The Billionaire's Baby Maker (TAGALOG)

Chapter CHAPTER Forty Two



Para akong tinakasan ng hininga nang marinig ang boses ni Chantal sa hindi kalayuan. Hindi ako nakagalaw at walang kahit na anong lakas ng loob na tumingin sa kaniya dahil sa labis na kaba.

Nang tingnan ko ang dating asawa ni Preston ay agad na lumiwanag ang mukha niya at malapad na ngumiti sa anak. Kinagat ko naman ang aking ibabang labi at wala sa sariling bumitaw sa pagkakahawak ko sa braso ni Preston. Mukhang napansin ni Preston ang reaksiyon ko kaya't agad niyang hinuli ang aking kamay at mahigpit iyong hinawakan.

"Nandito pala si Chantal pero hindi ka man lamang nahiya na dalhin dito at ibahay 'yang kabit mo. Wala ka na ba talagang galang at respeto sa amin ng anak mo, huh, Preston?" tanong ng dating asawa ni Preston sa kaniya kaya't wala sa sarili akong nagbaba ng tingin.

Alam ko naman na hindi ako ginawang kabit ni Preston dahil alam ko at malinaw naman na hiwalay na silang dalawa. Pero kahit na pagbali-baliktarin man ang mundo, nanay siya ni Chantal at isa pa rin silang pamilya. Ako... hindi naman ako kasali una pa lamang.

Kaya ayaw kong malaman ni Chantal ang lahat dahil baka magalit siya sa akin at isipin na pinapalitan ko na sa buhay nilang mag-ama ang Mommy niya. Natatakot akong tuluyang magbago ang pakikitungo niya sa akin kapag nalaman niya na may relasyon kami ng tatay niya.

Oo at mahalaga sa akin si Preston at gusto ko siyang ipagmalaki sa mundo. Pero si Chantal... mahalaga rin sa akin si Chantal... sobrang halaga na hindi ko yata kakayanin kapag bigla siyang lumayo at magalit sa akin.

Humarap ang dating asawa ni Preston kay Chantal at muling ngumiti. Pinaypayan niya ang anak at sinenyasang lumapit. "Come here, Chantal. Mommy's here na. Hindi mo man lamang ba ako iwe-welcome?" tanong niya.

Mas lalo akong nagbaba ng tingin dahil hindi ko yata sila kayang tingnan nang magkasama. Parang anak na ang turing ko kay Chantal at habang wala ang nanay niya, ako ang tumayong ina niya. Kaya hindi ko naman siguro masisisi ang sarili ko kung masaktan ako dahil bumalik na ang totoong nagmamay-ari sa kaniya, hindi ba?

"Chantal, huwag kang lumapit. Sa taas na kayo ni Jarvis," malamig na utos ni Preston sa anak.

Natigilan ako nang marinig ang sinabi niya at saglit na sumulyap sa aking bandang likuran. Nakatayo roon si Chantal at nasa likod niya ang anak ko. Nakatingin si Jarvis sa... Nagbaba ako ng tingin at agad na naestatwa sa aking kinatatayuan dahil nakita niyang magkahawak ang aming kamay ni Preston.

"And who the fuck is that boy?" Nag-iwas ako ng tingin kay Jarvis at tumingin sa dating asawa ni Preston.

Masama ko siyang tiningnan. "Huwag mong ma-mura-mura ang anak ko. Kung galit ka sa akin, magalit ka sa akin-huwag sa anak ko," seryosong banta ko sa kaniya.

Sa pagkakataong iyon ay hinawakan naman ng kabilang kamay ni Preston ang braso ko na animo'y pinapakalma ako. Tahimik lang ako kanina at hinahayaan siya sa panlalait niya pero kung idaramay niya ang anak ko, pasensiyahan nalang talaga dahil hindi ako basta-bastang mananahimik.

Tumaas ang kilay niya at ipinagkrus ang kaniyang dalawang braso. "Ah? Anak mo? Tapos nakatira rin dito sa bahay namin?" Malakas siyang tumawa at ibinaling ang tingin kay Preston. "Hahanap ka na nga lang ng kabit, 'yong may anak pa. Bakit? Wala na bang gustong tumanggap sa 'yo kasi may anak ka na? Kaya roon ka pumatol sa may anak na rin?"

"Huwag mo akong pagsalitaan ng ganiyan, Margaux. Nagtitimpi ako dahil narito ang mga bata pero kung hindi ka titigil, kakaladkarin kita palabas para lang mapaalis ka rito sa sarili kong pamamahay. Bahay ko 'to. Bahay namin ni Chantal... at hindi ka kasali."

Ipagtatanggol ko pa sana si Preston ngunit naunahan na niya ako sa pagsasalita. Tumingin sa akin ang dati niyang asawa ngunit tinaasan ko lamang ito ng kilay. Hindi ako magpapatalo sa kaniya dahil unang-una, mali naman ang ibinibintang niya sa akin.

Hindi ako kailanman naging kabit na Preston dahil hiwalay na silang dalawa. Para saan pa ang divorced kung babalik din naman pala siya at magmamakaawang tanggapin muli? Hindi lang isang palamuti ang divorce para baliwalian dahil lang iniwan siya ng kabit niya.

"So you're kicking me out of this house just so you can live here with your mistress-"

"Hindi ko nga sabi kabit si Lyana!" Napaigtad ako sa lakas ng boses ni Preston. Muli akong humawak sa braso niya bilang tanda na dapat siyang kumalma dahil narito ang mga bata. Kung kanina ay ayos lang na sumigaw siya, ngayon ay hindi na dahil may mga bata kaming kasama.

Malakas na bumuntong hininga si Preston at hinawi ang kaniyang buhok. "She's not my mistress because we're already divorced. I am happy with her and you have no right to question where my happiness came from. Iniwan mo kami ni Chantal at tinanggap ko na 'yon. Ngayon na masaya na ako ulit, saka ka darating para sirain na naman ang buhay namin. Hanggang kailan mo balak manira ng pamilya, huh, Margaux?!" dagdag pa niya.

"Pamilya? I am your family, Preston! Tayong tatlo ni Chantal, pamilya tayo!"

Kinagat ko ang aking ibabang labi sa sinabi niya at akmang magbababa ng tingin ngunit natigilan ako nang marinig ang sunod na sinabi ni Preston.

"Don't speak as if you know what a family means. You have never been a mother to my daughter so don't fucking compare yourself to Lyana! She's a mother, you're an ex-wife. Know the fucking difference, do you understand?!" Hindi ako kaagad na nakapag-react matapos marinig ang sinabi niya. I am... I am a mother?

Malakas na bumuntong hininga ang dating asawa ni Preston at eksaheradang pinaypayan ang kaniyang sarili. "Noon gustong-gusto mo akong magpaka-ina tapos ngayon na sinusubukan ko nang ayusin ang lahat, sinasabihan mo na ako na wala akong karapatang magsalita bilang nanay ni Chantal? Ikaw yata ang wala sa tamang pag-iisip!"

Magsasalita pa sana si Preston ngunit naunahan na siya ng dati niyang asawa. Laking gulat ko naman nang hilahin ako sa buhok ng babae. Masiyado iyong mabilis kaya't hindi kaagad ako nakaiwas at hindi kaagad ako naprotektahan ni Preston.

Hindi ako nakakilos dahil sa labis na gulat sa ginawa niya. Hinila niya ang buhok ko upang kaladkarin sa labas. Tatadyakan ko na sana siya para pigilan ngunit ako naman ang natigilan nang marinig ang sunod niyang sinabi tungkol sa akin. "Dahil sa 'yong haliparot ka, kaya ayaw niya na akong balikan! Alam ba ng mga tao rito na isa kang kabit, ha? Puwes kung hindi nila alam, ipapaalam natin! Isa kang kabit na naninira ng pamilya nang may pamilya-"

"Yaya Lyana!" Hindi alintana ang sakit ng anit ko dahil sa paghila roon ng dating asawa ni Preston, sinubukan ko pa ring lumingon sa pinanggalingan ng boses niyon.

Tumulo ang kanina ko pa pinipigilang luha nang maramdaman ang pagyakap ni Chantal sa aking likuran na para bang pinipigilan akong umalis.

"Chantal! What the heck are you doing?!" Malakas na sigaw ng nanay niya at inalis na ang hawak sa aking buhok at nagtungo sa anak. Akmang hahawakan niya sana si Chantal ngunit agad ko nang naiharang ang aking sarili sa gitna nila bago niya pa ito mahawakan. "At anong ginagawa mo riyan, ha? Let me touch my daughter, you slut!"

Sasampalin pa sana ako nitong muli ngunit mas mabilis na ako kaya't napigilan ko na ang kaniyang kamay. Seryoso ko siyang tiningnan kaya't mas lalo pang gumuhit ang galit sa kaniyang mga mata.

"Ano? Lalaban ka na, ha? Ganiyan na ba talaga ang mga kabit, ha? Lumalakas na ang loob mo? O kaya naman ay kumakapal na ang mukha? Ay teka, hindi pala! Makapal na talaga ang mukha mo dahil pumatol ka na sa may asawa! Tapos ngayon ano, inaagaw mo na ang anak ko, ha?" sigaw niya sa akin ngunit hindi ako natinag at taas noo siyang tiningnan.

"Kanina ka pa pinapakalma ni Preston pero ayaw mong kumalma. Huwag mong sagarin ang pasensiya ko dahil hindi mo pa alam kung ano ang kaya kong gawin. Kung si Preston, alam mo na kung paano magalit, puwes hindi mo alam kung anong maaaring gawin ko sa 'yo."

Nakipagsukatan ako ng tingin sa kaniya hanggang sa siya na mismo ang bumitiw. Marahas niyang inilayo mula sa akin ang ngayon ay namumula na niyang palapulsuhan dahil sa mahigpit na pagkakahawak ko roon.

Nang sumulyap ako sa gawi ni Preston ay may kausap na siya sa telepono-marahil ay tumatawag na ng guard para ipadampot ang kaniyang dating asawa.

"Chantal? Chantal, come here. Talk to Mommy, huh? Come on. Kausapin mo na ako. Don't just hide there and face me before I lose my temper—"

"Huwag mong pagbantaan nang ganiyan si Chantal," suway ko at sinamaan siyang muli ng tingin. "Tinatakot mo siya."

Lumingon ako sa aking likod at tama nga ang hinala ko nang makitang naglalaro na ang takot sa mukha ni Chantal. Hinawakan niya ang kamay ko at sumilip sa ina.

Nang tumingin naman ako sa dating asawa ni Preston ay agad na nagliwanag ang mukha niya nang makitang sa wakas ay sinilip na siya ni Chantal. Pinaypayan niya ito. "Come here, Chantal. Hindi mo ba na-miss si Mommy? Lumapit ka na rito. Tell your Daddy that you want me to stay here again. Kanina niya pa ako pinapaalis, Chantal. Pagsabihan mo naman na paalisin na niya 'yang babaeng 'yan dito sa bahay dahil hindi siya nababagay dito," sambit niya.

Ramdam kong humigpit ang hawak ni Chantal sa aking kamay kaya't humugot ako ng malalim na buntong hininga. Alam kong nag-aalangan siya kung papayag sa sinasabi ng ina o hindi.

Kahit naman kasi iniwan siya nito, hindi pa rin mababago na nanay niya pa rin ang babaeng nasa harapan namin. Sabi nga nila, blood is thicker than water-at sa amin, ako ang water. Kahit kailan man, hindi ako ang pipiliin. Dahil hindi naman ako ang nanay niya.

"Y-Yaya Lyana, c-can we go upstairs na p-po?"

Natulos ako sa aking kinatatayuan nang marinig ang sinabi ni Chantal. Wala sa sarili akong napatakip sa aking mga labi at gulat na tumingin sa kaniya. "H-Ha?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"I-I'm sleepy na, Y-Yaya. P-Please put m-me to sleep na po."

"Chantal!" Agad na napangiwi si Chantal nang marinig ang malakas na pagsigaw ng kaniyang ina sa pangalan niya. Mas lalo siyang nagtago sa likod ko at hindi rin naman nakatakas sa aking tainga ang impit niyang paghikbi habang nasa likod ko.

Malakas akong bumuntong hininga. "Huwag mo sanang sigawan nang ganiyan si Chantal. Nanay ka niya pero hindi iyon dahilan para hindi mo siya respetuhin. Umayos ka bago pa ako tuluyang mainis," banta kong muli.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Nag-angat ng tingin ang babae sa akin at tinaasan ako ng kilay. Mayamaya pa ay eksaherada siyang nagpakawala ng malakas na buntong hininga. "Sino ka ba para pagsabihan ako kung anong gusto kong gawin sa anak ko, ha? Ano? Mapapel ka na rin? Come on. Kabit ka lang, nanay niya ako " "Y-You're not my Mommy!"

Umawang ang mga labi ko nang putulin ni Chantal ang dapat na sasabihin ng nanay niya. Naramdaman kong umalis na siya sa likod ko at humarap na kaniyang nanay habang hindi pa rin binibitiwan ang aking kamay. Mahigpit pa rin ang hawak niya roon na para bang natatakot siyang umalis ako sa tabi niya at wala siyang ibang gusto kung hindi ang humingi ng suporta mula sa akin.

"What? Chantal, I am your Mommy! Ano ba 'yang sinasabi mo, ha? Iyan ba ang tinuturo sa 'yo ng babaeng 'yan, ha? Well then, she's wrong. Ako ang mommy mo, Chantal!"

"H-Hindi..." Umiling si Chantal at humugot ng malalim na buntong hininga. "S-Sabi mo sa akin noon, h-hindi mo ako anak... s-sabi mo, ayaw mo sa akin. S-Sabi mo, bad girl ako kaya hindi ikaw ang mommy ko. B-Bad ka."

Nag-unahan sa pagtulo ang luha ni Chantal kaya't agad akong umupo para aluin siya at nang magkapantay na aming height. Malakas na humagulhol si Chantal ngunit hindi siya yumakap sa akin at sa halip ay nagtaas muli ng tingin sa ina. "Y-You left me and Daddy. S-Sabi mo, you d-don't like me and y-you hate me. Iniwan m-mo ako kaya Y-Yaya Lyana is the one who took care of me and D-Daddy... because you're gone. B-Because you left us, Mommy. K-Kasi ayaw mo na kaming maging family..."

"No, no! That's not true! Chantal, you're my daughter. Of course, I like you! And what? Yaya? Yaya mo ang babaeng 'yan?!" Dinuro niya ako kaya naman kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang aking sarili na sampalin siya nang wala sa oras.

Kung wala lang sina Chantal at Jarvis, baka nasampal at nakaladkad ko sa talaga siya palabas.

Muling nanlaki ang aking mga mata nang iharang ni Chantal ang sarili niya sa pagitan namin ng nanay niya. Itinaas niya ang dalawang kamay na animo'y pinoprotektahan ako mula sa kaniyang ina. Umawang ang mga labi ko dahil sa ginawa niya habang nangingilid ang luha at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya.

"Yaya Lyana took care of me when you left, Mommy. She didn't hurt me even though I'm bad at her. H-Hindi siya nagagalit k-kahit na iniinis ko siya. S-Sinabayan niya ako sa pag-kain k-kahit na I'm really picky. H-Hindi niya ako iniwan, Mommy. S-She fixed my hair, s-she cooked for me, she put me to sleep, she was there when I was scared, s-she defended me w-when I c-can't defend myself..."

Nag-angat ng tingin sa akin si Chantal at mas lalo pang umiyak. Tipid ko naman siyang nginitian bago ako tuluyang lumapit sa kaniya upang tuyuin ang kaniyang mga luha.

Chantal cried harder while looking at me. "... and she's always smiling at me. H-Hindi siya n-nagagalit s-sa akin. S-She likes... no... she loves me. H-Hindi siya tulad mo, Mommy. Y-You don't like me."

"What? Chantal naman.... I l-love you, come on. I am your Mommy! Bakit ka nasama riyan sa babaeng 'yan, ha? Inaagaw niya sa akin ang Daddy mo tapos pati ba naman ikaw?!"

Umiling si Chantal bago nag-angat ng tingin sa akin. Kapagkuwan ay tipid siyang ngumiti bago muling humarap sa kaniyang ina.

"I want Yaya Lyana to be my Mommy instead. I don't like you anymore, Mommy. Y-You always make my Daddy cry... Yaya Lyana makes him happy. J-Just leave, Mommy. I w-want my Yaya Lyana to stay here. I want her because she loves me... a-and you don't. Siya na ang gusto kong Mommy kasi m-mahal niya ako."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.