Stars Over Centuries

Chapter 4



[Chapter 4]

"0000 who's here!" sigaw na bati ni Tito Henry, hindi ako makapaniwala. Kasama namin silang magbabakasyon? Ganoon na ba talaga ka-close ang mga magulang namin sa kanila? Nandito sila, so nandito rin ang mga anak nila?

"Amigo!" nag-akap si Tito Henry at Dad, habang nagbeso naman sina Mom at Tita Lucinda sa isa't isa. Seriously Mom, Dad? Kasama natin sila? For five days, as in for real?

"Oh Hijo, hija kailan pa kayo dumating?" ani Lolo, nagmano sina Tita Lucinda at Tito Henry kina Lola.

"Halos dalawang linggo na po ang nakalilipas mula nang dumating kami, pasensya na po at 'di pa kami nakabisita sainyo Tito Ben. Oh anyways sila na ba ang mga anak ni Kuya Arth?" sabi naman ni Tita Lucinda, habang nakatingin kina Anna at Kenneth.

"Oo, sila nga hija." ani naman ni Lola. Napangiti at bumati naman ang aking mga pinsan.

"Let's go? Mukhang pagod kayo sa mahabang byahe, hindi ba kayo nasasabik sa karagatan?" ani Tito Henry, mula pagdating namin ay ngayon ko lang napansin ang ganda ng karagatan.

The whistle of the wind, the rhythm of the waves, the sparks of the blue sky, we're already here. What made me stop were those familiar faces running towards the water, playing with laughter. Nynzo with his siblings. "Let's go." saad naman ni Dad, agad akong kumapit sa braso ni Lola at sumunod na sa kanila.

"We will occupy this building for five consecutive days, so let us all enjoy this vacation." sabi pa ni Tita Lucinda, whoa it might be so fun, but... I think it would be awkward lalo na't 'di naman kami close ng mga anak nila. "Whoa! Hey Wynt sino ba sila?" usal naman ni Anna habang pabulong na sumisiko sa tagiliran ko. "Highschool best friends daw nina Mom at Dad." sagot ko naman.

"So makakasama natin sila? May mga anak ba sila? Kasama ba nila?" sunod-sunod na tanong pa ni Anna.

"Shhh ang ingay mo couzz, okay. Gusto mo bang marinig ka nila? Nakakahiya kaya." busangot na sagot ko naman. Napa-cross arms nalang siya at umirap "Fine!" sa panay tanong niyang 'yan napaghahalataang naghahanap na naman ng handsome crush, nako pinsan kong 'to!

0000 kong inilapag ang mga gamit na dala-dala ko sa kwarto na tutuluyan namin dito sa hotel, kasama ko ang aking mga kapatid at pinsan sa kwartong tutuluyan ko kung kaya't I am expecting that we will shake this room with our louder voices, running feet, and different noises. Naughty as expected.

There are two large beds in this room, sa isang kama ay tabing matutulog sina Kenneth at Cy, samantalang kaming tatlong babae naman sa kabila.

Pagkapasok namin dito sa room ay agad na nagbihis ang mga pinsan at kapatid ko at nagsilabasan agad, maybe they're all now roaming this island.

Nagpa-iwan ako, hindi ko yata maeenjoy ang trip na 'to.

Makakatulog na sana ako ng may biglang kumatok sa pinto ng kwarto kung nasaan ako.

"Yes? Who's there?" I asked.

"Who's there ka riyan, wala namang sinabing required i-lock 'yong pinto 'di ba ate?" kalalaking tao nitong si Cyrus ang taray, galit na galit?

"Nakain mo bro?" pang-aasar ko pa rito.

"Wala ka raw bang balak tignan man lang ang karagatan?" kunot-noong tanong pa nito, now I know, nautusan siyang tawagin ako kaya nagagalit. Hayyyy!

"Seriously. Alright! Baba na ako, magbibihi-" walang hiya 'tong kapatid ko, 'di man lang ako pinatapos magsalita sinarado agad 'yong pinto tss. Acting as a cold person ba?

Mabilis akong nagbihis ng silk dress ko, wala pa akong balak magswim kaya maglalakad lakad nalang muna ako.

Tamad akong lumabas sa pinto habang nilalaro-laro ang dulo ng buhok ko.

Magsasara na sana ang elevator nang mabilis akong humabol upang makapasok rito. Ihinarang ko ang aking kamay upang mapigil ang pagsarado nito, but...

"Ikaw na naman? Tsk." sa dinami-dami ng makakasabay ko itong magaling na si Nynzo pa ang laman ng elevator!

Mabilis niya akong kinalabit papasok ng muntik na namang magsara ang elevator, "Oh ingat, haharang ka na lang ba riyan? Tsk, here we go again." matalim ko siyang pinandilatan bago niya bitiwan ang aking kamay. Umusog ako sa may kanan at nagkalikot ng phone ko. Wala akong balak makipag-usap sa kung sino mang nilalang na nasa paligid ko tsk.

"Wynter right?" napatikhim muna siya bago magsalita.

"No, it's Farah." walang ganang sagot ko habang panay ang pagkalikot sa phone.

Napaisip siya, "Hmm, pero hindi ba't 'Wynter' ang tawag sa'yo ni Mom?" pagtataka niya.

"Yah, but call me Farah 'yon ang tawag sakin sa school." saad ko pa.

Naghari ang katahimikan sa loob ng elevator ngunit ilang sandali pa ay muli niyang binasag ang katahimikan.

Napatikhim muna siya, "Have you ever felt incomplete after a very mysterious dream?" gulat akong napalingon sakan'ya, diretso lang siyang nakatingin sa pinto ng elevator.

Tumingin siya ng diretso saaking mga mata, "Ahh... Never mind." sabi niya pa at unang umiwas ng tingin.

'Di ko lubos maisip pero may kakaiba. Bigla ko ring naalala ang aking napanaginipan noong nakaraan, nagtaka ako at muling napaisip.

"I didn't know that our parents are close." nabalik ako sa aking ulirat ng ibahin niya ang pinag-uusapan, nakasandal na siya ngayon sa pader habang nakalagay naman ang kanyang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang blue shorts. Aba! Madaldal din 'tong isang 'to ah. 'Di nauubusan ng topic.

000000000 na ang araw, nakatanaw ako ngayon sa nag-aagaw dilim na kalangitan habang mag-isang nakaupo sa buhanginan. Hindi ko lubusan maisip kung bakit ganoon na lamang ang hiwaga ng panaginip kong iyon, kung bakit simula nang dumating ang pamilya na kaibigan nina Mom at Dad ay tila may isang misteryong labis na nagpupumiglas na malaman ko.

Tumayo na ako at naglakad-lakad sa dalampasigan, mula sa aking kinatatayuan ay natanaw ko ang aking mga kapatid at pinsan na nagbabangka sa 'di kalayuan. Kumaway ang mga ito saakin. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa isang kubo malapit sa isang puno ng mataas na niyog. Ang cute ng kubo, isa yata ito sa mga rare designs dito sa Boracay. Natauhan ako nang may magsalita mula sa aking likuran "Mukhang malayo na ang iyong tinungo makarating lamang dito hija." gulat akong napatingin saaking likuran, nakatayo ngayon sa aking harapan ang isang lola na may mahabang puting buhok, nakasuot siya ng isang puting baro at mahabang abuhing saya, parang kahit nasa 21st century na ay 'di pa rin niya nilimot ang sinusuot nila noong kabataan niya.

"Ahh ehh, medyo lang naman po lola. T-Tulungan ko na po kayo sa dala niyo." hindi pa naman ganoon kalayo ang aking nilakad, sa katunayan nga'y nakikita ko pa mula sa aking kinatatayuan ang kulitan ng pinsa't mga kapatid ko. Akmang kukunin ko na ang bayong na dala-dala ng lola ng muli itong magsalita, inayos niya ang kaniyang pagkakatayo at tumingin ng marahan sa karagatan.

"Tiyak na tinatahak mo na ngayon ang daan pabalik..." napatingin ako sa matanda.

"A-Ano pong ibig niyong sabihin? H-Hindi naman po ako naliligaw lola." umihip ng marahan ang hangin habang unti-unting tumingin nang diretso saaking mga mata ang matandang babae, ngumiti siya ng walang ngipin na lumalabas. Tinapik niya ako sa balikat.

"Huwag kang mag-aalala, hindi ka na maliligaw pa sa kasalukuyan." napatulala na lamang ako sa kaniyang tinuran habang dahan-dahan siyang naglakad papalayo saakin, sa hindi malamang dahilan ay labis akong nagtaka habang nakatingin sa kaniyang likuran, may suot siyang puyod sa likuran ng kaniyang buhok.

Umagos ang mahinahong karagatan, kasabay ng tuluyang paglubog ng araw at unti-unting paglabas ng kinang ng mga bituin, naguguluhan ako pero bakit? Bakit tila parehong-pareho ang hugis at itsura ng bituin sa suot na puyod ng matanda at ang laruang hawak-hawak no'ng bata?

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

000000000 ako sa aking ulo ng medyo sumakit ito, nasobrahan na yata ako sa kakaisip. Narito pa rin ako sa may kubo, kasalukuyan na akong nanonood ng mga tala. Dahan-dahang sumasakit ang aking ulo kung kaya't dahan-dahan akong lumapit at sumandal sa puno ng niyog. Hawak ko na ngayon ang aking sintido habang nakasandal pa rin sa puno, baka totoo nga si Anna uso pa ang engkanto sa panahon ngayon. Namamawis na ng malamig ang aking ulo, hindi na maawat ang pagsakit nito.

"Wynter? T-Teka anong nangyari saiyo?" hindi na ako makalingon sa kung sino ang tumawag saakin, namimilipit na ako sa sakit.

Agad na lumapit saakin si Nynzo. Umupo siya at pinagmasdan ang kalagayan ko "Just wait here, kukuha lang ako ng gamot." mabilis siyang umalis.

"you." pagpapasalamat ko kay Nynzo, nahimasmasan na ako mula sa matinding sakit ng ulo ng dalhan niya ako ng gamot at bottled mineral water na maiinom. Kasama raw nina Tito Henry at Tita Lucinda sina Mom at Dad kung kaya't 'di pa niya nasabi sakanila ang nangyari saakin.

Pareho na kami ngayon nakaupo malapit sa may dalampasigan at kapwa nakatingala sa mga tala.

"No problem, bakit ka ba kasi mag-isa sa may punong 'yon? Did something happened?" tugon naman nito.

"Uhm naglalakad-lakad lang ako. By the way, huwag mong sasabihin 'to kina Mom ah?" pang-iiba ko sa usapan. Ayaw ko nang pag-alalahanin pa sina Mom, lalo't simpleng sakit ng ulo lang naman ang dahilan. Nasa vacation kami kung kaya't dapat na mag-enjoy lang sila.

Napatingin siya saakin "Huwag sabihin? Tsk. Masyadong masekreto ka yata sa mga magulang mo." sarkastikong saad naman nito, tumawa pa siya ng marahan, nagsisimula na naman akong maasar. Sabagay, 'di naman kami close friends para humingi ako ng pabor sakanya, we just met by different instances. Hindi ko na lamang siya pinansin.

☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐, nagbonfire silang lahat sa may dalampasigan. Nagpaiwan nalang ako sa room at nagpahinga.

Hindi pa rin mag-sink in sa utak ko ang sinabi ng matanda, kung may nais ba siyang sabihin o ipahiwatig. Ba't hindi niya nalang direktang sabihin? Bakit pa kailangan ng matatalinghagang pananalita?

Nag-isip ako ng nag-isip habang nakahiga sa kama hanggang sa tuluyan na akong nakatulog sa pagod at lalim ng pag-iisip.

☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐ ako sa pagkakatulog nang may kumatok ng tatlong sunod sa kwarto kung nasaan ako.

"Señorita." rinig kong tawag mula sa labas.

rieteratura


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.