Chapter [1] Terenz Dimagiba
Halos malula ako sa pamamahay na nasa aking harapan dala-dala ang bagahe na naglalaman ng aking mga kagamitan. Kanina, habang nasa daan kami nila Ninong Domingo papunta ng Maynila ay tila mababali ang leeg ko sa pakaliwa't kanang pagtitingin ko sa mga nagtatayugang building na nadadaanan namin. Napapanganga ako dahil nagtatayugang mga puno lang ang tanging kinamulatan ng aking mga mata. Nakamamangha. Sobrang daming tao sa paligid at tila dagat sila sa lawak. Tama lang ba na sumama ako rito? Tila ang umapak sa mundong ito ay hindi nararapat sa dukha na kagaya ko.
"Oh, Terenz, ijo? Ayos ka lang ba? Nahilo ka ba sa byahe?" ani Ninong na tinapik pa ako sa balikat.
Nahihiya naman akong ngumiti sa kaniya dahil hindi ko masabi na labis akong kinakabahan ngayon. Paano kung hindi ako matanggap ng mga kasamahan ko sa trabaho? Ibig kong sabihin ay ang probinsiyanong gaya ko. Malansa at halatang taong-araw.
"Ah, eh, ayos lang po ako. Medyo naninibago lang," ani ko, hindi makatingin sa kaniya.
Bumuntonghininga siya habang nakangiti. Akala ko ay pagtatawanan niya ako, pero mabait nga pala si Ninong.
"You'll adjust, son. Isa pa, maaasahan mo ang mga tauhan ko rito. They're with this family for years at nasisiguro ko na pakikisamahan ka nila nang maayos."
Sa sinabi niya ay medyo nakahinga naman ako nang maluwag. Ang anak na lang pala niya ang iisipin ko sa ngayon. Base kasi sa mga narinig ko kay Ninong, mukhang mahirap siyang pakisamahan. 'Spoiled brat', ika nga nila sa ingles na lenggwahe na kanilang nakasanayan.
Pumasok kami sa tahanan nila Ninong. Ngumiti pa ako sa ilang kasambahay nila na inabangan kami sa hamba ng pinto kahit pa may nagtatanong na tingin sila sa akin. Ewan ko ba, medyo gusto kong maluha sa ganda ng bahay nila. Ganitong- ganito kasi ang tahanan na gusto kong ibigay at maranasan ng pamilya ko. Sumasakit ang dibdib ko kapag naaalala ko ang pagsisiksikan namin sa maliit naming tahanan. Pero napapangiti dahil kahit ganoon, masaya pa rin kami. Iyon naman ang importante, hindi ba?
"Welcome to our home, ijo. I hope you'll feel at home here," si Ninong habang nakangiti sa akin. "Matilda, can you show Terenz around? At ituro mo sa kaniya ang kwarto sa pinakadulo ng second floor, iyong kwarto na hindi na nagagamit. Siya ang uukupa noon. Siya ang magiging bagong miyembro ninyo, pero he'll be exclusively assigned for Pancho only," aniya na may kakaibang ngiti na inilabas, hindi ko mawari kung ano iyon.
Nakarinig naman ako ng singhap at mumunting bulong sa iba. Ang iba pa ay iiling-iling, tila naaawa na kaagad sa akin. Napakagat ako sa aking labi. Bakit sa kaniya lang ako itinoka ni Ninong? "Masusunod, ser," ani ng Matilda na sinabihan ni Ninong. May katandaan na siya, pero nagpabata sa kaniya ang palakaibigan niyang ngiti. She looked kind. "Ako nga pala ang mayordoma rito, ijo. Halika sumama ka sa akin, dadalhin kita sa magiging kwarto mo."
Tumingin ako kay Ninong at sinenyasan niya naman ako na sumama rito. Nag-aalangan na sumunod ako sa likuran ni Lola Matilda. Umakyat kami sa ikalawang palapag ng tahanan at halos manginig ang kamay ko nang sinubukan kong hawakan ang mga bagay na nadadaanan namin. Malilinis ang mga ito. Halatang hindi pinapabayaan sa kintab. Nawala lang ang aking atensiyon doon nang mapatingin ako sa baba at nakita na umalis si Ninong.
"Saan po ang punta ni Ninong? Sa trabaho po?" tanong ko dahil hindi manlang ba siya napagod? Galing pa kaming byahe. Ako nga gusto ko nang mahiga agad.
Tumawa naman si Lola Matilda at malakas akong pinalo sa aking balikat. Napahawak ako roon habang nagugulat sa kaniya.
"Kasi may sarili namang bahay si Ser Domi, Terenz apo," aniya na kinagulat ko. Sa pagtawag niyang apo sa akin at sa sinabi niyang may ibang bahay si Ninong. "Po? Eh, hindi ba sa kanila ito?" nagtataka kong tanong.
Nakita kong lumungkot ang kaniyang mukha.
"Simula kasi nang mamatay si Ma'am Kitarina ay nawala na ang sigla sa pamamahay na ito. Masyado kasing workaholic si ser kung kaya nang lumaki si Ser Kit ay napalayo na rin siya sa kaniya. Hanggang sa hinayaan na lang ni ser ang pamamahay na ito kay Ser Kit at bumukod na lang ng tahanan. Doon siya ngayon nakatira sa vacation house nilang paborito ni Ma'am Tina."
Kit?
"Dalawa ang anak ni Ninong? Eh, 'yung Pancho po nasaan?" magkarugtong ang kilay ko na sabad. Tumawa na naman siya nang malakas at ilang beses na akong pinalo sa balikat. Grabe itong si Lola, nakailan na sa akin. "Nakatatawa ka, ijo. Si Ser Kit at Ser Pancho ay iisa. Pancho Kit kasi ang pangalan ng alaga namin."
Ah. Pancho Kit pala ang pangalan niya. Ang tanga mo naman, Terenz.
Nakarating na kami sa pinakadulong pasilyo kung saan ang kwarto na sinabi ni Ninong at nagulantang ako kasi parang hindi pangkatulong ang kwarto. Maliit man, may kama naman at maayos na paliguan. Shower pa nga, eh, at may mababangong sabon at shampoo. May isang malaking tukador na pwede paglagiyan ng damit at isang glass sliding door na may mini veranda sa labas. Tanaw mula rito ang swimming pool nila na sa wakas nakita ko na sa personal. De-aircon
pa!
"Sa akin po talaga ito?" ani ko.
"Maganda ano? Sa lahat ng pinagtrabahuhan ko, rito lang sa mga Del Mundo ka makakikita ng sosyal na mga katulong. Huwag kang mag-alala ganito rin kakumportable ang kwarto namin," tatawa-tawa niyang sambit.
Grabe. Parang gusto ko nang mag-dive sa kama at talon-talunan iyon. Ibinaba ko ang aking bagahe sa taas ng kama. Tinignan naman ako ni Lola Matilda na nag-aalangan. "Bakit po?" kyuryosong tanong ko.
"Matagal na kasing hindi pinapagamitan ang kwarto na ito dahil ang huling gumamit nito na nakatoka rin kay Ser Kit ay halos mabaliw. Grabe kasi talaga ang pag-uugali ng batang iyon, ewan ko ba. Noong maliit siya ay malapit pa siya sa amin at sobrang mabait, malambing. Noong nagbinata na at nagbarkada ay labis siyang nag-iba." Bumuntonghining si Lola Matilda. "Hindi naman namin sinisisi si Ser Domi, pero labis din sigurong nasaktan ang batang iyong nang mamatay ang Mommy niya."
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! "Nakalulungkot naman po," ani ko. Dinig ko rin kasi na namatay sa aksidente si Ma'am Kitarina.
Hinawakan ako ni Lola sa magkabila kong balikat. May habag man sa mga mata ay pilit niya pa rin akong nginitian.
"Unang kita ko pa lang sa iyo kanina apo ay alam kong sanay ka sa trabaho. Napakagwapo mong bata. Simple lang at alam kong mabait," nahiya naman ako sa sinabi niya.
"Ikaw naman Lola, hindi naman po. Ang itim ko nga, oh," ani ko na ikinatawa niya ulit.
"Katapat mo pala ng kwarto sila Ser Kit at mamaya pang gabi ang uwi noon. Baka bukas mo pa siya makilala. Huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa iyo."
Sila? Bakit sila? May iba pa ba itong kasama sa kwarto niya?
"Sila po? May kapatid ba si Sir Kit?" taka ko ulit na tanong. Tila nagulat naman siya bigla.
"Ay, hindi mo pa pala alam? Kungsabagay, kahit si Ser Domi ay ayaw rin sana sa kanilang dalawa pero mabait naman kasi ang batang iyon. Nagulat nga rin kami noong una," iiling-iling niyang sabi. "Minsan kasi kapag bumabalik ng Pilipinas ang kasintahan ni Ser Kit na si Ellie ay dito iyon tumutuloy. Pagpasensiyahan mo na agad apo at hindi soundproof itong kwarto mo. Kapag nagkikita kasi sila ay dinadamba agad siya ni ser." Tumawa siya na kinakunot lang ng noo ko. "Mahal na mahal niya kasi iyon. Kahit sa amin sa baba nga ay rinig na rinig namin sila minsan." Natatawa pero hindi makatingin na ani sa akin ni Lola. Doon lang nag-sink-in sa akin ang pinapahiwatig niya.
Jusko. Tila gusto ko na agad yatang magpalit ng kwarto.