Alam kong makakatipid ako kung papayag ako pero sinabi kong huwag na at magkita na lamang kami. Gagamitin ko na lamang ang kaunting oras na iyon para mas lalo pang pag-isipan ang mga bagay-bagay. Baka mamaya, biglang magbago ang desisyon ko, nakakahiya naman sa kaniya dahil sinayang ko pa ang oras niya kung hindi lang din naman ako papayag sa alok niya.
Isa pa, nakapagdesisyon na naman ako kagabi pa. Napagdesisyunan kong papayag ako sa alok niya. Mukhang wala namang mawawala sa akin dahil magbubuntis lang naman ako... hindi naman yata ako maaattach sa bata, hindi ba? Kinagat ko ang aking ibabang labi dahil dahil halos iyon lang naman talaga ang pinoproblema ko sa magiging sitwasyon namin kung sakali mang pumayag akong maging surrogate mother. Hindi ko maitatanggi na hanggang ngayon ay nangungulila pa rin ako sa anak ko at natatakot ako na baka mahulog ang loob ko sa bata at mas lalo lang akong masaktan kapag kukunin na siya sa akin...
Iyon lang ang bagay na ikinakatakot ko. Siguro kapag hindi na ako masiyadong nangungulila, baka naman makayanan ko na. Baka naman hindi na ako magkaroon pa ng problema bukod sa bata.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Ang mahalaga sa akin ngayon ay pera... gagawin koi to dahil sa pera at hindi dahil sa pangungulila.
Nang makarating ako sa coffee shop na pinakamalapit sa hospital kung saan ko pinapunta si Doctora Vallero ay naroon na siya kaagad na animo'y kanina pang naghihintay sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang mahiya dahil pakiramdam ko ay napaka-feeling special ko naman. Ako na nga ang nanghihingi ng trabaho, ako pa ang late.
"Lyana, here!" sigaw niya at kumaway sa akin upang palapitin ako sa puwesto niya.
Tumango naman ako at dali-daling naglakad papalapit doon. "Pasensiya na dahil late ako," nahihiyang sambit ko.
She chuckled as she offered me a drink. Mukha ngang kanina pa siya rito dahil nai-order niya na pala ako ng inumin. "Ano ka ba? Napaaga lang kasi ang dating ko dahil masiyado akong excited. I mean, hindi naman sa pinipilit kita, ha? Ano lang, excited lang akong mag-explain, that's it."
Tipid akong ngumiti. "P-Pasensiya na ulit. Kung sana nakapagdesisyon ako kaagad kahapon, hindi ko na sana masasayang pa nang ganito ang oras mo. Ikaw na nga 'tong busy tapos ako na walang trabaho, ako pa ang late. Nakakahiya tuloy," nahihiyang sambit ko.
Tulad kanina ay mahina lamang siyang tumawa. Bahagya siyang tumalikod at may kung anong kinuha sa dala niyang parang brief case. Agad namang nagtagpo ang aking mga kilay dahil sa pagtataka. Mas lalo pa akong nagtaka nang may ilabas siyang ilang papel mula roon.
"Here, here." Iniabot niya sa akin ang ilang dokumentong hawak niya kaya't wala sa sarili akong napalunok dahil sa kaba bago tanggapin iyon.
Binasa ko ang ilang nakasulat doon ngunit parang mas lalo lang sumakit ang ulo ko sa mga nabasa ko. Halos hindi ko maintindihan ang mga laman niyon dahil puro ingles. Hindi naman saw ala kaong pinag-aralan at hindi ako nakakaintindi ng ganoong lengguwahe pero kasi... para lang yata sa mga matatalino ang nakasulat doon.
Nahihiya man ay nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "A-Ano... hindi ko kasi naiintindihan ang nakasulat dito. Puwede bang ikaw nalang ang magpaliwanag?"
"Sure, no problem." Ibinalik ko sa kaniya ang mga hawak kong papel at agad niya naman iyong tinanggap. Saglit niyang binuklat ang mga iyon ngunit matapos ang ilang segundo ay ibinaba na niya rin ito na para bang tapos na siya kaagad sa pagbabasa.
"This is the contract, Lyana. My cousin and I already finalized this last night so pasensiya na kung hindi ko kaagad nasagot ang tawag mo. Tumawag ka pala kagabi, pasensiya na. Busy kasi kami sa pag-aayos nito saka sa pagf-finalize ng magiging set up niyo sa loob ng siyam na buwan."
Ilang beses akong napakurap dahil sa sinabi niya. Gusto ko sanang sabihin na para bang masiyadong mabiis ang lahat dahil pati pala iyon ay naayos na nila pero nanatili na lamang akong tahimik at hindi na kumontra pa. Mas maayos nga yata 'yon dahil mas mapapabilis ang proseso... saka kailangan na kailangan ko ng pera ngayon na.
"Ayos lang ba sa 'yo kung pag-uusapan na natin 'to? Hindi naman siguro mukhang mabilis, ano?"
Gusto ko mang sabihin na oo, tipid lamang akong ngumiti sa kaniya. "Ayos lang. Sige, ipaliwanag mo na. Gusto ko rin naman kasing maintindihan ang tungkol diyan. Hindi rin kasi ako pamilyar sa mga ganiyan," sambit ko. Marahan naman siyang tumango at malapad akong nginitian na para bang isang bata na excited na excited na makipaglaro sa bagong kaibigan. "So, ganito kasi 'yan, this is the contract. The whole duration of this surrogacy thing is within one year. Kailangan pa kasing i-prepare ang katawan mo sa pagbubuntis kaya sa halip na nine months, one year ang validity ng contract na 'to."
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Ibig sabihin, isang taon akong magtatrabaho, ganoon?" tanong ko.
"Bingo!" she answered and winked at me. "Sa loob ng isang taon, ako ang magiging doctor mo kaya wala kang dapat na ipag-alala. Sisiguruhin ko na maayos ka sa loob ng isang taon at walang kahit na nao mang problema."
Kahit papaano ay napanatag ang loob ko dahil sigurado akong hindi niya ako pababayaan. Kung noon nga na wala akong pera ay hindi niya ako pinabayaan, ngayon pa kaya na mismong anak na ng pinsan niya ang batang dadalhin ko? "P-Paano naman ang bayad?"
Mahina siyang tumawa at may iniabot sa aking papel. Agad namang nanlaki ang aking mga mata nang makita ang sunod-sunod na zero mula roon. Sa sobrang dami ay parang mahihilo ako dahil iyon ang unang beses na makakita ako ng ganoong kalaking halaga.
Napalunok ako. "G-Ganitong karami?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya.
"Uh-huh. Ayos na naman siguro ang Twelve Million Pesos, ano?"
Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong niya. Para akong tinakasan ng bait dahil parang normal lamang sa kaniya ang halaga iyon. Alam ko naman na mayaman siya pero hindi ko naman alam na... ganito pala siyang kayaman. "S-Sigurado ka ba rito? H-Hindi ba 'to scam?" Hindi makapaniwalang tanong ko muli sa kaniya.
"Seryosong-seryoso ang pinsan ko na magkaanak, Lyana. Sa ngayon, hindi na mahalaga ang pera para sa kanila ng asawa niya. Kaya kung papayag ka, masisiguro kong magiging maayos na ang buhay mo. Isang taon lang, Lyana. Isang taon lang at magbabago na ang buhay mo. Hindi mo na kailangang maghirap... hindi mo na kailangang magtrabaho buong araw... lahat. Isang taon lang."
Hindi ako kaagad nakasagot at sa halip ay tinitigan lamang ang papel na ibinigay niya. Sabi ko kanina ay hihingi ako ng downpayment pero ngayon, parang nabahag ang buntot ko. Magkano naman ang hihingin kong downpayment kung ganoon?
"Uh... Doctora Vallero?"
"Hmm?"
Kinagat ko ang aking ibabang labi bago muling tumingin sa kaniya. "G-Gusto ko sanang tanungin kung puwede akong kumuha ng downpayment?"
"Puwede naman..." Ngumiti siyang muli kaya't bahagyang nagsalubong ang aking mga kilay. "Puwede kitang bigyan ng pera kung papayag ka na sa alok ko. Just be my cousin's child's surrogate mother and I promise that everything will be all right. Just trust me with this one, Lyana."