Ruled by the Blaze (The Unwanted Marriage)

Chapter CHAPTER 85



PATRICIA'S POV (Meet Again)

"Nurse Aubrey? Pasensya ka na talaga, ha? Medyo masama ang pakiramdam ko kahapon, ikaw lang tuloy mag isa rito,"

Isang matamis na ngiti lang ang sagot ng assistant nurse ko. I was not able to work yesterday because of my tummy. Mula noong kumain kami sa labas at nag bar nila Jess ay nagsusuka na ako. "Ayos lang, doc. Puro check-up lang naman po ang ginawa ko kahapon. Okay na po ba kayo?"

Ngumiti ako. "I'm already fine,"

Good thing she didn't get mad.

Since I came in earlier, I've only been saying sorry to her. At kapag naaalala ko kung sino ang nag hatid sa'kin sa bahay noong nag lasing ako ay parang gusto ko na mag kulong sa kwarto.

Hindi ko 'yon makalimutan hanggang ngayon. Mabuti at hindi nalaman nila mommy dahil katulong ang nakaabot sa'min. Nagtataka rin ako kung bakit wala ako masyadong maalala no'ng gabing 'yon. Dahil ba sa sobrang lasing ako? Ang naalala ko lang ay pinainom ako ng gamot ni mommy.

Si Jaime, marami ako'ng natanggap na messages galing sa kanya. Sobra ang pag-aalala niya kaya medyo naguilty ako. Nag isip na lang ako ng ibang dahilan para maniwala siya.

Ipinagtataka ko ay kung bakit hindi ako nakatanggap ng tawag kila Jess. Bigla ako'ng nawala roon at walang paalam. They didn't even bothered not seeing me there, huh?

Ngunit sariwa sa isip ko ang seryosong pigura ni Callum. Hindi ako makapaniwalang naroon din siya. Bakit niya ginawa 'yon sa'kin? If only I wasn't really drunk, I would have avoided him for sure.

Kaya sa isipin ko pa 'yon, magtatrabaho na lang ako...

Pumasok ako sa office habang si Nurse Aubrey ay nasa labas para mag assist na darating na pasyente.

"Good morning, Lola..." bati ko sa matandang babae at agad siya'ng inasikaso.

I asked about her conditions and immediately consulted her.

I clearly remember what I was praying for when I was in college. What I was doing right now is the thing I prayed for. At first, I. was hesitated. I thought I wouldn't be able to fulfill this because of the sufferings I experienced but God really had a better plan for me.

When I graduated at med school, earning my diploma and started working as my dream profession, I don't consider myself successful yet, not until I have built my own clinic, which is my main goal in life, in that point, I feel like I made my dream come true.

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing may nakakausap ako'ng tao na nangangailangan ng tulong medikal, parang pinipiga ang puso ko. Noon pa lang, ito na talaga ang gusto ko. I would never get tired consulting and giving advices to people regarding with their health.

"Doc, nag order po ako ng pagkain para satin..."

Lumingon ako kay Nurse Aubrey na kapapasok lang.

Ngumiti ako. "Sige, sabay na tayo kumain mamaya,"

I focused on writing some meds for my patients when I saw Nurse Aubrey still standing beside the door.

Nag angat ulit ako ng tingin, bigla na lang siya napakamot sa ulo.

"Yes? Do you need something?" I asked in a soft tone.

She smiled awkwardly. "Uh...tapos na po ba kayo sa kanya?"

Inginuso niya ang babaeng pasyente sa harap ko.

"We're almost done. Why?"

Hinintay niya muna na makaalis ang huli kong pasyente ngayong tanghali bago siya lumapit sa'kin. Pansin ko ang namumula niya'ng pisngi.

"Doc, kasi...may tatlong lalaki po sa labas,"

I was alarmed because she seemed nervous.

"S-Sino? Holdaper ba?" my chest throbbed so fast. "Bakit pinapasok ng guard?"

"Hindi po, doc!" aniya at umiwas ng tingin. "Ang isa po kasi dun sa tatlong lalaki, yung sikat na businessman. Guwapo at ang lakas ng dating..." namula ang mukha niya.

"Yung isa po nilang kaibigan ay may sugat sa hita kaya gusto nila na doktor ang gumamot hindi ako. Kahit maliit lang naman po ang sugat no'ng lalaki,"

Nanlaki ang mata ko. Businessman? At bakit ako pa ang gusto nila? Nurse Aubrey can do that!

"Choosy pa sila?" inis kong usal at tumayo.

"Pero, doc, mukhang kilala nila kayo. Binanggit kasi ang pangalan niyo,"

Napatigil ako at mariing tumingin sa kanya. "What?"

Who the hell is that?

Nilagpasan ko siya at dire-diretsong lumabas. Ang irita sa mata ko ay unti-unting naglaho nang makita ko ang tinutukoy niya. Nakaupo ang mga lalaki pero likod lang nila ang nakikita ko. Humakbang ako palapit at unang nakakita sa'kin ang lalaking nakaupo sa wheelchair na duguan ang hita.

His eyes widened. "She's here!"

Para silang naalarma at nang makaharap ko na sila, nag salubong agad ang kilay ko.

What?

Fucking...Callum Velasquez? He's here with his friend, Austine!

"Doc, sila ang tinutukoy ko," rinig kong bulong ni Nurse Aubrey.

Nagkatinginan kami ni Callum. Mula sa pagkabigla ay bumalik sa seryoso ang mata niya. Inirapan ko siya at tinignan naman ng masama si Austine na nawala agad ang ngisi.

I calmed myself. "Ano'ng maitutulong ko sa inyo mga mister?"

Lumapat ang mata ko sa lalaking nasa wheelchair. Nadaing siya sa sakit. Medyo pamilyar ang mukha niya sa'kin.

"Uh...nadisgrasya kasi siya at napuruhan ang binti," mahinang usal ni Austine.

Inirapan ko rin siya bago lumuhod sa harap no'ng lalaki. He cried in pain when I touched his bloody leg.

"Ouch, doc! Masakit..."

"May nurse naman ako rito kaya bakit niyo pa ako ipinatawag?" malamig kong sabi.

"Are you underestimating my nurse's ability?"

"Sabi sa inyo, e!” rinig kong bulong ng lalaki sa wheelchair.

Napalunok si Austine. "We think his wound is too severe, kaya kailangan niya ng doktor?"

Suminghap ako. Ano'ng akala nila, walang alam tungkol dito ang isang nurse? Or they just want to tease me!

"You know what? Let's just find better clinic or hospital. Parang ayaw niya naman gamotin si Dominique,"

Nilingon ko si Callum nang sabihin niya 'yon. Tinaasan niya pa ako ng kilay na parang nang-aasar kaya halos umusok na ang ilong ko!

"Fine, then. Hindi namin kailangan ng mayabang na tulad niyo!" I spat and rolled my eyes. "Nurse Aubrey, palabasin mo na sila-"

"Oh, w-wait!" sumingit si Austine. "I'm sorry, doc. Pag pasensyahan niyo na ang kaibigan ko. Mainit lang ang ulo,"

"Doc, please...gamotin mo na ako," pakiusap no'ng lalaki. "Don't mind my cousin,"

I smirked at Callum.

Walang sali-salita ay itinulak ko ang wheelchair at ipinasok sa isang room. Napairap na naman ako nang nakasunod parin ang dalawa kaya pinapasok na rin siya ni Nurse Aubrey. Nanatili na lang si Dominique sa wheelchair habang nakaluhod ako sa harap niya.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Doc, mangangalay po kayo. Bakante po iyong kama-"

"No, thanks. Mabilis lang naman 'to..."

Ginupit ko ng gunting ang pantalon niya para malinis ko ang sugat. Unang latay pa lang ng cotton na may alcohol ay napaigtad na siya sa sakit.

Halos mapairap ako ng makita ang maliit na sugat matapos kong linisin at tanggalin ang dugo. They are over reacting for such a small wound? Marami lang ang lumabas na dugo pero hindi naman malala ang sugat niya. Taas kilay kong nilingon si Callum at Austine. Bakit ba kasi dito pa nila naisipan magpagamot? Or does Callum just want it to be fair for us because he took me home when I was drunk?

Habang nilalapatan ko ng betadine ang sugat ay lumapit sa'kin si Nurse Aubrey.

"Doc, kahapon po pala may pumunta rito na lalaki. Hinahanap kayo."

I looked up and met Callum's serious eyes.

I immediately looked away. "Sino raw Nurse Aubrey?"

"Uh, guwapo at matangkad, doc..." nahimigan ko ang kilig sa boses niya. "Siya po yung anak ng may-ari no'ng Alvarez Hospital,"

"Oh, si Jaime?"

Tumango siya. "May ibinigay nga po na gamot, naroon sa table niyo. Para raw sa sakit ng ulo niyo..."

I smiled but when I saw the frown on my Callum's face, it disappeared.

I stood up when I finished treating Dominique's wound. Lumapit ako sa side table at nag spray ng alcohol sa kamay. Nakita kong pumunta sa likod ko si Nurse Aubrey.

"Doc, tanong ko lang po kung boyfriend niyo ba yung Jaime?"

Nanlaki ang mata kong nilingon siya. I heard Austine's fake cough from the side.

"Uh..." I trailed off. "He's a good friend,"

Pinilit kong hindi tignan ang reaksyon ni Callum. Wait, why am I thinking about his reaction? I don't care about him!

Lumabas na ako roon at dumiretso sa office ko. Si Nurse Aubrey na ang bahala roon.

Nasapo ko ang dibdib nang makaupo ako sa harap ng table. Why is it so hard? It's hard to pretend that I'm still not affected by his presence! Damn, I have been controlling myself. My chest keeps throbbing so fast when he's around. Life is really playful, huh?

Noong unang pagdating ko rito at binisita si Agatha, nagkita kami. When I was at the bar, he suddenly took me home because I was drunk without my consent and now? We look into each other's eyes like we've never been together before? "Doc?"

Napaigtad ako nang sumungaw si Nurse Aubrey sa pinto.

"Ano raw po ang gamot na dapat inumin ni Sir. Dominique?" I can see her irritation. Umawang ang labi ko nang pumasok din si Austine habang inaalalayan si Dominique. Kumabog ang dibdib ko ng makita si Callum na kasunod.

Bumuntong hininga ako at gumawa ng reseta. Naaninag kong umupo sila. Pero kahit nagsusulat ay ramdam ko ang titig ni Callum sa'kin. Naiilang ako. Ibinigay ko agad ang reseta pagkatapos at nahuli ko ang mata ni Callum na mariing nakatitig sa mga nalantang bulaklak na ibinigay sa'kin ni Tyrone. Ang iba ay inilagay pa ni Nurse Aubrey sa vase.

What's his problem about flowers?

"T-Thank you, doc..."

Tipid ako'ng ngumiti kay Dominique. Hindi ko na tinignan pa si Callum hanggang makaalis sila.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Seryoso lang ako'ng nakaupo sa table at hindi makapaniwalang nagkita nga ulit kami.

Dumating ulit si Nurse Shane na dala ang mga pagkain namin. Sabay kaming kumain dito sa office ko at parang hindi ko na nagugustuhan ang pagiging madaldal niya.

"Tapos alam mo, doc, ang dami niya'ng naging girlfriend! Puro model! Pero kung ikukumpara sayo ang mga 'yon? Walang wala sila! Hindi sa minamaliit ko ang pagiging doktor niyo, ha? Pero...mas bagay sa inyo maging model o artista! Ang ganda niyo kasi!"

Napailing ako.

So, totoo ang chismis ni Jess?

"Yung Zara Banner, break na ba sila?" hindi ko mapigilang itanong.

I bit my lip and acted nonchalant.

"Na'ko, hindi naman po naging sila! At ang alam ko, lumayo na ang babaeng 'yon kay Callum Velasquez. Bakit, doc? Type mo ba siya?"

Nasamid ako kaya mabilis niya ako'ng inabutan ng tubig.

Shit! Doesn't she know that I was once married to Callum?

"Okay ka na, doc?"

Tumango ako at pinunasan ang labi.

"Kayo naman, doc, nasamid agad!" pabiro niya ako'ng siniko. "Pansin ko naman na kakaiba ang tingin niya sa inyo! Type rin kayo, doc!"

I smiled awkwardly.

"Puro ka kalokohan..." ngisi kong sabi at tinapos na ang pagkain.

Baka mamaya ay kung ano pa ang masabi niya na hindi ko magustuhan. Wala ako'ng pakialam kung marami siya'ng naging karelasyon no'ng mag hiwalay kami. And if Callum thinks he can play me again, he's wrong!

Nag focus na lang ako sa mga pasyente ngayong hapon at halos madilim na sa labas nang matapos kami ni Nurse Aubrey. Pansin kong puro malulubha ang sakit ng mga pasyente ko ngayon.

"Doc, una na po ako!"

Tumango ako kay Nurse Aubrey. "Take care!"

Hinubad ko na ang white coat ko at inayos ang lamesa. Inilock ko na ang office ko bago ang buong clinic at dumiretso na sa parking.

Dala ko ang sasakyan ko ngayon kaya nagulat ako nang makita ang isang plastic sa ibabaw ng driver's seat. Kumunot ang noo ko. Wala ito kanina.

I looked around but there was nothing unusual. I got into the car before opening the plastic.

"Wow!" I uttered in amazement when I saw a box of cheese cake, my favorite!

Who gave it? At paano nabuksan ang sasakyan ko?

'Eat well and have a nice day, doktora!'

I read the note.

I started driving but I was confused. Kay Jess ba galing? Kung oo, ang dami niya'ng alam! But that sweet though.

I smiled a little but it quickly disappeared when I passed a building. Saktong traffic kaya mas naaninag ko ang malaking billboard doon. Naningkit ang mata ko at inilapit pa sa binatana ng sasakyan ang mata.

A billboard of...Callum. Yes, it's him! B-but he's with a beautiful girl.

Nakaupo si Callum sa isang sofa at nakasuot ng black suit. He looks...devilishly hot businessman in that picture while the woman was wearing a sexy black dress that was standing behind him while her arm was hugging Callum's neck. Umawang ang labi ko sa lapit ng katawan nila sa isa't isa.

I'm pretty sure that this woman is a model. She might be his girlfriend now.

The car in front moved forward so I started driving but my mind was flying. In some other reason, my chest skipped. I feel suddenly broke inside seeing that. This feeling is familiar to what I felt back then, seven years ago.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.