Chapter 16:
Kinaumagahan lumabas na nga ng hospital si Malia pero hindi muna ito pumasok dahil bilin ng doctor na kailangan pa nito ng pahinga. "Handa ka na ba para sa Ball, Mar? Kasi ako excited na ako."
Tumirik ang mga mata ko ng marinig 'yon mula kay Jame. Naiinis ako sa babaeng 'to. Dinaig pa ako sa pagpulupot kay Mar, eh ako 'tong jowa. "Excited ka Ken?" baling ko sa kaniya na nasa tabi ko.
Pahinga namin ng practice at kasalukuyan kaming nakaupo sa bench kung saan nandito rin si Jame na feeling girlfriend ni Mar.
Kumunot ang noo ni Ken sa tanong ko, nagtataka. Kapagkuwa'y umiling siya. "No, I'm not excited," seryosong sagot niya.
"This is not exciting, isn't?"
Pinigilan ko ang matawa sa naging sagot ni Mar kay Jame, sigurado akong gusumot na ang mukha ni Jame at 'di maipinta sa pagkainis. "You're not excited to dance with me?" parang batang tanong pa ni Jame.
"Of course...not."
Dahil doon natawa na talaga ako kaya mabilis kong tinakluban ng palad ko ang bibig ko at tahimik na tumawa.
"Bakit ka tumatawa? There's nothing funny anymore," inis na baling ni Jame sa akin.
Sumeryoso ako, pilit pinipigilan ang pagtawa. "Hindi ako tumatawa, Jame don't you see?"
Marahas na tumayo si Jame at inis na nagpapadyak sa semento. Kulang na lang ay sumabog siya sa galit at inis. Mabilis nitong nilisan ang lugar na puno ng ngitngit.
Muli na naman akong tumawa at hindi na 'yon pinigilan pa.
"You're obvious."
Natigil ang pagtawa ko nang magsalita si Ken, seryoso siya.
"Huh? Obvious?" hindi ko maintindihang ulit sa sinabi niya.
-
"Are you guys ready for the Ball?" seryoso kong tanong kay Mar at Jan habang palabas kami ng campus. Katatapos lang ng practice namin at sa isang araw na ang gaganapin ang Ball kaya puspusan na ang pagpa-practice. Humarap sa akin si Mar, nakapamulsa siya. "A little bit," kibit-balikat niyang sagot.
"Ikaw Ken?" baling ko naman kay Ken na tahimik pa rin sa 'di ko alam na dahilan.
Hanggang ngayon, 'di pa rin bumabalik 'yong Ken na kilala ko noon. May kakaiba pa rin dito. Naninibago ako dahil tila ang lamig nito sa akin.
Hindi niya ako nilingon. "There's nothing to be excited of," seryoso anito.
Kusang bumakas ang lungkot at pagtataka sa mga mata ko dahil sa malamig na sagot nito sa akin. Hindi ako nakaimik dahil pakiramdam ko hindi na si Ken natutuwa na kasama at kausap ako.
Nang makalabas kami ng campus, walang paalam na umalis si Ken at sumakay sa itim na kotse. Napabuntong-hininga ako at bumaling kay Mar, malungkot ang mga mata. Naramdaman ko ang kamay ni Mar na hinawakan ang mga kamay ko at ngumiti sa akin.
"Alam kong nalulungkot ka," mahinahon niyang sabi.
Pumikit ako saglit habang nakayuko ng bahagya. Tama si Mar, nalulungkot ako. Nalulungkot ako sa malaking pagbabago ni Ken ng biglaan. At hindi ko alam ang dahilan.
"I don't know why he suddenly act like that, Mar. Bigla na lang nagbago si Ken, napakalamig niya sa akin, iniiwasan niya ako, ni hindi siya makatingin sa mga mata ko. Hindi na siya gaya ng dati," pag-amin ko habang naguguluhan. "Jan, hindi mo kailangang ma-frustrate ng ganiyan. Talk to him, kausapin mo siya dahil for sure he has a reason," mahinahanong payo ni Ken sa akin.
Nagtama ang mga mata namin. Ngumuso ako. "Sigurado ka na kapag kinausap ko siya sasabihin niya ang dahilan?"
"Hmm!" Nag-isip siya, saka ngumiti. "Hindi."
Napasimangot ako at pinalo siya sa kamay. Napakawalang-kwentang sagot.
Tumawa siya. "I mean, I'm not sure if he'll gonna tell you what his reason is pero kaibigan mo siya, Jan kaya sigurado akong sasabihin niya kung anong dahilan niya," biglang seryosong sabi niya.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"You think so?"
Tumango siya, puno ng assurance. Dahil doon, nahawa ang mga labi ko. Ngumiti ako at niyakap ko siya.
"Salamat, Mar for understanding me," marahan kong sabi habang nakatingala sa kaniya para makita ko ang mukha niya.
Nakayuko naman siya habang mahigpit ang yakap sa baywang ko. "I need to be mature enough to understand you, Jan and you taught me how. Mahal kita, Jan at bilang boyfriend mo responsibilidad kong intindihin ka," puno ng emosyong aniya, saka hinalikan ako sa noo.
Kahit matagal na kaming ganito, lumundag pa rin ang puso ko sa kilig dulot ng ginawa ni Mar sa akin. Parang bago pa rin ang lahat. Walang kasingsaya ang damdamin ko ngayon dahil nakikita ko na kung paano nagbago si Mar at kung paano naging mature ang pag-iisip niya para unawain ang lahat ng bagay.
-
Pagpasok ko pa lang sa school si Ken na agad ang hinanap ng mga mata ko pero hindi ko siya mahagilap. Bakit ba napakailap na ng lalaking 'yon? Iniiwasan niya ba ako o tinataguan? Hindi rin siya pumasok sa unang klase at sa mga sumunod. Hindi rin siya nagre-reply sa mga texts ko sa kaniya.
Matapos ang klase, nagpaalam ako kay Mar na hahanapin ko si Ken at hindi na niya ako kailangang samahan pa. Napuntahan ko na ang halos lahat ng alam kong maaaring puntahan ni Ken pero wala siya roon. Nasaan na ba 'yon? Laylay ang balikat na naglakad ako pabalik sa classroom. Bakas din ang pagkadismaya sa mukha ko at ang pagod sa paghahanap kay Ken.
Nang malapit na ako sa conference room, nakita kong lumabas doon si Jame at mabilis na naglakad palayo roon.
Nagtaka ako. Dito ko rin siya noon nakitang lumabas at sumunod si Ken. Tama, baka nandito uli si Ken.
Mabilis akong naglakad patungo sa pinto ng conference room at agad na binuksan ang pinto niyon. Sinalubong ako ng tahimik na silid at walang bakas na may tao roon. Iginala ko ang paligid ko habang pumapasok sa malaking silid na puro bakante ang mga upuan.
"Ken," banggit ko sa pangalan niya nang makita ko ang bulto niya sa gawing gilid ng silid. Nakapatong ang ulo niya sa lamesa roon.
Tila hindi niya ako napansin kaya tinawag ko uli ang pangalan niya pero hindi pa rin siya nagising.
Lumapit ako sa kaniya at tinapik pero tila hindi pa rin niya nararamdaman na nandoon ako. Nilakasan ko pa ang pagyugyog sa balikat niya at sa wakas naging epektibo iyon.
"Bakit ba?" iritadong tanong niya nang maiangat ang ulo mula sa lamesa. Tila hindi siya natutuwa na makita ako roon.
"Ken, ako lang 'to si Jan," pagbibiro ko dahil sa medyo mataas niyang boses.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! "Anong kailangan mo?" seryoso at walang lingon na tanong niya.
Hindi ko 'yon pinansin. May iba muna akong gustong itanong. "Kilala mo si Jame? I saw her lately na lumabas mula rito," usisa ko.
Naagaw ko ang atensyon niya dahil sa sinabi ko. Bakas ang gulat sa mukha niya na tila 'di inaasahan ang itatanong ko.
"It's none of your business, Jan," masungit niyang balik.
Pinilit ko ang sarili ko na kumalma kahit gusto ko nang tanungin si Ken kung bakit ganito na lang siya kung magsalit sa akin, na parang 'di niya ako kaibigan.
"Let me guess, she's the girl you've told me before, right?" ngumiti ako at kinulbit pa siya sa tagiliran para alaskahin pero iritado lang siyang pumiksi.
"What you're talking about, Jan. You're nonsense. Just let me alone," aniya at muling yumuko para ipatong ang ulo sa lamesa.
Suminghap ako. Nagbuga ako ng malalim na hininga. "Ken, mag-usap nga tayo," seryoso ko ng sabi.
"We don't need to talk."
"Ano bang problema mo, huh? You're acting strange this past few days at nahihirapan akong isipin kong bakit. Ken, kaibigan mo ako you can tell me anything, makikinig ako," kunot-noo kong kompronta.
Wala akong sagot na nakuha mula sa kaniya. Nagsimula na akong mainis kay Ken. "Ken, ano ba? I'm talking to you please kahit ngayon lang ulit harapin mo naman ako," pakiusap ko. "Mababaliw na ako sa kakaisip kung bakit kung itrato mo ako parang 'di mo kaibigan. I'm too stressed thinking what I've done wrong para bigla ka na lang magbago. Napakalamig mo sa akin. Iniiwasan mo ako. Pakiramdam ko ang layo mo na sa akin, Ken," puno ng hinanakit kong sabi. Napamaywang ako dahil ni tango o tinig wala akong nakuha. Napabuga ako ng hangin.
"Ken, sabihin mo kung may nagawa akong mali, huwag mo naman akong gawing tanga sa harap mo na parang kinakausap ko 'yong istatwa na kahit kailan hindi ako sasagutin. Nag-aalala ako sa 'yo kaya gusto kong malaman baka may maitutulong ako,” diretso ko sa pagsasalita kahit 'di pa rin siya nagbabago ng posisyon.
"Hindi ba magkaibigan tayo? You taught me a lot, Ken. Marami kang bagay na ipina-realize sa akin no'ng panahong naguguluhan ako kaya please let me help you. Baka may-"
"You can't do anything about this, Jan. Wala kang maitutulong. Sige nga, kapag sinabi ko bang mahalin mo ako magagawa mo? Kapag ba sinabi kong ako na lang at 'wag na si Mar, ako ba ang pipiliin mo?" tila sumabog na mga tanong ni Ken. Marahas siyang tumayo. "Hindi mo kaya, 'di ba? Kaya huwag mo akong tanungin kung anong problema kung 'di mo ako matutulungan."
Narinig ko ang marahas na pagsipa niya sa mga bangko bago ako iniwan doon.
Natulala ako sa mga narinig ko mula kay Ken. Hindi ako makagalaw. Naguguluhan ako sa mga sinabi niya. Pakiramdam ko nawalan ako ng lakas dahil sa kabang nararamdaman ko. Ngayon ko lang nakita si Ken na ganoon sa akin. Bakit? Hindi pa napoproseso ng utak ko ang nangyari at ang mga narinig ko mula kay Ken.