Chapter 20:
Mar's POV
Hindi ako mapakali habang sakay ng sasakyan patungo sa hospital. Kung pwede lang paliparin ko na ang kotse, ginawa ko na para lang makarating ng mabilis sa hospital. "Hintayin mo ako, Jan. I'll be there," bulong ko habang labis na kaba ang bumabagabag sa akin.
Nang malaman ko kung ano'ng nangyari kay, Jan mabilis akong tumalima para puntahan ang sinabing hospital kung saan naka-confine si Jan. Naaksidente raw kasi ito kaya hindi ako mapakali hanggat hindi ako nakakarating roon. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi ng biglang pumula ang stoplight na ibig sabihin ay huminto. "Damn!" inis kong mura kasabay ang pagpalo ko sa manibela.
Pinatong ko ang siko ko sa bintana at kinagat ang likod ng daliri ko para kahit pa paano mabawasan ang takot, kaba at pagkataranta ko.
"Bilis," bulong ko ng paulit-ulit.
Bahagyang lumiwanag ang mukha ko ng mag-green na ang stoplight. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan at wala akong pakialam kung may malabag man akong rules sa kalsada ang alam ko, kailangan ko agad makarating ng hospital. Hindi ako mapakali habang nasa highway. Napupuno na ng pag-aalala at takot ang damdamin ko para kay Jan. Natatakot ako. Paano kung huli na? No! Hindi 'yon mangyayari.
Kahit pa paano nabawasan ang pagkataranta ko nang makita ko na ang hospital na pinagdalhan kay Jan. Ipinarada ko ang sasakyan ko at mabilis na lumabas doon. Tumakbo ako papasok sa hospital at tinungo ang reception area para magtanong.
"Salamat," sabi ko ng sabihin ng receptionist kung saan ang silid na kinaroroonan ni Jan. Nasa second floor pa ito ng hospital.
Bumuga ako ng hangin at mariing napapikit ng hindi bumukas ang elevator. Paulit-ulit ko 'yong pinindot at ng sa wakas bumukas iyon, mabilis akong pumasok at muli 'yong pinindot.
Habang palapit ako ng palapit sa silid ni Jan, mas tumitindi ang kabang nararamdaman ko dahil hindi ko alam kung anong madadatnan ko. Natatakot ako.
Lumabas ako ng elevator nang bumukas 'yon. Tinakbo ko na ang distansiya ko sa silid ni Jan. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko nang makarating ako sa tapat ng pinto. Pinihit ko ang doorknob at mabilis na pumasok sa silid. Ganoon na lang ang pag-aaalalang naramdaman ko ng makita kong nakahiga si Jan sa hospital bed at walang malay. Pakiramdam ko nawalan ako ng lakas at tinakasan ng dugo sa buong katawan.
Lumingon ako sa mga naroon at nakita ko ang Mama ni Jan, si Ken at si Malia. "K-kumusta po siya, Tita?" puno ng pag-aalalang tanong ko sa Mama ni Jan.
Yumuko ng bahagya si Tita Maddie at malungkot na tumingin sa akin. Base sa hitsura nila, hindi simpleng aksidente lang ang nangyari at kung simple lang 'yon sana gising na si Jan ngayon. "He's got into an accident nang pumunta siya sa bahay ninyo."
Lumingon ako kay Malia na bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Napaatras ako dahil sa gulat. Pumunta siya sa bahay at naaksidente?
Bumaling ako sa walang malay na si Jan. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. "Jan," banggit ko sa pangalan niya.
"Sabi ng doctor, he's already stable at hintayin na lang na magising. Hinihintay pa rin ang resulta ng CT-Scan para makumpirma kung may damage na nabuo sa ulo niya," paliwanag naman ni Ken.
Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha sa mga mata. Inilapit ko ang kamay ni Jan sa mukha ko at marahan 'yong hinalikan. "I'm sorry, Jan hindi ko alam," paghingi ko ng tawad dahil kung nandoon ako, baka hindi 'yon nangyari sa kaniya. "Gusto niyang ayusin ang relasyon ninyong dalawa kaya pinuntahan ka niya sa bahay mo pero naaksidente siya nang pauuwi na siya dahil wala ka sa bahay ninyo," sunod naman na kwento ni Tita Maddie.
Naitungo ko ang ulo ko sa kamay ni Jan habang umiiyak. "I'm sorry, Jan. Kung...kung nandoon sana ako, baka...baka hindi 'to nangyari sa 'yo," humihikbi kong sabi.
"Hindi mo kasalanan, Mar. Walang may kasalanan sa nangyari," ani Tita Maddie.
Hindi ako umimik habang hawak ko ng mahigpit ang kamay ni Jan. Sana umuwi ako ng gabing 'yon para nandoon ako at hindi siya naaksidente. Hindi sana siya nakaratay sa ospital at okay na sana ang lahat sa amin. "Tama si Tita, Mar no ones should be blame for what happened, it was an accident," segunda naman ni Malia. "For sure, he'll be okay. Gigising siya para ayusin ang relasyon niyo," dagdag pa nito.
Sa kabila ng mga narinig ko, hindi ko parin maiwasang sisihin ang sarili ko sa nangyari. Kung nandoon lang sana ako, malamang na hindi 'to mangyayari.
Hawak ko pa rin ang kamay ni Jan habang pinagmamasdan ang walang emosyon niyang mukha. Ako na muna ang nagpresentang magbantay sa kaniya habang umuwi muna sila Tita, Malia at Ken at baka bukas na uli sila bumalik, hatinggabi na rin kasi.
"I miss you, Jan. Hindi mo alam kung gaano ako halos mabaliw ng wala ka. Lalo kong na-realize kung gaano ka kaimportante sa akin. Natakot ako na baka tuluyan mo na akong iwan dahil sa nangyari no'ng gabing 'yon. Sobrang natakot ako at pinangako ko sa sarili ko I won't stop until I get you back." Ngumiti siya ng mapait. "But every time I get closer to you, the more you get away from me and it's damn hurt, Jan. Nadudurog ang puso ko sa tuwing lumalayo ka sa akin." Marahan kong hinimas ang kamay ni Jan at hinalikan 'yon. "Please, wake up and get back to what we were before," puno ng pagmamakaawa kong wika dahil patuloy kong sisisihin ang sarili ko kung hindi siya magigising. Tumayo ako mula sa pagkakaupo para ayusin ang kumot sa katawan ni Jan. Pinagmasdan ko ang mukha niya at ngumiti. Kahit natutulog na siya, nagagawa pa rin niya akong pangitiin. "Maghihintay ako, Jan." Inilapit ko ang labi ko sa noo niya at masuyo 'yong ginawaran ng halik. Bumalik ako sa upuan at muling hinawakan ang kamay niya. Gusto kong iparamdam ang init ng mga kamay ko at ang presensiya ko.
-
Napaungol ako ng tila may humaplos sa ulo. Bahagya akong gumalaw at hindi 'yon pinansin. Anong oras na kasi ako nakatulog nang nagdaang gabi kaya kung maaari sana gusto ko pang matulog ng mas mahaba. Inayos ko ang nakasubsub kong ulo sa kama at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kamay ni Jan. Natigilan ako at napakunot-noo nang tila gumanti ang kamay na 'yon. Naramdaman ko ang higpit ng hawak niyon sa kamay ko. Nagmulat ako ng mga mata at kinakabahang nag-angat ng ulo para tingnan si Jan. Biglang naglaglag ang pag-asa ko nang makita ko ang mahimbing pa rin na tulog ni Jan. Napabuga ako ng hangin at walang lakas na sumandal sa upuan. Binitawan ko ang kamay ni Jan at tumayo para magtungo sana sa comfort room ng silid pero napahinto ako ng makarinig ako ng tila ungol. Mabilis akong pumihit para lingunin si Jan pero ganoon na lang ang pagkadismaya ko ng wala pa rin namang nagbago sa kaniya, tulog pa rin siya.
Nasapo ko ang noo ko at napabuga ng hangin dahil sa inis at pagkadismaya. Kung ano-ano ng naiisip ko at naririnig dahil sa pananabik at pag-aalala ko.
Puno ng pakadismayang umupo ako sa bangko at saka yumuko habang sapo ng mga palad ko ang aking ulo. Kung hindi pa magigising si Jan, baka mabaliw na ako kakaisip at kahihintay sa pagbabalik niya. "Uhm."
Natigilan ako nang muli na naman akong makarinig ng ungol. Bumilis ang tibok ng puso ko. Nabuhay na naman ang pag-asa sa akin na sana pag-angat ng ulo ko, makikita kong nakamulat si Jan at nakangiti sa akin. Dahan-dahan akong nag-angat ng ulo habang pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba at excitement sa kung anong makikita ko sa pag-angat ng paningin ko. "Uhm."
Ganoon na lang ang paglaki ng mga mata ko nang makita ng mga mata ko ang bahagyang paggalaw ni Jan. Lumundag ang puso ko sa labis na tuwa at 'yong pag-asa ko na gigising na siya, walang hanggan. Hindi ako makapaniwala kaya pumikit ako ng ilang segundo at sa pagmulat ko lumundag ang puso ko at walang pagsidlan ang sayang bumalot sa akin nang makita ang bukas na mga mata ni Jan. Gising na siya. "J-Jan, you woke up," hindi makapaniwala at puno ng sayang sabi ko. "Gising ka na nga,” dagdag ko kasunod ang mabilis na pagyakap sa kaniya. Tila kay kulang na napunan sa akin nang maramdaman uli ang presensiya niya. Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya habang malapad ang mga labing nakangiti. Hindi ko maitago ang ligaya't sayang nararamdaman ko. "I'll call the doctor," sabi ko. "S-sino ka?"
Natigilan ako dahil sa narinig ko mula kay Jan. Tila boses na basag 'yon sa tainga ko. Ang sakit. Nakakabingi.
Biglang naglaho ang ligaya't saya sa mukha ko dahil sa sinabi niya. Parang binagsakan ako ng buong kisame. Bakit hindi niya ako kilala?
"Huh?" hindi makapaniwalang reaction ko.
"S-sino ka? Nasaan si Mama?"
Nanghina ako at napakapit sa kama. Hindi niya ako kilala? Epekto ba 'to ng aksidenteng nangyari sa kaniya?
"J-Jan. A-ako 'to si Mar," pagpapakilala ko sa sarili ko, puno ng pagtataka at pait.
"M-Mar?"
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Tumango ako, umaasang maalala niya. Pilit akong ngumiti at kinapa ang kamay niya. "Ako 'to si Mar, you're boyfriend," aniko.
"Boyfriend? Ikaw?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Tumango ako. "Maraming nangyari sa atin pero we never broke up," paliwanag ko.
"Nangyari? We did something?"
"No, ang ibig kong sabihing nangyari is the problems happened between us," seryoso kong balik.
"Do you love me?" direktang tanong niya.
Mabilis akong tumango ng paulit-ulit. "Yes, I do really love you, Jan. So much," walang pag-aalinlangan kong sabi.
Nagulat ako at natigilan sa sumunod na nangyari. Bahagya pa akong napaatras nang yakapin niya ako ng mahigpit. Napuno ng pagtataka at pagkalito ang isip ko. "J-Jan?"
"I miss you so much, Mar. I'm sorry for everything I've did to you. Nasaktan kita ng labis dahil sa takot at kaduwagan ko na harapin ang mga tao na kahawak ang kamay mo. I'm sorry!"
Hindi ako nakaimik. Nanatiling naka-angat ang mga kamay ko at 'di pa rin makagalaw ang katawan ko dahil sa pagkabigla.
Kumurap ako at dahan-dahang iginalaw ang kamay ko para gumanti sa yakap niya. "J-Jan, w-wala kang amnesia?" nagtataka kong tanong.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Wala. At kung meron man hindi-hindi kitang makakalimutan," seryoso niyang balik at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin. Napatawa ako dahil nakahinga na ako ng maluwag. Akala ko'y mayroon nga siyang amnesia at nakalimutan ako. Kung nagkataon man, hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako, nakangiti. "I'm sorry nagpanggap akong may amnesia. Gusto ko lang makita ang reaction mo at malamang mahal mo pa ako." Ngumuso ako. "Akala ko kasi hindi mo na ako mahal at nagsawa ka na sa akin kaya ayaw mo na akong kausapin ng gabing 'yon," malungkot na sabi niya.
Saglit akong pumikit. Binasa ko ang labi ko at saka ngumiti. "I'm sorry hindi ko intensyon na 'di ka kausapin nang gabing 'yon, sadyang wala lang ako sa bahay." Kinulong ko ang pisngi niya sa palad ko. "Hindi ako mapapagod at magsasawa na mahalin at intindihin ka. I love you, Jan."
Ngumiti siya at ganoon din ako. Naglaho lahat ng lungkot at takot sa puso ko at napalitan 'yon ng walang hanggang saya't ligaya. Napawi na ang sakit at pangambang meron ako. Marahan kong hinalikan ang noo niya. Binaba ko ang ulo ko hanggang maghinang ang aming mga noo.
"I'm sorry, Mar. I love you."
"Shhh! Tapos na 'yon, Jan ang mahalaga nandito ka na uli at wala na ang takot sa puso mo. I love you and I won't let you afraid again," paninigurado niya.
"Hindi na uli ako matatakot, Mar dahil napatunayan ko na kung gaano mo ako kamahal. Salamat for loving me that much."
Pumikit siya at inilapit ang labi patungo sa akin. Naghinang ang mga labi naming dalawa. Puno ng pagmamahal ang masuyong paggalaw ng mga labi namin. Nanabik sa isa't isa. Kapwa matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi namin nang maghiwalay 'yon sa isa't isa. Magkahinang pa rin ang mga noo namin at halos magkadikit ang mga mukha naming dalawa. "Hey."
Mabilis na naghiwalay ang ulo namin at sabay na napalingon sa pinto.
"Anong ibig sabihin nito?" gulat na tanong ni Malia. Sa tabi nito, nandoon si Ken at Tita Maddie.
Mabilis na lumapit ang tatlo kay Jan. "Gising ka na, nak. Okay ka na ba? Walang masakit sa 'yo?" puno ng pag-aalalang tanong ni Tita Maddie sa anak.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Ngumiti si Jan. "Okay na po ako, 'Ma, huwag na po kayong mag-alala."
"Mukha ngang okay na okay na siya, Tita. Kita mo naman kanina kung paano magdikit ang mga mukha nila, 'di ba? He's already okay, pwede na nga siyang ma-discharge, eh," pagbibiro ni Malia. Bumaling si Jan kay Malia at pinandilatan ito. "He just checked my head," pagsisinungalin niya.
Natawa si Malia. "Wow! Grabi naman mag-check 'tong si Mar, sobrang lapit. Check mo nga rin labi ko parang may sugat, nakagat ko kasi." Lumapit ito sa akin at inilapit ang ulo.
Napangiti ako at napaatras.
"Let me check," sabat naman ni Ken at hinila si Malia palapit dito.
Natigilan kami at nagulat ng halos magdikit na ang mukha nilang dalawa na parang wala kami roon. Marahan pang hinagod ni Ken ang gilid ng labi ni Malia. Nagtataka pa kaming nagkatingin ni Jan. "A-ano ka ba," nabulol na saway ni Malia na bahagyang tinulak si Ken.
"Chineck ko lang," simpleng anito.
"Hoy!"
Napapitlag na napalingon sa akin sa amin si Malia. Nataranta.
"Hmmm! Nakatulog lang ako may something na agad sa inyo," pagbibiro ni Jan.
"Something? There's nothing between us," depensa agad ni Malia.
"Okay ka na ba, Jan? I'll call the Doctor to check you up," ani naman ni Ken at tumalikod para lumabas.
Natawa na lang kaming tatlo habang halata ang hiya kay Malia.
"Thank you, Mar sa pag-aalaga sa anak ko," nakangiting sabi ni Tita Maddie sa akin.
Ngumiti ako. "Walang anuman po, Tita. As his boyfriend it's my duty to look after him and taking care of him," puno ng damdamin kong sagot.
Masayang ngumiti si Tita, maging si Jan at Malia.
"Mukhang hindi ko na kailangang tanungin kung okay na ba kayo o hindi dahil base sa nakikita ko, higit pa sa okay ang relasyon niyo ngayon," ani Tita, puno ng kahulugan. Makahulugan pa itong tumingin sa akin at kay Jan. "Ma," saway ni Jan na nahihiya.
"Aysus, nahiya ka pa, eh nakita na namin kung paano mo halikan si Mar," diretso ni Tita.
"Ma naman, eh."
Natawa na lang kaming tatlo. Mayamaya pa'y bumalik na si Ken kasama ang Doctor. Nahihiya pa rin ito at dumistansiya kay Malia. Masasabi kong mayroon ngang something sa kanilang dalawa. Napangiti na lang ako. Nawala na ng tuluyan ang pangamba ko ng sabihin ng Doctor na wala namang serious damage sa ulo ni Jan. Pahinga na lang daw at pagpapagaling sa sugat ang kailangan ni Jan. Maaari na rin siyang ma-discharge by next day. Sa dami ng nangyari, hindi ko inakala na magtatapos ang lahat sa ganito. Maraming nangyari pero hindi 'yon naging dahilan para tuluyan kaming magkasira ni Jan, higit ito pa ang naging dahilan para lalong maging matibay ang relasyon namin.
No'ng una, hindi ko matanggap sa sarili ko na may nararamdaman ako sa kaibigan ko. Hindi siya babae at never kong nakita ang sarili ko na magmamahal ng kapwa ko lalaki. Pero mukhang hindi nga mapipili ang taong mamahalin natin dahil kapag tumibok na ang puso natin sa isang tao, hindi na mahalaga kung anong pagkatao o gender nito.
At ito na ang resulta ng pag-ibig na pinaglaban ko. Masaya na akong kapiling si Jan at wala akong pakialam sa mga taong ang tingin sa relasyon namin ay mali. Ang alam ko, mahal ko si Jan at wala akong pakialam kung lalaki rin siya dahil naniniwala akong ang pag-ibig, nararamdaman at hindi nakikita sa pagkatao at gender ng isa tao.