Chapter 70
Patricia's POV (Worried)
"Umuwi na naman daw na lasing si Callum kahapon,"
Ibinagsak ko ang kutsara sa plato at mariin na tumitig kay Jess sa harap ko. Nagising na lang ako na narito na siya sa bahay. Halos marindi na ako sa boses niya. She keeps talking about how drunk Callum is last night.
"I said, I don't care about him," mariin kong sabi at inirapan siya.
Hindi ko alam kung bakit ngayon ay nag bago ang pananaw niya. Noong una ay galit na galit din siya kay Callum pero ngayon, parang gusto niya na kaawaan ko ito. "Hindi ka ba naaawa sa sinabi ko sayo noong isang araw? Sinampahan na raw siya ng kaso!"
Sa tono niya ay parang dapat ako'ng mag-alala.
"He can get out with that mess easily,"
Kahit ang totoo, grabe ang kaba ko tuwing naiisip 'yon. I was worried for his life. Kung totoong mga Laurier nga ang nag tangka sa buhay ko noon, maaaring gawin din nila 'yon kay Callum! I should not be affected or felt worried about him but at some point, I can't help it.
Gusto ko siya'ng kagalitan at sabihing ipaubaya niya na sa iba ang kaso pero takot ako'ng harapin siya. He might be in danger and if something bad happens to him, it was conscience. "Ito naman, high blood agad!" uminom siya ng juice.
She really came here just to piss me off. How I wish my child won't get her face.
"Kasi naman...nakita ko na yung mga pictures na ipinadala ni Zara," lumikot ang mga mata niya. "As for my observation to their pictures, kissing... it's clear there that Zara was really the one initiate the kiss-" "What?!" singhal ko kaya napaigtad siya. "Wait, how did you saw the pictures anyway?"
Pinaningkitan ko siya ng mata. Iniwan ko 'yon sa bahay ni Callum kaya paano niya nakita?
"Uh...a-ano, nakita ko lang," kinakabahan siya at umiwas ng tingin.
"Saan mo nakita, Jess?" malamig kong tanong. "I left those in Callum's house..."
Her lips parted that eventually smiled apologetically.
"W-Wag ka magagalit, ha..." huminga siya ng malalim. "Nakakausap ko kasi 'yong kaibigan ni Callum..."
Unti-unting kumunot ang noo ko. "Si Austine?"
Kita kong pumula ang pisngi niya at dahan-dahan tumango.
"How? Ano'ng mga sinasabi niya sayo?"
Paano sila nagkakilala? Don't tell me Austine brainwashed her? Inutusan kaya siya nito na pilitin ako'ng paniwalaan si Callum?
"H-Hey, we just met at the bar! My cousin knows him and introduced me..." she trailed off and blushed again. "We talked about you and Callum. Then he invited me to a coffee date, like that..."
"You like him," singhap ko at nanlaki ang mata niya.
"Of course not! We're just f-friends..."
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Sa kanya ko nalaman lahat. He's also devastated. Dahil siya rin ang nag-uuwi kay Callum tuwing nag iinom ito. Sabi niya, ikaw daw ang bukang bibig ng asawa mo,"
Umirap ako at nag patuloy sa pagkain.
"Nagagalit na rin daw sila Mrs. Velasquez kay Callum. He's not performing well in the company, that was rare," her voice softened. "Alam naman natin na seryoso siya sa pagdating sa business pero dahil sa problema niyo at kagustuhan niya na makulong ang mga Laurier, napapabayaan niya na,"
I swallowed the food slowly.
Naalala ko ang lungkot sa mata ni Mrs. Velasquez nang makiusap siya sa'kin. Parang ako ang nasasaktan kung makikita ko mismo sa sitwasyon nila ang nangyayari kay Callum.
It was because of me.
I looked up. "Jess, do you think I should b-blamed because of his doings right now?" I asked in a lower voice. "It's my fault, right-"
"Ano ka ba! Wala kang kasalanan," pag kumbinsi niya. "Oo may kasalanan siya pero mas maganda kung kausapin mo ulit? This time there's no Zara, only the two of you,"
I shrugged and just finished eating.
Hanggang gabi ay narito parin si Jess.
She bought some baby stuffs again. Kaya sa sobrang excited ko ay inayos ko na ang mga ito, tinupi at nilagay sa isang closet.
Habang abala ako sa ginagawa, may tumawag sa'kin na unregistered number.
Napansin ni Jess na hindi ko 'yon sinasagot. Mariin lang ang tingin ko sa number. It wasn't familiar and I don't answer unregistered numbers. Papatayin ko na sana pero biglang lumapit si Jess at sinilip ang tumatawag.
"Wait, I think I know that caller..." she then took out her phone. "I knew it. It's Austine, Pat! Sagutin mo baka importante,"
I quickly declined the call and look at her darkly.
"How the hell did he get my number, Jess?!" my voice almost thundered inside my room.
Guilty na naman ang mukha niya.
"Ano'ng kalokohan 'to, Jess? Binigay mo ang number ko?"
"O-Oo..." she smiled awkwardly. "He asked about it yesterday-"
"For what?" I was already pissed off.
"In case Callum will looked for you, ask for talk..." pinagdaop niya ang kamay. "Sorry! Kinulit niya ako kaya naibigay ko, pasensya na..." Napaismid ako.
Muling tumawag ang unregistered number. Nagkatinginan kami ni Jess bago niya inagaw ang cellphone at siya ang sumagot.
Intrimitida talaga siya kahit kailan.
"Austine? It's me, Jess!" sagot niya sa tawag at bumaling sa'kin. "Oo, nandito siya..."
Binalik niya ang cellphone ko pero ibinalik ko 'yon sa kanya at umakyat sa kama. Bahala sila!
"Patricia, come on!" sumampa rin siya sa kama. "Talk to him. Mahalaga raw kasi!"
She even shake my shoulders so I don't have a choice anymore. Damn!
Ngumisi siya ng kunin ko ang cellphone. "Hello?"
"Hey, Patricia?" narinig ko ang tila nabuhayan na boses ni Austine. "K-Kamusta? Pwede ka bang maabala-"
"What do you need?" pagsusungit ko. "If that's nonsense, I better end this call and block your number so you won't able to call me again-"
"It's about C-Callum..." nahimigan ko ang kaba niya. "He got drunk again and I can't handle him anymore,"
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
I frowned. The background was loud, seems inside the bar.
"Then tell it to his parents-"
"He won't listen. Ikaw ang bukang bibig, hinahanap ka. Nag punta siya rito sa bar at hindi ko na siya maaasikaso dahil may ihahatid pa ako'ng ibang kaibigan-" "What the hell is he thinking?! Let me talk to him!"
"O-Okay, wait!"
Rinig ko ang malakas na music sa background at pag tawag ni Austine kay Callum. Damn, is he even thinking? He should not doing that, he has a lot of responsibilities! "Bro, I will bring you home" rinig kong sabi ni Austine.
"Leave me alone!" lasing at matamlay na usal ni Callum. "Wag niyo ako kaawaan. I can handle myself! I'm just waiting for my wife to come home," Kumabog ang dibdib ko. Ngayon ko lang ulit narinig ang boses niya.
"Damn, hello?" boses ulit ni Austine. Pansin kong hindi na maingay ang background. "Patricia, he just slap my hands and-wait, where's Callum?!" Rinig kong may kausap siya sa kabilang linya at nag simulang mangamba ang boses.
"Fuck it!" I heard him cursed.
"A-Austine? What happened?"
Hindi ko mapigilang itanong. Si Jess naman ay mariin din na nakikinig.
"Wait, I'll be back!"
Hindi pinatay ni Austine at rinig kong tumatakbo siya. May mga tinatanong siya kung nasaan si Callum kaya kinabahan ako. Ano kaya ang nangyari? Nagkatinginan kami ni Jess at wala pang isang minuto, nag salita ulit si Austine.
"Hello, Patricia? Callum is such a pain the ass! Mabilis siya'ng umalis at nag maneho ng sasakyan. He's fucking drunk!"
My lips parted. "What? S-Sundan mo siya! He shouldn't be driving!"
"Oh, yes! But I think it's better if you will go here? Thank you!"
He ended the call.
I gasped frustratingly but in the end, I was convinced to go there because I was worried about him.