Chapter [49] Terenz Dimagiba
"Dimagiba, Terenz B."
Taas-noo at may buong pagmamalaki akong umakyat sa stage nang tinawag na ang aking pangalan. Walang may pagsisidlan ng tuwa sa akin dahil ngayong araw ay tapos na ako ng aking pag-aaral. Ngunit higit sa lahat, mas malaki ang tuwa nina Nanay at Tatay na rinig ko mula rito ang palakpak at tawag sa pangalan ko. Nahihiya akong ngumiti sa Dean namin nang inabot ko ang aking diploma.
"Anak ko 'yan! Ang galing-galing mo, anak!" sigaw ni Tatay at nakita ko pang mapangiti nang malaki ang mga tao sa paligid.
Kahapon pa sila sobrang tuwa sa akin nang makarating sila rito sa Maynila mula probinsiya. Sa mansiyon sila ni Kit tumutuloy ngayon. Sinundo namin sila ni Kit sa airport kagabi at masaya ako dahil namamangha sila sa siyudad. Kagayang- kagaya ko ang expresiyon nilang tatlo noong una kong tungtong dito.
Parang kailan lang...
"Salamat po," pasasalamat ko sa Dean pagkatapos naming mag-picture sa gitna.
Pagkababa ko ay may picture booth sa may gilid kung saan puwede magpa-picture kasama ng iyong pamilya. Kaagad kong pinalapit sina Nanay, Tatay, at Buboy para makakuha kami ng litrato roon.
"Naku, anak. Ang pogi-pogi mo talaga ngayon. Masayang-masaya kami para sa iyo..." naluluhang sambit ni Nanay habang pabalik na kami sa upuan. "Nay, Tay, para po sa inyo ito lahat."
Niyakap nila ako at nang iabot ko sa kanila ang diploma ko ay walang kapalit na anumang kayamanan ang kislap sa kanilang mga mata. Nang makalapit sa pwesto nila kanina ay natigilan ako dahil nakahabol pala siya. Sa tabi niya ay si Ate Maia at kinagulat ko dahil naroon din si Ninong at Nanay Matilda!
"Terenz!" Pumalakpak si Ate Maia at kaagad na yumakap sa akin. "Congratulations!"
"Salamat, Ate."
Sunod na lumapit si Ninong sa akin na binati rin ako at tinapik sa aking balikat. Si Nanay Matilda ay kagaya rin ni Nanay na maluha-luhang lumapit sa akin. Alam ko ring masaya iyang si Nanay Matilda dahil nakita niyang muli ang mga magulang ko.
"Masaya ako para sa iyo, apo. Alam kong malayo pa ang mararating mo," ang bulong niya sa akin.
Naluha rin ako. Sobrang nabusog ako sa pagmamahal ng mga taong narito ngayon sa isa sa pinakamahalagang araw sa aking buhay. Siyempre, lalo na ang pagmamahal at presenisya ng taong ngayon ay malapad na ang ngiting papalapit sa akin.
"Hey," pauna niyang bati at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "You look perfect, baby. Congratulations. I'm so proud of you."
Napaungot ako at mabilis na yumakap sa kaniya. Hindi ko na ininda ang aming mga pamilya dahil nagulat na lamang ako nang sabihin nina Nanay sa akin na alam na raw nila lahat. Araw iyon bago ako umalis sa amin at bumalik ng Maynila. Kinuwento nilang lahat sa akin kung paano sila hinarap ni Kit at talagang umiyak ako nang makauwi ako noon sa mansiyon.
Siya ang dahilang ng lahat ng ito. Ang suporta at pagmamahal niya ang nagdala sa akin dito. Mas lalo ko siyang minahal sa mga araw na ipinaparamdam niya sa akin kung gaano niya rin ako kamahal. Heto na yata ang sinasabi nilang pagiging kuntento.
"Thank you. Dahil itong lahat sa iyo. Mahal na mahal kita, Kit," bulong ko sa kaniyang tenga.
Naramdaman ko ang paghagod ng mainit at malapad niyang kamay sa likod ko sabay ng kaniyag pag-iling. Pasikreto niyang pinatakan ng halik ang ibaba ng aking tenga kung kaya napabuga ako ng hininga.
"It's all because of your hardwork, babe. That's what made me head over heels for you."
Natawa ako at pabiro siyang pinalo bago humiwaly sa yakap. Nang humarap sa mga pamilya namin ay roon lang namin nakita ang mga nanunukso nilang ngiti at tingin. Pabiro pang tinakpan ni Nanay ang mga mata ni Buboy. "Naku, mukhang kasalan na po yata ang sunod!" pumapalakpak na sigaw ni Ate Maia at kita ko kung paano siya pinanlakihan ng mga mata ni Kit.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 5s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Sobrang saya ko. Ang makitang nagtatawanan at nag-uusap ang mga importanteng tao sa buhay ko sa isa sa mga importanteng araw sa buhay ko ay walang kasingsaya. "Terenz!"
Natigilan kaming lahat nang marinig namin ang tumawag sa pangalan ko. Napangiti ako nang makita si Kayin ngunit ang katabi ko ay kaagad akong dinikit sa kaniya. Natawa ako ng lihim lalo na at nag-away kami noong nalaman niyang naging model ako ni Kayin at ang 'aksidenteng' halik na nangyari sa pagitan namin.
"Ay, sino naman itong bata na ito, anak? Ka-pogi namang bata," sabi ni Nanay nang makalapit si Kai.
Binati niya ang pamilya ko pati sina Ninong kung kaya pinakilala ko rin siya sa kanila. Nakangiting tumango naman siya sa boyfriend ko na masama pa rin ang timpla ng mukha. "Congratulations, Renz!" masayang bati ni Kai.
Akmang yayakap siya sa akin nang humarang kaagad si Kit. Natatawa ko siyang kinurot pero ngumuso lang ang seloso sa akin. Naku, sinabi ko nang kaibigan lang si Kai, eh. "Congratulations din, Kai." Nakita ko ang nakaipit na painting sa braso niya. "Iyan na ba iyon?"
Nahihiya siyang nagbaba ng tingin sa painting bago nangingiti na tumango sa akin. Napangiti rin ako. Napakaganda ang kwento sa likod ng painting na iyan. Ngayon ngang graduate na si Kai sa kursong pinangako niya sa taong kaniyang mahal, lilipad na raw siya bukas pabalik sa lugar niya para ipakita rito ang patunay ng kaniyang pagmamahal. Masaya ako para sa kaibigan ko. Namangha pa nga ako noong malaman kong lalaki rin ang kaniyang iniibig. "Do you think he would like this?" tanong niya sabay pakita sa amin ng pinta niya.
"Ay, ang ganda!"
"You got talent, young man."
Maging ako ay napatakip ng mga kamay sa aking bibig nang makita ang painting niya. Isa iyong tila music box kung saan sa gitna ay naroon ang isang pigura ng lalaki. Magandang lalaki na may pakpak ng isang anghel. "Ang ganda, Kai..." mangha kong saad.
"Thank you, everyone. I poured all of my heart on this one. Sana kapareho niyo ay masungkit ko rin ang puso niya." Nakakita ako ng kaunting lungkot at kislap sa kaniyang mga mata. "I hope I can make him happy."
Nasisiguro ko iyon. Bukod sa mabuting tao, ma-effort at malambing ay makikita rin ang isang mapagmahal na tao kay Kayin lalo na kapag nagpipinta siya. Kung sino man ang lalaki na iniibig niya ay tiyak kong makukuha niya talaga. Hindi ko lang mahinuha kung bakit noong nagpaalam na si Kai para bumalik sa pamilya niya ay naiisip ko pa rin ang painting niya. Iyong lalaki roon sa music box... tila nakita ko na noon.
"Was that... Ellie?" biglang sambit ng katabi ko na nakakunot din ang noo at tila nag-iisip.
Biglang kumabog nang mabilis ang puso ko at nagkatinginan kami ni Kit. Hindi nagtagal, napangiti kami ng makahulugan sa isa't isa. Hala, hindi kaya ang taong iniibig ni Kai ay si Sir Ellie? Magkakilala sila? Tatanungin ko talaga siya! Kung oo man, masaya na kaagad ako at suportado sila!
"Babe, let's go and celebrate," sambit ni Kit sa namamaos na boses sa aking tenga.
May pagmamahal na tumingin kami sa isa't isa at magkahawak-kamay na lumapit sa aming pamilya. Wala na akong mahihiling pa. Masaya ako at lahat ng mga tao sa paligid ko. Iyan lang naman ang natatangi at nag-iisa kong dasal.