Chapter CHAPTER 27:
Cleah POV
"Hello! besh?"sagot ko sa kabilang linya dahil tumawag ang kaibigan ko
["Besh, magaling na ako... at saka nawala na din yung lagnat ko."]sabi niya sa kabilang linya
"Mabuti naman besh at magaling ka na. Nga pala papasok ka sa school?"
["Oo besh, papasok na ko sa school. Ikaw papasok ka din ba?"]tanong nito sa akin
"Syempre papasok din ako... hintayin mo na lang ako sa canteen dahil vacant pa naman ang first period natin."sagot ko
["Sige hintayin na lang kita sa canteen. Bye besh!"]paalam nito sa akin
"Bye din besh."sagot ko bago ko ne-end ang call
"Wife" biglang tawag ni Hubby habang inaayos ang necktie nito
"Ano yun hubby?"bigla kong sagot at nakita kong hindi pa gaano ka ayos ang kwelyo nito kaya lumapit ako sa kanya at inayos ito.
"I have a meeting this day, at susunduin kita sa school pag uwian na. Also tell mom and dad na we have a family dinner together with my parents."sabi nito
"Yeah, sure... I will tell it to my parents, hubby."nakangite kong sagot sa kanya
"Let's go down there at mag aalmusal muna tayo."sabi nito at na una ng lumabas sa kwarto ko kaya sumunod na lang ako sa kanya.
"Good morning ijoh. Good morning Ijah."bati ni nay Nora sa amin
"Good morning din nay Nora."bati ko
"Good morning too Nay Nora."sagot din ni hubby kay nay Nora
"Nakahanda na ang almusal nyo.. Sige na at iwan ko muna kayong dalawa."sabi ni nay nora sa amin bago ito umalis kaya umupo na lang ako at kumuha ng tinapay at uminom ng gatas at si hubby naman ay ganon din pero hindi gatas ang ininom niya kundi kape.
"Best, ok na ba talaga kayo ng asawa mo?"biglang tanong sa akin ni Dianne habang nandito kami sa canteen
"Yes best, ok na kami."sagot ko sa kanya
"Teka lang best.. Diba malapit na yung 20th birthday mo?"biglang tanong nito sa akin
"Huh? Malapit na ba?"maang-maangan kong sagot
"Tingnan mo kaya sa calendar at para makita mo.... Birthday mo nakalimutan mo na? Yan ba ang epekto sa'yo porket ayos na kayong dalawa?" tanong nito sa akin
"Joke lang best syempre hindi ko nakalimutan... Ano kasi ei.."sagot ko
"Ano?"takang tanong nito sa akin
"Gusto kasi ni hubby na mag kaanak na kami."sabi ko sa kanya.
"Ano???"Sigaw nito sa akin
"Bakit ka sumisigaw huh?!"bigla kong tanong sa kanya
"Sorry besh, hindi naman kasi ako makapaniwala ei."sagot nito sa akin
"Tsk! Ei bakit ganon ang reaction mo ei nagsasabi lang naman ako?"tanong ko sa kanya
"Bakit gusto mo din ba mag kaanak?" tanong nito sa akin
"Gusto ko..... pero hindi pa ito ang tamang oras dahil hindi pa ako handa na maging isang magulang."sagot ko
"May point ka naman best... Ay time na pala para sa susunod natin na subject."biglang sabi nito at tumayo kaya tumayo na din ako at tinungo na ang room namin.
"How's your day wife?"tanong ni Hubby sa akin habang naglalakad kami patungo sa parking lot.
"Ok naman hubby pero marami kaming gagawin dahil may report kami at saka pinaghahandaan na ng maaga ang Ball."sabi ko at umangkla sa braso nito "So you will be busy in this few days?" Tanong nito sa akin at umakbay
"Hindi naman siguro hubby."sagot ko
"Is that so, wife.."sabi nito at binuksan ang pinto ng front seat kaya pumasok na ako at sinuot agad ang seatbelt ganon din si hubby.
Namutawi ang katahimikan sa aming dalawa habang nag babyahe kami
"Hubby!"bigla kong tawag sa kanya para hindi maging tahimik
"Ano yun, wife?"sagot nito sa akin habang hindi tumitingin sa gawi ko at nakatuon lang ang atensyon nito sa daan
"Bakit gusto mo na mag kaanak na tayo?"lakas loob kong tanong sa kanya
"Because I want to... I want to have a child with you wife, and that thing makes me happy.."Sagot nito sa akin habang nakatingin sa mga mata ko Napatingin naman ako bigla sa labas at palihim na ngumite.
Napansin ko naman na Parang may sumusunod sa amin.
"Hubby, bat parang may sumusunod sa atin?"kinakabahan kong tanong sa kanya
"Sh!t!! Wife calm down..."sabi nito sa akin at binilisan ang pagdrive
Napapikit ako at napakapit sa seatbelt habang kinakabahan.
*bang*bang*bang*
Nakarinig ako ng tatlong putok ng bala
"Dark! Ano ba ang nangyayari?"sigaw ko
"Wife, ang sumusunod sa atin ay mga kalaban... yumuko ka muna at wag kang lalabas!"utos nito sa akin at pinarada ang sasakyan at lumabas.
Nakita kong pinaputukan niya ang nakamotor na kalaban at natumba.
Bigla naman lumabas ang mga armado galing sa sasakyan at nagpaputok din.
Marami sila at tanging si hubby lang ang mag-isa.
"Sh!t hubby! Kailangan kitang tulungan."sabi ko sa sarili
Humanap ako ng baril kung sakali meron sya rito.
Nakita kong meron syang isa pang baril sa ilalim ng upuan niya. Kaya kinuha ko ito habang nanginginig ang mga kamay ko. At agad na lumabas sa sasakyan.
Nakatago na ngayon si hubby sa isang puno at nagpaputok sa isang kalaban na ngayon ay nakabulagta na ang katawan sa damuhan.
"Hubby, pupunta ako diyan."sigaw ko
Nakita ko na sobrang dilim ng kanyang mukha at bigla na lang ito umamo ng makita ako na nakayuko habang nasa ulo ang kamay ko na may baril
"Sh!t, wife! Sinabi ko sayo na wag kang lalabas sa sasakyan bakit ang tigas ng ulo mo?!"sigaw nito sa akin at biglang binaril ang nasa likuran ko at nakita kong nakahandusay na ang katawan "Gusto ko lang naman na tulungan kita."sagot ko at tumakbo sa direction nya
"Kaya ko to, wife! Ayaw ko na may masamang mangyari sayo."sabi nito sa akin
"Paano ka naman pag may nangyaring masama sayo?"singhal ko sa kanya habang namumuo ang luha ko sa mata
"Ikaw ang pinaka-importante, wife! Kaya ko ang sarili ko at isa pa hindi ka marunong gumamit ng baril."sagot nito sa akin
"Wala namang problema kung hindi ako marunong diba?"nakapuot kong tanong
"Diyan ka lang wag matigas ang ulo!"matigas nitong utos sa akin
"Oo na! Tsk."sabi ko sabay irap sa kanya
Umalis naman ito sa tabi ko at lumipat ng puwesto at ako naman ay nakatago parin sa likod ng puno
Aalis na sana ako ng bigla na lang may nagpaputok sa puwesto ko mabuti na lang at hindi ako nabaril. Nako! Pag nagkataon lagot sila kay hubby.
"Wife!"nabigla ako ng tinawag ako
Ni hubby
"Hubby?"
"Kailangan ko yang baril na nasa kamay mo. Dali at ihagis mo dito."utos nito sa akin kaya sinunod ko naman
"Sandali lang hubby."sagot ko at hinagis ko ang baril na nasa kamay ko
Patuloy parin ang barilan. Sumilip ako at nakita ko na parang dumadami ang mga kalaban
"Kuya! Tulong. May mga kalaban dito at kami ang punterya.... kuya dalian niyo!!"bigla kong sabi sa kabilang linya ng tinawagan ko sila kuya ["Sh!t princess... Hintayin nyo kami diyan."]sagot ni kuya sa kabilang linya at binababa na ang tawag
*bang*bang*
*bang*bang*
*bang*bang*
"Dalian niyo mga hangal!"nakarinig ako ng Boses na palalapit dito sa puwesto ko
"Sino ba ang kukunin natin?"
"Ang asawa ng kalaban ni boss.. Kaya dalian niyo diyan."sabi nila
Narinig ko ang usapan ng mga armadong papalapit na sa puwesto ko
Hindi ako gumawa ng ingay para hindi nila malaman na nandito ako na nagtatago sa likod ng puno.
Tiningnan ko muna kung naroroon pa ba si Hubby ngunit nawala na ito sa kanyang puwesto
Doble ang kaba na naramdaman ko baka kung ano ang mangyari sa akin
"Kuya dalian niyo nasa peligro na ngayon ako... Huhu..."mahina kong sabi sa sarili ko
"Nandito lang yun kanina ang babae."
Sumilip ako sa puno ng bigla na lang ako nakita ng isa sa kanila
"Ayun ang babae!! Dalian niyo at kunin!"sigaw ng isang armado at dali-dali naman silang tumakbo dito sa puwesto ko
Kaya tumakbo ako ng mabilis para hindi nila ako maabutan. Hindi ako makahingi ng tulong dahil puro puno ang aking madadaanan.
Umiyak ako dahil parang hindi kuna alam kung nasaan na ako.
Wala na din ang mga armado na sumusunod sa akin at papagabi na.
Sumandal ako sa isang puno at yinakap ang dalawa kong tuhod at umiyak
"Hubby!! Hanapin niyo ako please!!" Sabi ko sa sarili habang umiiyak pa din
"Please kuya! Hubby hanapin niyo ko!"pumiyok kong sabi at nahihirapang huminga
End of chapter 270