Our Own Kind of Story

Chapter 18:



"Nak, nandito ang pinsan mo," narinig kong sigaw ni Mama mula sa labas ng pinto ng silid ko.

Nagmulat ako ng mga mata, saka uminat. Hanggang ngayon mahapdi pa rin ang mga mata ko kakaiyak tuwing gabi na kahit anong pigil ko hindi ko magawa. Kailan ba mahihibasan ang mata ko at hihinto sa pagtulo ng luha?

Ilang araw na ba ang nakararaan simula nang gabing 'yon? Isang linggo na rin pero heto pa rin ako at nagmumukmok sa sarili kong silid. Umiiyak. Naghihirap ang kalooban. Natatakot na harapin ang sitwasyon.

Sa tuwing naaalala ko ang gabing 'yon, gusto kong bumalik at baguhin ang pangyayari. Lakas loob na inihayag ni Mar ang pag-ibig niya sa akin sa harap ng maraming tao. Pinakita niya kung gaano siya ka-willing ipagsigawan kung sino ako sa buhay niya. Pero anong ginawa ko? Naduwag ako at hindi siya nagawang ipaglaban.

Walang ganang sumandal ako sa head board ng kama at niyakap ang unan. Hanggang kailan ba ako magiging ganito?

Naputol ang pag-iisip ko ng may kumatok ng napakalakas sa pinto. "Jan, open the door or do you want me to break it? Tita, do you have palakol?" sigaw ni Malia.

"Wait, hahanapin ko," balik naman ni Mama na akala mo'y seryoso.

Pumikit ako ng marahan saka napailing. Nakailang balik na ba si Malia rito sa bahay para kausapin ako? Palitan lang naman sila ni Mar pero walang nagtatagumpay sa kanila para kausapin ako.

"Hanggang kailan ka ba magtatago riyan sa silid mo, huh? Araw-araw akong bumabalik, maawa ka naman," pagmamakaawa niya.

Bumuga ako ng hangin, saka umalis sa kama para pagbuksan si Malia ng pinto.

"Anong kailangan mo?" malamig kong tanong.

Lumawak ang pagkakangiti ni Malia nang makita ako. Mabilis niya akong nilundag para yakapin ng mahigpit. "Finally, I miss you, Jan."

Hindi ako gumanti. Napakunot pa ang noo ko. "Hindi pa ako naliligo, bumitaw ka nga," saway ko na ginawa naman niya.

"Tita," tawag ni Malia kay Mama na agad namang tumalima. "Tita, look your son, is he your son or not?" tila may pagdududang tanong niya.

"Of course he is." Natawa si Mama.

Nangunot ang noo ni Malia at sinuri ako. "Akala ko kasi Tita ibang Jan ang kaharap ko. Tingnan mo kung gaano ka pumayat, Jan. Kung paano lumalim 'yang mga mata mo at nagkaroon ng malaking eye bug. Mukhang hindi mo na rin naaasikaso 'yang sarili mo," puna niya.

"Medyo tama ka, Malia mukhang medyo hindi siya ang anak ko," pagsang-ayon naman ni Mama.

Sumimangot ako. "Ma," reklamo ko. "I'm just miserable but still I'm your son," rason ko.

"My son isn't going miserable," balik ni Mama.

"Ma," reaction ko.

"Tita, hayaan niyo I'll talk to your new son," sabat ni Malia.

"Sige, kausapin mo nga 'yang pinsan mo at ipagluluto ko kayo," ani Mama, saka tumalima na patungo sa kusina.

Sinarado ni Malia ang pinto at iginiya ako sa gilid ng kama. "Salamat naman at pinagbuksan mo ako," tila naiinis na sabi niya.

Hindi ako umimik. Yumuko lang ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. Alam ko na ang maririnig ko mula sa kaniya.

"I understand you, Jan. Alam ko kung gaano kahirap 'to para sa 'yo. I'm worried after that night lalo na nang malaman ko ang nangyari sa inyo ni Ken. Patong-patong na bigat at sakit na pala 'yang nararamadaman mo pero you still here in your room alone," simula niya.

Naalala ko na naman ang nangyari sa amin ni Ken na dumadagdag sa sakit at bigat na nararamdaman ko. Simula nang gabing 'yon, ilang beses akong tinext at tinawagan ni Ken. Nag-aalala siya sa akin dahil sa mga nangyari.

"Hindi ko alam kung ano'ng meron kayo ni Ken no'ng wala ako pero sana bigyan mo pa rin siya ng pagkakataon para mapatawad mo," aniya. "He's worried to you, Jan."

Humarap ako kay Malia. "Hindi ko alam Malia, kung handa na ba akong magpatawad kung hanggang ngayon 'di ko pa rin mapatawad ang sarili ko sa pananakit ko kay Mar," puno ng lungkot na sagot ko.

"Jan, hindi pa naman huli ang lahat. Kaya mo pang pawiin lahat ng sakit na naidulot mo kay Mar. He really loves you."

"Alam ko 'yon, Malia pero parang 'di sapat ang pagmamahal ko para ipaglaban siya."

"You can't fight with him if you still afraid of facing the reality." Lumipad ang kamay niya sa balikat ko at hinimas 'yon ng marahan kasunod ang mahigpit niyang yakap. "Nandito lang ako kung kailangan mo ng kausap." "Salamat, Malia." Naramdaman ko na naman ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

"Ang baho mo na maligo ka na," aniya matapos humiwalay sa akin. Tumawa siya.

Sumimangot ako. "Hoy, 'di pa ako naliligo pero hindi ako mabaho," pagtatanggol ko.

"Maligo ka na," natatawa pa ring sabi niya.

Tumayo ako. "Oo na, maliligo na. Sige na lumabas ka na sa silid ko," pagtataboy ko. Hinawakan ko siya sa braso at hinila palabas sa silid ko at sinarado ang pinto.

Tinitigan ko ang tumutunog kong cellphone na nasa center table sa living room. Ilang beses na bang tumunog 'yon? Hindi ko na mabilang.

Tumingala ako at pinikit ang mga mata ko. Nagsisimula na namang manubig ang mga iyon.

Ano pa bang mukhang maihaharap ko kay Mar sa kabila ng mga ginawa ko sa kaniya? Wala na akong dahilan pa para harapin siya dahil labis na sakit lang ang ibinigay ko sa kaniya.

"Nak, 'di mo ba sasagutin 'yang tumatawag sa 'yo?" pukaw ni Mama sa akin.

Napapitlag ako at mabilis na bumaling kay Mama. "Po?"

"May tumatawag," aniya.

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at pinatay iyon. Ngumiti ako kay Mama kahit hindi man lang 'yon umabot sa tainga ko. Mayamaya pa'y nakarinig kami ng doorbell kaya nagtatakang nagkatinginan kaming dalawa dahil kakaalis lang naman ni Malia.

"Ako nang magbubukas," presenta ni Mama at naglakad patungo sa pinto.

Hinintay kong bumalik si Mama at mayamaya'y bumalik na nga siya. Tiningnan ko siya, nagtatanong.

"Hindi mo pa rin ba siya haharapin?"

Nangunot ang noo ko at agad na kinabahan sa tanong na 'yon ni Mama dahil kahulugan lang 'yon na si Mar na naman ang nasa labas. Pakiramdan ko tinakasan ako ng dugo sa buong katawan kasabay ang pagbilis ng kabog ng dibdib ko. Hindi agad ako nakasagot. Nabahala ako. Naguguluhan. May parte sa akin na gustong kausapin si Mar at may parteng kasalungat niyon. May pananabik na sumusulpot sa akin pero may takot at pangambang bumabalot doon. Umiling ako kay Mama. "Hindi ko po kaya," pagtatapat ko, saka mabilis na tumayo at naglakad patungo sa silid ko.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Mabilis kong binagsak ang sarili ko sa kama at isinubsob ang ulo ko sa unan kasabay ng pagluwa ng luha sa mga mata ko dulot ng sakit na nararamdaman ko.

Bakit kailangang umabot sa ganito? Bakit kailangang saktan ko siya ng labis at masaktan ako ng ganito katindi? Damn! Ang hirap. Pakiramdam ko ginugusumot na tila papel ang puso kong nagdurugo dahil sa kaduwagan kong harapin ang katotohanan.

Naalala ko noong panahong gustong subukan ni Mar ang relasyon namin, na baka mag-work. Galit na galit ako dahil ayaw ko ng try out pagdating sa pag-ibig, gusto ko sigurado. At nang dumating ang panahon na sigurado na si Mar, ako naman 'tong natakot at naduwag. Ako pala 'tong 'di sigurado.

Ang dami kong pinangangalagaan sa aming dalawa ni Mar at ayaw kong masayang lahat ng 'yon, pero anong ginagawa ko? Sinasayang ko ang lahat dahil sa takot at pangamba ko. Damn! I don't deserve him.

Matapos ang isang linggong pag-absent ko sa klase, nagpasiya na akong bumalik at ayusin muli ang sarili ko. Masyado ng naaapektuhan ang pag-aaral ko dahil sa sitwasyon namin ni Mar. Gusto ko ring maka-graduate kaya kahit hindi pa ako handang harapin si Mar, kailangan kong gawin.

"I'm glad you here, akala ko talaga magda-drop ka na, eh," salubong sa akin ni Malia nang makapasok ako sa classroom. Hindi ko pinansin ang mga kaklase kong nakatingin sa akin. Hindi ko na sila pag-aaksayahan ng panahon para basahin ang iniisip nila sa akin. Mabuti na rin at wala roon si Mar at si Ken naman, tahimik lang na nakaupo sa gilid.

Umupo ako sa upuan na para sa akin. "Of course not, ga-graduate ako, Malia," sabi ko.

"Good. Pero wait, aware ka naman siguro na kaklase mo si Mar, right?" Umupo siya sa tapat na na upuan.

Hindi agad ako nakaimik. Sa pagbanggit lang ng pangalan ni Mar, nagkakagulo-gulo na ang utak at damdamin ko. "Uhm."

"So, ready ka na?"

"I don't need to be ready, Malia," pakli ko habang nakayuko at nakatingin sa mga gamit ko.

"OMG, Jan," narinig kong reaction niya na tila nagulat at na-excite.

"Bakit?"

"Mar is here, he's damn looking at you right now."

Biglang hindi ako makagalaw. Nagka-step neck ata ako at hindi ko magalaw ang ulo ko para lumingon.

Marahan akong pumikit at bumuga ng hangin. Pinilit ko ang sarili ko na umaktong normal na hindi apektado ng presensiya ni Mar.

Mabuti na lang at dumating na ang unang teacher namin para sa umagang 'yon kaya nagkaroon ng pagbabago sa atmosphere ng silid.

Habang nagkaklase, gusto kong lumingon sa kung nasaan si Mar. Nanabik ang mga mata kong masilayan siya maging ang puso ko. Gusto kong tumakbo at yakapin siya at sabihing 'sorry'. I really miss him at ang pananabik na 'yon ay mananatiling pananabik na lamang.

"Hintayin mo na lang ako sa cafeteria, magre-rest room lang ako," paalam ko kay Malia matapos ang klase at iniwan siya para tumungo sa rest room para umihi.

Matapos kong umihi, naghugas ako ng kamay at humarap sa salamin. Hindi na ako nagulat sa nakita kong repleksiyon ng mukha ko. Ang laki ng pinayat ko at halata sa mukha ko na lagi akong puyat dahil sa eye bug at maitim na paligid ng mga mata ko. Pati pala sarili ko napabayaan ko na.

"Jan."

Para akong naging malamig na bato nang marinig ko ang boses na 'yon. Hindi ako nakagalaw at nagulat nang makita ko sa salamin ang repleksiyon ni Mar. Malamlam ang mga mata niya na tila namamaga dahil sa eye bug niyon. Medyo namayat din siya.

Hindi ako nakaimik. Pakiramdam ko nagkagulo-gulo ang mga bituka ko na naghatid ng kaba at pagkalito sa akin. Kumabog din ng malakas ang dibdib ko.

"Jan, please let's talk," puno ng pagmamakaawa aniya.

Pinilit ko ang sarili ko na gumalaw. Inayos ko ang sarili ko sa harap ng salamin, saka pumihit at walang imik na humakbang palabas ng rest room pero hindi pa man ako nakakalabas ng biglang hawakan ni Mar ang braso ko at walang pasubaling hinila ako palapit sa kaniya. Tila isang boltaheng kuryente ang dumaloy sa akin. Niyakap niya ako habang walang naging ganti galing sa akin.

"I really miss you, Jan. Mababaliw ako kapag wala ka sa tabi ko, please bumalik ka na," pagmamakaawa niya, puno ng lungkot at pighati.

Pumikit ako at walang salitang namutawi sa bibig ko. I'm sorry, Jan. Nagmulat ako at nag-ipon ng lakas ng loob para kumalas sa yakap niya. Nadudurog ang puso ko sa nakikita kong pait at sakit sa mukha ni Mar. Nagi-guilty ako. Mabilis akong tumalikod bago pa niya makita ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

Sunod-sunod na bumagsak ang luha sa mga mata ko, walang patid.

I'm so sorry, Mar!

Ganito pala kasakit kapag ikaw ang dahilan kung bakit nasasaktan ang taong mahal mo. Ganito pala 'yong pakiramdam na wala kang magawa dahil takot ka at duwag kang harapin ang kinatatakutan mo. Dahil sa nangyari, hindi ako sumunod kay Malia sa cafeteria. Tumungo ako sa plaza para magpalipas ng sama ng loob para sa sarili ko.

Naglakad-lakad ako sa plaza na imbis makapagpatahan ng luha sa mga mata ko, nagpaluha pang lalo sa akin. Bumabalik lahat ng alaala ko na kasama ko si Mar sa plaza at masaya kaming nagkukulitan, walang problema at walang kinatatakutan.

Being in love with a best friend is really taking the risks. Marami akong kinatatakutan noon na baka kapag umamin ako, masira at maglaho ang lahat ng meron sa amin. Na baka pag natapos, maiiwan akong sugatan at maglalaho ang kaibigan ko. 'Yong takot ko, sinubukan kong labanan at sa huli ako lang pala ang sisira ng lahat. Sarili ko pala 'yong dapat kong katakutan dahil ako mismo ang dahilan kung mawawala man ang lahat sa amin ni Mar. Pinahid ko ang luha sa mga mata ko at umupo sa bench sa ilalim ng malaking puno. Huminga ako ng malalim.

"Kaya ko 'to, matatapos din ang lahat," pagche-cheer ko sa sarili ko.

"Of course you can, ikaw kaya si Jan."

Kumunot ang noo ko nang lumitaw sa harap ko ang pamilyar na bulto.

"Here." May inabot siyang bottle ng tubig. "Malamnan man lang ng tubig 'yang tiyan mo," aniya pa.

Tuminga ako at tumambad sa akin si Ken, nakangiti na para bang wala siyang kasalanan sa akin. Umiwas ako at muling yumuko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin limot ang ginawa niya sa aking panluluko. Marahas kong kinuha ng bottle at ininom 'yon, medyo uhaw na rin pati ako.

Naramdaman kong umupo siya sa tabi. Ipinatong niya ang mga siko sa tuhod niya habang hawak ang bottle na para sa kaniya.

"Ilang beses na ba kitang nakitang umiyak dahil kay Mar?" tanong niya na nakatingin sa malawak na plaza. "I know a lot about your feelings for him. Ilang beses na kitang nakitang umiyak, ngumiti, at nasaktan dahil sa kaniya pero you still keep on holding to him kahit pa no'ng una hindi ka sigurado sa nararamdaman niya para sa 'yo."

"Bakit mo sinasabi ang mga 'yan?" seryoso kong tanong.

Kumibit-balikat siya. "I'm telling this to you to remind your sacrifices for him. Ginawa mo na ang lahat para sa kaniya tapos ngayon ka pa susuko? Nakita ko, ng mga mata ko kung gaano mo siya kamahal." Tumawa siya. "Kahit masakit para sa akin. Wala, eh siya talaga 'yong mahal mo." May nakapa akong pait sa huling sinabi niya.

"Sinasabi mo ba 'to dahil may kasalanan ka sa akin?"

Humarap siya sa akin. "Of course not." Sumeryoso niya. "I'm sorry sa lahat ng ginawa ko sa 'yo. I lied at dapat akong parusahan pero sa pagkakataong 'to, hayaan mo munang maging kaibigan mo ako dahil alam kong kailangan mo ng kaibigan. Tanggap ko kung hanggang ngayon galit ka pa rin. Sige, isumpa mo ako pero hayaan mo muna akong maging kaibigan ka uli," puno ng sinseridad niyang sabi.

Umiwas ako. Lumanding ang mga mata ko sa plaza. "Kung ginagawa mo 'to para mapatawad kita, itigil mo na," banta ko.

Napabuga ng hangin si Ken, saka napakamot sa noo. "Hindi ko 'to ginagawa para linisin ang sarili ko sa 'yo, ginagawa ko 'to bilang kaibigan mo. Oo, niloku kita pero hindi no'n maitatanggi na tunay akong naging kaibigan sa 'yo. At kung 'di mo 'yon paniniwalaan, fine pero I'll stay here," matigas niyang balik.

"Do what you want," masungit kong sabi.

Pero sa totoo lang, alam ko sa sarili ko na kahit pa paano napatawad ko na siya. Hindi maikakaila na kahit nagsinungalin siya, naging mabuti pa rin siya sa akin. Tiniis niya ang masaktan sa pananatili sa tabi ko. Hihintayin ko na lang na lubos ko na siyang mapatawad.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.