Pancho Kit Del Mundo

Chapter [37] Terenz Dimagiba



"Oh anak, kumusta ang unang araw?"

Kaagad akong napangiti pagkarinig pa lang sa boses ni Nanay. Nasa laot daw siya ngayon at hinihintay na makauwi si Tatay mula sa pangingisda. Kasama niya raw si Buboy na sinundo niya rin mula sa paaralan. Tumanaw ako sa mga nagtatayugang building sa daan pauwi ng mansiyon.

"Okay lang po, Nanay. Sobrang saya ko po at alam niyo ba? Mababait po ang mga blockmates ko maging ang mga guro. Kinabahan po ako noong una, pero ginawa nilang madali ang lahat para sa akin," masaya kong pagbabalita. Naging matunog ang pagkangiti ni Nanay sa kabilang linya pagkarinig noon. Alam ko na sa lahat, higit na masaya para sa akin ang pamilya ko. Tsaka lahat naman ng ginagawa ko ay para rin sa kanila. "Masayang-masaya ako para sa iyo, anak." Narinig ko na bahagyang nabasag ang boses niya. "Miss na miss ka na namin. Hindi na rin kami makapaghintay na makita ka ulit."

"Nanay..." nababahala kong tawag sa kaniya. "Huwag po kayong mag-alala. Susubukan kong magpaalam sa sembreak namin kung makauuwi ako."

"Naku!" mabilis niyang alma. "Huwag na. Ipunin mo na lamang ang pera. Ano pa at magkikita rin tayo sa pagtatapos mo? Iyon na siguro ang pinaka-espesiyal na raw ng pagkikita nating lahat."

Malumanay akong ngumiti. Tinanaw ko ang ulap sa kalangitan iniisip na ganoon din sana kaaliwalas ang kalangitan sa amin. Miss na miss ko rin talaga sila.

"Oh, siya, sige na at natatanaw ko na ang ama mo. Magluluto pa tapos ako ng hapunan at may mga aaralin ka pa siguro pagkauwi. Ibati mo na rin kami kay Pancho Kit, ha? Nagpapasalamat talaga ako sa batang iyan at pinag-aral ka. Mag- iingat sa daan pauwi at magpadala ng mensahe kung nakarating ka na sa mansiyon ng mga Del Mundo," mahaba niyang paalala.

"Opo, Nanay. Salamat. I love you po."

"I love you rin, anak."

Hanggang sa natapos ang tawag ay hindi na nawala pa ang magandang ngiti sa aking mga labi. Hinalikan ko pa ang screen ng aking cellphone na tila pisngi iyon ni Nanay at mababaw rin na natawa paglaon. Hay, sana mas bumilis pa ang panahon at makapagtapos na ako.

"Kumusta na raw sila?" Nagitla ako nang magsalita ang noo'y nagmamaneho na si Kit.

Sinundo niya ako kanina sa unibersidad at sobrang aga pa nga niya. Paglabas ko ng gate ay naroon na siya. Gwapong-gwapo na nakasandal sa kotse niya at halos mabali ang ulo ng mga babae kalilingon. Napanguso ako.

"Ayos naman daw," tipid kong sagot.

"May problema ba?" taka niyang tanong. Bahagya siyang sumulyap sa akin bago binalik ang paningin sa kalsada.

Bumuntong hininga ako. Hindi ko alam kung bakit nakadarama ako ngayon ng ensikyuridad. Habang papalabas ako kanina sa unbersidad at tinatanaw siya, nakaramdam ako ng panliliit. Bagay ba talaga ako sa taong ito? Ako na heto at walang-wala kumpara sa mundo nila?

"Naisip ko lang na sobrang gwapo mo talaga." Ngumiti ako sa kaniya. "Halos lahat ng mga mata nasa iyo kanina, eh."

Nakita ko siyang ngumisi sabay iling.

"My baby's jealous, huh?" panunukso niya.

"Hindi naman sa gano'n!" depensa ko. "N-Naisip ko lang na heto lang ako at mas marami diyan sa paligid mo na-" "Pinili ko ba sila?"

Natigilan ako sa pagputol niya sa akin. "H-Ha?"

"Sabi ko, pinili ko ba iyong mga tao na sinasabi mo?" Umiling ako. "They're nothing compare to you, Renz. My eyes are for you. Iyan ka lang? Pero talo sila dahil pinili kita kaysa sa mga nakapaligid sa akin na sinasabi mo. You're the one who opened my eyes and made me love you for who you are. You did it yourself. That's why be more confident."

Napahihiya akong yumuko. Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya. Bakit ba ang galing niyang magpakilig? Isa sa nadiskubre ko kay Kit bilang boyfriend ay kaya ka niyang suportahan sa lahat. Sa mga pangarap mo, sa lahat. Hindi ka niya hinahayaan na panghinaan ng loob. Gusto niya na masaya palagi ang taong mahal niya.

Mas minamahal ko siya dahil doon.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"Tsaka dahil mahilig ka na punahin ang iba, hindi mo rin napapansin ang mga nakapaligid sa iyo. Kagaya na lamang no'ng lalaki na kasama mo noong kumuha ka pa lang ng entrance exam," aniya sabay patunog ng dila niya. Lalaki?

"Si Kayin?"

Natupi ko rin ang mga labi ko nang makita ang pagsama ng paningin niya sa kalsada. Gumalaw ang panga niya na tila ba hindi talaga gusto ang narinig. Oo nga pala! Nakalimutan kong nabanggit niya sa akin minsan na nagseselos siya roon kay Kayin. Tapos nakalimutan ko ang kanina'y pinangangambahan ko sa unibersidad pa lang. Buti na lang talaga at nauna ang uwian ko kay Kai na may night class pa raw. Pumayag ako bilang model ni Kai!

"A-Ano? Ako? Model mo?" gulantang kong sabi sa harap ni Kayin.

Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi habang may kaunting ngiti na tumango. Ang mga mata niya'y tila umaasa na kaagad na papayag ako. Hindi kaya may problema talaga sa mga mata itong si Kayin? Ano naman ang espesiyal dito sa mga daliri ko kagaya ng sinabi niya? Habang tinitignan ko ay tila wala naman. Pinagloloko niya ba ako?

"Hindi ka ba nagbibiro?"

"What?" Tumawa siya. "Muka ba akong nagbibiro?"

Napakurap-kurap ako sa seryoso niyang mukha. Pinakita niya talaga na totoo iyong hinihingi niya sa akin. Pero baka ako pa ang maging dahilan na pumalpak ang gawa niya? Sa tingin ko kasi walang kamode-modelo sa akin. "K-Kai... ano kasi hindi ako-"

"Please? Pretty please, Renz? I need you on this."

Doon na ako nawala nang hinawakan niya ang dalawa kong mga kamay. Mukha na siyang desperado talaga. Naisip ko pa na ilang beses na niya akong tinulungan dito sa unibersidad. Ngayon siya naman ang humihihingi ng tulong sa akin, hihindian ko?

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Iguguhit ka lang naman, Terenz. Hindi ka naman ibebenta ng tao.

"Hay, sige na nga!"

"Yes!"

Muli akong napabuga ng buntonghininga. Paano ko na sasabihin iyon kay Kit? Kapag sinabi ko, sigurado ako na pipigilan niya ako. Kapag naman kusa niyang nalaman, baka maparusahan na naman ako. Iyong matindi na naman na parusa. Sumilip ako sa kaniya at nakita na seryoso pa rin siya. Hindi na siya nagsalita pang muli. Sabihin ko na ba? Hindi ba dapat sa relasiyon ay walang tinatago?

"A-Ah..." Tumikhim ako.

Pinaglaruan ko ang mga daliri ko at nagsimulang kabahan. Kung bawiin ko na lang kaya ulit kay Kayin ang pag-oo ko? Pero baka siya naman ang magtampo. Hindi ko rin gusto iyon. Pero... paano ang mararamdaman ni Kit? Ano ba naman 'yan! Para akong nangaliwa sa lagay na ito. Magsasabi lang naman ng totoo. Ang hirap pala ng relasiyon. Heto pa naman ang pinakauna ko at nangangapa pa ako sa mga dapat at hindi dapat.

Sa kaiisip ko, hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa mansiyon. Siguro sabihin ko na lang sa kaniya mamaya bago matulog. Pag-iisipan ko muna ang dapat sabihin at kung paano ko sasabihin. "Terenz."

Hawak ko na ang pinto ng kotse noon at handa nang buksan iyon para makalabas nang tinawag niya ako. Kabado tuloy ako na napabaling sa kaniya. "H-Ha?"

Naging mabilis ang lahat. Hindi ako nakaimik noong bigla ay piniringan niya ako sa mga mata. Ano 'to!


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.