Stars Over Centuries

Chapter 9



[Chapter 9]

"000' humihingi lamang ng permiso sa pagtanong binibini. Maiba ako, tayo ba ay nagkita na buhat noon? Inyong ipagpaumanhin ngunit ikaw ay lubhang pamilyar saakin." natigilan si Carina sa sinabi ng binata, iyon rin ang nais niyang itanong kanina ngunit naunahan siya ng pagkahiya dahil higit sa lahat ay hindi naman siya sigurado kung nagkita na nga ba sila.

"A-Ako'y hindi sigurado. Mauuna na ako." pagpapaalam ni Carina, saka mabilis na tumakbo sa paparating na kalesa na pagmamay-ari ng kanilang pamilya.

Nang sumakay siya sa kalesa ay natanaw niya pa mula sa 'di kalayuan ang binata, ito ay nakikipag-usap sa ale na namamalimos sa daan.

"Mabuti na lamang at nahanap ko kayo agad señorita, ipinagbilin po pala ng inyong ama kaninang umaga na maaga kayong sunduin dahil may darating daw na mahahalagang panauhin sainyong tahanan. Ngunit hindi ko naman inaasahang may lakad pala kayo ng iyong mga kaibigan." nagmamadali man sa pagpapatakbo ng kalesa ay nakuha pa rin ni Mang Estong na ikwento iyon sa señorita.

"Panauhin? Sino naman po ang mahahalagang panauhin na inyong tinutukoy, Mang Estong?" tanong niya rito.

"Ako ho'y hindi nakasisigurado ngunit aking naulinigan kanina sa mga katulong sainyong tahanan na ang mga darating daw ay nagmula pa sa Maynila at matalik na kaibigan ng inyong pamilya." pagpapaliwanag naman ni Mang Estong, napatango na lamang ang señorita bago ibalik ang kaniyang atensyon sa panonood sa daan na tinatahak ng kanilang kalesa.

Gabi na ngunit masaya niya pa ring inililibot ang kaniyang paningin sa paligid, nagbabakasakaling maabot ng kaniyang balintataw ang nagkikislapang mga tala sa kalangitan.

00000 minuto makalipas ay narating na rin nila ang tahanan. Maiging nag-aabang sa may balkonahe ang kambal ni Carina na si Catrina, kanina niya pa hinihintay ang kapatid dahil ipinag-utos ng kanilang ama na dapat ay makauwi na ito sa ganap na ika-pito ng gabi.

Nang makita ang paparating na kalesa ay natanaw na ni Catrina si Carina, kinawayan niya ito at madaling bumaba upang salubungin ang kapatid.

"Ikaw ay magmadali Carina, ikaw ay mag-ayos na at magbihis dahil paparating na ang ating mga panauhin." mabilis na tumango si Carina sa kapatid at umakyat upang magbihis, nakasanayan na nila ang paghahanda ng sarili sa tuwing may darating na bisita sa kanilang tahanan ito ay upang maging presentable sa harap ng kanilang mga panauhin.

Madali siyang nakapagbihis at nakapag-ayos ng kaniyang sarili, agad na bumaba at sumama sa kaniyang pamilya sa pagsalubong sa kanilang mga bisita.

Sa 'di kalayuan ay natatanaw na nila ang isang magarbong kalesa na pumasok na sa kanilang hacienda. Ito na ang mga panauhin na kanilang hinihintay.

"Sino raw ang ating mga panauhin?" pabulong na pagtatanong ni Carina sa kaniyang kapatid na si Catrina.

"Ako'y walang ideya Carina." napatango na lamang siya sa tugon ng kapatid.

Narating na ng kalesa ang tapat ng kanilang bahay, na kung saan ay naghihintay sina Carina at ang kaniyang pamilya.

Ang mga kasambahay ay 'di na mawari kung saan paparoon sa pagdating ng mga bisita, nagmamadali na sila sa pag-aayos ng hapag at bawat sulok ng mesa ay sinisiguradong nakahanda na rin.

Bumaba ang isang lalaking nasa edad apatnapu, kaniyang tinulungan ang kaniyang asawa sa pagbaba mula sa kalesa, kapawa sila nakasuot ng magagarbong kasuotan na may iba't ibang disenyo na mga palamuti.

Kasunod ng mag-asawa ay bumaba na rin ang kanilang mga anak, ang isa ay babae na nasa edad labinlima at ang isa naman ay lalaki.

Laking gulat na lamang ni Carina nang mamukhaan ang binatilyong anak ng kanilang mga panauhin. Hindi pa siya nito nakikita sapagkat inililibot pa nito ang paningin sa hacienda ng pamilya Estrella, siya ay nasisiyahan din sa magaang pakiramdam na kaniyang nararamdaman sa bahay.

"Santiago amigo! Kayo ay nakarating." masiglang bati ni Don Idelfonso, sila ay malapit na magkababata ni Don Santiago Alonso. Lumaki sila ng magkasama, sila rin ay pawang mga bahagi ng mahahalagang opisyal at kilalang personalidad sa bayan ng Rosario sa Batangas.

"Ika'y walang pinagbago aking kaibigan." malugod naman na bati ni Don Santiago, nagbeso naman ang kanilang mga asawa na sina Doña Catalina at Doña Lucia. Masayang sinalubong ng pamilya Estrella ang pamilya Alonso na matagal na nilang hindi nakakadaupang-palad.

Pagpasok sa tahanan ng pamilya Estrella ay doon pa lamang napagtanto ng binata na ang binibining kaniyang tinulungan ay isa sa anak ng kaibigan ng kaniyang ama.

Sa hapag, masayang nag-uusap ang mga nakatatanda habang walang imik naman ang kanilang mga anak. Bukod sa hindi nila kilala ang isa't isa ay kapwa hindi rin sila makasabay sa pinag-uusapan ng kanilang mga magulang. "Ako ay maiba Santiago, sila na ba ang iyong mga anak? Walang pinagbago, sadyang ang gandang lalaki pa rin nitong si Lorenzo at napakaganda namang binibini ni Helia." wika ni Don Idelfonso. "Sadyang tunay aking asawa." pagpanig naman ni Doña Catalina sa asawa.

Masaya namang tumugon si Don Santiago sa tinuran ng mag-asawa, "Walang ibang pagmamanahan kun'di ang kanilang mga magulang lamang." pagmamalaki pa ni Don Santiago, halos masamid na lamang ang kambal na Estrella sa mga pinag-uusapan ng kanilang mga magulang at mga kaibigan nito.

"Oh siya Don Idelfonso, gayundin naman ang inyong kambal na anak. Kay gagandang Binibini. Kung ako nga ang tatanungin ay nais kong magkamabutihan ang isa sa ating mga anak." wika naman ni Doña Lucia, nagtawanan na lamang sila sa paksa ng kanilang mga pinag-uusapan.

Sa kabilang dako, ay halos hindi na makakain ang kanilang mga anak na nagkakahiyaan na sa mga sinasabi ng kanilang mga magulang. Napapangiti si Catrina habang nilalamon naman na ng kahihiyan si Carina, bukod sa sinasabi ng kanilang mga magulang ay hindi pa rin siya makapaniwala na ang lalaking kaniyang kaharap ay ang taong nagligtas sa kaniya mula sa mga kawatan.

0000000 ang salo-salo, masayang nag-usap sa salas ng pamilya Estrella sina Doña Catalina at Doña Lucia habang pumunta naman sa opisina ni Don Idelfonso ang kanilang mga asawa.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Napagpasiyahang lumabas ng bahay ni Carina, habang nagpapakilala naman sina Helia at Catrina sa isa't isa.

Masigla ang gabi sa pangunguna ng mga tala sa kalangitan, naglalakad si Carina patungo sa halamanan ng kaniyang ina, nais niyang mapag-isa magmunimuni habang pinagmamasdan ang kinagigiliwang mga bituin sa kalawakan. Lingid sa kaalaman ni Carina ay sinundan siya ni Lorenzo. Kalong nito sa kaniyang braso ang mabalbon na asong si Pina, ang alaga ni Carina.

Naupo si Carina sa isang mahabang upuan malapit sa mga halamang mirasol ng kaniyang ina. Hindi pa rin niya napapansin ang pagsunod ng binata.

Masaya sa pagtingala sa kalangitan ang dalaga, hindi siya lubos makapaniwala na mula pagkabata hanggang ngayon na isa na siyang dalagita ay labis pa rin niyang kinagigiliwan ang mga bituin. Lubhang nahumaling siya sa pagpantasya sa mga ito.

Nagbago ang reaksyon ng kaniyang mukha nang makarinig siya ng kaluskos mula sa mga halaman, naroon ang kaniyang asong si Pina.

Kinuha niya ito at hinimas-himas sa ulo.

Ilang sandali pa ay may humakbang mula sa kaniyang likuran, nang lumingon siya ay nakita niya si Lorenzo. Ibinalik niya ang atensyon sa kaniyang aso, ni hindi siya umimik ng makita ang binata.

Bukod sa hindi niya alam ang sasabihin, ay hindi naman talaga sila magkakilala.

"Sinusundan ko lamang ang asong iyan ngunit tila dinala niya ako rito." pagpapaliwanag ni Lorenzo.

"Kamusta ka binibini? Ikaw ba ay nasaktan kanina ng mga kawatan?" pagtatanong nito sa dalaga.

"Huwag mo iyong ipaaalam sa aking mga magulang." imbes na sagutin ang katanungan mula sa binata ay ito ang kaniyang sinabi.

"Upang huwag kang bigyan ng mahigpit na mga bantay?" ngumisi ang binata, diretso lang ang tingin ni Carina sa kaniyang aso.

"Oo." seryoso lamang sa pagsasalita si Carina.

"Ngunit kung iyong kapakanan naman ang pag-uusapan ay higit na dapat malaman ito ng iyong mga magulang Binibini." tinignan siya ni Carina, kunot noo siyang sumagot dito. "Huwag kang mag-aalala Ginoo dahil una sa lahat ay kaya ko namang ipagtanggol ang aking sarili." pagpapaliwag ni Carina.

"At isa pa, hindi naman tayo magkakilala ni magkaibigan man lamang upang ikaw ay makialam sa aking buhay, intiendido?" patuloy niya pa.

Gulat namang napatitig sakaniya ang binata, hindi siya makapaniwala na sa kabila ng kaniyang pagligtas dito ay nakuha pa siyang pagsupladahan nito.

Ang hindi alam ni Lorenzo ay hindi lamang komportable makipag-usap si Carina sa mga estranghero na katulad niya.

"Tila mainit ang iyong ulo binibini, mauuna na ako." iyon na lamang ang nasabi niya saka umalis sa kinaroroonan ng dalaga. Sa isip-isip niya ay walang utang ng loob si Carina.

Sa kabilang banda, nag-usap sina Don Santiago at Don Idelfonso ng masinsinan ukol sa kanilang planong pagpapalago ng negosyo, nais nilang mas mapalawig ang mga sakahan at hayupan kung kaya't kapwa sila nag-usap na mamuhunan sa isa't isa. Tudla rin nila ang makapagbigay ng mas mainam na trabaho sa mga kapos-palad na pamilya sa kanilang Bayan. Kapwa bukal ang kanilang mga puso sa pagtulong.

Mahinahon at kalmadong tao si Don Idelfonso at Don Santiago, noong bata pa nga sila ay napagkakamalang magkapatid dahil sa halos parehong pag-uugali ng dalawa. Sa kabila ng kanilang matitikas na tindig, nakakikilabot na mga tingin, at pagiging mapagmasid sa kapaligiran ay ang busilak na damdaming may hangaring mabuti para sa iba.

"Maraming salamat kaibigan saiyong permiso na mamuhunan sainyong negosyo." galak na pagpapasalamat ni Don Santiago, matagal silang nanirahan sa Maynila kung kaya't wala na rin silang gaanong lupain sa Rosario, nais niyang mamuhunan at bumili ng mga bagong lupain upang gawing sakahan at makapagpatayo rin ng isang paaralan, bagay na makatutulong sa mga indiong pilipino na walang sapat na salapi para sa pag-aaral. "Walang anuman Santiago, ito'y aking ikinararangal kaibigan." wika naman ni Don Idelfonso.

Hinatid ng mag-asawang Don Idelfonso at Doña Catalina ang kanilang mga panauhin sa labas ng kanilang tahanan.

Nakasakay na sa kalesa ang mag-anak na Alonso, pinalo na ng kanilang kutsero ang kabayo ngunit bago pa man mapatakbo ang kalesa ay muling napatingin si Lorenzo sa kinaroroonan ni Carina, tila tumigil ang paligid nang makita niya ang dalagang umiiyak mula sa 'di kalayuan. 'Di man batid ang dahilan ng pag-iyak ni Carina ay nakaramdam si Lorenzo ng pagkahabag sa nakita.

Umandar na ang kanilang kalesa ngunit patuloy pa rin siyang nakatingin sa dalaga, habang papalayo at paparam na ang imahe ng dalaga ay hindi pa rin maialis ni Lorenzo ang kaniyang tingin sa kinaroroonan nito, hindi man magkaibigan o labis na malapit sa isa't isa ay umiral ang awa sa puso ng binata...

rieteratura


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.