OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS

Chapter CHAPTER 71: ANOTHER REASON TO LIVE



DASURI

"Hold on, wifey. Malapit na tayo," hawak-hawak ko ang kamay ni Dasuri habang nagmamaneho papunta sa pinaka malapit na ospital.

"H-Hubby..." ganito ba talaga kapag nagkikita munang maglabor 'yung asawa mo. Pakiramdam ko gustong lumabas ng puso ko sa sobrang kaba. Parang pati ako ay kinakapos nang hininga.

After few minutes of speed driving. Agad kong pinarada ang kotse. Lumabas ako mula rito at dali-daling binuhat si Dasuri palabas. Nakaabang naman na ang mga nurse at doctor. Nakahanda na rin 'yung stroller kaya agad ko rin syang naihiga

roon.

"Pumutok na pala ang panubigan ni ma'am. Paki handa na ang operating room." saad ng doctorang tumingin sa asawa ko. Lahat sila ay mabilis ang kilos. Halos patakbo na nilang itulak ang stroller na hinihigaan ni Dasuri.

"K-Kai.. Arghhh..." I can see on Dasuri's face kung gaano sya nahihirapan. Hindi ko binibitawan ang kamay nya para ipakitang nandito lang ako sa tabi nya.

"You can do it baby, I believe in you. We believe in you," wala akong magawa kundi ang palakasin lang ang loob nya. Hindi ko tuloy maintindihan kung ano ba ang dapat kong maramdaman. I can't do anything to lessen her pain.

"I'm sorry sir, pero hindi na po kayo pwedeng pumasok sa operating room," pigil sa akin nung mga nurse nang malapit na kaming makarating sa tapat ng operating room.

"But my wife needs me," angal ko naman. Makikipag-talo pa sana sa akin 'yung mga nurse kung hindi lang nagsalita si Dasuri.

"Wag kang mag-alala, hubby. K-Kaya ko 'to. Kaya namin ni baby," she gave me an assuring smile.

I can't believe this. Sa panahong ako dapat ang magbigay nang lakas ng loob sa kanya. Sya pa ang gumawa 'non para sa akin.

Tumango lang ako bago unti-unting bitawan ang kamay nya, "I'll wait for you, I love you." I whisper.

One hour has passed. Pero wala pa rin akong balita sa mag-ina ko. Hindi ako mapakali sa kinauupukan ko. I tried to stand, walk and sit again. Kung pwede ko nga lang pasukin 'yang operating room ginawa ko na. Waiting is so frustrating! "Kai!"

"Hyung!"

"Jong In"

"Kamusta si Dasuri?" sabay-sabay na dumating sina Jamie noona at mga member ng Exo. Kasama rin nila ang ilang mga kaibigan ni Dasuri.

"Nasa operating room pa rin e. Isang oras na nga ang lumipas," saad ko.

"Napaaga ata ang pagle-labor nya? Two months pa bago ang due date nya di 'ba?" tanong ni noona.

"Yan nga din 'yung iniisip ko kanina pa. It's too early for her to labor. Nung una nga akala ko yung sakit nang tyan ay pareho lang nung mga nakaraan. Which is normal lang sabi 'nung doctor. Pero nung nakita kong pumutok na 'yung panubigan nya. Dinala ko na sya agad dito sa ospital." Pagpapaliwanag ko.

Hindi ko rin kasi naiintindihan ang mga pangyayari. We already planned it. In her due month's magli-leave muna ko sa trabaho para masamahan sya sa bahay. Kaso hindi ganon ang nangyari.

"Hindi ba delikado 'yon? Ang maglabor nang wala pa sa nine months?" kinakabahang tanong ni Suho hyung.

"I don't know," sagot ko naman.

Masyado kong turete to think about everything. Gusto ko lang masiguro na okay lang ang mag-ina ko.

"Hindi naman siguro. Kaya ni Dasuri 'yan. S'ya pa ba?" pagbibigay lakas loob nang kaibigan ni Dasuri na si Seohyun.

Nanahimik naman ang lahat. Everything is praying on their own way. Another 30 minutes has passed at lahat ay napalingon sa pinto nang operating room na bumukas. Iniluwa nito ang doktorang nagpaanak kay Dasuri. Agad ko syang nilapitan.

"Are you the husband of the patient?" She asked.

"Ako nga ho," sagot ko naman agad.

"Kumusta na po ang mag-ina ko."

"Since your baby was born on its 28 weeks, ka-kailanganin natin syang ilagay sa incubator to support its breathing hanggang sa maging stable na ito. Pero aside from that, everything is fine." Nakangiting pahayag nung doctor. "Really Doc? Thank God!" muntik kong yakapin si doktora dahil sa sobrang tuwa. Nakahinga ko nang maluwag matapos marinig ang mga sinabi nya.

"Yes, it is. Maari mo nang makita ang asawa mo kapag nailipat na sya sa kwartong naka-assign para sa kanya. And before I go, I want to congratulate you Mr. Kim. Your first baby is a boy."

"O-Oh my God! It's Kai Jr!" sigaw ni Jamie noona.

"Wow! Thank you Lord hindi nyo pinabayaan si Dasuri." Usal naman ni Suho hyung.

"Daebakk! Tatay na si Kai!!!" nag-apir pa si Chanyeol at Baekhyun.

Hindi ko naman maipaliwanag 'yung sayang nararamdaman ko. Hindi ako makapaniwala. Pakiramdam ko nanaginip lang ako. Ni hindi ko nga napansin ang pag-alis ng Doktora sa harapan ko. "Congrats hyung! Isa ka nang ama ngayon," napangiti na lang ako nang magrinig ang sinabi ni Sehun.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Sa lahat nang pagbabago sa buhay ko. Eto na siguro 'yung pinaka ipinagpapasalamat ko.

DASURI

"I love you, wifey..."

Pagmulat ng aking mata, nahagip agad ng paningin ko ang isang lalaking nakatulog na sa gilid ko. Hawak-hawak nya ang aking kamay habang mahimbing ang kanyang pagkakatulog. Dahan-dahan kong iniangat ang kaliwa kong kamay sabay haplos sa kanyang buhok.

"Hubby..." bulong ko. Di rin naman nagtagal ay unti-unti na rin itong nagising.

"Finally, you're awake." Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa noo. Sobrang tamis nang ngiting ipinapakita nya sa akin.

"Kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba?" may halong pag-aalala nitong pahayag. Agad rin naman akong umiling-iling.

"Okay lang ako, Si... baby?" dapat diba dinala na s'ya dito?

Ilang oras na ba ang nakalipas matapos akong manganak? Teka, nanganak? Nanganak ba talaga ko? Diba may 2 months pa bago ang due date ko?

"Lumabas na ba talaga si baby sa tyan ko? Baka naman napupu lang ako?" saad ko habang hawak-hawak ang aking tyan.

Bahagya namang napangiti si Kai, "What? Sa tingin mo ba nadudumi ka lang kaya sumakit 'yung tyan mo?" I nodded innocently.

"May 2 months pa di 'ba?" Tuluyan nang natawa si Kai.

He pinched my nose. "It's possible to labor even you haven't reached your due date. That's what they called premature baby. Mas risky nga lang at kung minsan ay nagkakaroon nang kumplikasyon but still... possible." "Kung ganon, nanganak na nga ko? Ibig sabihin.. M-MOMMY NA KO?!!" halos magningning ang dalawang mata ko dahil sa sobrang saya.

MOMMY NA KOOO! MOMMY NA KOOOOO!!!!!

"Yes, wifey. You are a mom now. Nanay ng anak ko." Kinuha nya ang kamay ko at saka 'to hinalikan. Nakipagtitigan pa ito sa akin habang ginagawa 'yon.

Jusme. Kakaalis pa lang nang laman sa tyan ko mukhang magkakaroon na naman. Hahahaha.

"Teka, nasaan ba 'yung baby natin? Bakit hindi pa rin sya dinadala dito ng mga nurse?" Gusto ko na syang makitaaaaa.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Nasa incubator pa sya to support his breathing. Pwede naman natin syang puntahan pero siguro kapag nakapagpahinga kana nang husto."

"Hindi okay lang ako. Gusto ko nang makita si baby, please..."

I look at his eyes to assure him na kaya ko na talaga. Tinitigan nya muna ko bago sya pumayag. Marahil ay naramadaman nya ang kagustuhan kong makita na talaga ang baby namin. "Ayst. Fine, pero saglit lang ah? Then you need to rest again." I nodded.

"Just wait for a second, kukuha lang ako ng wheel chair." Saad ni Kai bago tumayo upang gawin 'yung sinabi nya.

"Thank you." I mouthed to him.

Hindi nga nagtagal bumalik si Kai na may dala-dala nang wheel chair. Tinulungan nya kong umupo roon. Tinangay pa nya 'yung blanket at ipinatong sa binti ko.

"Ilagay mo 'yan para hindi ka ginawin."

Hinawakan na nya 'yung handle nang wheel chair at saka dahan-dahan iyong tinulak palabas nang kwarto. Habang nasa hallway, rinig ko ang malakas na tibok ng puso ko. Ganito ba talaga pag unang beses mong masisilayan ang anak mo? 'Yung pakiramdam na kinakabahan ka na naeexcite. 'Yung pakiramdam na alam mong sa puntong ito may malaking pagbabagong mangyayari sa buhay mo. Dahil dumating na 'yung taong bubuo na talaga sa pagkatao mo.

"Here we go," napakagat pa ako sa aking labi nang huminto si Kai sa tapat ng isang kwarto na may malaking salamin bilang bintana. Sa loob noon ay ang mga nakahilerang kapapanganak pa lamang na mga sanggol.

"Ayun sya, 'yung nag-iisang sanggol na nasa loob ng incubator. I talked to our doctor regarding to his condition. Ang sabi naman nya ay malusog si baby. Baka nga daw after one-month maari na natin syang ilabas rito. Kailangan lang talaga nating maghintay at maari na nating makasama ang ating munting prinsipe."

Ipinatong ni Kai ang kamay nya sa balikat ko, "Wifey? Umiiyak ka ba?"

Hindi ko na napigilan. Nag-uunahang magbaksakan ang mga luha sa magkabila kong mata. Tuloy-tuloy iyon habang nakatitig sa munting anghel na nasa harapan namin.

"Umiiyak ka ba dahil lalake at hindi babae ang naging anak natin?" nag-aalalang tanong ni Kai. Agad din naman akong umiling habang pinupusan ang mga luha sa aking mata. "H-hindi 'yon 'yung dahilan," I managed to reply.

"Then why are you crying?" Nilingon ko si Kai habang may mga butil pa nang luha sa magkabila kong pisngi.

"Umiiyak ako kasi hindi ako makapaniwala sa mga nangyari. Alam mo 'yon? 'Yung mga panahong naghiwalay tayo. 'Yung mga panahong... muntik na syang mawala sa atin." Naramadaman ko ang paghaplos ni Kai sa likod ko. "Pero masaya ko kasi.. kinaya na'tin. Hindi natin sinukuan ang isa't-isa. Hindi tayo bumitaw."

"You're right. That's why I want to say thank you..." inabot ni Kai ang kamay ko. Hinalikan nya iyon bago halikan rin ang aking noo. Naramdaman ko pa ang mangilan-ngilang patak ng luha mula sa kanyang mga mata. "Thank you for staying. Thank you for giving me another reason to live."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.