Chapter CHAPTER 13:
Cleah POV
Naalimpungatan ako dahil parang hindi ako makahinga ng maayos at parang may kung anong bagay ang nakadagan sa tiyan ko dahil sobrang bigat nito.
Kaya minulat ko ang mga mata ko at agad na bumungad ang mukha ni hinayupak. Bumaba naman ang tingin ko sa tiyan ko at nakita ko ang kanyang paa na nakadantay sa tiyan ko. Kaya pala ang bigat at di ako makahinga ng maayos. Pero teka! Bat dito sya natulog sa kwarto ko at katabi ko pa sya? Ei ang dami ditong kwarto sa palasyo bat sa kwarto ko pa talaga!
Kaya kinuha ko na lang ang kanyang paa na nakadantay sa tiyan ko at pinahiga ko sya ng maayos at kinumutan.
Tiningnan ko ang kabuuan nya, nakasuot pala ito ng puting Sando at bakat na bakat ang kanyang pangangatawan. At tinitigan ko din ang kanyang mukha.
"Ang amo pala ng mukha mo pag natutulog ka at para kang anghel na bumaba sa lupa, pero pag gising ka para kang demonyo at parang pinagsukluban ng langit at lupa. Minsan ang bi-polar mo din."kausap ko sa kanya habang tulog ito. Hinawakan ko ang kanyang mukha gamit ang kaliwa kong kamay at hina haplos ko din ang kanyang magulong buhok gamit ang kanan kong kamay.
"Ang gwapo mo pero di kita type at di rin kita gusto.. Dahil iba yung gusto ko at hinihintay ko ang kanyang pag balik."sabi ko habang nakatingin sa kanya.
Tinitigan ko ng maiigi ang kanyang mukha at masasabi mo talagang perpekto ito. Ang kinis ng kanyang balat at maputi din ito.
Ang kanyang ilong na kay sobrang tangos... mahahaba din ang mga pilik mata at ang kanyang makakapal na kilay... walang mga pimples at black heads ang kanyang mga pisnge, animo'y nahihiya itong dumikit sa kanyang balat. At ang kanyang.... bumaba naman ako ng tingin sa kanyang mapupulang labi........ Naka' y sarap halikan....
Ay teka bat yun ang nasabi ko? Ikaw talaga utak pati ako dinadamay mo sa kamanyakan mo.... sobrang green minded ka talaga! Huhu..
Napailing na lang ako dahil sa mga sinasabi ng utak ko. Tiningnan ko na lang ang oras sa side table ko at 5:20 a. m na pala ng umaga at di pa pala ako kumain ng hapunan ka gabi.
Papasok ako ngayon dahil ayaw kong bumagsak sa akademiks ko noh! Kahit na mayaman ako ei gusto ko pa din na makapag tapos, at matupad ang mga pangarap ko. Hindi yung nagpapakasarap ka lang at walang magawa sa buhay. Dahil gusto ko maranasan na maging independent sa sarili ko. Yung ayaw mong maging pabigat sa magulang mo. At dapat na matuto tayo' ng mag taguyod ng sarili nating paa at hindi dapat na umaasa sa magulang. Makuntento din tayo kong ano ang mayron sa atin.
Kaya napagpasyahan ko na bumaba na sa kama at para magtungo sa banyo upang maligo. Aapak na sana ako sa sahig ng bigla na lang may humigit sa braso ko kaya ang ending napabalik ulit ako sa kama peri sad to say nakadagan ako sa hinayupak at yinakap ako nito ng sobrang higpit.
Tsk! Nanansing lang to ei!!!
"Ano ba hinayupak!! Bitawan mo nga ako!!!"singhal ko sa kanya pero ang loko mas hinigpitan pa nito ang pag yakap sa akin.
"Sabing bitawan mo ko ei!"singhal kong muli pero wala oa ding epekto
"Ano ba Dark! Sabing bitawan mo ako ei dahil maliligo ako at papasok pa ako sa SCHOOL!"sigaw ko sa kanya at diinan ko pa talaga ang salitang school
"Nah! Where not going to school, wife."husky nitong sabi habang yakap pa din ako pero natuod na man ako sa pwesto ko nang simulan nitong singhutin ang leeg ko.
Wahh!! manyak na hinayupak na' to! At ano daw? Di kami papasok sa school? At ano! Dito lang ako sa palasyo? Walang hiya naman nito!!!
"Aba't!! Bitawan mo na nga ako hinayupak.. Ikaw namumuro kana sa akin.. Nanansing ka din ei noh.!"singhal ko at sinapak sya kaya ayun napaaray dahil sa sakit. Tsk! Tama lang sa kanya yan. "Aray! Ganito mo ba ako tratuhin, wife? Parang di mo ako asawa ei."sabi nito
"Oo, ganyan kita tratuhin. Ano aangal ka pa?" Singhal ko sa kanya sabay pakita ng kamao ko.
"Hindi na... Pero di tayo papasok."sabi nito
"Aba't! Bakit di tayo papasok sa school? Balak mo ba akong pabagsakin sa akademiks ko? At para ano magkulong lang ako dito sa palasyo mo?"singhal ko sa kanya
"Who said na mag kulong ka dito, wife? At sino nag sabi na babagsak ka sa akademiks? Don't you remember na ako ang may ari ng school na pinapasukan mo?"sabi nito
"Porket na ikaw ang may ari n school ei magyayabang kana, ei ang magulang mo ang may-ari non ei."singhal ko
"I'm the owner of the school, wife Not my parent ok!"sabi nito sabay cross arms.
"Sa ayaw at sa gusto mo papasok ako sa school. Dahil ako gusto ko mag aral hindi yung mag lakwatsa sa labas!"singhal ko
"You're not going to school, wife."mariin nito' ng sabi sa akin.
Ei saan kami pupunta? Sa mars ba o sa Jupiter, ganon ba?
"Then, saan tayo pupunta?"mataray kong sagot
"Sa langit."naka ngise nitong sabi
"Kung wala kang matinong sagot mas mabuti pang pumasok na lang ako sa school!"singhal ko at padabong na umalis. "Ok!.... we're going somewhere...."sabi nito
"Hindi naman yan importanti kaya papasok ako.... bahala kana dyan... Chee..!!"sigaw ko at padabog na binuksan ang pinto ng banyo. "No! Sasama ka, wife.... Importanti kaya sasama ka!"sigaw nito sa akin.
"Hoy!! Wag mo akong masigawan dahil may kasalanan kapa sa akin hinayupak! Galit ako sa'yo dahil kahapon!"sigaw ko sa kanya. Akala nya siguro na kalimutan ko huh! Galit ako sa kanya!
"But you're the one na may kasalan sa akin kaya ako dapat ang galit!"singhal nito
"Wag mo akong masinghalan, hinayupak dahil ikaw ang namumuro."sigaw ko
Ang aga- aga nambwebwesit ka kaya umalis ka dito sa kwarto ko!"dagdag kong sigaw
"From now on, wife dito na din ako matutulog."sabi nito
"Tsk! Bahala ka sa buhay mo!"Sigaw ko at pumasok na sa banyo at padabog na sinara ang pinto. Ang aga-aga nambwebwesit na!
End of chapter 130
AAAAAAAA