Chapter CHAPTER 59: CHILDHOOD FRIEND
DASURI
Hindi ko maiwasang mamangha kung gaano kalaki at kaganda ang bahay na pinasukan namin ni Kai. Mula sa hagdan nito, hanggang sa mga gamit at detalye sa paligid ay maiisip mong nasa isa kang palasyo. Nakakapagtaka lang na mag-isa ang lola ni Kai na naninirahan dito. Para yatang ang lungkot 'non?
Bahagyang napanatag ang loob ko dahil sa pagkakahawak ni Kai sa kamay ko. Eto rin ang unang pagkakataon na naghawak muli kami ng kamay mula nang magkaroon ng di pagkakaintindihan sa pagitan namin. Ngunit di ko rin maiwasan ang kabahan sa tuwing mapapatingin ako sa lola nya. Nakaupo na ito sa sala habang hawak-hawak ang tungkod nya.
"Mabuti pa'y ipasok nyo muna sa kwarto sa taas ang mga dalahin nyo. Magpapaluto ako nang pagkain upang makakain na tayo ng tanghalian." Pahayag nito habang unti-unting tumatayo.
Pinagmamasdan ko lang ito. Kahit matanda na, mababakas mo parin talaga ang kagandahan sa mukha nya. Halatang isa syang sopistikadang babae noong kabataan nya.
"Sige ho, La, aakyat na kami ng asawa ko."
"Sandali Kai, hindi ba tayo magbibigay galang sa kanya? Alam mo na 'yung tipikal na dapat nating gawin? Yumuko sa harap nya para basbasan ang pagpapakasal natin?" Pigil ko rito. Baka kasi magalit yung lola nya pag di namin ginawa 'yon. "Nah, di na kailangan 'yon. Hindi trip ni lola ang mga ganong bagay. And besides, sya na rin naman nagsabi na umakyat na tayo. Wag ka nang tumutol baka talagang magalit sya sa'yo." banta pa nito sa akin kaya kahit nagdadalawang isip ay hinayaan ko na lang si Kai na hilahin ako paakyat ng hagdan.
Dala-dala nito ang maleta nya habang hawak-hawak naman ang kamay ko sa kabila. Sobrang ingat ng mga kilos ko, ayoko kasing mapagsabihan ng lola nya na ang gaslaw kong kumilos. Tsk.
"Woah! Ang kyut naman ng kwartong 'to at ang ganda ng kama." Bumitiw ako sa pagkakahawak ni Kai at nagmamadaling tumalon sa kama. Napakalambot kasi nito kaya ang hindi ko maiwasang magtatalon-talon rito. Kumunot naman ang noo ni Kai nang makita ang ginagawa ko, "Stop it Dasuri, baka nakakalimutan mong buntis ka." Pangaral agad nito.
Napahinto naman ako sa aking ginagawa sabay pout, "Oo na po, Tsk. sungit."
Dahil Kj ang asawa ko, nilibot ko na lang ang aking paningin sa paligid. Inusisa ko 'yung mga bagay-bagay sa kwarto.
"Woah! Sa'yo lahat ng to?! Ang talino mo pala." bulalas ko habang hawak-hawak ang mga medalyang nakasabit sa pader.
Nilingon naman ako ni Kai sabay smirked, "Yeah, compared to you? I'm a genius." sagot nya habang inaayos ang gamit ko. I rolled my eyes ng marinig ang sinabi nya. "Mayabang ka mo." Bulong ko sabay tuon ng atensyon sa mga frame sa gilid.
Meron kasi roong mga larawan ni Kai noong bata pa sya kasama ang pamilya nya. Kinuha ko 'yon at ngumiti ng wagas.
"Aigoo! Ang kyut kyut mo naman dito. Para kang anghel. Ang bait-bait tignan. Hehe."
"Wala parin naman nagbago ah? I'm still cute like before. Nagdagdagan lang siguro ng pagiging gwapo." He grins on me.
"Kapal! Nuknukan kamo ng kayabangan. Tss." Kai laughed.
Pagkatapos nyang ayusin 'yung gamit ko. Lumapit sya sa akin at naupo malapit sa pwesto ko. Bahagya pa nitong idinikit ang mukha nya sa mukha ko,
"Bakit, hindi ba? Gwapo naman ako, right?"
I gulped when I smell his breath. Grabe, may kakaiba na namang nangyayari sa katawan ko. Hormones tigilan mo ko.
"Kwarto mo ba 'to nung bata ka? Ganda e." Pagiiba ko sa topic. Iniiwas ko pa ang tingin sa kanya dahil kanina pa 'to nakatitig sa'kin. Parang mangangain ng buhay e.
"Oo, kwarto ko nga. Bakit?" ramdam kong hindi nya parin tinatanggal ang tingin sa'kin. Takte. Pinagpapawisan na ko dito ah.
"Edi marami ka pa lang magagandang alaala dito. Marami ka sigurong ginawang kalokohan dito 'no? Hehe." I fake my laughed. Jusko naman. Matutunaw na ko nito e.
"Yeah, mga bagay na ako lang ang nakakaalam." He inhaled na parang inamoy ang pabangong inilagay ko sa aking leeg. It tickles me a little.
"But I want something new," nagulat naman ako nang bigla nyang idikit ang katawan sa akin dahilan para mapahiga ako sa hagdan ng tuluyan.
My eyes were wide open when I saw him above me. Hindi parin nito tinatanggal ang tinginan namin. Naramdaman kong parang may kuryenteng dumaloy sa buong kong katawan. "Gusto kong dagdagan 'yung mga magagandang bagay na nangyari dito." Kai huskily whispers on my ears.
"'Yung bagay na tayo lang ang makakaalam."
I cursed on my head when I heard that, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Gosh. He's turning me on. I inhaled and composed myself. No Dasuri, wag kang papadala sa bugso ng damdamin. Kayanin mo 'yan.
"A-Ano ba 'tong ginagawa mo? Hindi 'to magandang joke. T-Tabi dyan. Tatayo na ko." Sinubukan ko syang itulak palayo pero hinawakan nya lang 'yung kamay ko and put it beside my head. Lalo kong nagpanic. Takte. Tukso layuan mo ko. Alang-alang sa baby ko.
"Sino ba nagsabi sa'yong nagbibiro ako? I'm serious Dasuri, you make me starve. I want to fucking eat you."
Okay, I'm done. He won. I closed
someone suddenly smacks our door. "Kam-jjong!" She shouted.
eyes and wait for his lips. Hindi naman ako nabigo dahil agad ko ring naramdamaan iyon. He slowly sucks it na parang dinadama ang bawat pagdikit ng mga labi namin. I'm preparing to give in when
Napamulat naman ako ng mata at naitulak si Kai nang bahagya. Shocks. Baka lola nya 'yon. Nakakahiya! Baka sabihin ang landi-landi ko. Geez.
"Ah, S-Sorry. D-Di ko sinasadya. May kasama ka pala," Halata sa mukha nya ang gulat. Mukhang di nya inaasahan ang kanyang nakita. Nagpasalit-salit pa ang tingin nya samin ni Kai bago ko titigan. Bigla kong naconcious sa ginawa nya. "P-pinapatawag ka na ni madam Kim, S-sige. A-alis na ko."
She walk out and close the door. Kumunot ang noo ko. May something sa babaeng 'yon. The way she looks at me? May kakaiba e.
"Tss. What a good timing." Narinig kong bulong ni Kai bago umalis sa ibabaw ko. Pumwesto ito sa gilid ng kama inalalayan ako sa pagtayo.
"Bumaba na tayo bago toyoin si Lola, mahirap na." Saad pa nya at nagtungo sa pinto ng kwarto. Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.
Pagbaba namin sa dining area. Nanlaki ang mata ko sa dami ng pagkain sa mesa. Parang may piesta. Hindi ko tuloy matanggal ang tingin dito.
"Mukhang nagugutom na 'yung baby natin ah," Kai whisper to me habang bahagyang tumatawa. Narinig pala nya ang pagkalam ng sikmura ko. Nakakahiya!
"Ahh, oo nga e. Hehe." Inalalayan nya ko hanggang makarating kami sa tapat ng mesa.
"Maupo na kayo upang makapagsimula na tayong kumain." Utos ng lola ni Kai habang nakaupo na sa pinakagitna ng mesa. Agad-agad naman akong umupo sa gilid nya. Tumabi naman sa'kin si Kai.
"Parang ang dami naman atang pagkain nito La? Tatlo lang naman tayong kakain." Puna ni Kai nang mapansin ang mga nakahanda sa harap namin.
"Gusto ko lang ipaghanda ang pagpasyal sa akin ng nagiisa kong apo. Hindi naman siguro masama iyon?" Walang kaemo-emosyong paghayag ng lola nya. Bahagya namang natawa si Kai.
"Hindi ka parin talaga nagbabago La. Ikaw parin 'yung masungit at istriktang lola ko. Haha."
"At ikaw, matigas parin ang ulo mo. Manang-manang ka sa mga magulang mo. Ni hindi mo man lang nagawang isangguni sa'kin ang pagpapakasal mo? Talaga bang kinakalimutan mo nang lola mo kong bata ka?" "Of course not, alam nyo namang ayoko lang talaga nang pinapakialamanan. At least ngayon alam mo na diba? Kumain kana." Natauhan ako nang bulungan ako ni Kai.
Ngayon ko lang napansin na nilagyan na pala ko ni Kai ng pagkain sa mesa. Masyado kong nadala sa pakikinig sa usapan nila.
"Teka, bakit puro gulay?" Puna ko sa ginagawa nya. Puro dahon kasi yung nilagay sa playo ko. Pasaway.
"Don't be too picky. Kailangan mong kumain ng masusustansyang pagkain." Sagot naman nya habang pinagsisilbihan ako. "Ehh, ayoko nga nyan e." Pagmamaktol ko.
"Nah, you don't have choice. Kung kailangang subuan pa kita para kainin ang mga 'yan. I'll do it." Gagawin pa lang sana ni Kai ang sinabi nya nang biglang patunugin ng lola nya ang sahig gamit ang tungkod nya. Napapitlag naman ako sa gulat bago tumingin sa kanya. "Talaga bang binabalewala nyong dalawa ang presensya ko? Baka nakakalimutan nyong hindi lang kayo ang kumakain sa lamesang ito?" Napaiwas ako ng tingin ng mapansin ang masamang tingin nya sa'min. Naku naman! Lalo syang nagiging witch sa paningin ko e. Kai kasi e.
Umayos naman si Kai ng upo at hinarap ang lola nya. Hindi ko naman naiwasang mapalingon sa mag-inang nasa harapan namin ni Kai. Isa 'don 'yung babaeng pumunta sa kwarto ni Kai kanina. Napaiwas ako dito nang tingin nang mapansing nakatitig sya sa'kin.
"Ano ba, may dumi ba ko sa mukha? Kanina pa nya ko tinitigan e. Nakakailang na." I whispher to myself.
"Umayos kayong dalawa bago nyo maubos ang pasensya ko"I gulped pero si Kai parang wala lang. Mukhang sanay na syang napapagalitan ng lola nya.
"Bago ko tuluyang mawalan ng gana sa mga kalokohan nyo. Gusto ko munang ipakilala ang dalawang babaeng nasa kanan ko. Sila si Mrs. Jung at ang anak nyang si Sarah. Sila ang katuwang ko sa pangangalaga ng bahay na ito. Halos sampung taon na ring naninilbihan ang pamilya nila samin. Mabuting makilala mo sila ng husto, Dasuri." Napapitlag ako nang bigla nyang bigkasin ang pangalan ko. "Huh? A-ako po?" Gulat na gulat kong tanong.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Bakit parang takang-taka ka? Hindi ba't asawa ka ng apo ko?" Kaswal nitong pahayag. Nagets ko naman ang ibig nyang ipakahulugan.
"O-opo, Lola Kim." Naiilang kong pahayag. Nanlisik naman bigla ang mata ng matanda.
"Sino ang nag bigay sayo nang pahintulot na tawagin akong lola Kim?!"
"Po?!" Nagulantang ako sa pagtaas ng boses nya.
Halos mapatalon ako sa gulat. Nilingon ko pa si Kai para tanungin kung may nasabi ba kong mali pero nagkibit-balikat lang ito. Takte naman oh.
"K-kasi po, a-apo nyo po si Kai diba? S-saka sabi nyo asawa ko po sya diba? K-Kaya inassumed ko na L-lola na tatawag ko sa inyo. M-mali po ba?" Medyo nanginginig kong pahayag.
"Aba't sumasagot ka pang bata ka?!"
Lalong nanlisik ang mata nya nang marinig ang sinabi ko. Napansin ko naman ang impit na pagtawa ni Kai. Takte. Nagawa pa kong tawanan ng loko. Halos himatayin na nga ko sa takot sa lola nya e. Huhu. Tinapakan ko nga ang paa nya sabay tingin dito nang masama. Napatigil naman sya sa pagtawa sabay lingon sa'kin. His face says, 'What?'
Binigyan ko pa sya nang 'Sige-Tumawa-Ka-Pa-Makikita-Mo-Hinahanap-Mo-Mamaya-Look'. Nagseryoso naman ito at hinarap ang kanyang lola,
"Ahm, La, wag mo naman masyadong tinatakot ang asawa ko. Baka matakot din 'yung baby sa tyan nya. Sige ka, baka ayawan ka non paglabas." Nawala ang inis sa mukha ng lola ni Kai at napalitan ng pagtataka. She faces Kai and ask a question, "Anong ibig mong sabihin?"
"Well, ang totoong dahilan bakit kami nandito ng asawa ko ay dahil...." hinawakan nya ang kamay ko.
"Gusto kong ipaalam sa pinakamamahal kong Lola na magkakaapo na sya sa tuhod. My wife is 4 months pregnant."
Nilingon pa ko nito sabay pisil sa kamay ko. "Hindi nga lang ganon kahalata pero dinadala nya sa tyan nya ang magiging anak namin" Napangiti naman ako dahil 'don. SARAH
"Well, ang totoong dahilan bakit kami nandito ng asawa ko ay dahil...."
"Gusto kong ipaalam sa pinakamamahal kong Lola na magkakaapo na sya sa tuhod. My wife is 4 months pregnant."
Nakapaskil sa mukha ni Kam-jjong ang isang napakatamis na ngiti habang sinasabi 'yon. Para namang nanigas ang buo kong pangangatawan matapos iyong marinig. Hindi ko akalain na maaari pa lang magkakatotoo ang kinatatakutan ko. Ang dumating ang pagkakataong ito.
"Sarah! Hoy. Sarah! Ano bang nangyayari sa'yo?" Nabalik ako sa katinuan nang may biglang tumapik sa braso ko. Pagtingin ko sa taong 'yon ay nagsalubong agad ang dalawang kilay ko.
"Ano na namang ginagawa mo dito?" Walang gana kong pahayag. Wala ko sa mood na makipagtalo sa unggoy na 'to.
"Wala lang, bored na naman ako e kaya napagtripan kong pumunta dito." Saad nya habang nakangiti nang malapad. Nilagpasan ko naman sya sabay kuha ng mga nakasampay na damit sa likod nya.
"Ay, grabe sya oh. Dinededma na naman ako. Bakit ba laging ang init ng dugo mo sa'kin? Sa gwapo kong 'to?"
Nilingon ko sya at tinignan mula ulo hanggang paa. Sa totoo lang hindi naman talaga pangit ang unggoy na 'to. Sa katunayan, sikat sya sa mga babae sa lugar na 'to pero mas gwapo lang talaga sa kanya si Kam-jjong.
"Balita ko bumalik na daw 'yung nagiisang apo ng may-ari ng bahay na 'to ah? Sino nga ba ulit 'yon? Yung sinasabi mong pakakasalan ka? Ka-Kangkong? Muntik nang maging KingKong ah? Hahahahahaha."
"Ang pangit siguro non 'no? Pagpapantasyahan mo na nga lang, yung mukhang unggoy pa. HAHAHAHA. KingKong! KingKong!" Pangaasar nya habang hinahampas ang dibdib.
Hindi na ko nakapagpigil. Ibinagsak ko sa sahig 'yung basket na pinaglalagyan ko ng mga naisilong ko nang damit at sinamahan sya ng tingin.
Huminga ko ng malalim at pinigilan ang inis. "Please lang, umalis kana sa harap ko. Wala ko sa mood para sa mga kalokohan mo." Natameme naman sya't napatitig sa'kin. "May problema ba?" Naging seryoso ang tono ng pananalita nito.
"Bakit? Nakalimutan na ba nya 'yung mga pangako nya sa'yo?" pero lalo ko lang kinainis 'yon.
Kinuha ko 'yung basket at padabog na umalis sa harap nya. Kahit kailan, bwisit talaga ang lalaking 'yon.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Narinig ko naman ang pagsigaw nya, "SABI KO NAMAN KASI SA'YO. KALIMUTAN MO NA SYA. WALA KANG MAPAPALA KUNG PILIT MONG PINANGHAHAWAKAN 'YUNG NAKARAAN. MAG-ISIP KA NGA! KUNG TALAGANG MAY BALAK SYANG TOTOHANIN ANG MGA SINABI NYA SAYO. DAPAT NOON PA LANG BUMALIK NA SYA!"
"Ano bang paki mo? Tsk." Bulong ko sabay lakad papasok.
Ipinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang makapasok na kong muli sa bahay kung saan ako lumaki pero hindi naman namin pagmamayari. Natatawa na lang ako sa tuwing naiisip ko iyon.
Dala-dala 'yung basket, naglakad ako sa sala para makapunta sa kwarto kung saan pwede kong plantyahin ang mga dala kong damit. Sa kalagitnaan ng paglalakad, napansin ko ang isang babaeng pababa ng hagdan. Nakatingin ito sa'kin at mukhang may planong lumapit. Nagpanggap naman akong walang nakita.
"Umm, Excuse." Saad nya patungo sa'kin. Wala sana kong balak huminto kaso tinawag nya ang pangalan ko.
"Sarah!" Palihim akong napailing. Kung pwede ko lang sana syang di pansinin. Aisst.
Inayos ko ang sarili ko at marahan syang nilingon. Nakangiti ito habang lumalapit sa akin.
"Umm, Sarah ang pangalan mo, diba? Ang ganda bagay sa'yo. Hehe."
Blanko lang ang ekpresyon ng mukha ko habang nakatingin sa kanya. "Ako pala si Dasuri, asawa ni Kai. Nice meeting you." Inabot pa nito ang kamay nya para makipagkamay.
Pero tinitigan ko lang 'yon. Napansin naman nya iyon at binawi ang kanyang kamay, "Ay, may dala-dala ka nga pala. Sensya na. Umm, nakausap ko 'yung mama mo kanina. Sa kanya ko nalaman na mas matanda pala kami sa'yo ni Kai ng tatlong taon." Ibinaba ko ang tingin ko papunta sa tyan nya. Pansin ko ang umbok sa tyan nito.
Parang may kumurot sa dibdib ko. Hindi kalaunan ay mayroon ding isang lalaking naglakad pababa ng hagdan.
"Dasuri," sabay kaming napalingon sa kanya ng babaeng nasa harapan ko nang marinig ang boses nito.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang mapalingon sya sa akin. Nginitian nya pa ko sabay lakad papalapit sa pwesto ko. Napapikit-pikit ako't biglang kinabahan. Para kong bumalik sa nakaraan.
Pero hindi rin 'yon nagtagal dahil ang akala kong paglapit nya sa'kin, ay isa palang maling akala. Nilagpasan nya lang ako't nagtungo sa tapat ng babaeng katapat ko. Bigla kong naistatwa at nanghina dahil sa nangyari.
"Lalabas lang ako sandali. Kakamustahin ko lang 'yung iba pang mga nagtatrabaho dito. Ang tangal narin kasi since umuwi ako dito. Baka gusto mo sumama?" Pahayag nya habang nakatitig sa babaeng katabi ko. Bahagya naman akong napayuko.
"Ahm..." Sandali syang nagisip bago sumagot sa paanyaya ni Kam-jjong.
"Sige, wala naman akong gagawin dito e." Masigla nitong pahayag. Ngumiti naman si Kai at kinuha ang kamay nya.
"Let's go."
"Paano Sarah, kita na lang ulit tayo mamaya. Bye." Nilingon ko pa sila habang masayang naglalakad palabas ng bahay.
Totoo nga yung sinabi nya. Bumalik sya. Pero mukhang hindi naman ako ang dahilan ng pagbalik nya.
ALLAN
"AHHHHHH. Ang boring! Mukhang sayang lang ang pagpunta ko dito. Wala si Sarah e, wala kong napaglalaruan. Badtrip naman kasi masyadong emotera" tinapon ko yung dahon na subo-subo ko sabay upo sa damuhang hinihigan ko kanina. "Arghhhh." Nagunat pa ko bago luminga-linga sa paligid. Nadako naman ang paningin ko sa isang babae at lalaking magkasamang lumapit sa mga magsasaka.
Binati nila ang mga iyon at masigla naman silang winelcome ng mga tao roon. Napatitig ako sa lalaking matangkad at hindi gaanong kaputian ang kulay ngunit may magandang pangangatawan.
"Hindi kaya.... sya 'yung tinutukoy si Sarah?" Saad ko habang nagmamasid sa mga kilos nya.
"Pero kung tama nga ako. Bakit may kasama syang babae?"
"Aha. Kaya ba nageemote na naman ang babaeng 'yon ay dahil sa babaeng kasama ng kingkong na 'yon? Malamang sa malamang." Kausap ko pa sa sarili ko.
"Umm, exciting 'to. Dumating na 'yung prinsipeng matagal na hinintay ng prinsesang nakakulong sa kastilo. Kaso ang plot twist ng kwento imbes na magkaroon sila ng happy ending, nagkaroon ng bagong bidang babae?" Bahagya akong napangiti.
"Para tuloy gusto kong umekstra sa kwento, at manggulo." Ngumisi ako at saka naglakad patungo sa kinaroonan nila.
Wala kong magawa kaya maghahanap ako nang sarili kong pagkakaabalahan. Hehe.