Chapter [17] Terenz Dimagiba
Nagising ako kinaumagahan na kulang sa tulog. Ayaw ko pa nga sanang bumangon ni gumalaw sa araw na iyon, pero may trabaho pa ako. Ito ang disadvantage mo kapag mahirap ka. Sa ayaw at gusto mo, kailangan mong bumangon para mabuhay. Isa pa, malapit na ang pasukan at kailangang makapadala pa ako ng marami rami kina Nanay para sa enrollment ni Buboy.
Kahit hindi ako nakatungtong ng kolehiyo, basta mapatapos ko lang si bunso, tila diploma na rin sa akin iyon.
Mabilis akong nag-ayos ng aking sarili para simulan na ang aking araw. Palabas na ako noon sa aking silid ng sa pagbukas ko ng aking pinto ay nagkagulatan pa kami ni Sir Pancho. Nakataas pa ang isang kamay niya, naputol ang gagawin sanang pagkatok.
Siya ang unang nakabawi habang ako ay muntik nang bumigay ang mga tuhod. Alam ba niya na siya ang dahilan kung bakit kulang ako sa tulog? Muntik ko na siyang masampal sa gulat kanina. "Good, you're up," bati niya, walang manlang goodmorning.
"Goodmorning, Sir." Ako na ang nag-adjust, nakahihiya naman kay Senyorito.
Wala sa sarili na bumaba ang aking paningin at doon lamang napansin na wala pala siyang suot na pang-itaas, tanging isang itim lamang na pajama, kung kaya lumantad sa aking harapan ang mamasel at mapandesal niyang laman. Nanlalaki ang mga mata na napalunok ako ng maraming laway bago muling ibinalik ang paningin sa kaniyang mukha. Naalala ko ang kahalayan ko kagabi at naramdaman ko ang pamumula ng magkabila kong pisngi. Pwede ba na i-umpog ko muna ang aking ulo sa pader?
"Magluto ka ng agahan and uh... we'll go down at 7:30," utos niya na kinakunot ko ng noo.
"Para kay Sir E-Ellie po ba?" Hindi ko alam kung bakit nanginig ang boses ko sa pagbanggit ng pangalan ng syota niya.
"For the two of us."
"Po?" Natigilan ako. "Hindi po ba hindi kayo kumakain ng umagahan sa umaga?"
Hindi ba nga strikto siya sa katawan niya? Iyon ang lagi niyang bilin na huwag magluto sa umaga. Ayaw ko naman na ipakain niya muli sa aso ang effort ko.
"It's different when he's here." Ngumiti siya ng kaytamis sa aking harapan na muntik pang ikaluwa ng aking mga mata, napansin niya yata kaya biglang sumimangot. "Huwag ka nang tanong nang tanong. Kilos na, bilis!" Napakilos naman ako kaagad dahil nagsusumuplado na naman siya, pero napapreno ako bigla nang hinigit niya ako sa braso. Kinagulat ko iyon.
"Wait," aniya. "Are you okay? You look like... shit," nakangiwi niyang sabi at hinaplos pa ng kaniyang palad ang aking noo!
Pur diyos por santo. Mahabaging langit. Gugunaw na ba ang mundo? Si Sir Pancho ba talaga ito?
Ninamnam ko ang haplos niyang iyon habang nakatulala lang ako sa kaniyang mukha. Haplos niya pa lamang, parang mapapluhod na ako sa kaniya. Sobrang bilis ng tibok ng aking puso. Tila may mga kabayo na pumapadyak-padyak doon. Ganito ba ang sinasabi nilang... crush? Feeling ko naging normal na tao na ako bigla. Dati kasi wala akong nararamdaman na ganiyan doon sa amin. Kahit sa mga nagagandahang dilag doon. Kaya minsan naiisip ko abnormal ako. Kaya ang makadama nito ngayon ay lubusang nagpapasaya sa akin. Pinapasaya ako ni Sir Pancho. Hindi man katanggap-tanggap na sa demonyo pa ako nagkagusto, pero ang saya lang pala talaga na makaramdam ng ganito. Alam niyo 'yun? Tila nakalutang ka sa ere.
"A-Ayos lang po ako, Sir. Ahm... medyo kulang lang po sa tulog," pagdadahilan ko.
Tumaas ang dalawang kilay niya at inalis na ang kaniyang kamay sa aking noo. Sayang... bitin naman.
Tumango-tango siya at balik na muli sa supladong expresiyon ang mukha.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"Okay, whatever. Ayaw ko lang muli na mag-away kami ni Ellie dahil sa'yo. My babe likes you and he scolded me last night. If he saw me getting mean at you again, we'll fight and I don't like that."
Pagkasabi niya noon ay iminuwestra na niya sa akin na sundin ang iniutos niya at baka raw magising na si Sir Ellie. Medyo nalungkot ako dahil bumait lamang pala siya sa akin dahil sa ayaw niyang magalit si Sir Ellie sa kaniya. Na kailangan niya lamang ako pakitunguhan ng maayos para kay Sir Ellie. Si Sir Ellie lang ang sinusunod niya at importante sa kaniya ang mararamdaman nito. Peke lamang pala ang concern niya para sa akin.
Hindi ko na naman maiwasang mainggit.
Alas-otso noong bumaba si Sir Pancho habang inaalalayan si Sir Ellie sa bewang na tila hindi maayos ang paglalakad. Kumunot ang noo ko dahil ang mga kasambahay ay tila hindi pinapansin iyon, samantalang ako ay kyuryoso. Nakapagbihis na rin naman silang dalawa dahil may pasok pa si Sir at sasama yata si Sir Ellie sa kaniya.
Noong magtama ang aming paningin ni Sir Ellie ay tila nahihiya siya sa hindi ko alam na dahilan. Pero noong makita ko ang namumula niyang leeg na tila pinaulanan ng mga halik at kagat, nakuha ko na. Hindi naman ako ganoon kaignorante para hindi malaman na chikinini iyon. Alam ko iyon dahil minsan ko nang marinig na nag-uusap ang mga misis ng mga kasamahan kong mangingisda na nagpapayabangan ng mga ganoon.
"Kitams? Matindi talaga si Sir. Sana all si Sir Ellie," dinig ko ang bulungan ng aking mga kasamahan.
Iniwas ko na lamang sa kanila ang aking sarili noong makita ko na iintrigahin nila ako. Ayaw ko na nga maisip ang nangyari kagabi! Mamaya ay titiisin ko na talaga ang aking uhaw at hindi bababa ng hatinggabi. Maglalagay na rin ako ng salpak sa aking mga tenga!
Naikagat ko ang aking ibabang labi, muli ay tinignan si Sir Ellie. Sa kinis ba naman ng balat niya, sino ba naman ang hindi mahahalina na halik-halikan iyon? Kung gaya ko lang naman na pobre, malabo pa. Sana nga lahat si Sir Ellie. Sumakit ang dibdib ko. Hindi rin pala ganoon kasaya kapag may crush, lalo na kung ang crush mo, mayroon nang gustong iba. Mula kagabi at hanggang ngayon, hanggang imahinasiyon na lamang talaga ako. Kahit nga sa kasuotan, magara ang kay Sir Ellie. Bagay sa kasuotan din ni Sir na mamahalin. Samantalang ako simple lamang at wala pang kadating-dating. Wala sa sarili na napaayos ako sa aking damit.
Hanggang sa sasakiyan patungo sa opisina ni Sir ay dala ko ang bigat sa aking dibdib. Alam kong tinuruan ako nina Nanay na makuntento sa kung anong meron ako, pero hindi ko talaga maiwasang mainggit.
Lalo na noong nakikita ko mula sa salamin sa harap ng sasakiyan kung saan ako nakaupo katabi ng driver ni Sir Pancho na ang saya-saya nila sa likuran, mas bumigat pa ang dibdib ko. Nasa likuran lamang sila, pero tila may dalawang magkaibang mundo bigla sa loob ng sasakiyan. Mundo namin ni driver na mahirap at kina Sir Pancho na mayaman.
Umiwas ako ng tingin sa kanila at ayaw nang tignan pa ang imahe nila na si Sir Ellie na nakaunan sa balikat ni Sir Pancho habang sila ay naglalambingan at matatamis ang ngiti para sa isa't isa. Nakuntento na lamang ako sa pagtingin sa labas ng sasakiyan, pero ramdam ko ang paghaba ng aking nguso. Nakaiinis.
"I'll borrow Terenz muna, babe," ang sabi ni Sir Ellie pagkarating namin sa aming destinasiyon at pagkababa namin ng sasakiyan.
"What?"
"Ha?"
Sabay pa kaming nag-react ni Sir Pancho.
Lumapit sa akin si Sir Ellie at inangkla niya ang braso niya sa akin na labis kong ikinagulat. Anong ginagawa niya?
"Samahan mo akong mag-shopping, Terenz," matamis ang ngiti na sabi niya sa akin.
Natulala ako sa maamo niyang mukha at kumikinang sa pagkangingiti na mga mata. Ang inggit na aking nadama sa kaniya ay tila umurong bigla. Nakadama ako ng guilt dahil ang bait talaga niya sa akin. Totoo nga yata ang sabi ni Sir Pancho na... gusto niya ako. Bakit naman? Sa pobre kong ito? Makipaglalapit siya sa akin?
Hindi siya matapobre kagaya ng amo mo, Renz. Boses iyon sa aking utak.
Hindi na ako nakapagsalita noong hinila na niya akong muli sa sasakiyan, hindi pinapansin si Sir Pancho na galit ang boses na tinatawag ang kaniyang pangalan.