Pancho Kit Del Mundo

Chapter [4] Terenz Dimagiba



"And you are?"

"Ay, jusmiyo!" gulat kong sigaw mula sa tahimik kong pagluluto ng agahan ng aking amo. Napaso pa ako ng mainit na kawali dahil doon, nakaiinis.

Nang napalingon ako ay diretsong nagtama ang aking mga mata sa simpatikong abo na mga mata na ngayon ay nakatingin din sa akin. I was tounge-tied. Magkaharap na kami ngayon, this time, hindi na siya lasing. Ito ang momento na makauusap ko na ang aking magiging amo.

"I am asking you who you are." Malalim at halatang mapagmata ang boses niya. Napalunok ako sa kaba, hindi sa takot sa kaniya kung hindi sa magkahalong excitement at hiya na aking nadarama. "M-Magandang umaga po, Sir. A-Ako po pala ang b-bago mong housekeeper," hindi na halos makatingin sa kaniyang saad ko.

Natahimik siya, tila nag-iisip. Maya-maya pa ay pumitik siya sa ere at tinaasan ako ng kilay habang may kakaibang ngisi na plumaster sa kaniyang mga labi.

"Ah, it must be you," aniya, lumapit bahagya sa akin at sinilip ang aking niluluto. "Iyong dukha na taga-probinsiya na inaanak ni Dad? Narinig ko nga mula sa kaniya na balak ka niyang ipasok dito."

Dukha na taga-probinsiya. Iyon ang mga salita na hindi maalis-alis sa aking isipan. Wala sa sariling napahigpit ang aking hawak sa sandok na nasa aking kamay. Naikagat ko ang ibabang labi ko dahil sa ibayong inis na namutawi sa aking dibdib. Walang modo. Iyan ang nakikita ko ngayon sa klase ng taong kaharap ko.

"Alam ko na dukha ako, Sir. Hindi niyo na po kailangan pang ipamukha iyon sa akin," Nang-uuyam kong ani.

Mula sa pagkakasilip sa aking niluluto ay nalipat ang mapagmata niyang paningin sa akin. Sa paggalaw ng perpektong panga niya ay alam ko na nainis siya sa pagsagot ko sa kaniya. Pwes, hindi porke't siya ang amo rito ay hahayaan ko na lang na apak-apakan niya ang pagkatao ko. Ang kanina na hiya ko para sa kaniya ay napalitan na ng alab at paninibugho ng damdamin.

"Ay! Magandang umaga sa inyong dalawa, aba'y mabuti naman at nagtagpo na ang inyong landas," si Nanay Matilda na kagigising lang siguro. Natigilan siya at nagpalipat-lipat ang paningin sa aming dalawa ng amo ko nang makitang hindi namin inaalis sa isa't isa ang aming mga paningin. "May problema ba? Pancho, ijo? Terenz, apo?"

Nakita ko ang bahagyang paggalaw ng mga kilay ni Sir Pancho nang binaggit ni Nanay Matilda ang aking pangalan. Oo nga pala! Nasagot-sagot ko na siya gay'ong hindi pa ako nagpapakilala sa kaniya. Magaling, Terenz. Mas lalo na iyang gaganahang inisin ka.

Inalis na niya ang paningin sa akin pero nandoon pa rin ang hindi maalis-alis na ngisi niya sa mga labi. Nakita ko siyang kumuha ng pinggan at marahas niyang kinuha ang sandok na aking hawak sa kamay. Napaatras man ay hinayaan ko na lang siya sa kaniyang gagawin. Baka nagugutom na siya, sa isip ko.

"Nana," tawag niya kay Nanay Matilda pagkatapos niyang ilagay lahat sa malaking pinggan ang aking inihanda para sa kaniya. Nag-aalala ang tingin ni Nanay sa akin habang lumalapit kay Sir Pancho na noo'y inilalahad sa kaniya ang pinggan. "Feed this to those dogs outside, Askal they call or whatever. Doon nababagay ang pagkain na ito. Pancho Kit Del Mundo only eat foods made by professional chiefs and not just by some pauper," aniya habang mariin ang pagkatitingin sa akin. Sabay kaming napahugot ng hininga ni Nanay Matilda sa sinabi niya. Gusto kong maiyak. Gumising ako ng maaga para sa kaniya. Hindi lang sa amo ko siya, kundi sa pag-aalala na baka matindi ang hang-over niya dala ng pagkaiinom kagabi. Mali ako. Maling-mali. Dahil ngayon napatunayan ko na kung anong klaseng Pancho Kit Del Mundo ang sinasabi ni Ninong. Napakamatapobre! Walang modo! Walanghiya!

"Pancho! "" suway ni Nanay Matilda sa kaniya pero sinamaan lang siya ng tingin ng isa.

"Nana, baka nakalilimutan mo na ako pa rin ang amo niyo rito?" aniya at nilagpasan na si Nana para lumabas ng kusina, pero natigil din at lumingon ulit sa amin. "Ah, bago ko makalimutan. Lahat ng katulong, hardinero at drivers' ay bigyan mo ng isang linggong vacation leave with pay. He will be the all around for a week dito sa mansiyon," saad niya, nakaturo sa akin.

Nalaglag yata ang panga ko sa narinig. Nabingi yata ako sa inanunsiyo nito. Ako? All around for a week? Naririnig ba niya ang sarili niya? Paano ko gagawin lahat iyon sa isang linggo sa ganito kalaking mansiyon? At driver? Hindi ako marunong magmaneho!

"Ay jusko, patawarin nawa ng Diyos. Ay jusko, apo," si Nanay Matilda habang may habag na tingin sa akin. "Ano ba naman ang ginawa mo sa kaniya at ganoon na lang agad ang galit sa iyo? Oo malupit talaga iyon kahit sa ibang mga naging tagapangalaga niya pero hindi naman umabot sa ganiyan! Ang pinakagrabe pa lang na nagawa niya ay pagbuhatin ng sandamakmak niyang pinamili ang kaniyang tagapangalaga. Pero all around? Diyos ko," iiling-iling niyang saad. "Tinawag po kasi niya akong dukha, kung kaya nasagot ko siya," pagpakatotoo ko.

"Iyan ang huwag na huwag mong gagawin ang kontrahin ang mga sinasabi niya, Terenz. Kaya naman pala."

Nalipat ang paningin ko sa pinggan na kaniyang hawak at kinuha iyon sa kaniya. Siguro hindi nga ito pang propesiyunal na luto, pero ang isipin na para ito sa kaniya habang ginagawa ko ay hindi niya manlang i-n-appreciate. Wala talagang modo. Pasensiya na kay Ninong, pero hindi ko alam kung kailan ko matatagalan ang anak niya.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"Nanay, gusto niyo po ba kainin ito kasama ako?" nakangiti kong saad sa naghihilot na ng sentido na si Nanay Matilda. Tinignan niya ako na tila nahahabag pa rin pero binigyan niya rin ako ng tapik sa balikat.

"Bakit naman kita tatanggihan, apo? Askal din naman ako noong kapanahunan ko," biro niya na labis kong ikinatawa.

"Dito ba siya ngayon buong araw?" tanong ko bigla kay Nanay habang kumakain kami sa likod ng mansiyon. Mayroon dito na upuan na kahoy at mesa na para raw talaga sa mga katulong kapag kakain.

Hindi ko alam kung ano na ang ginagawa ngayon ng amo ko, pero hindi ko naman siya nakitang umalis.

"Linggo ngayon at wala iyang pasok sa trabaho tuwing Sabado at Linggo. Mga ganitong oras na ito ay malamang nag-wo-work out na iyon sa gym niya sa third floor," sabi niya na tinanguan ko naman. "Magpakabusog ka apo dahil nasisigurado ko maya-maya ay magkakaharap na naman kayo. Hindi basta-basta nawawala ang inis niyang si Pancho."

Tama ka, Nanay. Sa tingin ko nga rin ay kailangan ko nang ihanda ang aking sarili.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.