Chapter CHAPTER 76
PATRICIA'S POV (Leaving)
Naalimpungatan ako sa ingay na naririnig mula sa labas ng kwarto. May mga nagtatawanan na tila nagkakasiyahan.
Bumangon ako nang may kumatok sa pinto.
"Patricia! Stop cooping in your room!"
Kumunot ang noo ko ng makilala ang boses ng pinsan ko. Binuksan ko ang pinto at bumungad ang mga pinsan kong nakangiti. Sinugod nila ako ng yakap.
"Beatrice...bakit kayo nandito?" taka kong sabi.
"Bonding?" inirapan ako ng pinsan kong si Chloe. "Tagal na nating hindi nagkikita. Nag-aalala na rin kami sayo,"
"Pumayat ka, ah" puna ni Julia at hinaplos ang mukha ko. "Pero maganda parin..."
Inirapan ko sila bago bumalik sa kama. Inaantok pa ako.
"If you want to enjoyed, just still outside, girls" I yawned.
"Nabalitaan namin ang nangyari sa inyo ng asawa mo," malungkot na usal ni Betrice. "Kahapon lang namin nalaman kay tita kaya ngayon lang kami nakabisita. Sorry for your baby..." "It's okay. I'm moving on though,"
"Well, just fixed yourself and go downstairs," ani Chloe at hinila na si Beatrice at Julia palabas. "We will wait you there!"
Bumuntong hininga ako nang lumabas na sila. Nakalimutan kong hindi nga lang pala si Jess ang mahilig mangulit. Pati sila...
Humiga ulit ako sa kama at tumulala sa kisame.
I always wondered about my purpose in life. What is really my purpose, then? Ganito na lang ba ako? Magkukulong sa kwarto at pipigilan ang sariling kumawala sa lungkot? Bigla naman ako'ng napalikwas nang mag vibrate ang cellphone ko.
Sinilip ko 'yon sa ibabaw ng side table at nakitang may unknown number na tumatawag. Kumunot ang noo ko. Si Austine na naman ba ito?
Naisipan ko parin itong sagutin. "Hello?"
"P-Patricia..." mababa ngunit malalim na boses ang narinig ko mula sa pamilyar na tao.
Napatigil ako at nanginig ang kamay. Si C-Callum?
"Thank god you answered..." he said frustratingly. "I badly want to see you. Please-"
"S-Stop calling me," nanginig ang boses ko. "I will block your number now-"
"No, please..." aniya sa nagmamakaawang boses. "Give me chance, please? Let's talk properly and I will tell you everything. Filing an annulment sounds bad-"
I ended the call and immediately blocked his number so he won't able to call me again.
Nanginig ang buong katawan ko hanggang maramdaman ang maiinit na luhang bumabagsak. Mabilis kong pinahid ang mga 'yon.
I'm trying to forget him but what is he doing? Pinipilit parin niya ang sariling pumasok sa buhay ko! He don't need to explain anything to me now.
Bumangon ako at dumiretso sa banyo. Naligo ako at habang nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ay pumasok si mommy sa kwarto.
"The girls are waiting for you downstairs," she smiled. "Ang tagal mo raw..."
"They're too noisy. Ano ba talaga ang gagawin nila rito, mommy" sabi ko habang nagsusuklay.
"Sa states na raw mamamalagi ang mga pinsan mong sila Beatrice at Joan. Next month pa naman ang alis nila. Nag sama-sama lang sila rito para makapag-bonding bago sila umalis at syempre, para makamusta ka,' "Really?" gulat kong tanong at tumigil sa ginagawa. "They are staying there for good?"
Well, hindi na nga dapat ako magulat. Halos lahat ng relatives namin ay wala rito sa pilipinas.
"Yes, Beatrice will proceed there for studying law,"
Saglit ako'ng napaisip. Naalala ko na naman ang ginawang pag tawag ni Callum kanina. If I were ever leave here, will I experience the peace I want? Will I ever be able to get away from him and from the bitterness I suffered here? "Hindi ba at may bahay tayo sa states, mommy?" bigla kong tanong.
Naningkit ang mata niya sa'kin. "Yes, we have. It's a two storey house that we build I think 15 years ago? Kalapit lang niyon ang bahay ng Tito Benedict mo, bakit?"
Umiling ako at tumayo na. "Wala, mommy. Let's go..."
Sabay kaming bumaba ni mommy at natagpuan ko ang mga pinsan sa sala na nagtatawanan. Hindi lang sila Beatrice ang nandito, kahit sila Axel at iba kong pinsan sa side ni daddy. Tumigil sila ng makita ako.
"Pat!" sigaw ni Axel at niyakap agad ako. "Kamusta?"
Kinantyawan nila ako at pinaupo sa couch.
"Bakit kayo nandito lahat? May reunion ba?" pabalang kong sabi nang makita ang maraming pagkain sa lapag at ilang case ng beers.
"Just having a good time!" sagot ng isa kong pinsan. "Para na rin lumabas ka sa lungga mo!"
Umirap ako nang mag simula silang magkagulo. Binuksan nila ang mga pagkain at mga beers. Si Chloe naman ay binuksan ang videoke at nag simula silang mag ingay.
Bumuga ako ng hangin habang pinapanood kung paano mag-agawan sa mic ang mga pinsan ko. I somehow missed this kind of moment. Bakit ko nga ba nakalimutan na nandyan sila para sa'kin? "Nalaman namin lahat kay Tita ang nangyari sayo..." biglang usal ni Julia. "Grabe, akala ko ba matino ang Callum Velasquez na 'yon? Cheater pala!"
Natahimik ako sa sinabi niya. Kahit ang iba kong pinsan ay nakikinig din. Kinuha ko na lang isang malaking chichirya at kinain 'yon.
"At ito pa ang malala," intriga pa ni Julia. "Siya rin pala ang dahilan kung bakit namatay ang baby-"
"Huy, ano ka ba!" kita kong siniko siya ni Chloe. "Sabi ni Tita wag daw banggitin ang tungkol diyan. Sensitive pa siya..."
Umiwas ako ng tingin. Nakakahiya. Nahihiya ako na nalaman nila kung gaano ako pinag mukhang tanga at niloko. They used to see me as a smart woman. Pero sa pag-ibig lang pala ako magiging tanga. How funny.
Iniba na lang nila ang usapan ng mapansin ang pananahimik ko.
"Nakita ko na sa personal yung Zara Banner, hindi naman kagandahan," komento ni Chloe at nag tawanan sila. "Patricia is way beautiful than her! Hindi ba at model 'yon? Model ng mga basura!" Kinagat ko ang labi. They are really good at this, judging.
"Duh, kaya lang naman siya nakapasok sa pag mo-model ay dahil kilala ang pamilya niya pero sa totoo lang, she's not good at walking! Masama pa ang ugali! Patricia is still better than her. There's so many modelling opportunities that have given to Patricia back then but she just declined,"
"Hey, girls...stop it," saway ko pero hindi sila natinag.
"You're so kind talaga, Pat!" singit ni Joan. "Ang mga ganoong tao dapat ginagantihan pero sa tulad mo, hindi mo kayang gawin 'yon. You're too angelic and soft. Better if you will fight and offend them with your silence," Tumango ang mga pinsan ko sa sinabi ni Joan.
"Ano na nga ba ang update sa inyong dalawa, Pat? Kasal kayo di ba? Ano'ng sabi ng magulang niya? Nabasa ko sa articles ang tungkol sa pagkakalabuan niyo ni Callum Velasquez...marami ang gustong umintriga," Mariin ako'ng bumaling kay Chloe. "Hiwalay na kami. I filed an annulment but it won't work without his cooperation,"
Hindi na ako nagulat na sumabog na sa balita ang tungkol sa relasyon namin ni Callum.
It's because they're well known people. Masakit lang sa part ko na hindi nalaman ng ibang tao na nagkaroon kami ng anak. Pero mabuti na nga 'yon dahil ayaw ko na pati anak ko ay madawit sa pangalan nila. "You guys should stop that topic!" Axel said seriously and handed me a bottle of beer.
Ngumiti ako at agad nilagok ang beer. Napapikit ako ng maramdaman ang pait nito sa lalamunan ko. Nagkaroon na ng sariling mundo ang mga pinsan ko at ako na lang ang nasa couch dahil nasa sahig na sila lahat. Biglang tumabi sa'kin si Beatrice at inilapit ang bibig sa aking tenga.
"Alam mo na bang sa states na kami mag-aaral ni Joan?" bulong niya dahil masyadong maingay sa pag kanta nila Chloe.
Tumango naman ako. "Sinabi ni mommy sa'kin kanina,"
Tinignan niya ako ng diretso at tinaasan ng kilay. "You want to come with us?"
My eyes widened that eventually turned to an awkward smile.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"That's what I thought when mommy told me about your plan," nahihiya kong sabi.
Siguro wala namang masama kung aalis ako ng bansa. I don't have important things to do here. I stop from studying and I can continue that there.
"Why not try, Pat?" Beatrice happily held my arm. "May bahay naman kayo roon di ba? There's no problem!"
Huminga ako ng malalim at ngumiti. "I will talk with my parents first..."
Ngumiti siya ng malawak. "Right! May makakasama na kami ni Joan doon!"
Natapos ang usapan namin at nakihalubilo na rin kami sa iba.
Napuno ng ingay at tawanan ang buong bahay dahil sa mga pinsan ko. Talking about their plans in life and path they want to follow. Dito na rin sila lahat nag dinner bago nag pasya na umuwi. Nang makaalis sila lahat, pinuntahan ko sila mommy sa kwarto at nagulat ako na naroon din si Jordan. Kumpleto silang tatlo kaya magandang pagkakataon ito para sabihin ang gusto ko. "Are your cousins already left?" tanong agad ni daddy.
"Kakaalis lang, dad..." ani ko bago umupo sa kama.
Pansin ko ang mata nilang nakamasid sa bawat galaw ko.
"May favor po sana ako sa inyo..." intertwined my hands with little nervous.
"What is it, honey?" malambing na tanong ni mommy. "Tell us anything you want...'
I smiled and kept my lips from trembling. "I-I want to go abroad..."
The smile on their lips gradually disappeared. I even heard Jordan's loud gasp.
Umiwas ako ng tingin habang hinihintay silang mag salita.
"You will leave us, ate?" si Jordan na unang nag react.
Hindi ako nakapagsalita agad. Gusto kong umalis kaya, ganoon na nga.
Nag angat ako ng tingin at nakita ang lungkot sa mata ni mommy. Nang bumaling naman ako kay daddy, maikling ngiti lang ang tugon niya.
Hindi ko naman ito ginusto para lang sa sarili ko. Kundi para hindi na mahirapan ang taong nasa paligid ko. Para hindi na nila ako isipin.
"Papayag po ba kayo?" tanong ko dahil kung ayaw nila, ayos lang naman.
Bahagyang nanginig ang bibig ni mommy. "That's what you want, why should we object?" she got teary eyed.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
Daddy suddenly cleared his throat.
"Well, if you will be fine when you leave..." he trailed off. "Go for it. We'll let you decide for your own this time. For the sake of your peace, we will support you,"