OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS

Chapter CHAPTER 73: FINALE



ΚΑΙ

"Sir, sigurado ka na po ba sa desisyon mong iyan?" nakatayo sa harap ko ang secretary kong si Ms. Jung. Iniaabot ko sa kanya ang isang folder na naglalaman ng isang importanteng dokumento.

"Oo, ilang gabi ko nang pinag-isipan ang bagay na iyan. And I think this is the best thing to do." Napabuntong-hininga na lang ito habang nakatitig sa akin.

"Mukha namang kahit anong sabihin ko'y hindi na magbabago ang desisyon nyo. Kung ganon pa man, maari pa rin naman kayong bumalik kung kailan nyo naisin." Bahagya akong natawa sa sinabi nya. "Hindi ka talaga madaling sumuko Ms. Jung. I like that." Napangiti na lang din sya sa nang marinig 'yon.

"Pero gaya nga nang sabi ko. Nakapagdesisyon na ko. Maayos na rin naman na ang kumpanya at nakahanap na ko nang maaring makapagtiwalaan rito."

"Malaki ang tiwala ko sa'yo, Secretary Jung, I mean, President Jung."

One month ago, kinontak akong muli ni Jamie noona. Ibinalita nya sa akin ang paglabas ng ilang mga ka-myembro ko sa army at planong pagbubuo muli ng grupo. She asked me if I still want to be part of the group.

Nung una hindi agad ako nakasagot. Humingi pa ako nang panahon para makapag-isip-isip. Siguro dahil na rin sa mga responsibilidad na nakaatang na sa akin. Ang kumpanya pati na rin ang pamilya ko. Si Dasuri at ang anak naming si Tae oh.

Inisip kong mabuti kung tama bang piliin ko ulit 'yung landas na tinahak ko noon? O ipagpatuloy na lang itong bagong landas na tinatahak ko? Naguguluhan talaga ko sa dapat kong piliin pero ang talagang nakatulong sa akin sa pagdedesisyon ay ang sinabi ng asawa ko.

"Alam mo kahit ano namang piliin mo hindi ako nangangamba na pababayaan mo kami ni Tae oh. Alam ko naman kasi kung gaano kami kaimportante sa buhay mo. Kaya nga sana, kung ako ang tatanungin? Mas gusto kong makita kang ginagawa ang bagay na gusto mo kaysa sa bagay na kailangan mo lang gawin. Hindi naman kasi 'yon pagiging selfish. Nagpapakatotoo ka lang. Saka isa pa, asawa mo ko Kai. Handa kitang suportahan sa kahit anong landas ang gusto mong tahakin. Wag kang matakot. Dahil hanggang sa dulo nandito lang ako sa tabi mo."

Dahil doon mas lumakas ang loob ko. Ipagpapatuloy ko ang bagay na gustong-gusto ko. 'Yung bagay na pinagbuhusan ko ng oras at pahanon. 'Yung bagay na nakakapagbigay ng satisfaction na hinahanap ko.

'Yung bagay na masaya ko kapag ginagawa ko... ang pagiging idol.

THIRD PERSON

AFTER 6 MONTHS....

"Mama? Chaan tayo punta?" saad ng batang si Tae oh habang binibihisan sya ng kanyang inang si Dasuri. Nasa bahay nila sila habang wala na naman ang kanyang asawang si Kai.

"Dyan-dyan lang," sagot nito matapos suotan ng sapatos ang anak.

"Ayan, ang gwapo mo na." Luminga-linga naman ang kanyang anak na halatang walang kaalam-alam sa nangyayari.

"Eto pa baby, dalhin mo si Mr. bear para mas kyut kang tignan." Inabot ni Dasuri sa anak ang isang maliit na teddy bear. Umiling-iling naman ito. "Yawko." Daing nito pero hindi sumuko agad si Dasuri.

"Sige na baby, sige ka. Hindi ka sasabihang kyut ng mga tao sa labas kapag hindi mo 'to dinala. Ayaw mo ba sumaya si mama?" pamimilit pa nito.

Wala na tuloy ang nagawa ang bata kundi tanggapin iyon. Kawawang bata sya pa nagpapasensya sa kanyang ina.

Pagkatapos tanggapin ni baby Tae oh 'yung teddy bear. Binuhat sya ni Dasuri palabas ng bahay. Tumawag sila ng taxi na maaring sakyan. Hanggang sa makarating sila sa lugar na kanilang pupuntahan ay wala paring kaide-ideya ang kanyang anak sa kung saan sila naroon at bakit ng ba sila nagtungo roon.

Nagulat si Tae oh nang makakita nang maraming tao. Nasa harapan iyon ng isang stage na mayroon namang mahabang mesa at mga mga upuan sa ibabaw. Dahil narin sa tabi ng tao at sa mura nyang edad. Hindi nya maaninag kung sino nga ba 'yung mga taong pinagkakaguluhan ng halos kababaihan sa paligid.

Nakaramdam sya nang takot at napakapit sa kanyang ina.

"Mama, Chaan tayo?." Saad pa nya.

Panay ang hatak nito sa laylayan ng damit ni Dasuri. Busy naman ito sa paglalagay ng mask sa mukha nya pati na sombrero. Nilagayan din nya ng sombrero ang anak. Lalong hindi naging komportable si Tae oh. "Yoko na dito. Wi na tayo!" wika nito habang palingon-lingon sa paligid. Dahil sa ingay at walang tigil na pagflush ng camera ay lalo lang tumindi ang takot nito.

"Ssh! Di ba gusto mong makita ang appa mo? Kaya sumunod ka na lang sa akin" hinawakan ni Dasuri ang maliit na kamay nito. Wala namang nagawa si Tae oh kundi ang mapanguso na lang.

Lumapit sila sa mga nakapilang mga tao. Gustuhin man nilang makalapit agad sa mga kalalakihan sa harapan ay hindi nila magawa. Masyadong marami ang tao at siguradong mapapaaway lang sila kapag nagpumilit pa. "Good evening, everyone! We are... one! Annyeong hasaeyo! Exo im nida!"

Matapos ang greetings ng mga lalaki sa harap ay nagkaroon ng matinding tilian at hiyawan sa paligid. Napapitlag naman si Tae oh dahil sa gulat. Napalingon pa sya sa kanyang ina na nakikipagsabayan sa tili. "Kamusta Exo-Ls! Namiss nyo ba kami?!" paninimula ng leader ng Exo. Sabay-sabay namang sumagot ang mga tao sa paligid.

"Oo! Sobraaaa!!"

"Kami rin naman."

"At gaya ng aming ipinangako. Today is our first fan meeting as we became ONE again. Gusto naming magpasalamat sa lahat nang hindi napagod maghintay at sumuporta sa EXO at sa lahat ng myembro nito. Pinili man naming manahimik sandali at sumubok tumahak ng ibang landas. Ngunit sa aming pagbabalik ay naririto pa rin kayo."

"Kulang ang mga salitang THANK YOU and WE MISS YOU para ilarawan kung gaano kami kaswerte sa inyo. Ngayong araw hindi lang kaming mga myembro ang bumuo muli sa grupong EXO. Kayong lahat ng EXO-Ls ay kasama sa bumuo nito. Sana'y marami pa tayong pagsamahang mga ala-alang kagaya nito. Maraming salamat! We love you all!"

Matapos ang nakakatouch na pahayag ni Suho. Nagpalak-pakan ang mga tao sa paligid. Halos lahat sila ay umiiyak hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa sayang muli nilang nasilayan ang kanilang mahal na grupo.

Siguro nga hindi maiintindihan ng iba kung bakit ganito nila ituring ang kanilang mga idolo. Na ang sabi nga ng iba kulang na lang ay sambahin nila. Pero marahil hindi lang nila nakikita kung paano napapasaya at namo-motivate ng mga 'idols' ang mga fans na ito. How they can magically save lives through their own music.

Nagsiupo na ang lahat ng myembro ng Exo para simulan ang fan meeting na inaabangan ng lahat. Pumila naman agad ang mga fans na kanina pa nag-aabang. Bahagyang nagkaroon ng gitgitan dahil sa kagustuhan ng ilan na mauna. Kasama na rito ang mag-inang Dasuri at Tae oh.

Nabitawan ni Tae oh ang hawak-hawak na manika. Dahilan para tanggalin nito ang pagkakahawak sa ina. Hinanap nya ang munti nyang teddy bear na nahulog sa sahig.

"Bibi beyr?"

Hindi nya ininda ang mga taong naguunahan sa pila. Nakafocus ito sa pagsalba sa nagaganib nyang manika. Sa kabilang banda naman, hindi napansin ni Dasuri na wala na sa tabi nya ang anak. Masyado syang naging busy sa kung paano makakasingit sa pila.

"Oy! Ako nauna!"

"Bawal sumingit. Mahiya naman kayo oy!"

"Umaayos kayo! Nakakahiya sa Exo!"

"Bibi Beyr!" bulalas ni Tae oh nang mapansin ang gumugulong nyang teddy bear sa sahig.

Gamit ang maliliit na paa nito ay dahan-dahan nyang nilapitan ang kinaroroonan ng kanyang teddy bear. Kahit nahihirapan dahil sa dami ng taong sumasalubong sa kanya ay pinilit parin nitong makalapit.

Nang makalapit na sya rito ay agad nyang inihaba ang kanyang kamay upang abutin iyon. Subalit sa kasamaang palad. Imbes na makuha iyon ay napaupo sya sa sahig nang may makasagi sa kanya. Hindi naman sya napansin nang nakasagi dahil nakatutuok ito sa pagpila.

Kasabay nang kanyang pagkaupo sa sahig ay nasilayan nya kung paano matapak-tapakan ang minamahal nyang teddy bear. Sumikip ang kanyang dibdib at nagbadya ang mga luhang babagsak na mula sa kanyang mga mata. "B-Bibi Beyr? M-Mama.. P-Papa.. Uwaaaaaah! Papa...."

Dumagundong sa paligid ang pagiyak ni Tae oh. Natahimik naman ang lahat. Para bang may dumaang anghel nang matigil ang mga ginagawa ng mga ito. Natuon ang atensyon nilang lahat sa batang nakasalampak sa sahig habang umiiyak. "Uwaaaah! P-Papa! Uwaaaah!"

Naalarma naman si Dasuri nang makita ang anak.

"Hala! Ang baby ko!" Dali-dali din naman nyang nalapitan ang bata. Itinayo nya ito at saka sinubukang patahanin.

"Ssh! Baby, tahan na. Pinagtitinginan na nila tayo." bulong nito. Kinakabahan itong makilala sila ng asawang si Kai.

Palihim lang kasi ang pagpunta nila rito. Sinubukan nya kasing magpaalam sa asawa pero hindi ito pinayagan. Nagtalo pa nga sila dahil pakiramdam ni Dasuri kaya ayaw pumayag ni Kai dahil sinusubukan na naman sya nitong itago. Pati na ang kanilang nag-iisang anak na si Tae oh.

Ngunit kahit anong gawin ni Dasuri ay hindi parin nya parin mapatahan ang anak. Lalo lang lumalakas ang pag-iyak nito. Makalipas ang ilang minuto hindi na nakatiis 'yung isang lalaki na nakaupo sa mga upuang nakihilera sa ibabaw ng stage. Tumayo ito at nilapitan ang nag-uumiyak na si Tae oh.

Tahimik pa rin sa paligid. Ngunit nang bumaba si Kai para lapitan ang mag-ina nya. Humawi ang mga taong daraanan nya. Nagbigay ang mga ito nang daan upang malapitan nya 'yung bata. Nang makalapit sya rito, lumuhod sya para maging magkalevel sila ni Tae oh. Bigla namang tumahan ang anak nya nang makita sya nito. 'Yun nga lang ay hindi pa rin tumitigil ang paghikbi nito.

"Aww. Bakit umiiyak ang baby ko? Good boy ka di 'ba? Tahan na. Nandito na si papa." Pinunasan nya ang mga luhang tumulo sa pisngi nito. "P-papa? Huk. Papa.." saad ni Tae oh sabay yakap kay Kai.

Nagulat naman ang mga fans na nakarinig sa usapan nila. Napahawak pa sa mga bibig nila ang iba. Hindi sila makapaniwala sa mga nasasaksihan. "Narinig mo ba 'yon?"

"Tinawag nya si Kai ng papa?!!!"

"S-Sya kaya 'yung anak ni oppa??"

Samantalang si Dasuri ay nakatayo lang sa gilid nila. Kinakabahan sa magiging reaksyon ni Kai. Nahuli kasi nya ang kalokohan nito.

"Pinapaiyak ka na naman ba ni mama? Pinipilit ka na naman ba nya sa mga ayaw mo?" sinulyapan pa nya si Dasuri para ipaalam na hindi sya masaya sa ginawa nito. Napanguso na lang ang ating bida.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Tsk. Tsk. Kawawa naman ang baby ko." Inayos pa nito ang nagulong sumbrero ng anak.

"Halika, kay papa ka na lang sumama. Maglalaro tayo. Gusto mo?" tumango-tango naman si Tae oh at yumakap sa papa nya. Pagkabuhat sa anak, si Dasuri naman ang tinignan nito. "Mag-uusap ta'yo sa bahay mamaya." Bulong nito rito. Bumagsak naman ang dalawang balikat ni Dasuri. Aburido sa pumalyang plano.

Habang buhat-buhat ni Kai ang anak pabalik ng stage. Nagsimula na naman ang walang tigil na pagflush ng camera. Lahat ay nakatutok sa mag-amang naglalakad sa gitna. Hindi sila makapaniwala na sa pagkakataong ito ay nakilala narin nila ang nag-iisang baby ng Exo. Ang pumalit sa pwesto ni Sehun. Ang nag-iisang anak ni Kai, si Tae oh.

Nagtago naman si Tae oh sa dibdib ng ama. Marahil ay nasisilaw sa walang tigil na pagflush ng camera.

"Aigooo! Nandito pala ang baby ng Exo." Pahayag ni Suho nang makabalik na si Kai sa dati nyang pwesto. Pinaupo nya sa kanyang binti ang anak at saka pinunasang mabuti ang mga natirang luha sa mga mata nito.

"Papa, dito ticho Tuho. *dito tito Suho*" nawala na ang takot sa mukha ni Tae oh nang makilala ang mga tito nyang nakahilera sa gilid nya. Kumaway naman ang mga ito sa kanya. Napangiti rin si Kai nang mapansing mas nagiging komportable na ang bata.

"Nandito pala si Dasuri?" bulong ni Sehun kay Kai.

"Ngayon ko nga lang din nalaman. Sinama pa 'yung anak namin." Natawa na lang si Sehun nang makitang kumunot ang noo ni Kai. Nagpatuloy naman ang fansigning. Nagulat man ay lalong natuwa ang mga fans nang makita ang anak ni Kai. Ang iba'y nakikipaglaro pa kay Tae oh kapag napupunta na sila sa pwesto nila Kai.

DASURI

Hindi na ko pumila para makalapit kila Kai. Naupo na lang ako sa isa mga upuan sa baba ng stage. Ayoko kasing lapitan 'yung asawa ko alam ko namang mainit dugo nya sa akin ngayon. Wala naman akong balak manggulo. Gusto ko lang maka-attend sa first fansigning nila ulit.

"Fan din kaya ako," bulong ko pa sa sarili.

Pinagmamasdan ko lang ang anak ko na halatang nag-eenjoy kasama ang papa nya. Masaya kong makita silang ganyan. Mula kasi nung napagpasyahang buuin muli ang Exo. Medyo naging busy na ulit si Kai kaya hindi na namin sya masyadong nakakasama. Nagaalala ko na baka lumayo 'yung loob ni Tae oh sa tatay nya dahil madalang nya lang ito makasama.

Pero sa nakikita ko ngayon, mukhang hindi pa nangyayari 'yung kinatatakutan ko.

"Papa..." saad ni Tae oh sa tuwing itinatapat sa kanya ni Kai 'yung hawak-hawak nyang microphone. Nagtatawanan naman ang mga tao dahil sa kung gaano kakyut ang aking mag-ama.

Masaya kong napakilala na nya sa mga fans ang anak namin. Kahit hindi na ako. Kahit si Tae oh na lang. Okay na ko 'don.

"Kai oppa! Anak mo ba talaga ang batang 'yan?" sigaw ng isa sa mga fans. Kinuha naman ni Kai ang microphone para sumagot.

"Yes, he is my son. His name is Kim Tae oh. Say hi to them," ngunit imbes na mag-hi ay ngumiti lang si Tae oh na parang nahihiya. Napa-awww naman ang mga tao sa paligid sa kakyutan nya. Natawa na lang ako sa naging reaksyon ng anak

ko.

"Kamukhang-kamukha mo sya oppa! Pareho kayong gwapo." Sigaw ulit ng isang fan.

"Salamat. Salamat." Pahayag ni Kai.

Ngunit hindi doon natapos ang pagtatanong ng mga fans. Nagulat ako nang mapasama ko sa usapan.

"'Yung mama siguro ni Tae oh sobrang ganda! Yung parang model sa kaseksihan tapos pwedeng-pwedeng artista sa sobrang ganda. Tapos siguro matalino rin. Pakilala mo naman sa amin." Sigaw ulit nung isang fan. Napalunok ako bigla. Takte! Grabe namang description naman yan. Parang nahiya ko bigla para sa sarili ko.

Lalo kong ibinaba 'yung sumbrero ko. Siguro, mas maganda kung lumayas na ko dito. Mamaya makita pa nila ko. Madissapoint sila bigla. Ang taas ng standard nila para sa pagiging asawa ni Kai e. Di ko mareach. Kaya siguro hanggang ngayon parang ayaw parin akong ipakilala ni Kai. Nakakalungkot pero totoo.

Dahan-dahan akong tumatayo mula sa kinauupuan ko. Pero bago 'yon sinenyasan ko pa si Kai na sa back stage na lang kami magkita. Mukha namang wala syang tutol kasi ipinagpatuloy nya ang pagkausap sa mga fans.

"Naku-curious ba kayo sa asawa ko? Gusto nyo ba syang makita?" bahagyang bumagal ang pagtakas ko.

Nawindang kasi ako sa sinabi ni Kai. Halos payuko na nga ang pagalis ko para hindi mapansin ng mga fans nila tapos kung anu-ano pa pinagsasabi. Nag-si-oo naman ang mga tao sa paligid. Lalo kong naalarma at nagmadali sa paglalakad. Ngunit wala pa man ako sa kalagitnaan nang pagtakas nang bigla kong tawagin ni Kai. Napapitlag pa ko nang marinig 'yon.

"Hoy! Ikaw! Babaeng nakamask na puti at nakasumbrero na black. Sa'an ka pupunta? Hindi pa naman tapos fan meeting namin ah?" para kong estatwa na napahinto na nang tuluyan.

Takte si Kai. Ano ba 'tong pinaggagawa nya? Hindi tuloy ako makagalaw. Pinagtitinginan na kasi ako ng mga fans nya e. Nasa gitna pa naman ako.

Lumunok pa ko nang muli na naman syang magsalita. "Pinag-usapan lang namin ang asawa ko. Pinasya mo nang umalis. Bakit? Kilala mo ba ang asawa ko?" Langya! Humanda ka talaga mamaya pag-uwi natin sa bahay. Wala na kong nagawa, bahagya ko silang nilingon at tinanggal 'yung mask na nasa bibig ko para makapagsalita.

"Hindi 'no. Natatae lang talaga ko kaya ko nagmamadaling umalis." Kinapalan ko na mukha ko. Wala e. No choice na. Kailangang lumusot.

"Ewww.." pahayag pa nang ilan.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Sige, alis na ko ah." Paalam ko pa bago magpatuloy sa paglalakad. Ngunit nakailang hakbang pa lang ako nang mamatay ang lahat ng ilaw sa paligid. Napasigaw pa ang ilan dahilan para muli akong mapahinto. "Dasuri Kim!" sigaw ni Kai,

"That's my wife's name."

Di nagtagal ay nagliwanag sa pader ng stage. Kasabay nang katahimikan sa paligid ay ang pagtunog nang isang pamilyar na kanta. Hindi ko napigilan ang sarili kong lingunin iyon. Kagaya ng mga tao sa paligid. Namangha ako nang bumungad sa akin ang isang video na puno ng mga larawan ko.

Mga larawan noong kabataan ko pa. Sa iba't-ibang lugar. Sa iba't-ibang pagkakataon. Unti-unti nitong ibinalik 'yung mga panahon kung kailan nangangarap pa lang ako. Panahong wala kong ibang inisip kundi ang suportahan ang lalaking pinakamamahal ko.

Ngunit ang talagang nakapagpaantig ng puso ko ay nang lumabas na 'yung mga larawan namin ni Kai. Nagsigawan pa 'yung mga tao nang lumabas 'yung picture na kinuhaan ni Kai nung bigla nya kong hinalikan habang kumakain kami ng ice cream sa 7/11. 'Yung peace offering nya nung nagkagalit kami. Ngayon ko lang talaga nare-realized ang dami na pala talaga naming pinagdaanan. Ang dami na naming pagsubok na nalagpasan. Marami na ring mga luhang inilabas. Pero kahit ganon, nandito parin kami. Nanatiling matatag para sa isa't-isa.

"Mrs. Kim, Shall we?" napalingon ako kay Sehun na nasa gilid ko na pala.

Inalok nya sa akin ang kamay nya. Kahit naguguluhan inabot ko na rin iyon. Inalalayan nya ko hanggang makaakyat kami ng stage at makaharap kami ng asawa ko.

Nilapitan ako ni Kai at pinunasan ang mga luha sa mata ko. "Don't cry, nagsisimula pa lang ako." Pahayag pa nito. Kahit kailan ang yabang talaga ng asawa ko.

Kinuha nya ang kamay ko at titigan ako sa mata. Sobra naman ang kabog nang dibdib ko. Pakiramdam ko nasa panahon ulit kami kung saan tinatanong nya ko kung gusto ko ba syang pakasalan muli. This moment is so magical. Wala kong mahanap na saktong salita para ma-i-express itong saloobin ko.

"Okay, Mrs. Kim," pagkuha ni Kai sa atensyon ko habang hawak nya sa kabilang kamay ang microphone.

Naghiyawan naman ang mga tao. Sinenyasan agad sila ni Suho na manahimik muna. Agad din naman nila iyong ginawa.

"Alam ko nung mga nakaraang araw nagtatampo kana sa akin. Iniisip mo siguro na sa sobrang tagal na nating magkasama, na kahit dumating na si Tae oh sa buhay natin." Napalingon ako sa anak namin na buhat-buhat ni Kris. "Hanggang ngayon hindi ko pa rin mapanindigan sa ibang tao na IKAW ang asawa ko." Umiling-iling ako.

Hindi naman kasi talaga 'yon ang iniisip ko. Kasi para sa akin matagal na nya kaming napanindigan lalo na nung bitawan nya ang pangarap nya para makasama kami ng anak ko.

"Ngunit sa pagkakataong ito, gusto kong patunayan sa iyo. Handa kitang panindigan kahit pa sa harap ng milyon-milyong tao." Hinarap ni Kai ang fans nilang taimtim na nakikinig sa bawat salitang binibitawan ni Kai. "Exo-Ls, this woman beside me, is the mother of my son. Nasa tabi ko sya nang mga panahong down na down ako. Mga panahong kahit ako ay nawawalan na ng tiwala sa sarili ko. Pero sya? Never nya kong sinukuan. She always there to support me on everything. Lagi syang nandyan para ipaalala sa akin kung gaano sya nagtitiwala sa kakayahan ko. Handa syang magsakripisyo para lang sa ikaliligaya ko. Minsan nga naiisip ko," muli akong hinarap ni Kai. "Ano bang ginawa ko para magkaroon ng isang Dasuri sa buhay ko?" Tinitigan nya ko habang may mga luha nang pumapatak sa mata nya.

"Ang swerte ko kasi ako yung pinili mong maging bias. Pero mas maswerte ako nung..." Pinigilan kong maiyak rin nang mapansin ang sunod-sunod na ang mga luhang dumadaloy sa pisngi nya.

"Nung... Nung pinili mo kong... m-maging asawa mo." Bumigay na si Kai. Ibinaba nya 'yung kamay nyang may hawak ng microphone. Yumuko ito at tahimik na humagulgol.

Hindi ko na rin nakayanan. I hugged him tight. Eto 'yung unang beses na nakita ko syang umiyak sa harap ng mga fans nya. Pero sigurado kong hindi 'yon dahil sa lungkot o sakit. He's crying because of happiness. "Kai oppa.. Huhuhu."

"Don't cry..."

Their fans are crying with him.

Hindi rin nagtagal ay humiwalay si Kai sa pagkakayakap ko. Sinapo nya ang aking mukha habang titig na titig sa aking mga mata. Nginitian nya ko kahit mayroon pang bakas ng mga luha sa pisngi nito.

"From now on, hindi na lang ito isang malaking sikreto sa pagitan nating dalawa. Dahil wifey... handa akong ipagsigawan sa lahat that you, Dasuri Kim, is OFFICIALLY MARRIED TO YOUR BIAS, Kim Jong In." He gasped for air. "Thank you for staying..." He mouthed to me habang muling umagos ang mga luha sa mata nya.

Nagsalita pa itong muli bago nya hagkan ang aking mga labi,

"Mahal na mahal kita... Dasuri Kim.  Mahal na mahal... "

Hindi ko masasabing pagkatapos nito ay habambuhay na kaming magsasamang masaya. Kahit pa parang isang 'cinderella story' ang kwento namin. I can't assure na kami na nga hanggang dulo.

Pero ang sigurado lang ako, hangga't kaya ko. Hangga't meron pa kong lakas para lumaban. Hindi ko sya susukuan. Hindi ko bibitawan ang posisyon na hinahangad ng libo-libong fans na kagaya ko.

I am Dasuri Kim, na makakapagpatunay na "If a commoner can marry a prince. Then its nots impossible for a FANGIRL to marry her BIAS too :) "

**AUTHOR'S NOTE

Sa lahat ng walang sawang sumubaybay sa kwento ng Mag-asawang KIM. From Secretly to Officially. Maraming Maraming Maraming Salamat! :) Kahit sobrang bagal ko mag-update hanggang dito sa dulo umabot kayo. I hope napatawa, napaiyak at napakilig ko naman kayo :) THANK YOU

And if you want, you can check my other stories. Malay nyo magustuhan nyo rin sila :)

Next chapter will be updated first on this website. Come back and continue reading tomorrow, everyone!

Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.