Chapter [15] Terenz Dimagiba
Napabuntonghininga ako nang hindi tumigil sa paglalakad ang topakin kong amo kahit makailang beses ko na siyang tinawag. Iwan ba naman ang cellphone at wallet dito sa loob ng kotse. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nagmamadali na makapasok, pero kahit ako man ay nagtataka dahil may naririnig ako na malamyos na tugtugin sa loob kahit wala namang ibang tao rito bukod kina Nanay Matilda.
Hindi kaya ay may kakilala siyang dumating? Pagtatanong ko sa aking isipan.
Pinagtuunan ko na lamang ng pansin na dalhin ang mga nagbibigatang bagahe ni Sir Pancho papasok sa mansiyon, mabuti na lamang at tinulungan din ako ni Manong driver. Tagaktak ang pawis at hinilot-hilot ko pa ang aking leeg na bahagyang nanakit no'ng nasa sala na ako ng bahay. Nakapamewang akong tumayo roon mula sa hapo dahil sa mabibigat na dinala.
Nangunot ang aking noo dahil nakita ko ang ilang kasambahay na nagtutumpukan sa may bukana ng kusina ng mansiyon. Mukhang natigil ang mga ito sa kung ano man ang kanilang ginagawa para makiusyoso sa kung ano man ang tinitignan nila roon - bitbit pa kasi ng mga ito ang kanilang mga walis. Nagkukurutan at naghahagikhikan ang mga ito, tila mga kite-kite na kinikiliti.
Dahil sa kyuryosidad ay lumapit na ako roon.
"Grabe ang amo natin makalapa, oh! Miss na miss talaga," dinig ko ang malanding bulong ng isa.
"Kahit pareho silang may espada, nakakakilig pa rin ano?" sabat din ng isa.
"Ano ba kayo? Bumalik na tayo sa gawain at baka matanaw pa tayo ni Nanay Matilda! Dali! Dali!"
Hindi pa man ako tuluyang nakalalapit ay nagsialisan na ang mga ito, hindi magkandakumahog magtulakan paalis mula sa kanina ay kanilang kinatatayuan. Tinignan ko pa muna silang papalayo bago dahan-dahan na sumilip sa kusina kung saan sila kanina ay may pinagpepiyestahan. Una kong nakita si Nanay Matilda sa sulok na nakatakip ang dalawang kamay sa bibig habang may kakaibang tuwa na masisilayan sa kaniyang mukha. Lumipat ang paningin ko kung saan siya nakatingin at doon ako natigilan.
Sa gitna ng kusina ay nakakita ako ng dalawang taong naghahalikan, iyong klase ng halik na tila naghahalo na ang inyong laway. Hanggang sa maghiwalay ang labi ng dalawang tao na iyon at nagkatinginan na tila ba sila lang dalawa ang tao sa mundo. Nanuyo ang aking lalamunan, hindi maalis sa kanilang dalawa ang aking paningin.
Yumakap si Sir Pancho sa lalaking animo'y tila isang anghel, napakaamo ng mukha nito. Hindi ko maiwasang mamangha. Nakita ko ang higpit sa kanilang yakapan. Isang yakap na animo'y ayaw na nilang mawalay pa sa isa't isa. Bigla akong nanlamig sa aking kinatatayuan. Pakiramdam ko, ang sarap-sarap makaramdam ng init ng isang bisig sa iyong katawan. Hindi mula sa magulang o kahit man sa kaibigan, kundi ang makulong sa bisig ng taong iyong sinisinta. "Oh, Terenz, apo," si Nanay Matilda na nakapagpabalik sa akin sa katinuan. "Anong ginagawa mo riyan?"
Napangiti naman ako ng alanganin kay Nanay. Lalo na noong napatingin din sa gawi ko iyong kayakap ni Sir Pancho. Nakatalikod kasi si Sir sa gawi ko. Nahihiya akong lumabas mula sa pagkasisiksik sa pader at kakamo- kamot sa pisngi na humakbang papasok sa kusina.
"Oh!" Malaki ang ngiti na turo sa akin ng kayakap kanina ni Sir, ngayon ay hawak na niya ito sa bewang. "Is he your new asisstant?"
Napatingin ako kay Nanay Matilda na mwinestra ako na lumapit doon sa kanila. Itinago ko ang dalawa kong kamay sa aking likuran at nahihiyang lumapit sa kanila. Hindi ko na sinulyapan ang topakin kong amo na alam kong tinitignan na naman ako ng masama. Tumabi ako kay Nanay Matilda na inakbayan naman ako pabalik.
"Ellie, ijo, ito nga pala si Terenz ang nakatoka ngayon kay Pancho at inaanak din ni Domingo," pagpapakilala sa akin ni Nanay pagkatapos ay lumingon din siya sa akin. "Terenz, apo, ito nga pala si Ellie Saavedra, ang kasintahan ng iyong amo."
Ellie. Ibig sabihin siya pala ang boyfriend ni Sir. Kaya pala kahit lalaki siya ay napusuan ni Sir Pancho. Naiintindihan ko na. Kahit mga babae sa aming isla ay talo sa taglay niyang karisma.
"Hi, Terenz! It's nice to meet you!" masaya niyang bati at inilahad pa ang mukhang malambot niyang kamay sa akin.
Ramdam ko ang kabaitan niya kung kaya napangiti rin ako. Nanginginig na itinaas ko rin ang magaspang at makalyo kong kamay. Nahihiya nga ako eh, baka mandiri siya.
Akmang hahawakan na namin ang isa't isa nang malakas na tinapik ng topakin kong amo ang aking kamay. Napa-aray pa nga ako nang malakas dahil sobrang lakas din ng pagkatatapik niya sa akin. "Pancho!" sigaw ni Sir Ellie at umalis mula sa pagkahahawak ni Sir Pancho, masama niya itong tinignan.
Si Nanay Matilda naman ay agad na dumalo sa akin para tignan ang aking kamay.
"I'm sorry. Are you okay, Terenz?" Nagulat ako nang lumapit sa akin si Sir Ellie at hinawakan ang aking kamay na tinapik ni Sir Pancho.
Sinuri niya iyon at tama nga ako, ang lambot-lambot ng kamay niya. Tila may hawak akong bulak. Makinis din iyon at walang bakas ng kahit na anong paghihirap sa buhay. Malayo sa akin. Malayong-malayo. Pero hindi siya nagdalawang-isip na hawakan ako at mag-sorry sa kasalanang hindi naman niya ginawa.
"Pancho. Mag-sorry ka kay Terenz, apo," dinig ko ang medyo may kainisang boses ni Nanay Matilda.
"What? Why would I?" gulat niyang sambit habang magkakrus na ang mga braso at kunot noong nakatingin sa mga kamay namin ni Sir Ellie na noo'y magkahawak pa rin. "He's the one who should be sorry. I don't want anything filthy touching my babe."
Napayuko ako. Nasaktan ako sa sinabi niya.
"Pancho Kit!" napatalon ako sa gulat at nanlalaki ang mga mata nang bigla siyang sinigawan ni Sir Ellie. "Kung ayaw mo na mag-away tayo sa muli nating pagkikita ngayon, mag-sorry ka."
Hindi makapaniwala na tumingin si Sir Pancho sa kasintahan. Nagkatinginan pa muna sila at si Sir din ang unang umiwas. Inis siyang bumuntong-hininga at nalipat ang matalim na paningin sa akin. "Sorry," labas sa mga butas ng ilong niyang pagpapaumanhin. Tipid akong ngumiti.
"Ayos lang po ako, Sir," sabi ko, naka'y Sir Ellie ang paningin.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Tinignan ako ng kasintahan ni Sir na tila sinisigurado na ayos lang nga ako, kung kaya mas ngumiti ako sa kaniya. Ngumiti siya pabalik at napasulyap sa aking likuran kung nasaan ang sala. "Babe, bring those luggage of yours in your room," utos niya kay Sir Pancho na ikinamangha ko.
"Ano? Babe naman, trabaho niya iyon," nanghihimutok niyang ani sabay turo sa akin.
"Isa." Inis na tumingin sa kaniya si Sir Ellie. "Kung hindi mo ako susundin, wala ka mamaya," makahulugan niyang sabi at nagulat ako nang mabilis na tumalikod si Sir at sinunod ang utos niya. Mas namangha ako. "Come, Terenz! Help me with these cupcakes." Masaya niya akong hinila sa lamesa kung saan may mga cupcakes.
Wala na akong nagawa pa dahil labis na akong natitigilan. Tinuruan niya akong maglagay ng icing sa itaas ng mga cupcakes at hindi ko maiwasang tumitig sa kaniya. Tila isa siyang niño. Mahahaba ang pilikmata, sobrang pula ng tila puso na mga labi, sobrang puti ng balat na mamula-mula pa. Nanliit ako bigla. Malayo kasi sa gaya ko na magaspang na nga ang balat, tila lagi pang nakabilad sa araw. Masamang mainggit, pero hindi ko maiwasang makadama.
Noong maghapunan ay pinilit kami ni Sir Ellie na sumabay sa kanila sa hapagkainan, pero sinabi ni Nanay Matilda na saka na lang daw at i-enjoy muna nila ni Sir ang momento nilang magkasama muli. Si Sir Pancho naman ay tila badtrip pa rin. "Ah, Terenz!" nagulat ako nang isa sa mga kasambahay ay niyakap ako.
Dito kami naghapunan sa labas ng mansiyon kung saan may mga upuan at lamesa.
"Kawawa naman itong anak natin, matatanggalan na ng kainosentehan simula ngayon gabi," mangiyak-ngiyak pa na sabi ng isa.
Naguguluhan naman akong napatingin sa kanila.
"Bakit, Ate, ano pong mayroon?" inosente kong tanong at sabay naman silang ngumawa sa harapan ko.
"Alam mo, magpalit na lang tayo ng kwarto ngayong gabi. Mas masarap pa kasi sila Sir Ellie at Sir Pancho pakinggan kaysa sa porno. Segundo pa lang, tiyak lalabasan ka na. Proven and tested ko na iyan noong naranasan kong matulog diyaan sa kwarto mo- aray! Nanay Matilda naman!" sigaw nito kay Nanay na malakas siyang binatukan.
"Sa inyo pa lang, wala nang kainosentehan itong si Terenz. Tapusin niyo na lang nga iyang kinakakain niyo." Napatingin si Nanay sa akin na tila nababahala. "Matulog ka ng maaga apo, ha?"
Gulo man, inosente na lang akong napatango sa kaniya. Hindi ko pa rin sila maintindihan, pero sinunod ko na lang din ang sinabi ni Nanay na matulog ng maaga. Kung hindi lang noong hatinggabi na nanaginip ako na nahulog daw ako sa bubungan ng mataas na bahay. Nagising ako dahil napatalon ang katawan ko mula roon. Kakamot-kamot ako sa aking ulo at nakaramdam din ng uhaw.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Wala akong nagawa kung hindi lumabas sa aking kwarto at bumaba para makainom ng tubig. Noong dumaan ako sa kwarto nila Sir kung saan kasama na niya si Sir Ellie ay napatalon ako dahil may malakas na lumagabog sa sahig mula sa loob. Napatigil ako sa paglalakad dahil naririnig ko rin mula sa aking pwesto ang boses ni Sir Ellie na tila sumisigaw sa hindi ko maintindihan kung anong sinasabi.
Nag-aaway ba sila? Kinakabahan kong isip kung kaya lumapit ako sa pintuan at inilapat ang aking tenga roon.
Noong una ay nakakunot pa ang aking noo, pero hindi kalaunan ay tila binuhusan ako ng tubig na puro yelo. Klaro kong nadinig ang lakas ng langitngit ng kama na tila inuuga at tumatama pa sa pader, tila tunog ng balat na sinasampal pero sobrang bilis, ang madulas at mabasang tunog na hindi ko alam kung saan galing at kung ano ang dahilan. May mga hingal, may sigaw, may ungol. Higit sa lahat, ang sinisigaw ni Sir Ellie.
Walang nag-aaway, hindi sila nag-aaway.
Pancho!
Yes! Yes! A-Ah!
Maya-maya pa ay may mga yabag ng paa akong narinig at tila mas lumapit sa may pintuan ang boses ni Sir Ellie- halatang umiiyak. Narinig ko ring nagmura si Sir Pancho at ang mga balat na tumatama ay tila ba nangingibabaw na sa katahimikan ng buong mansiyon.
B-Babe.... mawawasak ako.
No! God-oh!
Pancho! Pancho! I c-can't!
"Wake them up, babe. Let them hear you scream in pleasure." Boses ni Sir Pancho na humahangos.
Klaro kong narinig iyong lahat at tila nagpaikot-ikot na sa aking isipan. Nanginig ang aking mga tuhod, namawis ang aking noo. Hindi ko alam kung bakit kahit wala akong ideya sa kung anong ginagawa nila ay naintindihan ko na. Kahit hindi ko nakikita ay tila alam ko na.
At muling nagbalik ang init na namumuo sa aking katawan na minsan ko ng naranasan sa kaparehong eksena na nakatayo ako sa labas ng kwarto ni Sir Pancho at nakikita ko si Sir Ellie sa screen ng computer. Tila naging de ja vu ang lahat. At gaya ng dati, tumakbo ako paalis doon dala ang malakas na kabog sa aking dibdib.