Chapter CHAPTER 17
Isang buwan na ang lumipas simula noong umamin si Mr. Lewis kay Nicolah sa nararamdaman niya.
Hindi pa rin makapaniwala si Nicolah na may gusto ito sa kanya. Ngunit tulad ng napag-usapan nila, giniba na nila ang pader na nasa pagitan nila. Nagpapansinan na sila ng wala nang ilangan sa isa't-isa. Bagaman andoon pa din ang respeto niya dito bilang boss niya lalo na't kapag nasa trabaho sila.
At hindi lang iyon, dahil simula din no'n ay mas naging malapit pa sila sa isa't-isa. Minsan kasi ay sinasabayan pa siya nitong kumain lalo na kapag nakita nito na mag isa lang siya tuwing break time niya. At dahil din doon marami din siyang natuklasan patungkol dito. Kung gaano ito ka mabuting tao, ka dedikado sa trabaho, ka makapagkumbaba, at matulungin lalo na sa mga trabahante nito, at marami pang iba.
"Nicz, what's your ulam?", tanong ni Beau na nasa likod niya. Nag-aayos na ito ng black apron na sinasabit sa may bewang kasama sa uniform nila.
Malapit na ang break-time ni Nicolah kaya nasa may service counter na siya ngayon, nagpupunas ng mga cutleries na ginamit sa service kanina. Samantalang si Beau naman ay kakapasok lang ngayon dahil closing ang schedule nito. Hindi niya alam kung sinadya ba iyon o hindi. Pero right after that day na pinagalitan siya ni Mr. Lewis nang makita siyang tumatawa kasama si Beau, hindi na pareho ang schedule nila ni Beau. Nasanay man na palagi silang magkasama ay wala na silang magagawa dahil utos iyon ng boss nila.
Itinukod ni Nicolah ang sarili sa may counter bago hinarap si Beau. Madarama siyang bumuntong hininga at napapailing kunwari, "My gosh, Beau! Kakapasok mo lang tapos ulam ko na ang tinatanong mo? Tsk!", mahinang sambit niya dito habang patuloy pa din sa pagpupunas ng kutsara.
"I miss you kasi.. I—I mean na miss ko na yong pork humba na baon mo.", napakamot ito sa batok at namumula ang mga tenga. Hindi halos makatingin sa kanya.
Tumaas ang kilay niya at napanguso siya, pinipigilan ang sarili na wag matawa dahil sa inaasal ni Beau sa harapan niya.
Lumapit siya sa may gilid nito at inilapit ang labi niya sa may tenga nito, "Weh? Narinig ko yon no! Aminin mo na lang kasi na namiss mo din ako at hindi lang ang ulam ko.", panunuya niyang wika kay Beau.
Nalukot naman ang mukha nito at sumagot sa kanya, "Hey, wag kang fee-", naputol ang sasabihin nito ng bigla nalang dumating si Mr. Lewis at lumapit sa kanila.
“Farrah, di ba break-time mo na? Mag punch-out kana at si Beau na ang patapusin mo niyan." pasimpleng sinilip ni Nicolah ang oras sa may POS at nakitang 2:10 PM na pala. Kailangan niya na ngang mag break, buti nalang at ipinaalala nito sa kanya. Kagat niya ang ibabang labi ng tumango siya kay Mr. Lewis bilang sagot.
Nakasimagot itong umalis pagkatapos nitong sabihin iyon. Ibinigay niya na kay Beau ang clean cloth para ito na ang magpatuloy sa ginagawa niya. "Oh, ayan. Ikaw na daw magtapos nito. Meron pa din pala doon sa loob ah, busy kami kanina kaya ang dami.", nakangusong wika niya dito.
"Hi, Beau! Andiyan kana pala!", singit naman ni Sheila sa sinabi niya. Napaismid siya lalo na ng lumapit ito sa may counter at tumabi kay Beau.
"Nicz, tomorrow ha? You should bring a pork humba for me! Mag promise ka!", pangungulit ni Beau sa kanya at hindi pinansin ang sinabi ni Sheila.
Pabiro niya itong sinamaan ng tingin bago sinagot, "Oo nga! Bukas sabihan ko si Mama na ipagluto ka, okay? Sige na alis na ako at baka matawa pa ako sa pagmumukha mo! Hahaha.", simple niyang pamparining dito at umalis na.
Nag punch-out na si Nicolah at dumiretso na sa locker room. Kinuha niya ang suot niyang damit kanina bago pumasok sa trabaho na iniligay niya sa locker niya at dumiretso na sa girls cubicle. Dalawang oras ang break-time niya at ayaw niyang madumihan ang uniform niya kaya nagbihis siya ng isang simpleng white tshirt at white denim shorts. Plano niyang dito lang magpahinga total at may baon naman siya.
Naghugas muna siya ng kamay bago pumihit palabas ng banyo.
"Ayyyy butiki ka!" Napasigaw siya at napahawak sa dibdib niya dahil sa gulat. Pagkalabas kasi niya ng banyo ay naabutan niyang nakatayo si Mr. Lewis sa gilid mismo ng cubicle, "Wag ka naman manggulat ng ganyan sir!" Hawak-hawak pa din niya ang dibdib niya habang mahina itong hinihimas, pinapakalma ang puso at ang hininga niya. Naglalakad na siya papunta sa small dining room habang ito naman ay nakasunod sa likod niya. "Bakit po ba kayo andiyan, sir? Nagulat po ako do'n ha!", kaswal na sabi niya dito.
Since break-time niya na naman, pwede na silang mag-usap na parang magkalebel lang sa isa't-isa. Walang boss at walang manggagawa kapag andito na sila sa labas ng workplace nila. Isa iyon sa kasunduan nito na wala naman siyang nagawa kundi ang sumang-ayon nalang.
Actually, nahihiya pa din siya kapag gano'n. Hindi niya kasi alam kung magkaibigan ba sila para tratuhin niya ito na parang ka lebel niya lang. Kaso, dahil nga sa napag-usapan nila noon, kailangan niyang sumunod sa gusto nito para wala nang gulo.
"What were you whispering to him earlier?", parang naiiritang sabi nito sa kanya.
Tumigil siya sa paglalakad at kunot-noong hinarap ito.
"Sino?" tanong niya dito, pero ng maalala niya ang nangyari kanina ay nagsalita muli siya, "Ah, yong kay Beau ba?"
Mas lalong nalukot ang mukha ni Mr. Lewis ng marinig ang pangalan ni Beau at hindi siya sinagot.
"Ay nako, wala lang iyon sir! Nadulas kasi siya kanina. Sabi niya na miss niya daw ako tapos, nag deny pa e huli na noh dahil narinig ko na! Hahaha kaya ayon tinukso ko si Beau." natatawa niyang kwento kay Mr. Lewis ng maalala ang pagmumukha ni Beau kanina.
Ngunit natigalan siya ng bigla nalang nitong hinawakan ang braso niya at hinila papalapit dito. Nakagat niya ang ibabang labi niya ng may maramdaman siyang pamilyar na sensayon ng magkadikit ang dalawang katawan nila. Naririnig niya na ang kalabog ng puso niya sa lakas ng tibok nito.
Hinawakan ni Mr. Lewis ang baba niya at bahagya iyong itinaas para magkasalubong ang mga mata nila. "Didn't I tell you that I like you, Farrah?", seryosong ani nito sa kanya. Hindi siya nakapagsalita dahil bigla nalang nanuyo ang lalamunan niya sa posisyon nila.
"Again, I will be honest with you. I'm jealous, Farrah. I know I don't have the right to, but hindi ko talaga mapigilan ang mag selos sa kanya."
Hindi niya alam kung bakit parang may mga paru-parong nagliliparan sa tiyan niya ng marinig ang sinabi nito. Alam niyang hindi tama na maging masaya siya ng marinig na nagseselos ito, ngunit hindi niya mapigilan ang magbunyi. Para kasing hinahaplos ang puso niya sa pagiging makatotoo nito sa nararamdaman.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Mag kaibigan lang naman kami ni Beau, eh.", lumambot ang expresyon niya ng sinabi ito. Para namang may sariling isip ang kamay niya na humaplos sa magaspang nitong panga, "wala kang dapat ikaselos, okay?", pagpapatuloy niyang sambit dito.
Nakita niyang pumungay ang mga mata nitong mariin na nakatitig sa kanya. Napalunok siya ng masagi ng mata niya ang bina-basa nitong labi. Parang iniinganyo siyang halikan ito. Kumalabog na naman ang puso niya ng dahan-dahang lumapit ang mukha nito papunta sa kaniya. Nakapikit mata at handa ng mahalikan ng binata nang, bigla nalang bumukas ang pinto ng locker room at pumasok ang mga taga kusina na sila Chef Joshua, Junier, at Jess. Mabilis pa sa alas kwatro ng bitawan niya ang mukha ni Mr. Lewis at umaktong may hinahanap sa sahig. Narinig niya namang tumikhim si Mr. Lewis bago nagsalita.
"Oh, break-time niyo na? Magpahinga na kayo at bakbakan na naman kayo mamaya." sabi nito kina Chef Joshua.
"Yes chef, salamat po." magalang naman na sumagot ang mga ito kay Flynn.
"O Farrah, andiyan ka pala? Anong hinahanap mo?", tanong ni Junier sa kanya sabay tingin sa sahig.
"Ah wala, nawala kasi iyong isang pakaw ko.", pagsisinungaling niya dito. Kahit na hawak-hawak lang naman ng isang kamay niya iyon.
"Ganoon ba? Gusto mo tulungan na kita?", sabi naman nito at akmang luluhod na sa may unahan niya pero pinigilan niya ito.
Lumapit siya sa may paanan ni Mr. Lewis at bahagya itong kinalabit bago hinarap si Junier at nagsalita.
"Nako, wag na! Ito na, nakita ko na. Salamat nalang Junier ah.", nakangiti niyang sabi dito sabaw pakita sa pakaw niyang hindi naman talaga nawala. Nakagat niya ang ibabang labi niya dahil nagsisinulang na naman siya. "Ah ganon ba? o sige, buti naman at nakita na. Nga pala may lakad ka ba?", tanong naman nito ng pasadahan nito ang kabuoan niya.
Sasagot na sana siya ng may bigla nalang may tumikhim sa gilid niya at walang pasabing hinawakan ang kamay niya. Nanlalaking mata niya itong tiningala. Sinusubukan niyang kunin ang kamay niya ngunit mahigpit naman itong hinawakan iyon. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at yumuko nalang, nahihiya siya dahil nakatingin sila Chef Joshua, Junier at Jess sa kanila.
"Kumain na kayo diyan at para makapagpahinga na.", kaswal na sabi nito bago siya hilahin nito palabas ng locker room.
Nagpakaladkad naman si Nicolah dito hanggang sa huminto sila sa mamahaling sasakyan nito. Nakagat niya ang labi niya ng parang Deja Vu lang ang nangyayari nila ngayon.
Binuksan nito ang pintuan ng kotse nito at bahagya siya nitong tinulak doon. Nakasandal na ang likod nya sa bunganga ng passenger seat ng pinatingala siya ni Mr. Lewis gamit ang isang daliri nito.
"Can I kiss you, Farrah?" mapupungay ang matang tanong nito sa kanya.
Lumunok muna si Nicolah bago tumango. "Oo." tipid na sagot niya dito.
At hindi nagtagal inilapat na ni Mr. Lewis ang mga labi nilang dalawa. Napapikit kaagad siya at napahawak sa matitipuno nitong mga balikat. Ninanamnam ang sarap dulot ng lalaking kahalikan. "Uhmmp", ungol niya at hinabol ang labi nito ng bigla nalang itong lumayo. Habol niya ang hininga niya nang napanguso siya ng bahagya itong natawa dahil sa ginawa niya.
Pinatakan siya nito ng isang halik sa labi at nagsalita. "Let's go. May pupuntahan tayo." sabi nito at pinaupo na siya sa passenger seat.
Napapikit siya ng hinalikan nito ang noo niya habang sinusuot nito ang seatbelt sa kanya bago pumihit papunta sa driver seat at pinaharorot ang kotse nito.
Hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin pero hindi na din siya nagtanong. Dumaan lang ang ilang minuto at huminto na ang sasakyan nila at lumabas na sila.
Tiningala niya ang building na katapat niya bago nagtanong sa lalaking katabi niya. "Anong gagawin natin dito?"
He shrugged and answered here, "We will eat, and then pagpapahingahin kita." yon lang ang sabi nito at hinila na siya papasok sa Lewis Manpower Agency.
Naguguluhan man si Nicolah kung paano sila makakakain at makakapagpahinga dito ay nagpatianod na nalang siya.
Sumakay sila sa elevator na may nakalagay na FOR VIP ONLY tapos pinindot nito ang 20th floor.
Sumandal si Mr. Lewis sa pader ng elevator at hinila siya nito. Napasinghap siya at naghuhurumintado na naman ang puso niya. Nakagat niya ang labi niya ng makita ang repleksyon nilang dalawa sa salamin ng elevator. He's giving her a hug from the back.
"Hmmm.", he groan while smelling her hair down to her ears. "You smell so good."
Nakikiliti si Nicolah sa ginagawa nito kaya hindi niya sinadyang umarko ang katawan niya. Nag-iinit ang pisngi niya ng may maramdaman siyang bukol sa may pwetan niya na naghahatid ng ibang kiliti sa gitna ng hita niya.
"Ahhhm..." hindi na niya napigilang umungol pa ng dahan-dahan ng naglikot ang kamay nito at humahaplos na sa katawan niya habang ang labi nito ay humahalik na sa leeg niya at sa may tenga niya, "Hmmm.. uhhh.."
Hindi lang ang katawan niya ang nagrereact at ang nag-iinit dahil sa ginagawa ni Mr. Lewis sa kanya. Pati na din ang puso niya ay parang kakawala na ito sa bilis ng tibok nito. *Ting!*insert elevator sound effect.
Napatigil sila sa ginagawa nila ng bumukas na ang elevator dahil nasa 20th floor na sila.
To be continued...