Chapter CHAPTER 62: SAVE ME, PLEASE
SHAWN
"Arrgh! N-Noona.... ambigat mo," hindi ko maiwasang mapangiwi habang nakadapa ako sa lupa at hawak-hawak ang kaliwang kamay ni noona. Nagitla ako nang bigla na lang syang mahulog sa bangin na kinatatayuan namin. Mabuti na lang at nagawa kong agapan ang pagbagsak nya. Bahagya nitong sinulyapan ang nasa ilalim nya. "God! I almost die." bulong nito.
Sinuway ko naman ang ginagawa nya, "Wag ka 'nang tumingin sa ibaba. Mas lalo kang bumibigat! Arghh!" kanang kamay ko ang nakahawak kay noona habang ang kaliwang kamay ko naman ang pumipigil sa pagbagsak namin pareho. Naglalabasan na ang mga ugat sa kamay ko. Hindi kalauna'y baka mangyari na ang kinatatakutan ko.
"Shawn... Ahhh!!" napasigaw si Dasuri noona nang bahagyang dumulas ang pagkakahawak ko sa kamay nya. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata nya.
"I-I can't die Shawn, please... help me. Please..." she pleaded.
Napatitig ako sa kalagayan nya. Kung tutuusin ito na ang pinaka magandang pagkakataon para isakatuparan ko ang plano ko. Hawak ko ang kaligtasan nya. Kung gugustuhin ko, madali lang para sa akin ang bitawan ang kamay nya para mawala na sya nang tuluyan sa eksena.
S'ya na dahilan, kung bakit nasasaktan ang babaeng mahal na mahal ko.
"Tulungan mo ko, Shawn! Please! H-Hindi ako pwedeng mamatay! K-Kahit para na lang sa magiging anak namin ni Kai. Please... " sunod-sunod ang pagtulo ng luha mula sa mga mata nya. Nagmamakaawa na tulungan sya. Napatitig naman ako rito habang hindi makapaniwala.
"B-Buntis ka?" Tumango-tango ito habang humihikbi.
Para kong binuhusan nang malamig na tubig sa ulo. A-Ano ba 'tong ginagawa ko? P-Paano ko nagawang subuking patayin ang mag-ina sa harap ko? Hindi ako mamamatay tao! H-Hindi ko 'to gusto! Diniretsyo ko ang kaliwa kong kamay at inabot sa kanya, "Noona! Ibigay mo sa akin 'yung isa mo pang kamay!" utos ko rito. Kahit hirap na hirap, pinilit parin nitong sundin ang utos ko.
"Pagbilang ko ng tatlo, tulungan mo kong iangat ka. Itapak mo ang paa mo sa mga bato, okay?" Tumango ito bilang sagot.
"Okay, one, two, three!!!"
"Ahhhh!" napahiyaw ito nang dumulas 'yung paa nya mula sa tinatapakang bato.
"Shit!!" Napamura ko sa sakit nang kumiskis ang mga braso ko sa bato. Hirap na hirap na ko sa posisyon namin. Pakiramdam ko, kapag tumagal pa kami sa ganitong kalagayan. Baka bigla ko na lang mabitawan ang kamay nya. "Arrgh! Shawn..."
"H-Hindi ko na ata... kaya. S-Sobrang sakit na ng kamay ko."
Umiling-iling ako, "H-Hindi Noona! Tumigil ka! Ayoko nang sinasabi mo!"
Lalo namang dumami ang mga pumapatak na luha sa mga mata nya, "Can I ask you a favor? Pwede bang sabihin mo sa asawa ko na mahal na mahal namin sya ng baby sa sinapupunan ko." hindi ko namalayan may mga luha na ring namumuo sa magkabila kong mata. Umiling-iling ako bilang protesta.
"Noona! H-Hindi! Ayoko! Wag kang bibitaw! Wag!!" nataranta ako nang maintindihan ang nangyayari. Ngumiti lang ito sa akin at umiling-iling.
"I'm sorry, Shawn. I'm sorry baby pero hindi na talaga kaya ni mommy." pinikit nito ang kanyang mata at kumalas sa pagkakahawak ko. "Noooona!!!!!!!"
Literal na huminto ang tibok ng puso ko. Bigla kong nablanko. Parang nakalimutan na ng katawan ko kung paano ang kumilos. Naramdaman ko na lang na may tumulak sa akin paalis sa kinapu-pwestuhan ko.
"Fvck! Dasuri!" sigaw ng lalaking humablot sa kamay ni Noona. Sabay kaming napatitig rito. Nanginginig ang buo kong katawan. Hindi ako makakilos.
"WHAT THE HELL ARE YOU DOING IDIOT?! TULUNGAN MO KONG I-ANGAT ANG ASAWA KO!!" nanggagalaiting sigaw 'nung lalaki sa harap ko.
Natauhan naman ako't nagmamadaling kinuha ang isang kamay ni noona. Kahit nanghihina na ang mga tuhod ko sa kaba. Buong lakas kong hinila si noona.
"Pagbilang ko ng tatlo, sabay natin syang hilahin paakyat. One, two, three!!! Arrgh!"
"Aaaaah!!!"
Matapos ang ilang beses na paghila. Himalang naiangat din namin si noona. Agad-agad itong humagulgol nang mayakap ang asawa.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Hubby... huhu... Hubby..."
"Sssh, tahan na. Okay na ang lahat. Nandito na ko." Nakatitig lang ako sa kanila habang pinapatahan si noona ng kanyang asawa. Nahihiya ko sa ginawa ko. "Akala ko talaga hindi na kita makikita. Akala ko katapusan na talaga namin 'yon ni baby, huhu.."
"Ano ba kasing naisip mo't pumunta ka dito? Pinilit ka ba ng lokong batang 'to?" Matalim ang tinging pinukol sa akin ni mr. Kim. Napaiwas naman ako ng tingin. "Kamjjong! Shawn..." gulat na gulat si ang reaskyon ng mukha ni Sarah nang makita ang kalagayan namin. Napayuko ako nang magtagpo ang aming mga mata.
"O-okay lang ba ka'yo? Tumawag na si madam Kim ng mga taong tutulong sa atin. Kaso mga kalahating oras pa siguro ang bibilangin bago sila makarating. Madilim na kasi sa paligid at hindi sila masyadong pamilyar sa lugar." "Hindi na kailangan. Ako na mismo ang mag-uuwi sa asawa ko. Tara na wifey, ipapasan kita sa likod ko," umayos 'to ng pwesto at inalalayan si noona.
"Pero delikado kung pipilitin nyong bumalik agad. Maraming nakakalat na putol na sanga sa paligid. Mas makakabuti kung magaantay na lang ta'yo dito." ani ni Sarah. Halatang nag-aalala sya para sa lalaking 'yon.
"Can't you see? Maraming sugat ang asawa ko. She needs to be cured. Hindi ako uupo lang dito at hayaan syang mamilipit sa sakit."
Inayos ni Mr. Kim ang pagkakabuhat kay noona. "Okay lang ako hubby..."
"No, Iaalis kita dito and nobody can stop me." he said that with full of authority. Walang nagawa si noona kundi ang mapanguso na lang.
"Bahala ka. Basta binalaan na kita." may halong inis na pahayag ni Sarah. Ako naman ang binalingan ni Mr. Kim.
"You know what kid? I want to punch you hard pero pinipigilan ko ang sarili kong gawin 'yon. Magpasalamat ka na lang walang nangyaring masama sa mag-ina ko. Dahil kung nagkataon, baka nakalimutan kong apo ka ng lola ko." Nakipagtitigan pa 'to sa akin bago nagpasyang umalis na nang tuluyan. Pinagmasdan ko lang sila habang tuluyang naglalaho sa dilim.
He was scary and cool at the same.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Napangiwi ako nang kumirot ang mga sugat sa aking katawan. Napalingon sa akin si Sarah nang marinig 'yon.
"Argh, talaga pa lang hindi ako uubra sa prinsipe mo 'no? Walang-wala ko kung ikukumpara sa kanya." Sinubukan kong umayos nang upo. Inihakbang naman nya ang mga paa nya papunta sa'kin.
"Ngayon alam ko na kung bakit sya pinagaagawan. Hmm. Makiagaw na lang 'din kaya ko sa inyo ni noona?" Sinubukan kong magpatawa para mabawasan ang ilangang namumutawi sa pagitan naming dalawa. Ngunit hindi 'non tinablan si Sarah. Diretsyo lang iyong nakatingin sa akin.
"Bakit mo ginawa 'yon?" walang emosyon nyang pahayag. Hindi ko sya matignan sa mata gaya nang kung paanong hindi ko masagot ang tanong nya.
"Bakit naman ganyan ka makatingin para kang mangangain ng buhay. 'Wag ganyan oy! Natatakot ako. Hehe."
"Shawn..."
"Sige ka. Kapag ipinagpatuloy mo pa ang pagtingin sa akin ng ganyan baka isipin ko na------" naputol ang sasabihin ko nang bigla syang sumigaw.
"SHAWN KIM! SAGUTIN MO 'YUNG TANONG KO! BAKIT MO NAGAWA 'YON?! BAKIT MO SINUBUKANG SIRAIN ANG BUHAY MO NG DAHIL LANG SA AKIN?!! BAKIT??!!" Nagitla ako nang may makitang luha sa mga mata ni Sarah. Lumuhod ito at pumantay sa akin. Hinampas pa nya ang dibdib ko gamit ang kanyang mga kamay.
"Tanga ka ba?! Bakit lagi ka na lang sumusunod sa mga sinasabi ko?! Bakit ako na lang lagi ang inaalala mo?! Nakakaasar kana alam mo 'yon?! Nakakaasar kana!" sumikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan syang umiyak. Hindi ko kayang makita syang ganyan. Hindi ko kaya.
"Sorry," niyakap ko sya para patahanin. Nag-iiyak naman s'ya sa dibdib ko.
"Paano na kung ipakulong ka nila dahil sa ginawa mo? Paano kung palayasin ka ni madam Kim? Ibig sabihin iiwan mo rin ako? Iiwan na naman ako nang taong gusto ko?"
"A-Ano? Tama ba 'yung narinig ko?" pakiramdam ko nabingi ako sandali. Tumahan naman si Sarah at pinunasan ang luha sa kanyang mukha. Bumilis ang tibok ng puso ko habang unti-unti nya kong sinusulyapan.
"Ngayon ko lang narealize, mas takot pa la kong mawala ang knight ko kaysa sa prinisipeng hinahabol-habol ko." Natulala pa ko sandali at hindi nakapagsalita.
"T-Totoo ba 'to? G-Gusto mo ba talaga ko? Baka naman nananaginip lang ako? Pasampal nga!" tumawa si Sarah na na naging dahilan para matawa na rin ako. "Baliw ka talaga," saad nito bago ko yakapin ng mahigpit.
Tama si noona, mali ang manakit ng iba para sa pang sarili mong kaligayan. Dahil hindi ka tunay na magiging masaya kapag alam mong may tinapakan kang iba.