Chapter CHAPTER 6: L.JOE
DASURI
"Y-Yah! Anong ginagawa mo?"
I asked shockingly nang biglang ilapit nung lalaki 'yung mukha nya sa akin. Hindi ko alam kung bakit napunta kami sa ganitong posisyon. Basta bigla na lang syang lumapit sa akin habang nag-i-introduce. Nakadrugs ba 'to?
Luminga-linga pa ko para sumenyas nang tulong sa mga kaklase ko, kaso mukhang nae-enjoy pa nila 'yung view eh. Waaah! Hubby. Help. Ibinalik ko ang tingin sa lalaki at nakita ko ang pag ngiti nito. Infairness... gwapo sya.
"My name is L. joe. Nice to see you again, Dasuri." Eh? K-Kilala nya ko?
"Kilala mo ko?" tanong ko pa habang nakikipagtitigan sa kanya. Pinagmasdan ko ang mukha nya, pero kahit anong isip ang gawin ko, I can't remember na nagkita na kami before. Except 'yung sa bus kahapon. Mukhang magsasalita na sana sya ulit nang maramdaman namin ang presensya ng aming professor. Tumayo ito sa bandang kaliwa ko,
"Itigil nyo na ang kalokohan na 'to. Kung may balak kayong magligawan, h'wag sa klase ko."
Sinulyapan muna sya saglit 'nung L. joe 'daw' bago 'to umayos nang tayo. Bahagya ko namang iniiwas ang tingin ko. Ano ba 'yan, lalo kong mamumuro kay Ms. Soo nito eh. Lagi na nga nya kong napapagalitan dahil sa pagiging late tapos nadamay pa ko sa kalokohan ng psycho na 'to.
Arrgh. Kung sinuswerte ka talaga.
"Mr. Lee, I don't know what is your connection to Ms. Kim, pero hindi tamang gumawa ka nang eksena sa unang araw pa lang ng paglipat mo rito. Maghanap ka na nang bakanteng upuan at maupo."
Mukhang hindi naman tinablan 'yung lalaki sa sermon. Nakapoker face lang kasi 'to hanggang sa makaupo sa upuan sa likod ng nasa kaliwa ko. Umalis na si ma'am sa pwesto nya at nagpunta sa unahan. Pasimple ko namang sinilip muli 'yung lalaki, may suot syang black-leather jacket at white t-shirt sa loob. Meron pang mga design na stars sa kuwelyo nito. And black fitted jeans na pinatneran ng cool na sapatos. Well, to make it short, masasabi kong he looks like a bad boy type. Sa pamamaraan ng pananamit nya, pagkilos at pati na 'yung kulay ng buhok, blonde hair with a touch of pink. "Nakakatakot sya," bulong ko pa.
Ibabalik ko na sana 'yung atensyon ko sa unahan nang mapadako naman ang tingin ko sa babae sa kaliwa ko, 'yung nasa unahan nung bad boy. She is Im Sora, ang mahinhin at matalino kong kaibigan. "Magkakilala kayo?" she mouthed to me. Umiling-iling naman ako.
"Hindi 'no!" pagtanggi ko. Never akong nakipagfriend sa gangster 'no. Takot ko lang.
"Now, I want to discuss to you ang nalalapit na pagdiriwang ng centennial anniversary ng ating paaralan." I heard Ms. Soo's voice kaya nakinig na ko sa sinasabi nya.
"Aware naman siguro kayo sa mga kaganapan sa panahong iyon. Except for the two, Mr. Lee and Ms. Kim, na kakatransfer pa lang this semester." Nilingon pa kami ni ma'am matapos sabihin 'yon.
"There are lots of activities and programs that will be held by different departments and clubs. One-week ang magiging celebration meaning one week ring mawawalan ng klase. That's why lahat kayo ay talagang inaabangan 'to. But I'm sorry
to tell you guys, I'm not a type of professor na hahayaan kayong magsaya lang sa panahong 'yon." Nakangiti pang pahayag ni ma'am. Maririnig mo naman ang pagkadismaya at hindi pagsang-ayon sa paligid. "What? Ang kj naman nya!"
"Gee! Kaya pala sya kinaiinisan ng mga estudyante dito."
"Wala syang puso. Grabe!"
"Are you going to hate me? Then do it. I don't care about your opinions because whether you like it or not, you will follow me. Tandaan nyo, isa ko sa mga magde-desisyon kung aakyat ba kayo ng stage or not after this semester. Kaya kung ako sa inyo magpapakabait ako." She said with full of conviction.
Oh' gosh. Mali ata 'yung desisyon kong dito magaral. Mukhang nanganganib pa kong hindi makagraduate.
"Well, simple lang naman ang ipagagawa ko. Gusto kong lahat kayo ay maging productive. I don't care kung anong clubs kayo kasapi. Sports or Arts man yan. Ang importante makita kong meron kayong pakinabang sa organisasyon nyo. Lahat ng gagawin nyo from the first day until the last day of celebration, dapat nakadokumentado. Take a picture, put a description on what happen on that day and compile it in a clear book. As simple as that,"
"Nakadepende ang grades nyo sa kung gaano kabigat ang naitulong nyo. Ang submission date ay ang first meeting na'tin after of the said event. Maliwanag ba?" tanong ni ma'am.
Walang gana namang sumagot ang lahat, "Yes, ma'am"
Aist. Bakit kaya may mga professor na mahilig magpahirap ng estudyante? Hayahay week na naging Hell week pa.
"Mr. Lee and Ms. Kim, humanap na kayo agad ng clubs na tatanggap sa inyo. Para hindi na kayo magkaproblema sa huli." Suhestyon pa ni ma'am.
Sumagot naman ako agad, "Opo, Ms. Soo."
"Hoy! Babae!"
"Aist. Nandito na naman 'to" bulong ko nang may umupong babae sa harap ko.
Katatapos lang kasi ng first subject namin at meron kaming 30 minutes break. Talagang nag-effort pa syang baliktarin 'yung upuan para makaharap sya sa akin. Nakasuot ito ng pure black from head to toe. Kala mo laging pupunta nang libing. Pahabain ko 'yang short hair nya eh. Psh.
"Sikat ka na naman." Saad pa nito. Inirapan ko nga sya.
"Inggit ka naman?" pagtataray ko rito.
"Ako maiingit? Sa'yo? Ha! Patawa ka. Ha-ha."
"Ewan ko sa'yo. Bakit mo ba ko nilapitan?" Kaasar. Nananahimik 'yung tao dito tapos mangugulo.
S'ya si GAIN, ang instant frenemy ko sa campus. Sya 'yung pinaka dahilan kung bakit pinapunta ko si Kai dito. Ayaw nya kasing maniwala na ako 'yung ASAWA ni hubby. Sinabihan pa kong impostora at ilusyunada, kabadtrip kaya 'yon. "Ano ba sa tingin mo?"
"Para mang-inis na naman? Kailan mo ba ko titigilan ha? Natalo na kita sa pustahan. So, leave me alone." Irita kong wika. She mimics my voice and actions that makes me more irritated. Arrrgh.
"Pikon mo talaga. Kaya trip na trip kitang asarin eh. Haha." komento pa nya.
"Pero maiba ko, balita ko, may mga intimate scene ang asawa mo sa bago nyang drama ah? Pumayag ka?"
Kumunot ang noo ko nang marinig ang sinabi nya. May intimate scene, sino? Si Kai?
"H'wag mong sabihing hindi mo alam? Kalat na kalat na sa internet 'yon. See?" ipinakita nya sa akin 'yung cellphone nya. Nakita ko sa screen nito ang isang article tungkol sa sinasabi nya.
It was entitled as, 'EXO KAI RUMORED TO HAVE AN INTIMATE SCENE ON HIS VERY FIRST UPCOMING DRAMA'
Totoo kaya 'to? Pero wala namang nababangit si Kai tungkol dito. Actually, since nagstart 'yung filming ng drama nya never ko syang narinig na nag-open ng topic about this. Kahit nga 'yung leading lady nya hindi ko kilala. Bigla ko tuloy naalala 'yung usapan namin nila Soyeon,
"Alam mo kung ano pa ang ipinagtataka ko?" Sumubo muna si Yoonsoo nang pagkain nya bago ko hinarap, "Pano nagagawang tiisin ni Kai ang hormones nya kapag magkasama kayo? Siguro naman magkatabi na kayo sa iisang kama 'no? And to think that he's a guy? Parang imposible."
"Ay alam ko ang sagot. Idol kasi si Kai. Sanay syang nakakakita nang mga almost perfect na babae. 'Yung tipong maganda na, sexy pa. Eh' hindi naman kasi sexy 'tong kaibigan natin kaya hindi sya naaakit. Haha." Natatawang sagot ni Krystal. "Ay, tama ka dyan teh'. Kaya ikaw Dasu, mag-ingat-ingat ka. Bantayan mo 'yang iyo. H'wag kang papakampante. Ikaw rin." Segunda pa ni Soyeon. Dapat na ba kong kabahan?
I shook my head. Hindi ko sya dapat pag-isipan ng masama. Baka humahanap lang sya nang tyempo para 'don.
"Ano bang pakialam mo ha? Alam ko ang tungkol dyan. May tiwala ko sa asawa ko kaya hindi mo kami masisira." Saad ko sabay kuha ng gamit ko.
Makalayas na nga rito. Baka hindi ako makapagpigil at ma-extend ko ang hair nito eh. Lumabas ako ng room at naglakad sa hallway. Balak kong pumunta sa garden. Doon ko na lang balak tumambay muna.
"Nasaan na nga pala si Sora? Sabi nya pupunta lang sya ng library sandali. Bakit hindi na sya nakabalik?" kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial. Sasabihin ko sa kanyang doon na lang kami magkita.
Nakakailang ring pa lang ang naririnig ko nang may mapansin ako sa di kalayuan. Isang pamilyar na lalaki ang nakasandal sa pader habang may suot-suot na headphone. Medyo bumagal ang paglalakad ko, wala naman siguro syang balak na guluhin ulit ako, diba? Hmm.
Mukhang hindi naman nya napapansin ang presensya ko kaya nagdire-diretsyo ko sa paglalakad. Hindi ko na lang sya papansinin, hindi naman kami close eh. Malapit ko na sana syang malagpasan nang bigla syang magpakita sa harap ko. Napahinto pa ko dahil 'don.
"Aigoo!" bulalas ko.
Shete. Ano na namang kailangan nito sa akin?
Hindi ko sya nililingon para kunwari hindi ko sya kilala. Ang mabuti pa siguro mag-iba na lang ako nang direksyon. Tama. 'Yun nga ang pinaka tama kong gawin. Balak ko na sanang dumaan sa gilid nya para malagpasan sya kaso bigla-bigla rin syang humaharang sa bawat daraanan ko. Nakailang try na ko pero ang resulta ay laging FAILED.
Anak ng DONUT DE FRUTA! Iniinis talaga ko ng mokong na 'to ah. Ibinaba ko 'yung phone at hinarap 'to.
"Ano bang problema mo?!" I said with gritted teeth.
Hindi naman sya sumagot. Sa halip ay tinanggal nya ang kanyang headphone at inilagay 'to sa kanyang leeg. He don't even looks at me.
"YAH! Hindi na ko natutuwa sa'yo ah. Kanina mo pa ko pinagti-tripan. Kung may kailangan ka sa akin, sabihin mo na. Hindi 'yung para kang stalker na laging nakasunod." Kaasar 'to. May crush ata sa akin 'to eh.
Nakita ko naman syang ngumisi. "Anong nakakatawa? Totoo 'yung sinabi ko. Mula kahapon hanggang ngayon, lagi ka na lang sumusulpot sa mga lugar na kinaroroonan ko. Imposible namang coincidence lang 'yon 'no, kasi pati pangalan ko alam mo. Umamin kana, crush mo ko 'no?" Inipit ko 'yung hair ko sa kanang tenga ko para magpa-cute. Nakatitig lang naman 'yung mokong sa akin.
Sigurado ko 'don. Para kasing confession 'yung ginawa nya sa'kin kanina. Grabe, Dasuri. Ang haba talaga ng hair mo. HAHAHA.
Reality strike me nang may humawak sa chin ko at iangat 'to paharap sa kanya. Bigla kong nanigas nang makita ang mukha nito sa harap ko. Unti-unti nitong binabawasan ang espasyo sa pagitan naming dalawa.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Gee. H-Halikan nya ba ko?! Hokage pala 'tong stalker ko!
"Do you really think that I like you?" He looks at my eyes, down to my nose and lips, then back on my eyes again.
"You're not even pretty,"
Napanganga ko dahil sa sinabi nya. H-Hindi daw ako maganda?! Ang kapal ah! Hinawi ko nga ang kamay nya. Hindi naman nya ininda 'yon at nagawa pang pagmasdan ako mula ulo hanggang paa. "Flat-chested, short legs and no curves at all. Definitely, not my type."
JONG-INA! LAITIN DAW BA KO NANG HARAP-HARAPAN??!!
Ramdam ko ang pagakyat ng dugo ko papunta sa ulo. Para itong bulkang malapit nang sumabog at pasensya kong malapit nang maubos! Ang yabang ng mokong na 'to. Anong akala nya kinagwapo nya 'yang panlalait nya? GRRR. BWISET!!!!
"Anong sabi mo?! Bawiin mo 'yon!" sabay hablot ko sa kuwelyo nya. Kinailangan ko pang tumingkayad dahil mas matangkad 'to sa akin. Nagkibit-balikat naman ito. Ay, PUSANG GALA! Tutubuhin ko na talaga 'to. Lakas mang-asar e'. "Mrs. Kim? Sino 'yang kasama mo? Naku, mukhang may ginagawa kang kalokohan a'. Isusumbong kita sa asawa mo." Binitawan ko 'yung mokong nang mapansin ko ang paglapit sa amin ni Ms. Kwon. Sya 'yung teacher namin 'yung time na pumunta si Kai sa school.
"Hindi pa ko tapos sa'yo," bulong ko sabay pakita ng kamao ko sa kanya. Inayos ko naman ang sarili ko at ngumiti pagkarating ni ma'am sa tabi namin.
"Wow! Sino naman ang lalaking ito? S'ya ba 'yung tinutukoy ng mga estudyante na gwapong transferee sa klase nyo? Mukhang hindi nga sila nagsisinungaling. Ha-ha." talagang sinilip pa ni ma'am 'yung mukha nung mokong bago tumawa na parang nakasinghot ng isang dosenang katol.
"Sya gwapo? Kailangan nyo na po atang magsalamin Ms. Kwon," Komento ko pagkatapos ituro 'yung mokong.
"Ang katulad nyang mukhang ganster na may ice cream inspired na buhok ay hindi, kahit kailanman, na masasabing isang gwapong nilalang." Nilingon ko si L. joe at tinignan mula ulo hanggang paa, "Dahil ang salitang 'KAGWAPUHAN' ay hindi makikita sa kahit saang parte ng katawan nya." Hmp. Kala mo. Gantihan lang 'to.
"Grabe ka naman makapanlait Mrs. Kim, baka mamaya nyan. Mabalitaan ko na lang isang araw. Kayo na pa lang dalawa." Halos masuka naman ako sa sinabi nya. Over my beautiful, cute and sexy body! "Anyway, ako nga pala si Ms. Kwon, ako ang isa sa professor ng klase nyo. Magkita ulit tayo mamaya. Mr.?"
"Lee." Dugtong naman ni L. joe.
"At ikaw naman Mrs. Kim, kung ayaw mo na sa asawa mo, sa akin mo na lang sya ibigay. Sobra kong matutuwa dahil 'don." Tinapik-tapik pa ni ma'am 'yung balikat ko bago umalis sa harapan namin. Sya lang ang bukod tanging professor ko na hanggang ngayon patay na patay parin sa mga IDOLS. Kasama na 'don 'yung asawa ko. Kaloka! Napapailing na lang talaga ko kapag sya 'yung kausap ko. "Asawa? Are you a married woman?" napalingon ako sa nagsabi 'non. Kitang-kita ko ang pagtataka sa mukha nya.
Sinasabi ko na nga ba e'. Kunwari pang hindi nagagandahan sa akin tapos narinig lang na may asawa ko, biglang naging sobrang interesado. Hinarap ko sya nang buong pagmamalaki. "Oo, kaya kung may balak kang pormahan ako. Sorry, pero hindi na ko available." tinapik ko pa 'yung balikat nya sabay alis sa harap nya.
Oh yeah! Na sa akin pa rin ang huling halakhak. HAHAHA.