Pieces of You

Chapter 15 Girls Day!



"He insisted." Pagrarason ko.

Then I saw Abby and her I-don't-believe-you look. Hays. Mamaya iinterrogate na naman ako nito.

"Steak?" I nodded at halos tumalon ang kanyang mata sa galak.

Kukunin na sana niya ito sa aking kamay pero iniwas ko ito agad.

"For Tita Marissa and Tito Rom." Itinuro ko ang nakasulat sa note.

"Nakikita mo bang may nakalagay na pangalan mo diyan?"

Napabusangot lang ito sa akin. Buti na lang at hindi niya ako binlackmail na hindi niya ako papasukin sa bahay nila. She often do that. Immune na rin ako. "And what's with the outfit?"

Napatigil siya at saka nagpose na parang nasa photoshoot.

"Bagay ba?"

Nakataas naman ngayon ang kamay niya at kita ang makinis at balingkinitan niyang katawan.

"Umayos ka nga!"

Ibinaba ko naman agad ang damit nito. Kailan pa siya nagsususuot ng reaveling na damit? Nakacroptop ito na kulay golden yellow at itim na tube sa loob. She was wearing black with a white lining shorts na sobrang ikli at kitang-kita ang maputi at makinis nitong legs. Honestly, she slays with that outfit.

"Ba't di ka kaya magpanty at bra na lang ano? Konti na lang lalabas na 'yung di dapat makita e." Hinampas niya naman ang braso ko dahil sa komento ko sa suot niya.

"Tsk. Barado talaga ako sayo, ano? Nakakadalawa ka na! Pareho lang kayo ni Leo e."

Pabagsak nitong binuksan ang pinto ng bahay na lagpas tao ang taas. It was a two-part door kaya kailangang dalawa ang magtulak. Hindi basta-basta ang pinto dahil halatang matibay ngunit hindi mabigat ang ginamit na kahoy. Nagagawa ng teknolohiya.

Sinalubong kami ng malamig na hangin ng bahay. Air-conditioned ang bahay-mansion rather. Masyadong malaki at magara. Sa gitna ng ceiling ng bahay ay nakasabit ang chandelier na puno ng mga nagkikislapang bato. Diamonds. The ground floor was their living room. Para siyang isang malaking lounge. The room was filled with couches and a glass round table na nasa ibabaw ng light gray mat. They also have their exercise ball on the far corner and a 42 inches Flatscreen TV.

The second floor are their respective rooms including the guest room. Their wall are made of glass kaya natatanaw mo ang ganda ng langit at mga puno sa anggulong iyon. And they also have their rooftop for events. Party, special occasions, camping and such.

One word to describe their mansion? Enggrande. That sums it all. Hindi ko talaga mapigilang maamaze everytime I visit here. "Hindi talaga ako makapaniwala. Don't you know that this is a timely trend? Geez you people."

Halatang naiistress ito sa natanggap na komento.

"I bet Leo didn't say anything but stare." Sinabi ko 'yon na para bang ito ang pinaka-obvious na bagay sa mundo.

"Exactly! Nakakainis! Kinunutan ba naman ako ng noo. At hindi lang tingin ha, 'yung tipong tingin na para bang nang-iinsulto." Padabog niyang itinapon ang katawan sa sofa at lugmok na lugmok ang mukha.

"Hindi ba dapat masanay ka na? Ganyan naman 'yun palagi e. Tsaka baka minimisinterpret mo lang ang mga actions niya?"

Inilapag ko ang dala kong dalawang container ng steak na nakaribbon sa babasaging mesa at umupo sa tabi niya.

"Hindi. Hindi talaga." Pilit nitong ikinukumbinsi sa sarili na rude si Leo sa kanya. Natawa ako sa inaasal niya. Kinakagat nito ang daliri saka biglang inilapit ang mukha niya sakin.

"Abby!" Inilayo ko ang mukha nito gamit ang palad ko na ikinainis niya naman.

"Hindi naman ganon sayo si Nathan, e." Nakanguso nitong sabi.

"Hindi naman kasi siya si Nathan. Tsaka anong hindi naman ganon sakin si Nathan?"

Napatingin naman siya sa akin ng may para bang pinagsisihan niyang sinabi niya iyon. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Don't tell me may gusto ka kay Leo?"

"No way!" Bigla itong sumigaw.

"Napakadefensive ng sagot natin ah." Natatawa kong sabi habang nagbibingihan sa mga depensa ni Abby sa paraan ng kanyang pagsagot.

"Oh, andito ka na pala hija." Napatayo naman ako ng biglang narinig ang boses ng isang babae sa aking likod.

I stood and turned only to see a lady in her mid-40's pero hindi halata kapag unag beses mo pa lang siyang makilala. She's pretty at her age and her curves are visible. Nakasuot ito ng maroon na whole sleeveless dress na medyo hapit sa katawan kaya mapapansin ang kurba ng kanyang katawan.

She wears light make up dahil sa may kaputian na ito. Her hair was shoulder length and has a hazelnut brown hair. Her eyes are expressive na binagayan ng mahahabang pilikmata at ang kilay nitong kakulay ng kanyang buhok. Matangos ang ilong nito at maninipis ang mapupula nitong labi. She's Abby's Mom.

"Tita Marissa." I smiled at her at lumapit sa kanya.

She opened her arms widely then she hugged me so tight. Comforting. Napakasarap ng yakap ni Tita. Motherly hug. Ganoon kami kapag nagkikita. Instead of a cheek to cheek kiss, we do hugs instead. Sabi ni Tita ay mas heartfelt daw kapag ganoon ang approach mo sa tao.

Wala man akong inang mayakap sa tuwing uuwi ako ng bahay, it's a good thing I have one who treats me like her own daughter.

"Sol, langga."

Langga. She calls me that because her husband speaks bisaya often times. Lumaki raw kasi ang asawa sa Visayas kaya ganoon na lang din ang pagkahumaling ni Tita sa mga salitang bisaya. She said she loves the way her husband speaks bisaya whenever he tells her how much he loves her. Sweet no? Sanaol.

Sayang at di ko naabot si Tito. Maaga raw itong umalis ng bahay dahil maraming pagtatrabahuhin sa opisina. What can I say, lumalago ang kanilang business e. Cars. "It's nice to see you again, Tita."

We broke the hug and then faced each other. She was smiling so sweet kaya di mo maiwasang mapahiya ng konti.

"Mama na lang. Hindi ka na naman naiba samin e. You are like a daughter to me and a sister to Abby." She corrected.

Hindi kasi ako sanay na banggitin ang salitang Mama. Medyo awkward kasi. Ngumiti na lang ako sa kanya bilang pagtugon.

"Mama oh! Sabi ni Sol di daw niya ako pagbibigyan ng steak kasi wala raw ang pangalan ko sa note. And Mom, she criticized my outfit! Maganda naman ah!"

Tumayo ito at nagpose ulit, nilingon namin siya ngunit ibinalik ni Tita ang tingin sa akin habang umiiling-iling at natatawa.

"Huwag mo na siyang pansinin. She's upset Leo didn't even flinch a bit to her fashion."

Natatawa naman ito habang iginagaya niya ako papuntang kusina. To my surprise Tita was supportive to Abby. Alam niyang may gusto ito sa lalaki kaya ganyan na lang kung makareact si Abby. "Take the steak Abby. Dalhin mo sa kusina. We'll eat it and start baking."

Narinig namin ang biglaang pagtayo ni Abby saka lakad-takbong sumunod sa amin habang karga ang dalawang container ng steak.

"Thank you." She whispered kaya naman ay napangiti ako.

"Kamusta naman sa school, hija?"

Tita asked in between putting the cheesecake in the oven, ready to bake. She's wearing an apron at bakas ang harina sa kamay at apron nito. Nontheless, she still looks stunning with an apron on. "Okay naman po, Tita. Minsan nakakapagod dahil sa requirements pero kinakaya naman dahil tinutulungan ako ni Abby."

Tinignan ko si Abby na nasa dulo ng mesa like what I have in my kitchen. Nakaupo ito sa stoolchair at saka nilalamon ang steak na dala ko.

When she heard her name, she smiled and then winked at me. Tita nodded.

"That's good. How about Abby? May ginagawa ba itong kalokohan sa school?"

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

Sinundan ni Tita ng mapanuring tingin ang anak na kasalukuyang lumalamon at natigilan ng napansin ang aming pagtitig sa kanya.

"What?" Abby and her innocent look.

"Opo, Tita."

Napameywang ang Mama ni Abby sa naging sagot ko.

Natawa na lang ako sa naging reaksiyon ni Abby. Tumingin ito sa akin at pinandilatan ako ng mata.

"Tita, marami pong ka-fling si Abby sa school."

'Yan dapat ang sasabihin ko pero dahil mahal ko itong bespren ko na kulang na lang ay patayin ako sa tingin ay minabuti ko na lang na sarilihin iyon.

"Joke lang po, Tita. MABAIT naman po si Abby sa school. Di nga po makabasag-pinggan ang kilos niya e." May diin ang pagsambit ko ng salitang "mabait".

Mukhang nakaraos naman sa hotseat itong si Abby dahil napahawak ito sa dibdib. Napailing na lang ako. Kung kay Mama mo di ka nalagot, hintayin mong malaman ni Leo 'yan. Natawa naman ako sa naisip ko. "Mabuti naman kung ganon."

Kinuha ni Tita Marissa ang isang container ng steak at nilagay sa plato.

Sumubo ito at saka napathumbs up sa akin.

"You're really good at cooking, hija. You should visit us here more often para naman may kasama akong mala-chef ang luto." Pinuri naman ni Tita ang luto ko at kulang na lang ay lumipad itong mga tenga ko sa mga papuri nito. "Thank you, Tita-Mama. Kapag may free time po ako, I'll visit you more often." Nahihiya kong sambit at napatungo.

"Aasahan ko 'yan ah? 'Yung isa kasing babae dito imbes na mag-aral kung paano magluto e wala kang maasahan dahil puro lamon ang alam."

"Mama! Sinisira mo talaga ang kaunting reputasyong meron ako!" We heard Abby hissed at napabusangot kaya napatawa na lang kami ni Tita. "Bakit di ka na lang sa amin tumira?" Napasecond the motion naman si Abby. "Oo nga!"

I somehow like the idea. Pero ayaw ko namang isipin ng mga magulang ko na tuluyan ko ng tinalikuran ang pamilya ko.

"Kung pwede lang sana, Tita e." I smiled bitterly at Tita.

Tinapik niya ang kamay ko at saka dinamayan ako.

"I understand." Tita smiled at me with comfort.

She knows what I mean at thankful ako na hindi ko na kailangang pang i-explain ang rason. She gets me. I think that's what most mothers do. They know when to talk about something and they also knew when what we only need is a motherly comfort.

"Anyways," She cut the drama off. "I heard you were in trouble last time? Anong nangyari, hija?"

Nag-iba naman ang ekspresyon nito.

"O-Opo. Nakaabot din po pala sa inyo ang nangyari."

Napakamot naman ako ng ulo. I was throwing stares at Abby, mga nagbabantang tingin. All she did was raised her hand, a sign of surrender. Guilty. Hays. Napabuntong-hininga naman ako. Napakwento tuloy ako kay Tita. Matapos niyang narinig ang nangyari, Tita was in rage. Konti na lang ay gusto na niyang manuntok e.

Nakatanggap rin ako ng konting sermon. Instead of holding grudge, natuwa pa nga ako dahil sobra din ang concern ni Tita sa akin.

"Buti na lang talaga at nandoon si Nathan, Mama." Sumabat na naman itong si Abby at gustong-gusto ko na talagang isubo lahat ng steak sa bibig niya.

Kumunot ang noo ni Tita at nagpabaling-baling ang tingin sa amin ni Abby.

"Sino naman itong si Nathan?" Tinaasan ako ng kilay ni Tita. Uh-oh.

"The man of her dreams and her knight in shining armor."

Gumawa pa ito ng mga gestures gamit ang kamay. Napafacepalm na lang ako sa ginawa ni Abby.

"Hmm.. Gwapo ba?" Nagtaas-baba ang kilay ni Tita sa akin.

Ngayon, alam ko na kanino nagmana si Abby sa kapilyahan nito.

"Oo naman, Mama!" Nag-apir pa ang dalawa. Mag-ina nga talaga.

Pagkatapos nila akong tuksuhin kay Nathan ay bumalik naman kay Abby ang topic.

"Buti pa itong si Sol may Nathan na, 'yung iba diyan meron namang Leo di naman pinapansin."

Namula ako sa sinabi ni Tita na may Nathan ako. Masyadong supportive si Tita. Siya na nag-adjust para maging kami na ni Nathan.

Napaacting naman si Tita na parang mas dinadamdam pa ang di pagpansin ni Leo keysa kay Abby. Natawa talaga ako sa kanila.

"Ma naman! Anong Leo ka diyan! Di ko siya gusto no tsaka wala akong pake kahit di niya ako pansinin no." Namumula nitong pagdepensa sa sarili at napadekwatro ng upo sabay sosyal na kumain ng steak. Tignan mo itong babaeng ito, napaka- in denial e kitang-kita na nga e. Pati si tita nakakahalata na.

We had fun talking with each other mula school related matters, lovelife, pastries at gala. Pero hindi talaga tinitigilang ilusot ni Tita sa bawat topic ang hindi pagpansin ni Leo kay Abby. Kawawang nilalang. "Thank you, Tita. Nag-enjoy po ako. Salamat din po sa pabaon. The best po talaga kayo."

Nasa pintuan na ako ng bahay at pauwi na. Pinauwi pa ni Tita ang binake naming cheesecake.

Tuwang-tuwa naman si Tita. "Naku, wala 'yun. Ako nga dapat magthank you e. Bisita ka ulit hija, ha? Marami pa tayo pag-uusapan."

Kinindatan ako ni Tita at saka humabol ng sundot sa tagiliran ko.

"Tama na mga bola dyan."

Sumipot si Abby sa likod ni Tita na may kargang mansanas sa kamay.

"Kita mo ito, hindi nabubusog. Lamon ng lamon! Mamaya wala na tayong stock sa ref, ikaw lang umuubos!" Inagaw ni Tita ang mansanas kay Abby kaya sumimangot naman ito.

"Psh. Tara na nga!" Tinulak na ako ni Abby pababa ng staircase. Ako na naman pinagbuntungan ng babaeng 'to eh.

Kinawayan ko si Tita at ganon rin ang ginawa nito.

"Ipapahatid na kita kay Leo. Di na ako sasama, sasamain na naman ako dahil sa kanya e." Ang harsh! Napatawa naman ako.

"Sige, salamat."

Bago pa ako nakapagpaalam ay nagvibrate ang phone ko sa bulsa ng jagger pants ko kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Uuy, nagtext si loverboy." Tinukso naman ako ni Abby kaya napangiti tuloy ako.

But when I slide my phone open, hindi galing ang mensahe kay Nathan. The number was unregistered at pang-international ang numero.

Biglang nawala ang ngiti sa aking labi ng nabasa ang mensahe. Kaba ang tanging nararamdaman ko ngayon.

"They're here." Wala sa sarili kong sambit.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.