Chapter 17
[Chapter 17]
I was too stunned to speak, hell no! Hindi ito too, hindi.
Nangiginig akong napaatras mula sa aking kinatatayuan, umiiyak na nakahawak si Anna sa kaniyang bibig, nagsisiiyakan ang mga nasa loob. Hindi pa rin ako makapaniwala. Lumabas ako at tumakbo, doon ay nakita ko ang paparating na si Nynzo. Nadanggaan ko siya at natumba ako, isang patak ng likido ang tumulo mula sa aking kanang mata.
Tinangka niya akong hawakan sa braso, alam kong sa inaasal ko pa lamang ay alam niya na. Tinabig ko ang kaniyang kamay at mabilis na bumuhat, dinig ko pa ang pagtawag nila sa pangalan ko. Tumakbo ako nang tumakbo, tumakbo ako na para bang walang hangganan ang daang tinatahak ko hanggang sa mapadpad ako sa isang terrace na walang tao.
Sinundan ako ni Nynzo, "Farah." Nakatingin ako sa kawalan habang sinasariwa ang mga alaala namin ni Lolo.
Wala akong tapang na maihaharap, hindi ko na kaya, hindi ko ito mapipigilan, "Leave." Wika ko habang nakatalikod pa rin.
Hindi siya umimik sa sinabi ko, alam kong naroon pa rin siya. "I said, leave!" Dagdag ko pa bago nagpakawala ng sunod-sunod na malalakas na sigaw. Hinigpitan ko ang kapit sa pagitan ng hawakan ng terrace, sumigaw ako sa kawalan gamit ang natitirang lakas na mayroon ako. Panay pa rin ang pagbagsak ng mga luha ko, para bang isa itong falls na imbes na humina ay mas lalong palakas nang palakas. Ramdam ko ang paglapit niya sa kabila ng pagpapaalis ko sa kaniya, isang mainit na yakap ang bigla na lamang sumalubong saakin nang akmang haharapin ko siya.
"He's now watching you from afar. Masakit, pero huwag ka sanang malunod sa lalim ng kalungkutan mo ngayon. Ayaw kong makitang nasasaktan ka." He uttered sincerely.
He's trying to comfort me with his words. He keeps on tapping my shoulders. I am now drowning, but whenever I spend my loneliness in silence, he's there, he's with me. There's no other connection between us aside from being friends, but there are times that I think of him as my escape in my most sorrowful moments.
☐☐☐☐☐☐☐ na lumipas ang mga oras, isang araw, dalawa, tatlo hanggang sa tuluyan nang nailibing si Lolo at bumalik na kami ng Maynila. Mahirap tanggapin ang nangyari pero lahat naman tayo'y mapupunta roon, walang nakakaalam, pero may nakatakdang oras para sa lahat.
I was in amidst of walking along the hallway of our main building when someone caught my attention, Nynzo's leaning on the wall beside our entrance. Napansin niyang papalapit na ako kung kaya't agad niyang inayos ang kaniyang tayo at ibinulsa ang hawak na cellphone.
"May hinihintay ka?" Tanong ko rito, gumuhit ang isang malapad na ngiti sa kaniyang labi.
Kinuha niya ang bitbit kong bag na naglalaman ng mga libro't activities na kailangan kong habulin, "Yup, and she's here." Saad nito, so he's waiting for me.
Dala-dala niya ang gamit ko na para bang may pinag-usapan kaming magkikita after class, where in fact, wala naman. "Wait, saan mo dadalhin ang mga 'yan? Uuwi na ako, susunduin ako ni Dad ngayon." Habol ko rito.
Bumalik ang tingin niya saakin, "Regarding that case, ipinaalam na kita kina Tita at Tito. No worries, I got you." He said. Ipinagpatuloy niya na ang paglalakad niya.
"Huh? Wait, bumalik ka rito!" Hindi niya pinakinggan ang sinabi ko, kaya't sinundan ko na lamang ito.
Pumunta siya sa parking lot ng school kung saan naroon ang kotse niya, hinarang ko siya sa may pinto ng kotse niya.
"Are you sure na ipinaalam mo ako? Baka hintayin ako ni Da-" napasandal ako sa kotse niya nang bigla niyang abutin ang pinto at buksan ito, napatingin lamang ako rito habang abala pa rin sa paglagay ng mga dala, it was a close call. Bigla akong napatahimik sa biglang pagbilis ng tibok ng puso ko, nabigla yata ako, ni hindi man lang siya kumikibo.
Hindi na ako nagsalita pa at sumama na lamang kung saan siya pupunta, hindi naman niya siguro ako ki-kidnapin sa lagay na 'to. Tinahak namin ang daan malapit sa Daza Park, Camp Aguinaldo. Malapit lang din naman ito sa bahay, siguro ihahatid niya lang ako? "Ihahatid mo lang naman pala ako, ang dami mo pang alam hmp." Bulong ko sa hangin habang naharap sa bintana ng kaniyang sasakyan. Tumawa siya na parang aso, pakanan na ngiti. "Alam na..?" Napahawak na lamang ako sa ulo ko nang marealize na narinig niya ang sinabi ko.
"Haysts, saan ba kasi tayo pupunta?" iritableng tanong ko, hanggang ngayon hindi niya pa rin sinasabi. What if isa itong patibong? Anyway, kapag nawala ako mati-trace naman kung sino ang huling nakasama ko, pfft.
"We're here." maikling tugon nito matapos ihinto ang sasakyan. Iginiya niya ang kaniyang kamay na para bang ipini-present ang lugar.
"G*go, seryoso ka ba?" Tanaw ko mula sa aking kinauupuan ang isang 5-Star Hotel, sabi na nga ba eh may masamang balak talaga siya saakin.
"Isn't it wonderful? Abot-tanaw natin ang mga bituin dito." Wonderful? 5-Star Hotel? Seryoso ba siya?
Bigla akong napatingin sa kaniya, napahawak ako sa aking bibig nang makitang magkaiba pala kami ng tinitignan. Gosh, nakatingin ako sa side na bintana kung saan ako nakaupo at gano'n din siya kung saan siya nakaupo. Magkabila, sa left side view siya habang nakatingin naman ako sa right side, shocks.
Kunot-noong humarap siya saakin, "Huwag kang tumingin sa kabilang kalye, talagang mapapamura ka riyan." Pinagtawanan ako ng bruho, kung pwede ko lang sanang buksan 'yong lupa para magpalamon.
Malapit nang magtakip-silim, nagkukulay kahel na rin ang kalangitan habang abala pa rin ang mga tao sa paligid. Nasa isang lugar kami kung saan tanaw ang masiglang paligid, nakaupo kami sa damuhan habang napapalibutan ng mga pagkaing dala ni Nynzo. Fully package talaga siya, it was planned by him.
"Bakit mo nga pala ako dinala rito?" Nakaupo siya sa tabi ko, napapagitnaan kami ng isang basket na mayroong mga inumin at pagkain.
Diretso siyang tumingin sa nag-aagaw dilim na kalangitan, "After all those breakdowns, you deserve a treat, Wynt." Napatingin na lang din ako sa sunset.
"Pero hindi mo na kailangan pang gawin ito," if only I could spill my thoughts in just a single fall, sasabihin kong okay lang na kahit hindi niya na gawin ito. Nandoon siya sa mga panahong nangangailangan ako ng karamay, nandoon siya noong walang nakaririnig saakin, at nando'n siya sa tuwing nagdadalamhati ako sa gitna ng dilim.
0000.
"☐☐☐☐☐ ☐☐ ☐☐☐☐ ☐☐00000?" 000000 00 0000, 00000000 00 000 000 000 0000 00.
000000000000 00☐☐☐ ☐☐☐☐☐☐.
..☐☐☐☐☐☐ ☐☐ 00.0..
Sa lalim ng iniisip ko'y hindi ko napansin ang pagkuha niya saakin ng litrato, "Bulls eye." Titignan niya na sana ang picture ko nang abutin ko ang cellphone niya pero bigo akong makuha ito.
Tumayo ako mula saaking pagkakaupo at humarap sa kaniya, inilagay ko ang kamay ko sa harapan para hingin ang cellphone na hawak niya pero imbes na ilagay ang cellphone doon ay kumapit siya rito para tumayo, wala akong ibang nagawa kun'di ang hilahin nalang din siya patayo.
Parang biglang tumigil ang mundo nang magkasalubong ang aming mga mata, sa lapit namin sa isa't isa'y kapwa sumabay kami sa unti-unting napaparam na sandali, bumagal ang paligid, tila ba sa isang mahalagang sandali ay tumigil ang
oras.
Mas lalo akong napatigil nang dahan-dahang lumapit ang mga kamay niya sa aking mukha. Unang dumampi ang kaniyang palad sa aking pisngi, pagkatapos no'n ay inayos niya ang iilang buhok na humarang sa aking mga mata. Para bang isang pamilyar na pagkakataong inaalala niya mula sa bawat anggulo ng aking mukha, unti-unting lumalapit ang kaniyang mukha kasabay ng pabilis na pabilis na pagtibok ng puso ko.
Ganoon na kami kalapit sa isa't isa nang biglang mag-ring ang cellphone ko, "Uh," sabay kaming napabitiw sa isa't isa. "Excuse me," mabilis akong lumayo sa lugar at sinagot ang tawag.
"Yes, who's this?" Ilang segundo akong nag-antay kung may magsasalita ba sa kabilang linya pero wala naman ni kaunting imik mula rito.
"Hey?" Dagdag ko pa, unknown number kaya baka prank caller. Imbes na mag-aksaya pa ng oras ay ibinaba ko na lamang ito, ilang sandali lamang mula ng ibaba ko ang phone ay may nagtext naman.
☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐☐ ☐☐☐☐☐ ☐☐ ☐ ☐☐☐☐☐☐ ☐☐☐. . . ☐☐ ☐☐☐☐☐☐☐, 0'☐ ☐☐☐☐☐☐☐☐. — unknown number.
00000 00000 00000 ☐☐ ☐☐☐☐☐ ☐☐ ☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐ ☐☐☐ ☐☐☐☐☐☐☐00.- unknown number.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-absorb lahat ng sinabi sa text nang biglang damputin ni Nynzo ang cellphone mula sa kamay ko, "Kapalaran. Ano bang alam niya sa kapalaran? Tayo ang gumagawa at gagawa ng ating kapalaran." saad nito habang ini-emphasize ang salitang 'tayo'.
"Seriously? Ba't ka nakikiususyo sa kausap ko?" Napakamot siya sa kaniyang ulo dahil sa sinabi ko.
"Wala." Walang pag-aalinlangang wika pa nito.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Let's go? Baka magbreakdown ka na naman ng wala sa oras." Alok nito habang pabulong lamang na binanggit ang mga huling kataga, tss.
We missed to watch the stars because the cloudy sky foreshadowed. Nang makarating na kami sa bahay ay tinulungan niya rin akong dalhin ang mga bitbit ko papunta sa loob. Nagbigay galang din siya kay Mom bago tuluyang umuwi. "Kumain ka na ba, Wynt?" Tanong ni Mom saakin matapos naming magbeso.
"Uh yes, Mom. Busog pa po ako, Nynzo treat me earlier so don't worry." Tumango lamang siya bilang tugon, naglakad na rin ako paakyat sa taas pero nasa hagdan pa lamang ako'y biglang tumunog ang cellphone ko, someone texted me. Nang mabuksan ko ang mensahe ay agad na bumungad ang litratong kinuha saakin ni Nynzo kanina. Actually, maganda naman ang pagkakuha niya, buong akala ko kanina ay epic ito. 0000000 000000.- Nynzo
Napailing nalang ako sa isa pang text nito, ano kayang kinain niya para mabawasan kaangasan niya sa buhay? Gumuhit ang isang malapad na ngiti sa aking labi at nagpatuloy nang umakyat sa hagdan.
"Whoa, ang tamis naman ng ngiting 'yan ate!" Napawi ang ngiti mula sa labi ko nang marinig ang panunukso ni Autumn, nginusuan ko ito at nilagpasan na lamang pero sinundan pa rin ako nito hanggang sa marating ko ang kwarto ko. "Pumapag-ibig ka ba 'te?" Minsan ang seryoso nitong si Autumn pero ngayon ewan ko nalang talaga.
"Shut up, sis." Iyon lamang ang sinagot ko sa kaniya at isinarado agad ang pinto ng kwarto ko, pfft.
0000000 na naglalaro sa isipan ko ang muntik nang mangyari kagabi saamin, like, am I inlove? Gosh, Wynter you're incredibly insane!
"Ms. Alcantara, are you listening?" Napabalikwas na lamang ako nang matauhan sa tawag ng professor namin sa Intermediate Accounting 2.
"Uh, sorry Miss?" Tumayo ako upang sumagot sa tanong nito.
Pumihit siya ng lakad, "What are the conditions for the recognition of a warranty provision?" Tanong nito saakin.
"A provision should be recognised when: number one, an enterprise has a present obligation as a result of a past event; number two, it is probable that an outflow of resources embodying economic benefits will be required to settle the obligation; and third a reliable estimate can be made of the amount of the obligation." Buti nalang at nareview ko ito kagabi, tumango siya at sumenyas na umupo na ako.
Muli siyang nagtanong sa klase, hanggang sa 'di namin namalayan ang oras at nagring na ang bell.
"Class dismissed."
Last schedule namin iyon ngayong araw, pasadong tanghali pa lamang at sama-sama kaming magkakaibigan na lumabas ng room.
"Aliza Bien, Issafarah Wynter. Ang gaganda ng names niyo kaya dapat niyo akong ilibre ngayon." So, kapag pala unique name maganda na agad, at kapag maganda ang names dapat siya ang nanlilibre? Kahit kailan talaga maraming alam itong si Isha.
"Alam mo, Isha Hailey." Madiin na binaggit ni Aliza ang pangalan ni Isha saka ito inakbayan. "Walang ibang dapat na manlibre dito kun'di si Farah." Tumigil silang pareho maglakad at tumingin saakin, nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi ni Aliza.
Ipinaliwanag niya ang sinabi niya, "Ikaw ba naman lumulutang ang isip pero nagawa pa ring sumagot sa gitna ng recitation ni Prof." Sinang-ayonan ito ni Isha na pawang nag-iisip hawak ang baba nito. Pinagkaisahan na naman ako nitong dalawang ito, pfft.
Pumunta lamang kami sa isang cafe at doon nagpalipas ng halos isang oras hanggang sa maisipan na naming umuwi. Marami pang dapat tapusin dahil malapit na ang midterm examination.
Nauna na sina Ali at Isha, pinauna ko na silang sumakay dahil mas malayo ang mga bahay nila kaysa saakin. Naglakad-lakad ako para umabang ng taxi, nakakita na ako mula sa malayo kaya't dali-dali ko itong inabangan, ng aktong papara na ako'y napansin ko sa kabilang kalye sina Ate Cindy at ang boyfriend niyang si Gabriel. Para bang kinakaladkad niya ang kaniyang girlfriend, hindi ko sila marinig pero mukhang may pagtatalo sa pagitan ng dalawa. "Ma'am sasakay ho ba kayo?" Hindi ko napansing tumigil pala ang taxi sa harapan ko.
"Uh, hindi po manong." Sagot ko rito, umalis naman agad ito. Nang mag-green na ang traffic light ay mabilis akong tumawid, I am out of clue but all I know is that there's something behind this curiosity.
Sa mabagal nilang paglalakad ay nasundan ko sila nang malapitan, dahilan upang mas klarong marinig ko ang kanilang usapan.
"Hon, let's fix it—" hindi na natapos ni Gabriel ang sasabihin nang sabatin siya ni Ate Cindy ng isang malakas na sampal.
"Try to fix yourself, not us Gabo. Wala nang dapat ayusin pa sa ating dalawa." Matapang nitong saad, nasa harap sila ng isang cafe. Walang ibang tao doon kaya't hindi aakalain ng mga dumaraan na gumagawa sila ng eksena. Gabriel grit his teeth and grabbed his girlfriend's hand, "Bakit mo kailangang gawin ang lahat ng ito saakin?" Nanginginig na siya sa galit at pahigpit nang pahigpit na rin ang pagkakahawak niya sa balikat ni Ate Cindy. "Dahil isa kang kriminal! Bakit mo sila pinagtangkaang patayin? May atraso ba sila saiyo, or talagang gusto mo lang pagtripan ang buhay ng mga batang iyon?!" Napatakip ako sa aking bibig ng marinig ko iyon.
Akmang sasampalin na ni Gabriel si Ate Cindy kaya't nagtangka akong lumapit dito ngunit dalawang hakbang pa nga lang ang nagagawa ko mula sa aking pinagtataguan ay may tahasang humawak sa aking wrist, hinila ako nito upang huwag akong makita nina Gabriel at Ate Cindy. Wait, si Ronaldo ang humila saakin, sinusundan niya ba ako?
Muli kong tinignan kung nasapak ba niya si Ate Cindy pero laking gulat ko na lamang nang magsilabasan ang tatlong lalaking nasa loob ng cafe, mga kaibigan pala iyon ni Ate Cindy. Walang nagawa si Gabriel kun'di ang lisanin na lamang ang lugar.
Hinarap ko si Ronaldo, "What?" Iritang tanong ko rito, may motibo ba siya saakin? Kailangan or what?
"Wait-huwag mo sabihing sinusundan mo ako kanina ah?" Nakapamewang na ako sa lalaking nasa harap ko.
Ang seryoso lang ng mukha niya, "Kung wala ka naman palang sasabihin, aalis na ako." Tumalikod na ako rito at akmang maglalakad na paalis nang bigla na lamang akong mapaharap dahil sa sinabi nito.
"Sumama ka saakin," ani Ronaldo. Diretso lamang ang pagkakatayo niya na para bang wala ni isang emosyon ang lumalapit dito.
"Huh? Look, alam ko namang wala kang masamang intensyon at nakilala na rin kita noon pero wala akong oras para gumala papunta kung saan-saan. Isa pa, hindi naman tayo clos-" sa isang salita lamang na binanggit niya ay tila napatigil ako sa aking sinasabi.
"Panaginip..." Kumunot ang aking noo, sino ba siya't bakit biglang nabalot ng hiwaga ang aming paligid.
Magkaharap kaming nakaupo sa pagitan ng mesa, nasa isang public place kami kung saan maraming mauupuan at marami ring taong dumadaan upang mamasyal at tumambay-tambay.
"Anong klaseng panaginip ba ang sinasabi mo kanina?" Binalot na ako ng kuryosidad kung kaya't ganoon na lamang ang pag-usisa ko rito.
"Marami pang nakatakdang mangyari, Issafarah. Wala ako sa posisyon para pangunahan ang mga ito-" hindi ko na siya pinatapos ng pagsasalita.
"Kung ganoon naman pala eh bakit dinala-dala mo pa ako rito?!" nakakainis.
"Para balaan ka." Tumingin siya sa malayo.
"Balaan? Anong magagawa ng babala mo kung wala naman akong magagawa sa hindi siguradong kapalaran na 'yan? Sabihin mo saakin ang lahat, kung ano man ang mga nalalaman mo. Please, tayo ang gagawa ng kapalaran natin at hanggang maaari ay ayaw kong may madamay na mga inosenteng tao." Nagpakawala ako ng buntong-hininga matapos ko sabihin ang lahat ng iyon.
"Anong alam mo sa mga napapanaginipan ko? Is there something behind those f*cking dreams? A nightmare?" Sa kabila ng iritableng mga pagsagot ko ay kalmado pa rin siyang nakatingin lamang.
Ilang sandali pa ay may kinuha siya mula sa kaniyang bag, natigilan ako nang makita ang bagay na iyon na ngayo'y nasa palad na niya. 'yon ang palagi kong nakikita sa panaginip ko, 'yon din ang nasa puyod ng matanda at hawak-hawak no'ng misteryosong batang nakita ko.
Isang ukit bituing puyod.
"Pagmamay-ari mo ito." Maikling saad nito na lalong nagpagulo sa akin.
"Huh? I-I've never been encounter a thi-" I was cut by his words.
Kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa palad ko ang bagay na iyon, "Ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." Sinimulan niya ang pagsasalaysay na para bang marami siyang alam sa nangyari saakin.
Tila sumipol ang malakas na hangin kahit pa nasa gitna kami ng isang kalmadong panahon, bumilis ang paligid na para bang ibinabalik ako ng aking alaala sa panahong dapat kong alalahanin. Nagsimulang pumatak ang luha sa aking mga
mata, hindi naman ako malungkot pero ganoon na lamang iyon bumuhos. Habang hawak ko ang isang malapad na pang-ipit na may ukit tala ay dahan-dahang bumalik ang mga pagdurusa mula sa nakaraan.
I wonder why these memories traced my present-day existence.
rieteratura