Chapter CHAPTER Forty Six
"Are you going to sleep on my room tonight, babe?"
Napatigil ako sa paghahanda ng babaunin nina Chantal at Jarvis nang maramdaman ang pagyakap ni Preston sa aking baywang. Agad kong nalanghap ang matapang niyang pabango kaya't napailing ako. Bahagya akong humarap sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. "Kung gusto mong makipag-debate na naman kay Jarvis, huwag mo nang tanungin 'yan," natatawang sambit ko.
Agad na humaba ang nguso niya at mas lalo pang inilapit ang kaniyang sarili sa akin. "You know what, kaunti na lamang talaga ay maiinis na ako..."
"Kay Jarvis?"
Umiling siya at bumuntong hininga. "No."
"Ha? Kanino naman? Sa akin?"
"Come on, babe. Of course, hindi sa 'yo," reklamo niya at mas lalo pang sumimangot sa akin.
Pinanliitan ko siya lalo ng mga mata. "Kung hindi sa akin at kay Jarvis, kanino ka maiinis?"
Muli siyang nagpakawala ng malakas na buntong hininga at itinaas ang aking baba upang mas maobserbahan niya ang aking mukha. Napalabi naman ako dahil sa ginawa niya ngunit akala niya yata ay nagpapahalik ako dahil agad niya akong ninakawan ng halik. Sa huli, wala akong nagawa kung hindi ang mapailing dahil sa ginawa niya.
"To myself, babe," sagot niya matapos akong halikan.
"Maiinis ka... sa sarili mo?" takang tanong kong muli at tinaasan siya ng kilay. "At bakit ka naman maiinis diyan sa sarili mo? Ikaw? Maiinis? Eh ang hangin-hangin mo nga saka mahal na mahal mo 'yang sarili mo. Bakit ka naman maiinis, aber?"
Mas lalo siyang sumimangot matapos marinig ang sinabi ko. "That's offensive but nah, I'll just take it as a compliment instead. Yes, I really do love myself. You're right with that one," sambit niya.
"Oh? Eh bakit nga sabi mo sa akin, kaunti na lamang ay maiinis ka na sa sarili mo?"
Hinila niya pa ako palapit sa kaniya kaya't ibinaba ko muna ang hawak kong kutsara sa lamesa upang mas humarap pa sa kaniya. "Ano nga?" tanong kong muli.
"Kasi hindi ko matalo-talo si Jarvis kapag inaaway niya ako," mahinang sagot niya at malakas na bumuntong hininga. "I mean, come on, babe. He's just a child-I am a Magna Cum Laude graduate from a prestigious school. On top of that, palagi akong idinadayo sa debate noong nag-aaral pa ako at CEO naman ako ng kumpanya ko ngayon. So how..."
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na mapatawa dahil sa sinabi niya. Sinapo ko ang mukha niya at saglit na hinalikan ang kaniyang mga labi. "Cute mo naman," komento ko nang maghiwalay na ang aming mga labi. "Isa pa nga."
Tinampal ko ang balikat niya kaya't maging siya ay tumawa na rin. "Ah, basta. Someday, I'm going to beat Jarvis, too. Napapakiusapan ko naman si Chantal kaso si Jarvis.. Ugh. He's making me more competitive, huh? Then fine. Hindi ako aatras." Umismid siya at taas noong tumingin sa kawalan.
Wala sa sarili akong napailing habang pinagmamasdan siya. Sa totoo lang, mula nang aminin namin kina Chantal at Jarvis ang totoo, halos wala namang nagbago lalo na sa aming dalawa ni Chantal. Kina Jarvis at Preston naman, ganoon pa rin. Nagbabangayan pa rin sila-medyo napapadalas nga lang ngayon dahil palagi na rin silang nag-uusap hindi tulad noon.
Hinahayaan ko naman silang magbangayan dahil pinagtatawanan lamang namin sila ni Chantal. Hindi rin naman bangayan na totoong away ang ginagawa nila. Karaniwan ay tungkol lamang sa mga walang kuwentang bagay ang pinag- aawayan nila.
Tulad na lamang ng nangyari kagabi. Dapat ay sa kuwarto ako ni Preston matutulog pero hindi ako pinayagan ni Jarvis dahil daw baka managinip siya kaya kailangan niya akong kasama sa kuwarto kahit na medyo matagal nang naipagpaalam ni Preston kay Jarvis na sa kuwarto niya ako matutulog.
At oo, kailangan pa akong ipagpaalam ni Preston kay Jarvis. Ewan ko ba pero para akong nagkaroon ng instant tatay dahil sa anak ko. Ewan ko, mukha namang trip na trip niyang pagbawalan ako kapag nakikita niyang naaasar si Preston. "Babe, come on. Can't you just talk and negotiate with Jarvis? I want you to sleep with me tonight. I miss you, you know?" bulong niya sa akin nang ipatong niya ang kaniyang baba sa aking balikat. Mahina akong tumawa at napailing. "Sure ka bang miss mo ako o iba ang namimiss mo. Baka mamaya, gapangin mo ako," biro ko.
"Para namang hindi mo ako na-miss. Wow, babe. Wow."
Tumawa na lamang ako sa sinabi ni Preston at nagkibit balikat. "Gagawa ako ng paraan mamaya. Nakakaawa ka naman kasi, talong-talo ka kina Chantal at Jarvis," biro ko pa sa kaniya.
"You know what, akala ko dati, kapag sinabi na natin sa kanila ang tungkol sa ating dalawa, magiging malaya na tayo. Like you know, I can kiss and hug you anytime that I want. I thought I can spend time with you whenever we're free but..." Malakas siyang bumuntong hininga at napailing. Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya dahil abala siya sa pag-iling kaya naman muli akong natawa.
"Ganiyan talaga kapag may anak na," sambit ko at kaswal na nagkibit balikat. "Dapat masanay ka na. Ikaw naman kasi, ang daming babae diyan, 'yong may anak pa ang nagustuhan mo."
Humiwalay ng pagkakayakap sa akin si Preston at pinanliitan ako ng mata. Agad namang tumaas ang kilay ko dahil sa naging ekspresyon ng mukha niya. "Bakit?" tanong ko. Bumuntong hininga siya. "Anong sinabi mo?"
"Na ganito talaga kapag may anak na?"
"No, the other one," seryosong sagot niya kaya't mas lalo pang kumunot ang noo ko. Nang mapansing hindi ko pa rin nakukuha kung anong ibig niyang sabihin ay malakas siyang bumuntong hininga. "Sabi mo, bakit sa dami-rami ng babae sa mundo, bakit 'yong may anak pa ang pinatulan ko?"
Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Tapos?"
"Babe naman. What if I am the one who asked you that? Bakit sa dinami-rami ng lalaki sa mundo, bakit 'yong may anak pa rin ang pinatulan mo?"
Hindi ako nakasagot at sa halip ay napalabi na lamang. Dahil doon ay napailing siya at muling iniangat ang aking baba upang magtagpo ang aming mga mata. "So don't ask me that question again, huh, babe? All right? I don't want to hear that question anymore... lalo na't galing pa sa 'yo."
Sa huli, wala akong nagawa kung hindi marahang tumango at tipid na ngumiti sa kaniya. Napailing naman siya at muli akong niyakap. "I don't want to hear you lowering yourself like that. I am more than lucky that you chose me, Lyana. And Jarvis... he's not a liability. Hindi siya dahilan para hindi kita magustuhan o para ikahiya kong may anak ka na. Dahil alam kong hindi mo rin naman ikakahiya na may Chantal ako. Am I right, huh, babe?"
"Of course," agad akong tumango bilang tugon at niyakap siya pabalik. "Hindi ko kailanman ikakahiya na may Chantal at Jarvis sa buhay nating dalawa. Magkaiba man sila ng magulang dalawa pero ngayon, tayo... tayo na ang pamilya nila. T- Tama ba?"
"Uh-huh. You're right, babe," pagsang-ayon niya kaya't muli akong napangiti.
We're a family now. Hindi man official pero alam namin sa sarili namin na pamilya na kami ngayon at masaya kaming lahat. Iyon naman kasi ang mahalaga, hindi ba? Ang masaya kami kapag kasama ang isa't-isa.
"Mama."
"Daddy."
Sabay kaming bumuntong hininga ni Preston nang marinig ang boses nina Jarvis at Chantal na sabay kaming tinawag. "Sabi na, e," mahinang bulong ni Preston at humiwalay na ng pagkakayakap sa akin. "Mama Lyana!" Tumakbo palapit sa akin si Chantal at malapad na ngumiti sa akin. "Susunduin mo po ba kami ni Jarvis mamaya? Can we please eat outside, Mama?"
"Oo susunduin ko kayo mamaya ni Jarvis pero 'yong isa...." Tumingin ako kay Preston at ngumiti sa kaniya. "Yong isa, si Daddy mo ang makakasagot kasi sasama siya sa akin mamaya sa pagsundo sa inyo saka siya ang manlilibre kung sakali man na sa labas tayo kakain, hindi naman ako ang magbabayad, e."
"Sus, Mama. Kuripot po kaya si Tatay."
Tumingin ako kay Jarvis ngunit nakatingin na siya kay Preston at may nakapaskil na nang-aasar na ngiti. Agad namang nagsalubong ang kilay ni Preston dahil sa sinabi ni Jarvis. "What's kuripot?"
"Pogi po, Tatay. Kaya kapag sinabihan ka pong kuripot, sabihin mo po, thank you," sagot ni Jarvis kaya't kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang sarili ko sa pagtawa. "Mukhang nauto naman ni Jarvis si Preston nang marahan itong tumingi. "All right. I'm kuripot, then. Super kuripot," pagsang-ayon ni Preston at mukhang proud na proud pa sa sarili. Nagkatinginan kami ni Jarvis at sabay na tumawa samantalang sina Chantal at Preston naman ay taka lamang na nakatingin sa amin ni Jarvis at animo'y hindi naiintindihan kung bakit kami tumatawa.
"Oh siya, nandito na rin naman kayong dalawa, sumabay na kayo kay Preston na kumain. Nasa mesa na ang pagkain, tumulong ako kina Manang Lerma "
"Babe," pagputol ni Preston sa dapat kong sasabihin kaya't muli akong napatingin sa kaniya. Napailing naman siya nang magtama ang aming mga mata. "I already told you that you should sleep more, right? Nasabihan ko na naman sina Manang Lerma na huwag kang patulungin ngayon dahil kailangan mo pang matulog, why did you insist?"
Humaba ang nguso ko dahil sa sinabi niya at nagkibit balikat. "Kasi naman, kahit na girlfriend mo ako, hindi pa rin naman mababago niyon na katulong-I mean, na yaya ako ni Chantal. Saka binibigyan mo pa nga rin ako ng suweldo, e. Ibig sabihin, hayaan mo na ako sa gusto ko. Gusto kong makatulong, okay? Saka wala rin naman akong ginagawa rito bukod sa bantayan sina Chantal at Jarvis."
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! "But Babe-"
"Hayaan mo na akong magtrabaho kasi trabaho ko naman talaga 'to... Sir." Malapad ko siyang nginitian kaya naman agad na naalis ang ngiti sa kaniyang mga labi. Napailing na lamang siya at mukhang hahayaan na ang sinabi ko ngunit nagsalita si Jarvis.
"Mama ko, bakit po ikaw ang Boss ng Sir mo po?" Malakas na tanong niya sa akin at kapagkuwan ay nang-aasar na tumingin kay Preston.
Tulad ng inaasahan, umawang ang labi nito at hindi makapaniwalang tumingin kay Jarvis. Tatahimik na sana siya at hindi na aangal sa sinabi ko ngunit dahil niloko siya ni Jarvis ay nakipagbangayan na naman siya rito. Wala akong nagawa kung hindi ang mapailing at hayaan na lamang silang dalawa. Pumunta ang dalawa sa lamesa samantalang nanatili naman si Chantal sa tabi ko.
"Hindi ka pa ba kakain, Chantal? Kakain na sina Daddy mo saka si Jarvis," tanong ko at bahagyang yumuko upang mas lalo ko siyang makita. Inayos ko ang buhok niya habang hinihintay ang isasagot niya sa akin. Ngumiti sa akin si Chantal at kumapit sa laylayan ng suot kong pantalon. "Tutulong po ako sa 'yo, Mama Lyana saka hihintayin ko po ikaw. Sabay po tayong kumain, puwede po?"
"Oo naman. Tinatanong pa ba naman 'yan, Chantal 'nak? Siyempre, sasabayan kitang kumain palagi," natatawang sagot ko at hinila ang stool sa hindi kalayuan. "Gusto mo akong tulungang mag-pack ng recess niyo ni Jarvis?"
Mabilis naman siyang tumango at umakyat sa stool para maabot na niya ang lamesa kung saan ako naghahanda ng kakainin nila mamaya. "Tulungan mo si Mama Lyana, ha?" mahinahong tanong ko sa kaniya at malapad siyang nginitian. "Mama Lyana?" Yumakap sa tagiliran ko si Chantal kaya't nagbaba ako ng tingin upang makita siya.
"Hmm? May gusto ka bang idagdag sa kakainin niyo-"
"Thank you, Mama."
Natigilan ako dahil sa sinabi niya kaya't hindi ko kaagad siya nasagot. Sakto namang nag-angat siya ng tingin sa akin at muling ngumiti kaya't kahit na hindi ko alam kung anong ikinapapagpasalamat niya ay ngumiti pa rin ako sa kaniya pabalik.
"Happy po ako kasi ikaw na po ang Mama ko. Sana po, ikaw na ang Mama ko forever, Mama Lyana. Para forever na rin po akong happy saka po si Daddy at si Jarvis. Thank you po kasi love niyo po ako at si Daddy, Mama Lyana. Sana 'di na po kayo umalis ni Jarvis kasi magiging sad po ako."
Hindi ko mapigilang mas mapangiti matapos marinig ang sinabi niya. Kinagat ko ang aking ibabang labi at hinalikan ang tuktok ng kaniyang ulo. "Hindi naman kami aalis ni Jarvis, Chantal." "Promise, Mama?"
Tumango ako at tipid na ngumiti. "Hindi ka namin iiwan... promise ko 'yan sa 'yo, okay?"