Chapter [24] Terenz Dimagiba
"renz. Terenz!"
Napatalon ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang malakas na pagtawag na iyon sa aking pangalan. Nahihiya na napataas ako ng tingin kay Sir Pancho na noo'y tila nag-aalala na nakatingin sa akin. Nakahihiya! Nasa gitna ako ng trabaho pero kung saan-saan ang kaisipan ko.
"Ayos ka lang ba? You've been spacing out a lot." Hindi naman galit pero mababakas ang kaunting dismaya sa boses niya. "P-Pasensiya na po, Sir."
Matapos ang gabi na iyon ay halos tatlong araw na akong natutuliro. Hindi ko alam kung kinalimutan ba kaagad iyon ni Sir, pero sa isipan ko ay klaro pa rin ang lahat. Ang init ng yakap niya, ang lambot ng halik niya, maging ang pagtawag niya sa aking pangalan gamit ang mababaw na boses. Hanggang ngayon pakiramdam ko ay dama ko pa rin lahat.
"S-Sir Pancho..." Habol ko ang aking hininga habang pilit ko siyang inaaninag sa aking itaas.
Wala na akong pang-itaas habang ang polo na suot niya ay nakabukas na lahat ng butones. Si Sir ang may sakit pero pakiramdam ko ay nalipat sa akin ang init ng katawan niya. Kinakabahan ako. Natatakot ako na ibigay sa kaniya ang sarili ko. Ito ang una ko, si Sir ang una ko kapag nagkataon. Pero kung sa ganitong paraan gagaan ang dinadala niya, kakainin ko maging ang takot ko. "Terenz."
Masuyo siyang yumuko at dinampian ng halik ang aking mga labi. Tinuro na niya ito sa akin kanina. Kailangan ko lang buksan ang aking bibig para magtama ang aming mga dila. Tama ba ang ginagawa ko? Baka pagtawanan niya ako sapagkat wala akong alam. Kahit sa babae, hindi ko pa ito nagagawa.
Narinig ko siyang mahinang natawa malapit sa aking tenga. "You're trembling a lot. We should stop here."
Bahagya niyang inangat ang kaniyang katawan nang mariin kong hinawakan ang kaniyang braso. Natigilan siya roon at bumuntong hininga. Marahan niyang hinaplos ang aking buhok. Malumanay niya akong hinahawakan mula pa kanina na ano mang minuto ay mababasag ako.
"I shouldn't take advantage of you like this, Renz."
Natulog lamang kami noon pagkatapos. Natulog ako katabi niya. Tinitigan ko lang ang payapa niyang mukha noon hanggang sa nakatulog din ako. Ni hindi ako nakasagot sa huli niyang sinabi. Alam kong ginawa lamang niya iyon dahil nais niyang mawala ang sakit na kaniyang nadarama. Pero hindi ba ako sapat para sa kaniya?
"Ayos ka lang ba rito? We'll be having a meeting for now," narinig ko siya muling nagsalita at nakalimutan ko na nasa loob pala ako ng kaniyang opisina.
"A-Ah... opo, Sir. Hihintayin ko po kayo rito."
"Good. We'll have lunch outside."
Ngumiti siya at tinapik ang aking ulo bago siya lumabas sa kaniyang opisina. Kumaway rin si Ate Maia sa akin bago sumunod kay Sir.
Magmula rin nang makabalik si Sir Pancho sa trabaho pagkatapos niyang magkasakit ay lagi na niya akong dinadala papasok sa kaniyang opisina. Noong una ay takot pa ako dahil pinakatitigan ako ng lahat, kalaunan ay nasanay na rin ako. Masaya rin si Ninong at mukhang unti-unti na rin silang nagkakalapit muli ng anak. Aniya ay sana raw magtuloy-tuloy na ang pagbabago nito.
Paminsan-minsan ay tumutulong din ako sa mga gawain ni Sir sa opisina. Gaya ng faxing, printing, at kung ano pa na tinuturo sa akin nina Sir at Ate Maia. Naalala ko noong una akong pinagtabuyan ni Sir palabas dito, ngayon heto at ayaw na niya akong naghihintay sa labas. Kahit sa pagkain sa tanghalian ay kasa-kasama niya ako.
Bumukas ang pinto sa opisina na ikinatayo ko. Mula roon ay dumungaw ang ulo ng isa sa mga staff ni Sir.
"Oh, good, you're here. Can you help me with this, PA? Email mo lang riyan sa nakabukas nang computer ni Maia. Then print the reply and hand to me after," utos niya na matagal ko bago naproseso. "C-Computer? Pasensiya na po, hindi po kasi ako marunong gumamit ng computer," nahihiya kong pag-amin habang kumakamot sa aking batok.
Sana dumating na sina Sir. Dalawang oras na rin ang nakalipas magmula nang mag-umpisa ang meeting nila.
"What? Ang bobo mo naman! Computer lang naman hindi mo pa alam gamitin. My god!" napatalon ako sa pagsigaw niya sa akin. "Kunsabagay alalay ka nga lang naman. Baka kung saang baryo ka lang siguro napulot ni Sir Del Mundo. Poor and stupid."
Napayuko ako. Sanay na ako sa mga tauhan dito. Kapag nakatalikod si Sir ay ganito nila ako itrato. Minsan nga, maging gawain na hindi na sakop ng trabaho ko ay pinapagawa pa nila sa akin. Tila naging alalay ako ng buong kumpaniya. "P-Pasensiya na po talaga."
"What is going on here?"
Halos sabay kaming napatalon ng staff nang pumasok si Ninong kasunod si Sir sa opisina. Naguguluhang nagpabalik-balik ang tingin ni Ninong sa amin habang si Sir ay kaagad na lumapit sa akin. Mariin siyang nakatitig sa akin na hindi ko maiwasang mapayuko.
"A-Ah nagpapatulong lang po kasi ako kay Terenz—"
"Binabayaran ka rito para gawin nang maayos ang trabaho mo. Who said you can pass your responsibilities to someone na wala namang responsibilidad sa iyo? If you can't do your work right, might as well resign here," ang mahabang litaniya ni Sir Pancho na nakapagagitla sa akin at sa staff.
Nakita kong umiling si Ninong, tila dismaya. Sumenyas siya kay Ate Maia na palabasin na ang staff sa opisina habang ako naman ay nagsimula nang kabahan. Paano kung mas lalo nila akong pakitunguhan ng iba sa nangyari na ito?
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! "Are you alright?"
Napatingala ako noong marahan na inangat ni Sir Pancho ang aking baba para magtama ang aming paningin. Sa pagkalunod ko sa alala na makikita sa kaniyang mga mata ay tanging tango na lamang ang aking nagawa. "Terenz, ijo, if some of the staffs here are not treating you right, magsabi ka kaagad sa akin o kay Pancho. They have no rights of using you like that," si Ninong.
"O-Opo, Ninong."
"Well then, mauuna na muna ako at may lalakarin pa akong importante. Pancho, remember to send that file on my email as early as you can."
Tumango lamang si Sir kay Ninong. Ako naman ay hinatid pa si Ninong palabas sa pintuan. Si Ate Maia naman ay balik na sa sariling pwesto niya sa labas ng opisina ni Sir at marami pa raw siyang ita-type. Bumaling ako kay Sir na nakaupo na sa pwesto niya, seryoso ang mukha. Napalunok ako dahil baka nagalit siya sa nangyari kanina. Ayaw ko na sanang lumala pa ang nangyari at baka mas pag-initan ako ng mga tao rito.
"S-Sir-"
"Say, Renz, do you want to go to college? Hindi ka nakapagkolehiyo, 'di ba? Kukuhaan kita ng scholarship sa isang unibersidad."
Natameme ako sa harap niya pagkatapos niyang sabihin iyon. Tila umurong ang dila ko. Hindi ko alam kung nabingi ba ako o sinabi niya talaga iyon. Ako? Papag-aralin ni Sir Pancho? "B-Bakit, Sir? Huwag na po kayong mag-abala pa. Sobra na po kung pag-aaralin niyo pa ako," tanggi ko.
Itinaas niya ang dalawa niyang mga kamay sa kaniyang lamesa at ipinatong roon ang kaniyang baba. Diretso siyang nakatingin sa akin, seryoso ang kaniyang mga mata.
"I don't want anyone looking down at you like that again."