The Billionaire's Baby Maker (TAGALOG)

Chapter CHAPTER Five



"Anong kailangan kong magbayad? Aba, ineng. Maayos akong nagmamaneho at 'yang kapatid mo ang bigla na lamang tumawid. Hindi ko na kasalanan pa na tatanga-tanga 'yang kapatid mo—"

"Ituloy ho niya 'yang sasabihin niyo at kayo na ang susunod na nakahiga rito sa tabi ng higaan ng kapatid ko," seryosong banta ko sa lalaking aking kaharap. Malakas akong bumuntong bago tumingin kay Thirdy na kagagaling lamang sa pag- iyak. May benda ang ulo niya dahil sa pagkakabangga ngunit laking pasasalamat ko na hindi naman pala gaanong kalala ang natamo niya.

"L-Lyana, kasi ano..." Ibinalik ko ang tingin ko kay Tiyang nang magsalita siya. "S-Si Thirdy naman kasi talaga ang may a-ano, may kasalanan. T-Tumawid kasi siya t-tapos..."

"Oh? Narinig mo naman yata ang sinabi niyang matandang 'yan," matapobreng sambit ng lalaking nakabangga kay Thirdy kaya't bahagya kong ipinikit ang aking mga mata upang ikalma ang aking sarili.

Nang makakalma na ako ay saka ko siya tinaasan ng kilay. "Kayo ho ang nakabangga sa kapatid ko. At isa pa, sino ho bang nasa hospital at nasaktan? Ang kotse niyo ho ba?" tanong ko sa kaniya pabalik.

Hinawakan ako ni Tiyang sa braso at sinabing tumigil na pero hindi ko siya pinakinggan. Saan naman ako kukuha ng pambayad ni Thirdy rito kung hindi siya magbabayad? 'Yong kapatid ko na ang na-agrabyado tapos kami pa ang kailangang magbayad? Hindi ako papayag doon, ano. Saka isa pa... wala akong pera.

"Bakit hindi mo tanungin 'yang kapatid mo. Mukha namang hindi maayos ang pag-iisip niyan, hindi na 'yan makakapagsinungaling."

Muli kong ipinikit ang aking mga mata para kahit papaano ay ikalma ang aking sarili. Hindi ko naman alam na mahirap para 'tong kausap, letse naman, oh.

"Manong, kung kayo ang narito sa hospital at nagpapagamot, kahit wala akong pera, babayaran ko ho kayo kung mapapatunayan na ang kapatid ko ang may kasalanan. Eh ang kapatid ko ho ang narito at naagrabyado kaya bakit ako ang magbabayad? Nasaktan ho ang kapatid ko pero hindi naman nasaktan ang sasakyan niyo," inis na sambit ko.

"Tatanga-tanga 'yang kapatid mo tapos sa akin mo isinisisi. Wala! Ako na nga ang naabala, ako pa ang magbabayad, mga letse."

Agad na nanlaki ang aking mga mata nang talikuran niya ako. Dali-dali ko namang iwinaksi ang pagkakahawak ni Tiyang sa braso ko at tumakbo papalapit sa gawi ni Manong. Mariin kong hinawakan ang braso niya upang pigilan siya sa paglalakad.

"Bayaran niyo ho muna ang danyos na ginawa niyo sa kapatid ko," mariing sabi ko habang nakahawak sa braso niya. Saglit siyang lumingon sa akin at sinamaan ako ng tingin ngunit hindi ako natinag at nakipagsukatan pa ng tingin sa kaniya. Hindi siya puwedeng umalis. Saan naman ako kukuha ng pambayad dito sa hospital? Hindi makakalabas si Thirdy rito tapos kapag mas lalong nagtagal, mas lalo ring lalaki ang ibabayad namin-hindi talaga siya puwedeng umalis! Magsasalita pa sana akong muli ngunit naunahan na niya ako. Malakas niyang iwinaksi ang pagkakahawak ko sa kaniyang braso kaya't sa sobrang lakas niyon ay halos tumalsik ako palayo. Agad akong napaaray dahil tumama ang braso ko sa bed side ni Thirdy. Peste!

Hindi kaagad ako nakatayo dahil sa sakit kaya't ilang segundo akong nanatili sa puwesto ko habang iniinda ang sakit ng aking braso. May dalawang nurse na lumapit sa akin ngunit umiling lamang ako bilang pagtanggi sa tulong nila. Baka mamaya, pati ako, may kailangang bayaran.

Nang mawala na ang sakit sa balikat ko ay saka ako nag-angat ng tingin sa gawi ng manong na nakabangga kay Thirdy ngunit mas lalong nanlaki ang aking mga mata nang makitang wala na ito sa puwesto niya.

"Letse," malakas na mura ko at tumayo. Lumingon ako kay Tiyang ngunit tahimik lamang siya sa sulok. Malakas akong bumuntong hininga. "Tiyang, bakit naman hindi niyo pinigilan?"

Mula sa direksiyon ko ay hindi nakatakas sa aking mga mata ang pasimpleng paglunok at pagbaba ng tingin niya sa akin upang iwasan ang aking mga mata. Muli akong nagpakawala ng buntong hininga at hinilot ang aking sintido upang kahit papaano ay mapakalma ang aking sarili.

Ibinaling ko ang tingin ko kay Thirdy na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising dahil sa aksidente. May benda ang ulo niya samantalang balot din ng benda ang kanang braso at hita niya. Hindi ko mapigilang mapamura habang nakatingin sa sinapit niya.

"Lyana?"

Nag-angat ako ng tingin at muling tumingin sa gawi ni Tiyang nang tawagin niya ang pangalan ko. "Ho?" Mahinang tanong ko.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Umalis siya sa tabi ni Thirdy at naglakad palapit sa akin. Nang makalapit ay saka niya hinawakan ang aking kanang braso kaya't kunot noo ko siyang tiningnan. "Natanggap ka naman sa trabaho, hindi ba?"

Sa halip na sagutin ang tanong niya ay malakas na lamang akong bumuntong hininga bago muling ibinaling ang aking tingin sa gawi ni Thirdy.

Mukhang nakuha naman ni Tiyang ang ibig kong sabihin nang sunod-sunod din siyang bumuntong hininga tulad ng ginawa ko kanina. "Susundan ko na baa ng lalaking 'yon? Hindi mo naman kasi sinabi na hindi ka natanggap sa trabaho... pasensiya na, ha?" Mahinang sambit niya.

"Huwag ho kayong mag-alala, magdedelihensya ako ng pera. Kailangang mailabas kaagad si Thirdy rito dahil mas lalo pang lalaki ang babayaran natin sa hospital kung hindi natin kaagad mababayaran."

"M-May pera ka ba?" Nag-angat ako ng tingin sa kaniya bago marahang umiling. "May dalawang libo pa ako rito. Nakabenta naman kami ni Thirdy kahit papaano-"

"Tiyang, kung kukunin ko 'yan, wala na ho kayong pang-puhunan sa susunod na ititinda niyo," pagputol ko sa sasabihin niya.

"Eh paano na ang pambayad sa hospital? Maibabalik din naman 'tong dalawang libo kapag ayos na ang lahat. Ang mahalaga, makalabas dito sa Thirdy." Hinawakan niya ang dalang shoulder bag at kinuha ang wallet sa loob. Mayamaya pa'y inilagay niya sa aking palad ang ilang isang daan tanda na katas iyon ng pagtitinda niya. "Kunin mo na 'to. Ang sabi mo nga, mas mapapamahal pa kapag nagtagal dito si Thirdy. Dito ka muna at magdedelihensya na rin ako ng pera." "Tiyang..."

"Tanggapin mo na, Lyana. Saka mo na lamang ako bayaran kapag nakahanap ka na ulit ng trabaho," pamimilit niya pa.

Nagpakawala ako ng malakas na buntong hininga at walang nagawa kung hindi ang tanggapin ang perang ibinigay niya. "Babayaran ko ho ito, Tiyang. Pasensiya na ho lagi sa abala. Kayo na nga ang nagbantay kay Thirdy tapos..."

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Tipid lamang siyang ngumiti sa akin at tinapik ang aking balikat kaya't nag-iwas na ako ng tingin sa kaniya dahil sa labis na hiya. "Babalik ho muna ako bahay, Tiyang. Kukuha ako ng pamalit na damit ni Thirdy saka ilang gamit. Dadaan na rin ho ako kina Jasrylle dahil baka mapautang niya ako ng pera kung sakali,” dagdag ko pa.

"Oh siya, basta bumalik ka kaagad, ha? Alam mo naman 'tong si Thirdy, ikaw ang unang hahanapin nito panigurado na 'yan."

Marahan akong tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi niya bago ako muling sumulyap sa gawi ni Thirdy na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Sigurado akong magta-tantrums siya pagkagising dahil sa sakit at sigurado rin akko na hindi kakayanin ni Tiyang na mag-isang pakalmahin si Thirdy kaya't kailangan kong makabalik kaagad.

Ang tanong, saan naman ako hahanap ng pera? Sa iskwater ako nakatira kaya't hindi na nakakapagtaka na tulad ko ay wala ring pera ang mga kapitbahay ko. Alam ko namang mababait sila at gusto akong tulungan pero kung gipit na gipit ka rin, kahit na gustong-gusto mong tumulong, hindi puwede.

Nagpaalam pa akong muli kay Tiyang bago tuluyang umalis ng hospital. Hindi ko mapigilang manliit habang binabagtas ang daan palabas dahil maipagkakailang puro mayayaman ang nakakasalubong ko base sa pananamit nila. Idagdag pang napakaikli ng suot ko dahil sa bar ako galing kanina upang mag-apply ng trabaho na wala rin naman akong napala.

Humigpit ang hawak ko sa jacket na tanging nagsisilbing pantakip sa katawan ko dahil sa sobrang ikli ng suot kong damit sa loob niyon. Mabuti na lamang talaga at binigyan ako ni Doctora Vallero ng jacket dahil kung hindi, mas lalo akong magiging kahiya-hiya rito.

Nakatingin ako sa baba dahil sa hiya kaya't hindi ko na napansin pa ang kasalubong ko. Bumalik lamang ako sa reyalidad nang muntik na akong tumilapon sa sahig dahil sa lakas ng pagkakabangga sa akin nito.

"Miss, mag-ingat ka naman," matapobreng sambit ng isang baritonong boses mula sa aking harapan. Agad kong tinakpan ang aking katawan dahil bahagyang lumilis ang suot kong jacket kaya't nakita ang suot kong 'damit' sa loob niyon. Nagbaba ako ng tingin bahagyang yumuko dahil sa hiya. "P-Pasensiya na, ho," agad na paghingi ko ng paumanhin.

Umismid lamang sa akin ang lalaki na tila may kausap sa telepono at nagpatuloy na sa paglalakad. "I told you, I want to pursue it. Why are you questioning my decisions, huh? Napag-usapan na namin ng asawa ko ang lahat... I don't care if it's dangerous or not. We want a child, end of discussion," dinig kong sambit niya sa kausap sa telepono.

Tila naestatwa ako sa aking kinatatayuann nang marinig ang sinabi niya. Ibinalik ko ang tingin ko sa puwesto ng lalaki kanina ngunit wala na siya roon. Bahagyang umawang nag mga labi ko at kinakabahang napalunok dahil sa ideyang biglang pumasok sa isip ko.

Muli akong napahawak sa suot kong jacket. Kinapa ko ang bulsa niyon at agad na nakuha ang calling card na ibinigay sa akin kanina. Si Doctora Vallero... m-mabibigyan niya kaya ako ng pera?


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.