Pancho Kit Del Mundo

Chapter [44]



Days away without Terenz went on so smoothly. Although there's never a second na hindi ko siya nami-miss, napapawi naman iyon kapag naririnig ko ang kaniyang boses. Even the day was too tiring; he's always my best remedy. Sobrang kabado ako noong inamin ko sa kaniya na may pinagkasundo sa akin. I was afraid he might slip away, but I am thankful that he's glad I was honest to him. I was having a hard time na lumayo sa babaeng iyon because I knew for sure si Terenz lang ang laman ng puso ko. Walang makapapalit.

Sobrang saya ko biyernes ng umaga dahil ito ang one day-off na pinakahihintay ko. Excited ako sa mga plano kong pamimili ng souvenirs at mga regalo para kay Renz. Naisip ko rin na kuhaan ng mga litrato ang mga tanawin sa New York para maipakita sa kaniya. Ilang araw ko siyang hindi pinansin dahil balak ko siyang sorpresahin.

I'll take him here someday and to every place he never been to. As long as we're together, I couldn't be happier. Ngunit nakalimutan kong na nasa New York nga pala ako ngayon at kung sino ang mga taong maari kong muli ay makasalubungan ng landas dito.

Maia awkwardly stared at me and back to the people in front of me. I never heard or knew about the news dahil mas busy ako sa trabaho at kay Terenz, ngunit ang balita na mismo pala ang lalapit sa akin. I never had have thought that the proud parents of Ellie would give me a visit someday.

"He needs you," ang paulit na sabi ng ama ni Ellie na noon ay halos manlamig ako sa mga titig na ibinibigay sa akin.

I sarcastically smiled.

Yes, they never did harm to me directly, but they did harm mine and Ellie's relationship. Galit na galit ako noon sa kanila dahil alam kong sila ang dahilan para hiwalayan ako ni Ellie, but that's already overdue. Naka-move-on na ako. "I needed Ellie, too, before. Pero ano? You took him away from me. You took Ellie's happiness away from him," maanghang kong sambit.

"Ijo..." Now it's Ellie's Mom. "Alam kong nagkamali kami, pero kahit ngayon lang pagbigyan mo sana kami. Ayaw niyang makinig sa amin. If this goes on, we're afraid na maisisira niya lalo ang katawan niya. We're sure you could... convince him." Napahilot ako sa aking sentido at mariin na napapikit. So stubborn as ever, eh? Ellie? Ayaw raw pumayag na sementuhan ang paa niya dala ng injury. Alam kong depress na depress na siya ngayon dahil sa nangyari. There's 10% chance na makabalik pa siya sa pag-ice-skating. Somehow, my heart ached of pity for Ellie. Skating is his life afterall.

I tapped my phone kung saan ang nakangiting wallpaper ni Terenz. I smiled lovingly as I traced it with my finger. Wala akong paki kung makita man ng mga kaharap ko iyon. I just wanted them to see that I already found someone who's worth fighting for and I know who would fight for me, too. Gagawin ko lang ito ngayon dahil naging importante rin si Ellie sa buhay ko.

I sighed. Baby, wait for me.

"Okay, I'll just give him a quick visit. I just want you to know that this will be the last. Me and Ellie are already done. I don't have a plan of getting back together, Ma'am, Sir, kung iyon po ang pakay niyo para lang magpagaling siya," seryoso kong pahayag. "I already have someone waiting for me back home."

Nagkatinginan ang dalawang matanda, hesitation was clear in their eyes. Kalaunan ay tumango ang ama ni Ellie sa akin.

"Ofcourse, ijo. Thank you."

I turned off my phone for that day at ibinigay muna kay Maia. No distraction para makausap ko nang maayos si Ellie. Kahit man hindi ko na siya mahal, ayaw ko naman na makita siya sa hindi magandang lagay. May pinagsamahan din kaming dalawa.

Nang makarating ako sa hospital kung nasaan siya, ilang minuto pa akong napatitig sa kaniya mula sa labas. He's gently stroking his leg na nakataas at may benda. I could see sorrow in his eyes at alam kong labis siyang nasasaktan ngayon. The thought pinched my heart.

"Ellie anak..." Ang ina niya ang unang pumasok. "W-We brought someone."

Mula sa ina ay nalipat ang paningin niya sa akin na nakasunod sa likod. Noong una ay tila hindi pa niya ako kilala, kalaunan ay kitang-kita ko ang panlalaki ng kaniyang mga mata. Mixed emotions reflected in our eyes as we saw each other again, but unlike before, my heart was more stable seeing his beautiful face right now.

"Pancho?" His voice trembled.

"Hey..." Ngumiti ako sa kaniya.

Iniwan nila kaming dalawa sa loob. Hindi na ako naupo dahil hindi rin ako magtatagal. Wala akong balak na magtagal.

"Pinilit ka ba nilang pumunta rito?" aniya at nanliliit ang mga mata sa akin.

Natawa ako.

"You know your parents, El."

Umiling siya at nakaplaster na ang isang ngiti sa kaniyang mga labi. Nothing changed on him. He's still the same Ellie I knew. Brave and confident. Kahit nasa hospital siya ngayon at nakaratay, wala siyang pinapakita na kahinaan. That's what I loved about him. Lagi niyang sinasabi na mahina siya lalo na sa harap ng mga magulang niya, pero hindi niya alam na isa siya sa mga malalakas na taong nakilala ko. If he's not, hindi niya mararating ang kung ano man ang mayroon siya ngayon.

"You look happier." He got a genuine smile and his eyes sparkled as he said that.

Ngumiti ako pabalik at tumango.

"I am."

Namayani ang ilang minuto na katahimikan sa aming dalawa. I stared at his leg kung kaya ay napatingin din siya roon. His fingers traced it. He must had endure a lot after he got injured. Sigurado akong umiyak siya nang umiyak to the point na lapitan na ako ng mga magulang niya.

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang isa niyang kamay. I played on his fingers like how I make him calm back in the days. Ellie loved it when I do this lalo na kapag maraming bumabagabag sa kaniya o malungkot siya.

"You know it will be fine, right? Makakaya mo ito, El. You'll be back and make everyone cheer for you again." I saw tears streamed down his face. "I'm so proud of you."

Nangibabaw ang hagulhol niya sa buong silid kung kaya ay niyakap ko siya. Hindi man maibabalik ang kung ano ang mayroon kami, Ellie will always be special in my heart. Afterall, he's my savior. The first time I saw him, I was so mesmerized. He gave light to my dark life. That's why I knew, he'll be fine. He's an angel always ready to fly. Once he set his mind on something, he'll do it without fail.

"Thank you, Pancho." Pagpapasalamat niya noong kumalma na siya. "Salamat din sa pagpunta. Babalik ako. Stronger than before."

"Now that's what I'm talking about."

Natawa kaming dalawa.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

I lasted almost an hour inside bago ko sinabi sa kaniya na aalis na ako. Mamimili pa ako at mag-iikot sa New York. Tomorrow, I'll be home. Home where my baby is. I couldn't wait. I miss him so much.

"Sorry hindi kita naipaglaban."

Natigilan ako sa ambang paglabas sa silid niya nang sinabi niya iyon. Nilingon ko siya and saw him staring outside the hospital's glass window. Tinatak ko sa aking utak ang imahe niya na ito. Kapag nakalabas ako rito, ibig sabihin lang noon ay hindi na talaga maaring ibalik ang kung ano ang mayroon sa amin dati. We were bound to take different paths.

This is our fate.

"Sorry for letting you go, too."

I saw him smiled ngunit hindi na siya lumingon pa sa akin. Lumabas ako roon ng tahimik. Tinignan ko pa ang nakasarang pinto bago tuluyang umalis.

Goodbye, Ellie.

I saw his parents kasama si Maia. Kakausapin ko pa sana ang mga magulang ni Ellie ngunit nakuha na ang atensiyon ko ni Maia na halatang hindi mapakali. She's breaking in sweats. Kinabahan ako at naalarma. "What's wrong?"

"S-Sir kasi... tumawag ang Daddy mo sa akin."

I told you to stay with me even if it's hard. Kumpiyansa ako na mananatili ka sa tabi ko hanggang dulo, pero bakit? Why did you have to go and leave me, too? Where did we go wrong, Renz?


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.